Kabanata 17:Sugbu
[Chapter 17]
Nagising ako dahil sa sakit ng liwanag na tumatama ngayon sa paa ko. Nakakasilaw na liwanag agad ang sumalubong sa mga mata ko pagka bukas nito,kaya bahagya kong naiharang ang isa Kong kamay sa mukha ko upang matakpan ang liwanag. Nang nasanay na ang mga mata ko ay, naglakad ako patungo sa bintana Kong nakabukas pala, mukhang nakalimutan ko itong isara kagabi.
"Binibini?kayo ho ba ay gising na?"tanong ni Sanya,sabay katok sa pinto ng kwarto ko. "0o" maikling sagot ko rito,narinig ko naman ang pagbukas ng door knob sa kwarto ko. "Hinihintay na po kayo sa hapag ng iyong ama't ina,may pupuntahan raw kayo binibini"wika nya pa napakunot naman ang noo ko,ano na naman kayang mangyayari sa kabanatang to?.
"Sge pakisabing saglit lang magbibihis muna ako"bilin ko sa kanya saka dali daling,kinuha ang roba ko at nagtungo sa banyo. Habang naliligo ay naglalakbay naman ang isip ko,nasa anong kabanata na kaya ngayon?. Binilisan ko na lang ang pag ligo ko at pansamantalang isinantabi muna ang mga iniisip ko.
Nagsuot ako ng roba bago lumabas sa banyo,at nagtungo sa closet ko. Since may pupuntahan naman daw kami ngayon,ay napili Kong suotin ang isang damit pang Europa,kulay asul ito na nagagayakan ng mga hiyas,at abot hanggang paa ko ang haba nito. Grabe!first time Kong makapag suot ng ganitong damit,ang sikip pala!dahil talagang hapit na hapit ito sa katawan ko,bahagya pang maluwag ang dibdib nito,na sadyang idinesenyo para sa mga malalaki ang harapan,at wala namang problema sa'kin dahil hindi naman ako pader.
"Buenas días mama,buenas días papa(good morning mother,good morning father)" bati ko sa kanila pag kadating ko sa mesa,kahit papano ay nasanay na naman ako na tawagin silang mama at papa,sa totoo nga ay napakasarap sa pakiramdam niyon.
"Buenas días hija(good morning daughter)" sabay nilang bati,saka nilagyan ni mama ng pagkain ang plato ko. "Ah ma san po pala tayo pupunta?" Tanong ko pa nang magsimula na silang muli kumain, tinitigan naman ako ni mama na para bang hindi sya maka paniwala sa sinabi ko. "Anak iyo bang nakaligtaan?"patanong na sagot ni mama,napa kunot naman ako ng noo iniisip kung ano ba ang mangyayari ngayon sa kabanatang ito na hindi ko rin naman alam. "Tayo ay tutungo ng sugbo(Cebu)upang dalawin ang iyong tiyo Simon, siya'y magdiriwang na ng ika 60 na kaarawan"pagpapaliwanag pa ni papa,lalo namang napakunot ang noo ko.
Kung gayon ay makakapunta ako ng Cebu ngayon?,at teka talagang isinulat ko to?ano namang magiging ganap sa Cebu?. Para akong tangang tanong ng tanong sa isip ko, pano'y mukhang tuluyan ng nabura sa ala ala ko ang mga pangyayari sa loob ng nobelang ito. "Anak ikaw ba ay nakapaghanda na ng iyong gamit?"Maya maya'y tanong ni mama na nakapag pagising sa ulirat ko. Tiningnan ko naman sya,siguro nga ay ganun na ako katagal na tulala para manga lahati na sya sa pagkain nya,matapos ko itong makita ng mahagip ng paningin ko.
"Hindi pa po mama" nahihiyang wika ko sa kanya."aba e bakit naman?noong isang linggo pa ay alam mo na ang tungkol dito ngunit bakit ngayo'y hindi ka parin naka paghanda?"sambat naman ni papa,napayuko naman ako,ano bang palusot ang sasabihin ko?. "Ah nakalimutan ko lang po paumanhin,mag hahanda nalang po muna ako" wika ko,habang pilit inaalis ang tingin sa nakakatakam na lechon manok.
"Aba'y kumain ka muna Sandya,mamaya kana lamang maghanda, at sa alas dyes pa lang naman ang ating alis,kaya umupo kana at kumain muna" suway ni mama kaya agad akong napa balik sa pagkaupo. Alas dyes palang naman pala,e mukhang alas syete pa lang naman ngayon. Kaya umupo nalang ako ulit at lumamon este kumain.
Abala ako ngayon sa pag lalagay ng mga damit ko sa isang itim na medyo may kalakihan na briefcase. Medyo nahirapan ako sa pagsisilid dahil sa suot ko na kulang nalang ay sakalin ako dahil sa higpit nito, ba't ba naman Kasi ako nag suot ng ganito?. "Binibini pinapatanong po ni heneral Marcelo,kung kayo ay tapos na sa pag sisilid ng iyong mga dalahin" tanong pa ni Sanya ng minsan syang pumasok sa kwarto ko na walang katok katok.
"Pakisabi kunti na lang, malapit na 'ko matapos" sagot ko sa kanya ,yumuko naman sya bago umalis. Feel ko tuloy para akong isang aristocrat sa panahong to,yumuyuko ba naman bago umalis.
Nang mailagay ko ang kahuli hulihang damit na kailangan ko,ay agad na akong nagtungo palabas ng kwarto ko at bumaba. Pero natigilan ako matapos makita ng dalawang tao na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon. "Magandang umaga binibini, magandang umaga Sandya" sabay nilang bati, inilagay pa ni Francis ang sumbrero nya sa dibdib,habang si Sansa 2 naman ay bahagya lang yumuko,as a sign of respect.
Tumango muna ako habang iniisip ang mga angkop na sagot,gaya ng kung babatiin ko ba sila pabalik o tatanungin kung anong ginagawa nila dito -dahil hindi ko parin inaasahan ang pag dating nila. "Magandang Umaga sa inyo" tanging na sagot ko. Umupo naman na sila pabalik sa couch,"bakit nga pala kayo nandito?"sa wakas ay tanong ko,nagkatinginan naman silang dalawa bago nagsalita.
"Kami ay tutungo rin ng sugbo,upang maki diwang sa kaarawan ng iyong tiyo Simon,sapagkat pupunta din doon ang aming mga ama na matalik nitong kaibigan" si Sansa 2 ang sumagot napatango naman lang ako. Matalik na magkaibigan pala sila?hindi ko maalalang sinulat ko iyon. Hindi ko nalang pinansin ang mga katanungan sa isip ko, ganito na nga siguro nakalimutan ko na nga ang mga mangyayari sa nobelang ito.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may dalawang kalesa ang huminto sa harap ng gate ng mansion. Bumaba sa isa si Don Epifanio at ang asawa nitong si Doña Estella na lulan nito,Sumunod namang bumaba sa isa si Don Roberto at Doña Clara, para talaga silang mga totoong magulang ko,gusto ko sanang tumakbo patungo sa kanila at yakapin sila,kaso baka napahiya na naman ako. Kung gayon ay nauna palang dumating dito ang dalawa?.
"Maligayang pagdating sa aming tahanan, mi amigos at mi amigas(my friends) pase(come in)" masayang salubong ni papa sa kanila,hindi ko naman maiwasang paka titigan si Don Roberto at ang asawa nito. Sabay kaming napa tayo nila Francis ng dumating sila sa harap namin bumati ako sa kanila ng magandang araw habang ang dalawa naman ay kinausap ng kaniya kaniya nilang magulang.
Nagtungo nalang ako Kay mama sa kusina upang tulungan sya sa mga hinahanda nitong tsaa at upang matanong na din sya. "Tamang tama anak,halika't ako'y iyong tulungan sa pagdala ng mga ito" wika nya pa na may mga ngiti sa labi,kung pagbabasehan ko ang mga mata nya at ang mga ngiti nya ay masasabi Kong ang saya nya lang ngayon. Tumango ako sa kanya saka lumapit,hindi pa naman sya tapos sa pagtitimpla kaya tinitigan ko nalang ang mga ginagawa nya.
"Ahm mama bakit po pala kasama natin ang pamilya nila Francis at Sansa 2-ah este Sansa" nakangiting wika ko sa kanya. Inilapag nya naman muna ang kutsarita bago tumingin sa'kin at sumagot."sila ay mga matatalik na kaibigan ng iyong tiyo,iyon rin bang nakaligtaan na?"patanong nyang sagot napakagat naman ako sa ibabang labi ko,nakalimutan ko palang isama ito sa sinasabi ko kanina.
"Ah hindi naman po"tanging naisagot ko dahil tila kinapos na'ko ng idudugtong. Tumango naman sya saka nagpatuloy,"bukod doon ay mag pupulong din sila,ukol sa bahay pagamutan na ipapatayo ni Don Epifanio kasama nila Don Roberto at ng iyong tiyo" wika nya,napa isip naman ako. So mag tatayo sila ng hospital sa Cebu?ano namang kinalaman ng tiyo ni Sandya sa bagay na yun? tanong ko pa sa isip ko. At dahil hindi ako makatiis ay isinatinig ko na ang huling katanungan ko sa isip ko,"ma bakit po kailangan pa ang-ah si tiyo Simon mag aambah din ba po sya sa pagpapatayo?"parang batang tanong ko pa,"Sandya iyo naba talagang nakakaligtaan ang iyong tiyo?siya ang gobernadorcillo ng sugbu kaya nararapat lamang na kanyang malaman ang tungkol sa bahay pagamutan"wika nya sa tunong nanunuway,napa sapo pa sya sa noo nya. Ganun ba talaga ka close si Sandya at ang tiyo nya para maging ganoon ang reaksyon ni mama?. "O sya halika na nga at atin ng dalhin ang mga tsaa sa mga panauhin"yaya nya pa kaya wala na akong magawa kundi kuhanin na at dalhin na lang ang mga natirang tasa.
Pagkarating sa asotea ay nag usap usap muna silang mga magulang kaya wala kaming nagawa nila Francis at Sansa 2 kundi pansamantalang umalis muna,para hindi ma bore - Yun ang reason ko ewan ko lang sa dalawa. Nagtungo na lang ako sa garden para mag refresh ng utak,nakakapagod din pala yung tipong ang dami mong dapat alalahanin.
Ayon sa nakaugalian ko ay umupo ako at sumandal sa puno ng Narra,mula dito ay kitang kita ko ang kakahuyan ilang metro lang ang layo. Napakaganda nito sapagkat nasisinigan ito ng araw,waring nag g-glow ang mga berdeng dahon ng mga puno at damo,dahil sa masikat na liwanag ng araw.
Inabot ko ang mga malilit na batong ilang dangkal lang ang layo sa'kin,at inumpisahang ibato ito kung saan saan. Hindi ko alam kung bakit narito na naman ang pakiramdam na nag-iisa ako,na nalulungkot ako. Para na ba akong pusa nito dahil sa pabigla biglang mood swings?. "Binibini kayo raw po ay tutungo na"biglang wika ni Sanya ilang minuto lang ang lumipas,napatango naman ako saka tumayo at pinagpagan ang bandang pwet ko.
"Teka!kayo ang sinabi mo Sanya hindi ba? kung ganon ay hindi ka sasama?"tanong ko matapos mapagtanto na hindi sya kasama,agad naman syang napa tango. "Hidi ho ako maaaring sumama binibini sapagkat lakad pampamilya ho iyan,at isa pa ho ay kailangan ako dito sa hacienda" sagot nya pa,parang ang OA nya lang dun sa part na kailangan sya sa hacienda,ani sya mayor doma?. Pero pano na to?kung hindi sasama so Sanya ay sino ang magiging kasama ko dun?e puro may edad naman ang kasama ko at kaming tatlo lang naman nila Francis ang magkaka edad,at kung sasama naman ako sa kanila ay magmumukha naman akong third wheel.
"Ihanda mo na ang mga gamit mo Sanya bilis!hindi pwedeng hindi ka sasama,bilis na!"pagmamadali ko sa kanya,hindi pwedeng hindi sya kasama dahil ma o-op ako dun, tiningnan nya naman ako na para bang sinasabi nyang nababaliw ka naba?. "Bilis na Sanya ako na ang bahala kina mama,sge na sagot kita"paninigurado ko pa sa kanya sabay tulak sa kanya ng marahan. "Ngunit binibi-"pinutol ko na ang sasabihin nya,"walang pero pero dali na, magbihis kana at mag impake bilis!" wika ko sa kanya,at sa pagkakataong to ay wala na syang nagawa kundi sundin ako.
"Sandya!" Agad na sigaw ni mama matapos akong dumaan sa asotea patungo sana sa kwarto ko,para kunin na ang mga bagahe ko. " Dios miyo, anak!ika'y kanina pa hindi mahagilap"wika nya pa sa tonong naghihisterya. "Ikaw na lamang ang hinihintay upang tayo'y makapaglakbay na,ika'y saan ba nagtungo?,"tanong nya pa,napayuko naman ako dahil sa hiya matapos makita ang lahat ng taong narito ngayon sa asotea,na mukhang handa na nga talaga sa pag alis.
"Pasensya na po mama, pumunta lang po ako sa hardin,kukunin ko lang po ang mga gamit ko"nakatungong wika ko at akmang aalis na dahil sa hiya pero naudlot ito ng bigla ay nagsalita na naman si mama. "Andito na ang iyong mga gamit tayo na hinihintay na tayo ng iyong ama sa kalesa"wika nya,at eksakto namang pagdating ni Sanya sa harap namin. Liningon sya ni mama at binigyan ng nangu-nguwestyon na tingin kaya napayuko nalang si Sanya.
Agad kong hinarangan ang tingin ni mama kay Sanya,saka ngumiti ng matamis bago nagsalita. "Ma, pwede po ba nating isama si Sanya?maluwag naman po ang kalesa"wika ko pa na may ngiting aso,sana naman madala si mama sa mga Pag papacute ko o. "Ngunit anak-"pinutol ko na ang sasabihin nya dahil alam ko na naman ang kasunod nito. "Por favor ma,por favor(please ma, please)"pakiusap ko pa habang pinagkikiskis ang dalawang palad.
"Ayos lang po binibini hi-"natigilan si Sanya sa sinasabi nya matapos putulin ito ni mama, "Sge na Sanya ika'y sumama na maluwag pa naman ang kalesa"wika ni mama,at dahil dun ay napangiti naman ako. "Sabi ko naman sayo Sanya e"wika ko pa sabay kawit ng Kamay ko sa braso nya, ngumiti lang naman sya ng tipid pero hindi parin maikakaila ang kasabikan sa mga mata nya.
"Kayo'y magmadali na Sandya at tayo'y maiiwan na ng barko" tawag pa ni mama sa'min,tumango naman ako sa kanya na may ngiti sa labi.
Ipagpapatuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro