Kabanata 21: Ang Kasintahan Ni Sandya
[Chapter 21]
Maaga akong nagising kinabukasan, excited akong gumala ngayon sa Cebu!.
" Binibini ika'y gising na pala, akin ka pa sanang gigisingin upang sabihing inaanyayanhan na kayo ng ina't ama na dumulog sa hapag ", salubong sa'kin ni Sanya pagkatapos kong buksan ang pinto para sana lumabas na.
" Ah oo sige tara na ", tanging sagot ko sa kanya, sabay kawit ng kamay ko sa braso nya at nagpa-umunang mag lakad.
Hindi kabilang sa hinagap ko ay, nagulat ako matapos makita kung sino-sino ang nasa table. Kumpleto ang pamilya ni Francis at Sansa 2, bigla namang gumapang ang hiya sa katawan ko. Dahil katulad ng naka-ugalian ko sa tuwing gigising ako ay hindi ako nag hihilamos o nag susuklay man lang ng buhok.
Nahiya ang itsura ko sa pormal at malinis nilang dating!. " Buenos dias hija(good morning daughter) ", bati sa'kin ni mama, nahihiya man ay ngumiti ako sa kanya. Binati naman ako ng iba pang kasama nila mama sa hapag, nakakahiya na ako pa talaga ang nahuli nang gising tas 'di man lang nag-ayos.
" Estunces, ¿cuándo comenzaremos a construir¿el hospital? (So when will we start building the hospital?) ", panimula ni tiyo Simon, habang maarteng kumakain ang karne na naka tusok sa tinidor nya. " Creo que es demasiado rápido deberíamos hablar sobre el fondos primero (I think it's too fast we should talk about the funds first) ", sagot naman ni Don Epifanio, napa tango tango naman si tiyo Simon.
Naka dungaw lang ako sa labas habang patuloy sa pag-andar ang kalesa, hindi ko mapigilang humanga sa bawat sulok ng lugarng Cebu na madadapuan ng mga mata ko. Katulad ng una kong reaksyon matapos akong mapunta sa dating Manila, ay ganito rin sa Cebu.
Walang masyadong building, o kung meron man ay mga nagagarang bahay lamang iyon. Wala pang mga sasakyan na nag papatrafic sa kalsada, kundi panay kalesa lang lahat. " Ah tiya saan pala tayo pupunta? ", tanong ko sa kay tiya Mariana matapos maalalang hindi ko alam ang destinasyon namin.
" Iyon ay surpresa Sandya hindi ko maaaring sabihin ", aniya pa na may malokong ngiti. Napangiti na lang naman ako saka tumango. Magkakasama kaming apat ngayon ni mama, tiya at Sanya, sa iisang kalesa kaya medyo masikip. Habang nakasunod naman sa'min ang isa pang kalesa lulan si Francis, Sansa 2 at ang mga nanay nila. Habang wala naman sina papa, tiyo, at papa ni Sansa 2 at Francis dahil sa pagpapalanuhan nila tungkol sa hospital.
At speaking of Francis, hindi pa 'ko nakaka move forward tungkol sa nangyari kagabi, nakakahiya yun!. Parang gusto ko na lang itong alalahanin bilang isang napaka samang bangungut at sana ganun din silang dalawa.
" Narito na tayo ", bigla ay masayang anunsyo ni tiya Mariana, na nag-pagising sa diwa ko. Iginala ko ang paningin ko sa hinintuan naming lugar, umawang ang labi ko sa mangha at gulat matapos makita ang isang simbahan.
Ang Basílica Menor del Santo Niño ang pinaka-unang simbahan na itinayo sa Cebu at maging sa buong Pilipinas. Grabe hindi ako makapaniwala, narating ko at nasaksihan ang dating itsura ng simbahan, hindi ako Katoliko pero nakakahanga parin na makita mo mismo ng dalawa mong mata ang makasaysayang establiyemento na kung saan ay hindi pa masyadong binalot ng katandaan.
" Halika na Sandya, tayo ay magdadasal pa ", tawag pa sa 'kin ni mama, at ngayon ko lang napagtanto na nakababa na pala sila ng kalesa. May ngiti sa labi akong bumaba, saka sumunod sa kanilang paglalakad. Sumunod naman sa 'min sila Francis.
Namamangha kong sinuyod ng tingin ang kabuuan ng lugar, Spanish na Spanish talaga ang interior design nito, idagdag mo pa ang mahahalatang tibay ng mga pader nito, na gawa sa kung ano mang matibay na mineral.
Nag sign of the cross muna silang lahat maliban sa 'kin bago maglakad papalapit sa altar. Gaya sa modernong panahon ay wala ngayong masyadong tao sa simbahan dahil hindi naman araw ng simba o mísa. Yumuko silang lahat para magdasal, kaya yumuko na lang din ako at magdasal.
Ipinagdadasal ko na sana maayos ang kalagayan ngayon ni Leica, at na sana ay makahanap na 'ko ng paraan para makalabas sa kwentong to. At na sana ay bigyan ako ng lakas ng loob na harapin pa ang mga kababalaghan sa buhay ko na parating pa lang.
Isa-isa silang tumayo lahat , matapos magdasal. Iginiya naman ako ni mama pa sama sa kanila sa may sindihan ng kandila. Walang ni isa man sa 'min ang nagsalita na waring rinerespeto ang ina pang tao sa simbahan na nagdadasal din, mapa kabilang man sa alta sociedad o hindi.
Nagsindi si tiya ng kandila, na agad naman nyang ibinahagi ang apoy nito, sa mga mama nila Francis at Sansa patungo sa kanila hanggang kay mama at kay Sanya at sa 'kin.
Ginaya ko ang ginawa nila, na pansamantalang pumikit at nagdasal, ngunit sa pagmulat ng mga mata ko ay nagulat ako matapos makita ang isang kandila na ngayon ay nakadikit na rin sa kandila ko para kumuha ng apoy. Nang magtaas ako ng tingin upang makita ang nagmamay-ari nito, ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Gaya nang dati ay taglay pa rin nya ang ibang klaseng gwapo. Pero hindi pa rin nito napupukaw ang interes ko sa isang lalake. Marahan nya kong nginitian na para bang sinasabi nyang, ‘makikisindi lang’ pagkatapos ay ipinikit nya na ang kanyang mga mata.
“ Nagkataon lamang na ako'y papunta ng simbahan nang kayo'y akin ding makita papasok, tila mapalad ang aking araw ngayon. Buenos días Señorita ( good morning) ”, sunod nyang wika matapos dumilat, habang taglay ang isang malokong ngiti. Iniiwas ko na lang ang paningin ko at itinayo ang kandilang hawak ko.
“ Buenos días Señorito ”, biglang saad ni mama, na ngayon ay nakangiti na nang malapad. “ Buenos días Doña Eliza ”, bati naman pabalik ni Hastin sabay halik sa kamay ni mama. Buti na lang 'di nya ginawa sa 'kin yun.
“ Sandya, bakit hindi mo ipakilala ang iyong katipan ”, nakangiting ani ni mama, na agad ikinalaki ng mata ko.
“ ma!? ”, nagugulat na protesta ko, tiningnan ko ang reaksyon ng bawat isa, katulad ko ay nagugulat din si tiya Mariana ngunit may ngiting nakasilay sa kanyang mga labi. Sinulyapan ko ng tingin ang mga magulang ni Francis at Sansa 2, at katulad ng kay tiya Mariana ay ganun din ang reaksyon nila. Sunod ko namang pinasadahan ng tingin ay si Sansa 2, taliwas sa inaasahan ko ay, wari pa syang nakangiti at masaya habang taglay ang malokong ngisi.
Na wirduhan man ako sa reaksyon nya ay hindi ko na ito pinansin pa. Nagulat ako matapos makasalubong ang mga mata ni Francis, hindi ko alam pero may lungkot akong nababasa sa mga mata nya. Ngunit agad na syang nag-iwas ng tingin at ayon na naman ang panibagong reaksyon sa mukha nya. Na waring nababagot na.
“ Bakit?, anong meron anak? ipakilala mo na sa kanila ang iyong katipan ”, sagot ni mama, napa sapo naman ako sa noo ko at walang nagawa kundi ipakilala na lang.
“ ahm folks ah esti.. ”, napapahinto ako sa sasabihin ko hindi ko alam kung ano ang dapat kung itawag, 'di ko naman pwedeng sabihin ulit na folks.
“ Buenos días todo el mundo, mi llamo Hastin Mañano. Señorita amigo el Sandya (good morning everyone my name is_ Sandya's friend) ”, pagpatuloy pa ni Hastin, napahinga naman ako ng maluwag matapos nyang sabihin ang katagang Sandya's amigo.
Hindi naman nakatakas sa mga mata ko, ang biglang pagkawala ng saya sa mga mata ni Sansa 2. Ngunit taliwas naman ang kay Francis, dahil muling bumalik ang interesado nyang mukha, at ang pagsilay ng saya sa kanyang mga mata.
“ Oh, ¿es así? Pensé queestabas en una relación,perdón Señorito(Oh is that so? I thought you're in a relationship, pardon me Señorito) ”,nagugulat na paghingi ng paumanhin ni mama, sinuklian naman sya ng isang matamis na ngiti ni Hastin.
“ ah gusto en conocerlo, mi llamo Mariana tía el Sandya ( nice to meet you, my name is Mariana Sandya's aunt) ”, pakilala naman ni tiya Mariana, humalik naman si Hastin sa kamay nya.
Hanggang sa ganun nga ang ginawa nilang lahat, isa-isa silang nagpakilala kay Hastin at malugod naman nya itong kinilala.
Maluwag ang kalesa ngunit pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa gilid ng kalesa, upang maiwasan lang na magdampi ang mga balat namin ni Hastin. Nakakainis naman kasi si mama! pumayag payag pa na, isabay ako ni Hastin sa kalesa nya.
Hindi ko alam kung saan na naman ang punta, namin pero ang tanging alam ko lang ay dadalhin kami ni tiya Mariana sa mga mahahalagang lugar sa Cebu. Excited ako oo, pero ang pakiramdam kung yun ay natatakpan ng pagka-ilang, dahil sa katabi ko na madalas sumusulyap sa 'kin at worse sinasabayan pa nya ng ngiti.
Sana pala talaga ipinagpilitan ko na lang na isama rito si Sanya, kaso nga lang ang galing mang-ship ni mama e kaya ayun, nagtitiis ako ngayon.
“ Hindi naman halatang ika'y hindi nag-sepilyo Señorita ”, bigla ay natatawang wika ni Hastin, liningon ko sya na may nagtataray na tingin.
“ Anong sinabi mo? ”, mataray kong wika.
“ Ika'y kanina pa hindi umiimik Señorita, kaya aking iniisip na marahil ay hindi ka nakapag sepilyo ”, nagpipigil ng tawa na wika nya.
Seriously?anong connect?
Hindi ko na lang pinansin pa sya, mas malala pa pala sya kay Francis. Pinagmasdan ko na lang ang bawat sulok ng lugar na nadadaanan namin, maging ang mga alikabok na nagliliparan dala ng bawat yapak ng kabayo.
Unti-unti ay dumadami na ang mga kalesa na nakakasalamuha namin. Hanggang sa namalayan ko na lang ang paghinto nito.
Sinuyod ko ng tingin ang lugar, at muli ay namamangha kong tiningnan ang mala Binondo version ng Cebu. Ngunit naharangan ang paningin ko matapos lumitaw si Hastin sa harapan ko, na ang kamay ay ngayo'y nakalahad na.
Nag-aalinlangan man ay tinaggap ko na lang ito, at nagpa-alalay bumaba kahit kaya ko naman. Pero ayaw ko naman syang ipahiya.
Pagkababa ay agad akong lumapit kay Sanya, 'saka kumapit sa braso nya na para bang isa akong batang takot malunod, pero ang totoo ay ayaw ko lang talagang kasama si Hastin.
“ Maligayang pagdating sa aming pamilihan ”, masayang wika ni tiya Mariana. Lumapit naman sa 'min si Hastin kasama ang kutsero nyang si Anel, kaya kitang kita ko ngayon ang biglaang pamumula ng pisngi ni Sanya, at ang pag-iwas nya ng tingin.
“ Masyado kang halata Sanya ”, mahina kong bulong sa kanya, na agad ikina kunot ng noo nya. Napatawa naman ako ng mahina sa reaksyon nya, babae nga naman natural na talagang mag maang-maangan pagdating sa nararamdaman.
Nagsimula nang maglakad sila mama at tiya, maging ang iba pa, kaya yun na lang din ang ginawa namin ni Sanya. Habang naiwan naman ang mga kutsero sa kalesa upang bantayan ito, kasama na doon si Anel.
Naunang naglalakad si tiya Mariana, bilang sya rin man lang ang may alam ng lugar habang katabi nya naman si mama. Sumunod naman sa kanila sina Doña Clara, at Doña Imelda na nasa gilid lang nila ang kanya kanyang anak.
Sumunod naman kami ni Sanya, at maging si Hastin na ngayon ay luminya na rin sa 'min sa paglalakad.
" Hindi ko inaasahang mai-ibigan ko ang lunan na ito ”, biglang wika ni Hastin, sabay sulyap sa 'kin na meron na namang mga ngiti.
Muli ay hindi ko na rin lang din sya pinansin pa, wala akong oras sa mga kalokohan nya. Ngunit nagulat na lang ako ng bigla syang lumipat sa tab ko , kaya magkatabi na kaming naglalakad ngayon.
" Wari ika'y mailap Señorita ", ngi-ngisi-ngisi nya pang wika. " Lumayo ka nga sa'kin, 'di ko gusto ang pagdikit dikit mo ”, pagtataboy ko sa kanya.
Hindi lang pala sa modern world lumalaganap ang mga lahing tulad ng higad na unggoy, kundi pati rin pala dito ang kaibahan nga lang ay hindi sya unggoy kundi linta, isa syang higad na linta.
" Paumanhin, ngunit nais ko lamang maging malapit sa iyo magandang diwani ", magalang at malambing nya pang sabi.
Napakamot na lang tuloy ako sa sentido ko, arghh bat ba ang clingy nya?at saka bat ba ganyan sya makatingin?.
Napatigil ako sa paglalakad matapos maalala ang isang bagay.
Sya pala...
Sya pala ang isinulat ko na nakatakdang maging leading man ni Sandya, para hindi nya na kami guluhin pa ni Francis at para maranasan nyang mahalin ng tunay.
Pero ngayon ay mukhang nagsisi na 'ko, dahil ako na ang kinukulit nya.
Ba't ba kasi sa katauhan pa ni Sandya ako napunta?ang daming asungot!.
Ipagpapatuloy…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro