Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18:Kikiam

[Chapter 18]

Marahan ang ihip ng may katamtaman na init na hangin,at napaka sarap sa pakiramdam ang bawat haplos nito sa aking balat. Grabe!hindi ko naiimagine na mararanasan ko ang ganito,first time kong sumakay ng barko at lalong lalo na at ito'y papunta pa sa Cebu,my dream city!gosh I'm so excited na!..

"Tila ika'y maligaya anak ko" wika ni papa,kaya umikot ako sa banda nya,upang makita lamang ang nakangiti nyang mukha. Lumapad naman lalo ang ngiti ko saka tumango,"ah oo po papa,ang ganda po pala talagang sumakay ng barko pag ganito" patungkol ko sa pwesto ko ngayon na naka extend ang mga kamay,at waring niyakap ang bawat ihip ng hangin, matapos Kong ibalik muli ang tingin sa malawak na dagat.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni papa, "ako'y nagagalak din anak ko,sapagkat ngayon ko lamang nasaksihan ang labis mong saya"wika nya pa, napangiti naman ako ang sarap lang sa pakiramdam na tinatawag nya Kong anak ko,kahit hindi talaga halata o bagay sa strikto at puno ng awtoridad na katulad nyang tao ang mga paglalambing kagaya niyon.

"HENERAL MARCELO"bigla ay may tumawag sa kanya, napalingon ako sa pinanggalingan ng boses,upang makita lamang ang mga nakangiting ama nila Francis kasama ang ama ni Sansa 2. Tinapik muna ni papa ang likod ko sabay paalam na pupuntahan ito,tumango nalang ako sa kanya saka ibinalik ulit ang tingin sa malawak na dagat.

Ang magkahalong kulay kahel na reflection ng sunset sa asul na dagat,ay wari walang katapusan ang kagandahan. Inextend ko ang dalawa kong kamay muli,saka may ngiting sinalubong ang bawat pag ihip ng hangin sa balat ko,na wari ba ay sinasalubong din ako nito. Napakaperpekto na para sa'kin ang sandaling ito, pansamantala kong nakalimutan ang mga tila walang kalutasan kong mga problema. Naka pikit lang akong dinama ang sarap ng simoy ng hangin sa dagat,medyo amoy malansa ito pero para sa'kin ay napakabango parin niyon.

" Binibini —"bigla ay na out balance ako ng may magsalita sa bandang tenga ko,napa sigaw pa'ko sa gulat at napapikit sa takot na baka sa dagat na ang bagsak ko, na sa dulo pa man din ako ng barko. Ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman na nabasa ako,o nahulog man lang. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko,upang makasalubong lamang ang mariing tingin ni Francis. Dahil sa gulat ay nahampas ko sya sa bandang dibdib nya,na sana pala ay hindi ko ginawa matapos kong maramdaman ang katigasan nito. Biglang nag likot ang kalamnan ko ng matapos ay suyurin nya ako ng tingin,ang mga mata ay nanguwe-ngwestyon,siguro ay iniisip nya na ngayon na napaka pusok ko.

"Binibini ikaw ba ay ayos lang?marahil ay aking naabala ang iyong napakagandang sandali"wika nya pa,habang ako naman ay hindi na magawa pang mag angat ng tingin dahil sa hiya. Pinilit Kong bahagyang mag taas nang tingin,upang makita lamang ang nakangisi nyang mukha.  Kahit kailan talaga pahiya sya! "Ano bang ginawagawa mo dito at dahil na naman sayo ay muntikan na'kong mahulog"pagsusungit ko pa,lalo namang lumapad ang kanyang ngisi.

"Sinalo naman kita aking binibini"ngingisi ngising wika nya pa.

Sinalo naman kita aking binibini,bakit parang may laman?bakit parang double meaning?

Sa ikaapat na pagkakataon ay iyo nga akong sinalo,pero ito na nga ba ang huli?na mahuhulog ako?

Narito na naman ang paglilikot ng kalamnan ko,"hoy Francis tigil tigilan mo nga ako sa mga banat mo"asar kong wika sa kanya sabay duro habang pilit na binabaliwala ang paglilikot ng kalamnan ko,pero napakagat lang sya sa ibabang labi nya nagpipigil ng tawa.

Mala Rosas ang kulay ng kanyang mga labi,at napakalambot nitong tingnan napakasarap hal— teka nga! ano ba tong iniisip ko? Smurfs!parang ang manyak ko lang sa panahong to.

"Ano ang ibig sabihin ng banat binibini?"nagpipigil ng tawa nya paring sabi,ano bang nakakatawa?may ubo ata to sa utak e.

"Ewan ko sayo maiwan ka nga,o eto"pagsusungit ko sabay abot ng isang piso sa kanya. Binigyan nya naman ako ng nagtatakang mga tingin. "Ano ang aking gagawin dito binibini?" Naguguluhan nya pang tanong, napangisi naman ako bago nag salita,"humanap ka ng kausap mo"pilosopong wika ko.

"Ano naman ang aking gagawin sa salaping ito binibini?"parang kinder nyang tanong,napa sapo naman ako sa noo ko. Wala na palpak na ang pamimilosopo ko, ba't ba naman kasi ang hina ng humor nito,isama mo narin ang IQ. "Tsk gamitin mo yan pambili ng kausap,wala Kang kwentang kausap e"pilosopong wika ko, napatango naman sya at bigla nalang yumuko saka ibinaling ang tingin sa dagat.

Problema nito?

Nang silipin ko sya ng tingin ay ayun na ang pamamayani ng kalungkutan sa kanyang mga mata. Nakonsensya naman ako bigla,dahil baka sinersuyo nya yung sinabi Kong wala syang kwentang kausap,mahina pa naman humor nito at IQ hindi alam kung kailan nagiging sarcastic at nagbibiro ang tao. Ipinatong nya ang dalawa nyang siko sa barricade ng barko,saka pinag salikop ang mga palad nya at maiging tinitigan ang ganda ng kalmadong dagat. Nakakahanga lang na kahit hapon na ay parang walang high tide dito.

"Kung ika'y papipiliin binibini,ano ang iyong pipiliin,ang pagsikat ng araw o ang paglubog ng araw"maya maya'y tanong nya sa tonong malungkot, mukhang nag dadrama na naman si Francis. Napangiti naman ako sa tanong nya,iyon ang tanong na pinaka gusto ko sapagkat feeling ko ang ganda lang ng prinepare kong answer para dito.

"Salamat sa iyong napaka gandang katanungan. Kung ako man ay papipiliin sa dalawa ay pipiliin ko ang pag lubog ng araw da—"ganadong sagot ko,na naputol lang matapos syang sumabay sa pagsasalita. "Bakit?"pamputol nya sa momentum ko,napakamot naman ako sa ulo ko saka ngumuso tingnan mo to di maka pag hintay. Napatawa naman sya ng mahina,oo na nga? ipagpapatuloy ko nalang.

"Dahil para sa'kin ang pag lubog ng araw ay nagpapaalala na,kahit puno man ng pagsubok ang buhay at sakit,ay hindi naman ito matatapos sa ganyan. Dahil katulad ng ganda ng liwanag na binibigay ng papa lubog na araw,ay ang mensahe at pagpapaalala din nito sa'tin na ang buhay ay hindi natatapos sa problema at kalungkutan,at ipinapaalala din nito,na may isang maganda at puno ng pag-asa na bukas pa tayong aabangan at sasalubungin" confident Kong sagot napa tango tango naman sya, halatang kumbinsido at nagandahan—well dapat naman talaga.

"Ngayon ay akin ng nauunawaan  kung bakit mas maganda ang papalubog na araw" nakatangong wika nya,na pumukaw sa curiosity ko. "Bakit?"maiksing tanong ko, tiningnan nya naman ako saka marahang ngumiti, ba't ba may pangiti ngiti tong nalalaman?.

"Noon ay aking inakala na mas maganda ang papasikat na araw,dahil wari ito ay nagsasabing magsisimula na naman ang panibagong yugto ng iyong buhay,na iyong nararapat harapin na puno ng pag-asa at tapang. Ngunit mukhang ako'y nag kamali sapagkat mas maganda parin ang iyong katuringan sa papalubog na araw"nakangiting wika nya,well may point naman yung definition nya,e yun nga lang ano bang ibig sabihin ng katuringan?nakakahiya sa sarili ko ako ang pure Filipino at ako pa ang lumikha sa kanila tapos ako pa yung hindi marunong sa mga malalalim na tagalog.

"Ginoong Francis,ika'y narito lang pala,kanina pa kita hinahanap ika'y pinapatawag ng iyong ina"biglang wika ni Sansa 2,sabay Kawit ng Kamay nya sa naka diskansong Kamay ni Francis. Okay oo na, siguro dapat na'kong masanay sa pag ka clingy ng fictional na ako,kahit di naman talaga ganyan yung isinulat ko.

"Gayon ba binibini?muchas gracias (thank you) sa iyong pagpapa alam,kung gayon ako'y tutungo na, kayo'y maiwan ko muna mga binibini"paalam pa ni Francis,tumango naman ako sa kanila. Ilang segundo matapos nagsimulang maglakad si Francis papa alis,ngunit nandito parin si Sansa 2,akala ko pa naman sasama sya kung makahawak kasi e parang ayaw na bumitaw. Pero syempre biro lang yung sinabi ko,ayaw ko syang siraan dahil magmumukha akong tanga,na sisiraan ang sariling ako.

Akmang aalis na'ko matapos makaramdam ng pag kulo ng tyan, pero nahinto ako ng mag salita si Sansa 2 sa tabi ko na ngayon ay nakatanaw na sa malawak na dagat. "Hindi mo man lang ba ako sasamahan Sandya?"wika nya,kaswal lang naman ang pagkakasabi nya pero bakit para sa'kin ay tunog sarkastiko ito?.

Muli akong humarap sa kanya, saka nag pagkawala ng isang marahan na ngiti. "Ah kakain muna ako ginutom ako bigla e"natatawa ko pa kunwaring ani,ngumiti naman sya sa'kin ng matamis pero hindi iyon umabot sa mga mata nya.

"Marahil ay matagal kayong nag-usap ni Francis Sandya para gutumin ka ng ganyan" biro nya pa,pero naamoy ko ang pagkasarkastiko nito.

Ngayon alam ko na nga,kung bakit nag bago na naman ang timpla ng pakikitungo nya sa'kin.

"Ah ano kaba naman hindi lang talaga ako kumain ng tanghalian kanina"natatawa ko pang biro,kunyare sabay sampal sa braso nya ng mahihina.

Sinuklian nya naman ako ng isang ngiti,ngiti  na ngayon ay may bahid na ng katotohanan,siguro naman ay kumbinsido na sya at hindi nya na ako pagseselosan.

"Halika kumain nalang tayo,naku!gutom na gutom na'ko"natatawa ko pang wika sa kanya sabay hawak sa kamay nya at bahagyang hinila sya,wala naman syang nagawa kundi mag pati anod nalang.

"Binibini,kayo po ay hindi kumain ng tanghalian, kayo'y kanina pa inapuhap ng iyong ina ngunit kayo'y hindi mahagilap,saan ka po pumaroon?" Salubong samin ni Sanya, pagkarating namin ni Sansa 2 sa suite namin. Napangiti naman ako sa isip ko,talaga ngang mapalad ako sa araw na ito at sinupurtahan pa ni Sanya,ang sinabi ko kanina dahilan para mas magmukha pa itong totoo at para mas makumbinsi ko pa si Sansa 2.

"Teka naman Sanya,isa isa lang mahina ang kalaban"pabirong wika ko,napa yuko naman sya saka humingi ng paumanhin. Ayst para rin palang si Francis si Sanya ang hina ng humor nya,nagbibiro lang naman ako e.

"Ano kaba naman okay lang iyon,asan nga pala si mama?"nakangiting tanong ko sa kanya,iminuwestra nya naman ang kwarto nila ni mama at papa.

"Marahil ay natutulog po ang Doña binibini"wika nya pa, napatango nalang naman ako sa sinabi nya.

"Ah Sansa,may tanong pala ako sa'yo"Maya maya'y wika ko kay Sansa 2,pagkarating namin sa dinning area ng suit. Umupo sya sa isang wooden chair,bago muling ibinalik ang tingin sa'kin. "Ano iyon Sandya?"balik nyang tanong. "Ah ano pala ang iyong paboritong kakanin?tanong ko sa kanya,alam kong nonsense ang tanong ko pero gusto ko lang namang malaman kung tuluyan na nga rin bang nag bago ang personality nya.

"Ah ang a-aking paboritong meryenda,ay isang pagkain mula sa mga intsik"sagot nya,okay that explains na.

"Ang k-kikiam?"muli ay patanong na dagdag ni Sansa 2 na syang ikinagulat ko. Anong kikiam? Siopao dapat!.

Di kaya talagang nag bago ang fiction character na ako?

Ipagpapatuloy…

Binibining Jezzeii,

        Pasensya na kayo at oo alam kong masyadong walang laman ang kabanatang ito, sadyang sabog lang talaga ang utak ko ngayon. Ngunit huwag kayong mag-alala at sa susunod na kabanata ay pag-iigihan ko pa ang pag-iisip ng ilalaman ko sa mga kabanata. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro