Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20: Panloloko

[Chapter 20]

Matapos ang higit dalawang araw na paglalayag patungo sa Cebu ay finally narating na din namin ito. Ang sakit ng likod ko dahil sa mag-isang araw na pagkahiga matapos mangyari na naman ang bagay na nagbibigay kilabot sa 'kin.

Tanging liwanag ng buwan at nag kalat na lampara lamang ang nag bibigay liwanag sa malawak na asotea pero sa kabila nito ay kitang kita ko parin ang gwapong mukha ni Francis.

"Eres tan hermosa(You're so beautiful)" , bigla nyang wika na naging dahilan sa muling pag likot ng kalamnan ko.

Francis.....

Tila naubusan ako ng salitang nararapat sabihin. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang nanghina ang sistema ko habang tinititigan ang kayumanggi nyang mga mata. Para akong nasa ilalim ng hallucination, na walang ibang ginawa kundi pakatitigan ang kanyang mga mata.

"Singganda ng buwan ang iyong mga mata binibini" , dagdag nya pa, habang mataman pa'rin akong tinitigan. Gusto ko syang hampasin at sabihing napaka bolero nya,pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. "Simpula ng Rosas ang iyong labi", dagdag nya pa at sa pagkakataong 'to ay gusto ko ng mag palamon sa lupa matapos bumaba ang tingin nya sa labi ko. Lalong nanghina ang katawan ko, na para bang hinihigop ng kayumanggi't nakakahalina nyang mga mata ang buong lakas ko.

Ngunit sa isang iglap ay bigla nalang namayani ang isang sigaw sa tenga ko, "magsisisi ka!", sigaw nito at katulad pa'rin ng dati ay nakakakilabot ito.

Ilang segundo lang ay nararamdaman ko na ang side effects nito, nanlalabo na ang paningin ko at unti-unting nawala ang ingay sa paligid. Alam ko sa pagkakataong'to ay babagsak na'ko, ngunit kampante akong hindi ako masasaktan dahil alam Kong andyan si Francis upang saluhin ako.

At hindi nga ako nagkamali, dahil ilang segundo lang ay naramdaman ko ang pag bagsak ko sa bisig ni Francis. "Binibini?",  naguguluhan nyang wika. "Sandya anak!", bago ko maipikit ng tuluyan ang mga mata ko ay narinig ko ang natatarantang boses ni papa.

Bumabalik na naman ang mga katanungan ngayon sa isip ko. Mga katanungan na tila malabong mabigyan ng kasagutan. Ang boses na iyon na paulit-ulit bumubulong sa'kin ay katulad ng boses ng lolang nag bigay sa'kin ng weird notebook.

Posible kayang sya ang dahilan ng lahat ng ito?.

Nabalik ako sa ulirat matapos maramdaman ang mahinang pagyuyug ng sino man sa braso ko. Nang magtaas ako ng tingin sa gilid ko, ay nakita ko ang mga nanunuway na tingin ni mama. Iginala ko ang paningin sa paligid ko at doon ko lang napagtantong nagkakaroon na ng pila ng mga tao sa likod ko, dahil sa nagawa kong pag harang sa daanan. Nahihiya akong tumabi at humingi ng pasensya isa-isa sa kanila, at tanging tango lang ang sagot nila habang ang iba naman ay kunting muwestra lang ng kamay na ibig sabihin ay ayos lang.

"la hija de Sandya es hay un problema?(Sandya daughter is there a problem?)",  tanong pa sa'kin ni papa, agad naman akong napailing at ngumiti ng marahan para 'di  na sya mag-alala pa. "Estas sigura?(are you sure?)",  Paninigurado pa nya, at sa ikalawang pagkakataon ay tumango na naman ako at ngumiti ng marahan. Lumingon ako sa bandang likod namin at doon ko lang napag tantong kasama rin pala namin ngayon ang pamilya Verano at Rasonable na naka tayo lang din at nakatingin sa'min na tila ba naghihintay ng hudyat para maglakad.

Bigla ay may humawak sa mga Kamay ko at nang tingnan ko kung sino ang nag mamay-ari nito ay si mama lang pala.

"MARIANA!", sigaw ni mama na ngayon ay naka sentro na ang paningin sa may hintayan ng daungan habang nakakaway sa ale'ng nakatayo doon. Nagmamadali syang naglakad papunta roon habang hawak hawak pa'rin ang kamay ko,kaya wala akong nagawa kundi sumabay nalang din kahit pa minsan ay nahihila nya na ako.

Pagkarating ay agad silang nag yakapan nung ale, habang si papa naman ay yumakap din sa manong na kasama nung ale. "Ako'y labis na nagagalak at nasilayan kong muli ang iyong wangis kapatid", wika pa nung ale kay mama sabay haplos ng marahan sa pisngi ni mama. So mag kapatid sila ni mama?Pero di naman sila mag ka mukha, at isa pa sa pagkaka-alala ko ay wala akong isinulat na may kapatid si Doña Eliza.

Hayst sa pagkaka-alala—mabuti pa yung bagay na yun maalala ko pa,pero ang takbo ng buong kwento?hindi na.

"Sandya bumati ka sa iyong tiyo at tiyo", biglang wika sa'kin ni mama, napahiya man ay muli kong ibinaling ang tingin sa umanoy tiyo at tiya raw ni Sandya. Lumapit ako isa-isa sa kanila at nag mano. 

""Oh, ¿entonces esta es Sandya ahora?¡Había crecido tan bien! Hasta el puntoque casi no puedo reconocerella (Oh so this is Sandya now?she'd grown so well! to the point that I can't almost recognize her)", komento pa nung umanoy tiya ko raw, " Precisamente pero ellasigue siendo la misma jovencita bonita(Precisely but she's still the same young pretty lady)", dagdag pa nung tiyo ko rin daw. Wala naman akong ibang maisagot kundi isang matamis na ngiti lang.

" Bueno, ¿qué esperamos?Nuestra belleza poseída es hereditaria(Well what do we expect?our possessed beauty is heritable)",  mayabang pang sagot ni mama, na nag patawa naman sa kanilang lahat.

" Está bien, essuficiente, por cierto Simon,(Alright that's enough, by the way Simon how's your life here?  ", wika pa ni papa. Lumingon ako sa likod ko at andun na pala silang lahat.

" Todavía como a lavieja usanza, por ciertohablemos de eso cuandolleguemos a casa, ¿ahorasolo amigos?(Still like the old way, by the way let's talk about it when we reach home, now I just want to welcome my friends, how are you my friends?, " Magiliwng wika ni tiyo Simon sabay yakap isa-isa kay Don Roberto at Don Epifanio.

" Buenas tardes bienvenidoa Sugbu, esta es mi esposa Mariana(Good afternoon welcome to Cebu, this is my wife Mariana", pakilala ni tiyo Simon matapos lumapit dito. Naki pag Kamay naman sila Don Epifanio at Don Roberto sa kay tiyo. Habang bumeso naman si tiya Mariana sa kanila isa-isa

Malalim na ang gabi ngunit heto pa'rin ako at panay galaw lang sa kamang kinasasadlakan ko. Nang dumako ang tingin ko sa tabi ko, ay nakita ko ang maamong mukha ni Sanya na ngayon ay mahimbing na ang pag kakatulog.

At dahil hindi ako makatulog ay bumangon nalang ako at nag tungo sa bintanang meron ang kwartong tinutuluyan namin ni Sanya. Nang buksan ko ito y sumalubong sa'kin ang malamig na ihip ng hangin, na nag hatid sa'kin ng masarap na pakiramdam. Inihilig ko ang dalawa kong siko 'saka ipinatong ang mukha ko.

Mula sa bintanang kinaroroonan ko, ay kitang kita dito ang maliwanag na buwan na dahilan kung bakit hindi masyadong madilim ang paligid. Dinadama ko lang ang lamig ng hangin at ang masarap sa mata na buwan, kahit pa hanggang ngayon ay pagod pa'rin ang katawan ko mula sa ilang araw na byahe sa barko.

Habang tinititigan ang buwan ay biglang may pumasok sa'kin na ala-ala.

"Sing ganda ng buwan ang iyong mga mata".....

Muli ay lumilikot na naman ang kalamnan ko, bakit parating ganito?bakit kailangang sabihin mo sa'kin ang mga katagang iyon?.

Para na akong ma pa-praning, grabe hindi ko ma-imagine na sinabi nya talaga yun, at lalong lalo pa habang nakatitig sa mga mata ko!. Hindi naman ako manhid para hindi ma intindihan ang mga gusto nyang ipahiwatig. Pero parang kahit sarili ko ay ayaw iyong paniwalaan.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, at dinamdam na lang lalo ang malamig na hangin, habang pilit na pinapakalma ang kalikutan ng kalamnan ko. Namumuo na ang 'unting hamog sa mga mata ko dahil sa lamig, pero hindi ko ito alintana dahil parang nakakatulong pa ito para gumaan ang pakiramdam ko.

Sa pag mulat ng mga mata ko ay, ang maliwanag na buwan na naman ang sumalubong nito. Perl bigla ay tumuyo ang lalamunan ko hudyat na nau-uhaw ako. Kaya naisipan ko munang bumaba na muna para uminon ng tubig.

Hindi kagaya sa hallway ng bahay namin ay higit na mas maraming lampara ang nakapaligid dito. Malawak din ang hallway dahil taglay ng second floor ng bahay'ng ito ang pitong kwarto na ngayon ay okupado na lahat. Dahan dahan akong naglakad sa mahabang hallway, maingat ang bawat hakbang ko para hindi maka gawa nang ano mang ingay, na maaaring maging dahilan para magising ko ang mga natutulog sa bawat kwartong na dadaanan ko.

Tagumpay akong naka baba nang hindi gumagawa ng kung anong ingay. Una kong inapuhap ng mga mata ang daan patungo sa kusina. Hindi naman ako nahirapan dahil may dalawa namang lampara na naka kabit, sa bawat palikong dingding. Nang tuluyang matanaw ang malaking garapon ng tubig, ay napalunok na lang ako ng laway ko. Nag tungo ako rito at nagsalin sa baso, dalidali ko itong tinungga na para bang ilang araw akong hindi naka inom.

Nag lakad na ako pabalik sa sala ng bahay, ngunit agaran akong napa hinto matapos marinig ang tila nag-uusap na mga tinig. Pinakinggan ko ito nang mabuti at pilit tinutukoy ang pinagmulan nito. Nang matukoy kung saan ay dahan dahan akong naglakad patungo dito. Muli ay maingat ang bawat hakbang ko upang hindi makagawa ng ano mang ingay, na maaaring maging dahilan para mapansin nila ang paglapit ko.

Dinala ako ng ingay sa asotea, nagtago ako sa may bukana ng dalawang pader dito habang taimtim na nakikinig. Hindi naman ako tsismosa pero parang nai-intriga lang kasi ako kung sino ito at kung ako ang pinagu-usapan nila. At siguro hindi naman nakiki tsismis ang tawag sa ginagawa ko, dahil wala pa naman akong narinig muli, mula nang dumating at magtago ako sa pader.

Ilang minuto ko pang pinahaba ang pasensya ko, matapos mawala ang mga boses, bago may muling magsalita.

"Patawad binibini",  boses ni Francis, lalo namang gumapang ang curiosity sa sistema ko.

Sino ang kausap nya? ba't sya humihingi ng tawad?

Ilang segundong tumahimik ulit ang paligid matapos mag salita ni Francis na hindi na nasundan pa. Silipin ko na sana kung sino ang kausap nya dahil hindi na mapirme ang kaluluwa ko. Pero naudlot ang balak ko nang bigla nalang at narinig ko ang mahiyang pag-iyak nat tila ba pinipigilan pa ito.

"Binibini?bakit ka tumatangis?", tanong pa ni Francis, na lalo pang dumagdag sa kuryusidad ko.

Pwede kayang si Sansa 2 ang kausap nya?at ang umiiyak ngayon?kigwa!hindi pwede! Ba't nya pinaiyak yung fictional na ako?.

Naramdaman ko nalang ang Pag ragasa ng emosyon ko at ang kagustuhang sugurin na si Francis.

Walang ano-ano'y lumabas na'ko sa pinagtataguan ko't agad naglakad patungo sa kinaroroonan ni Francis. Nakahawak ang isang Kamay ni Francis sa balikat ni Sansa 2 habang nakatungo ito at mahimik na umiiyak. Mukhang hindi nila pansin dalawa ang papalapit kong presensya.

"Hoy!", agad kong bulyaw kay Francis,sabay tanggal ng kamay nya sa balikat ni Sansa 2. Naguguluhan nya naman akong tiningnan na para bang hindi sya makapaniwala. "Binib—"pinutol ko na ang sasabihin nya, at dinuroduro ko sya sa mukha nya.

" Hoy kigwa kang Francis ka! Anong ginawa mo at umiiyak ngayon si Sansa ha?nagloko ka ba?aba aba hanep ka rin e no?hoy baka gusto mong ipaalala ko sayo na ginawa kitang may prinsipyo, paninidigan, maginoo at may isang salita. Ngunit ano tong ginagawa mo ngayon ha?pinapaiyak mo ang babae wala kang kwenta!manloloko ka! naku!sabi ko na nga ba pare pareho lang kayong mga lalake mga cheater!. Feeling nyo ang gwapo gwapo nyo na at to the max na ang confidence level nyong mangloko ng babae?!ang kapal kapal ng mukha mo singkapal ng kalyo mo sa paa!", galit kong bulyaw sa kanya habang dinuduro-duro pa'rin sya.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ko, pero sa tingin ko ay ang makita ang fictional na ako na umiiyak dahil sa niloko ay sapat na.

Tahimik na naka tulala lang si Francis, na para bang napagtanto nya na ang lahat ng kalokohan nya dahil sa maikling sermon ko.

"P-paumanhin ngunit binibini ano ang iyong sinasabi?", naguguluhan nyang tanong, na para bang isang kababalaghan ang sinabi ko sa kanya. Pero sorry sya dahil hindi nya'ko madadala sa mga kasinungalingan nya, ganyang ganyan din ang reaksyon ng lahat ng lalake kapag nahuhuli sila ng nobya nila na may kaharutang iba, magkukunwari na walang alam.

"P-paumanhin ngunit binibini ano ang iyong sinasabi?", sa inis ko ay ginaya ko nalang ang sinabi nya maging ang tono nito.

"Sandya, tila nagkakamali ka sa iyong iniisip", suway pa ni Sansa 2, pareho lang pala to sila ni Leica e, ang tatanga. Umikot ako para harapin ang tangang Sansa 2.

"Anong nagkakamali?e narinig ko mismo ang pag-hingi ng tawad ni kigwang Francis sayo at ang pag-iyak mo, naku ako pa talaga ang niloloko mo ha", nakasapo sa noong wika ko, umiling iling naman ang tanga. "Humihingi ako ng tawad sapagkat hindi sinasadyang naapakan ko ang kanyang paa", sambat pa ni Francis, parang gusto ko nalang magpa lamon sa sementong kinatatayuan ko.

"Ako naman ay tumatangis sapagkat ako'y nagagalak lamang sa inihandog ni Ginoong Francis", wika ni Sansa 2, sabay hawi ng buhok nya sa leeg dahilan para tumambad ang isang napakagandang kwintas. Para akong nanigas sa hiya, at tila naubusan ng salita, matapos mapagtantong mali nga ako.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit may lungkot akong nararamdaman matapos kong mapagtanto na binigyan pala ni Francis ng kwintas si Sansa 2. May kung ano sa loob ko na parang nadurog, nasasaktan ako.

Pero bakit?

Ipagpapatuloy…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro