Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15:Lolo

[Chapter 15]

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong na pipi sa tanong ni Francis, tila naubusan ako ng mga salitang dapat sabihin. "Binibini ikaw ba ay ayos lang? ikaw ba'y nilalamig?" Muli nya pang tanong talagang hindi sya maaawat sa pagtatanong hanggat hindi ko sinasagot. Umiling ako sa kanya bago magsalita, "A-ah o-oo ayos lang ak-ko ano palang ginagawa mo rito?" Nauutal ko pang tanong sa kanya,napangisi naman sya. "Tila ikaw nga ay nilalamig pa binibini"nakangisi nyang wika,matik naman akong napailing. "Bakit nga pala gising ka pa?" Pag iiba ko ng usapan, "ikaw binibini?" Balik nyang tanong,sarap talaga nitong kausap e,gaganahan ka talagang i untog sya sa pader.

"Ikaw ang tinatanong ko sagutin mo muna" nagpipigil ng inis Kong sabi,"hindi ako makatulog binabagabag parin ako ng nangyari kanina"bigla ay seryuso nyang wika,saka ibinalik ang tingin sa buwan. "Likewise"tanging sabi ko nalang,dahil pareho rin naman kami ng iniisip yun nga lang mas madami ang akin.

"Laykways?ano ang ibig sabihin ng iyong tinuran binibini?"naguguluhang tanong nya pa, natawa naman ako ng mahina dahil sa accent nya ang baduy lang HAHAH. "Likewise,ang ibig sabihin ng salitang yan ay pareha o pareha tayo" paliwanag ko pa,Sana pala pinabaunan ko nalang ang character ni Francis ng dictionary nakakapagod ginawa pa'kong Google translate.

"Talagang hindi mo ako binibigo binibini sa iyong galing sa Pag wika ng ingles"namamangha nya pang wika. Parang ang tanga nya lang. "May naiisip ka bang dahilan tungkol sa nangyari kanina?"Pag-iiba ko nalang ng usapan,matik naman syang umiling. "Wala akong maisip binibini,ito ang unang pagkakataon na nangyari ang bagay na ito" wika nya,sabagay ito nga naman dahil never ko namang isinulat na pinana ang kabayo nya.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala paring nagsasalita ni Isa sa'min,tahimik lang kami mula nung hindi ko sinagot ang sinabi nya. At mukhang malalim din naman ang iniisip nya, kung ako siguro ang buwan ay magtatago na ako at tatakpan ang mukha ko dahil sa mariing pagkakatitig ni Francis dito.

Hindi ko nalang sya pinansin,at nag isip nalang din ng mga bagay at paraan. Agad akong napalingon sa kanya ng maalala ko ang isang bagay. "Ah Francis bakit nga ba parang konektado yung librong inirekomenda mo sa obrang na nadaanan natin kanina sa pasilyo,ganun na ganun yung panimula ng libro e."napalingon naman sya sa'kin ng hindi man lang nagbabago ang reaksyon sa mga mata nya,malalam parin ito at puno ng awtoridad.

"Ang pintor ng obrang iyon at ang sumulat ng librong iyon ay iisa"aniya habang pinaglalaruan ang maliit na sanga ng kahoy sa kamay nya,na hindi ko alam kung saan nya nakuha. Napatango tango naman ako,"ganun ba? ang lungkot naman pala ng nangyari sa kanya" nalulungkot Kong wika,"syang tunay sya ang aking lolo sa talampakan"wika nya nagulat naman ako sa sinabi nya,anong lolo sa talampakan? ba't may lolo sya eh hindi ko naman iyon isinulat,ni hindi ko nga isinama ang family history nila.

"Pakiulit nga ng sinabi mo"naka dikit ang dalawang kilay Kong wika,tumango naman sya saka ibinalik ang tingin sa buwan. "Sya si Francisco de León ang lolo ko sa talampakan,Isa syang huwarang heneral ng taong 1564,kilala din sya sa husay nyang makipaglaban,marami syang nahuli at napaslang na mga indyo, na naging dahilan sa paghihiganti ng mga ito. María Salya ang pangalan ng kanyang iniibig,anak na babae ng isang gobernadorcillo masaya ang Pag-iibigan nila hanggang sa isang araw,habang tinatanaw nya si Salyá na pinaglalaruan ang mga kumpol ng dahon ng Narra,ay bigla na lamang itong tinamaan ng boga,na syang dahilan sa pagkasawi nito. Labis ang pag damdam nya sa nangyaring iyon,kaya tinugis nya ang mga rebeldeng pakana niyon,nagtagumpay naman sya sa ginawa nya nahuli at napaslang nya ang mga ito. Hanggang sa pagkabalik nya sa bayan, ay agad nyang isinulat ang sturya ng kanilang pag-iibigan pinamagatan nya itong detras de El Verano,na ang ibig sabihin ay sa likod ng tag-araw,ito ang napili nyang pamagat dahil ito ang panahon na pinaka gusto nya,ngunit sa mismo ding panahong ito ay nangyari ang pinakamasakit nyang ala ala, pinalimbag nya upang magsilbing aral sa mga mambabasa,I pininta nya upang pagaanin ang kanyang kalooban, ngunit dahil sa mismong librong iyon ay lalo lamang nagalit ang mga kastila sa mga indyo na syang naging dahilan sa pagiging malupit pa nito lalo sa kanila ." Mahaba nya pang litanya,ang weird talaga nito ni Francis,pinaulit lang ang sinabi nag kwento na.

Pero ang lungkot nga naman talaga nung nangyari sa kay Mr. Francisco. "Ikaw ba ay ayos lang binibini?"muli na namang tanong ni Francis,napatango na lang ako,nakakapagod pala sya kasama daig nya pa doctor kung makapagtanong ng paulit ulit sa kalagayan mo.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na tila mga kaluskos. Sinubukan kung bumangon at mukhang hanggang ngayon ay hindi parin totally okay ang katawan ko. Isang araw na din ang nakalipas mula nung gumala kami nila Francis,Pero hanggang ngayon ay sumasakit parin ang mga kasu kasuan ko. Feeling ko tuloy ito yung aftershock ng almost na pagkahulog ko, mabuti nalang talaga at almost lang dahil kapag tuluyan talaga akong nahulog baka higit pa rito ang sakit na dadanasin ko.

Paika ika akong naglakad patungo sa pinang gagalingan ng tunog,napahawak pa'ko sa balakang ko dahil parang kinakalawang na yung mga buto ko dito. Ang hirap maglakad,napaaga tuloy ang pagmumukha kong matanda. Dahan dahan akong naglakad papasok sa banyo,pero laking gulat ko ng kung ano ang nakita ko isang matandang babae?.

Dali dali syang tumakbo papalabas ng banyo matapos akong makita,kaya paika ika ko syang hinabol. "Lola sandali lang po!lola!" Tawag ko rito pero nag patuloy parin sya sa pagtakbo,hinabol ko sya ng hinabol habang tinatawag tuluyan na syang makalabas sa pinto ng kwarto ko,kaya umaasa ako na sana ay may makasalubong syang katulong o kahit si papa.

Nakatutuk lang ang paningin ko sa kanya,hindi ko alam kung bakit sya tumatakbo,hindi naman siguro ako mukhang multo. Hanggang sa bigla syang huminto,napa hawak ako sa dalawang tuhod ko habang hinahabol ang hininga. Grabe mula banyo lang sa kwarto ko hanggang sa hallway ng bahay lang ang tinakbo ko pero bakit parang ang layo?.

"Lola naman e,hindi naman po ako nangangain ng tao "reklamo ko pa sa kanya,at ngayon lang sya lumingon nagulat ako ng deretsong matalim na tingin ang ipinukol nya sa'kin. Aba ang taray ni lola sya pa nga yung may kasong trespassing sa'kin e. Dahan dahan syang naglakad papalapit sa'kin ng hindi binabasag ang tingin. Nakakakilabot naman si lola,ngayon ko lang napansin ang madilim na paligid,teka anong oras na ba? Ba't parang gabi pa at bakit wala man lang ni isang lampara dito? Muli Kong ibinaling ang tingin Kay lola,kahanga hanga na kahit wala ni isang lampara ay malinaw Kong nakikita ang mukha nya.

Biglang umihip ng mariin ang malamig na hangin habang papalapit sya,lalo akong kinilabutan,parang ganito yung setting sa mga horror films na napapanood ko. Maprapraning na yata ako,naiimagine ko na naman yung huli Kong napanood na horror film na knock . Sana naman hindi multo si lola,pero bakit ba parang ang pamilyar nya talaga?parang nakita ko na sya dati di ko lang matandaan.

Tuluyan na syang nakalapit sa'kin at parang luluwa na yung puso ko sa sobrang kaba,tila nanigas ang katawan ko at hindi makagalaw pa. Pinanood ko lang ang bawat paghinga nya,dahan dahan syang lumapit sa tenga ko,napa iwas pa'ko dahil baka bigla nya kong kagatin. Pero mas nakakakilabot ang ginawa nya,may binulong sya sa'kin na mga salitang hindi ko masyadong maunawaan pero iisa lang ang nauunawaan ko yun ay ang huli nyang binulong na,'magsisisi ka' .

Nanayo lahat ng balahibo ko,kung hindi ako nagkakamali ay yun yung boses na parati Kong naririnig kung gayon ay sya pala yun?. Tatanungin ko pa sana sya at kukumpirmahin kung sya nga ba,kaso pag tingin ko sa tabi ko na kung saan sya nakatayo kanina ay wala na sya!."lola?lola asan na po kayo?kayo naman lola oh wag nyo naman po akong biruin" muli ko pang tawag,umaasa na baka bigla nalang sya susulpot sa harapan ko at sasabihing joke lang ang lahat,Pero ilang minuto na ang lumipas wala paring lola ang nakikita ko.

Tuluyan na ding nilamon ng kadiliman ang paningin ko,dahan dahan akong naglakad sa nakabubulag na kadiliman habang kinakapa ang unahan at tabi ko,Pero wala akong ibang nahahawakan kundi kawalan. Sinubukan kong i picture out ang itsura ng hallway,at baka makapag lakad ako ng maayos pero wala nahihirapan akong maalala. "Ma?pa?Sanya?yuhooo may tao ba dyan?paki sindi naman ng lampara o wala akong makita." Sigaw ko pa kahit alam Kong malabo akong marinig nila dahil bukod sa nakakabulag na kadiliman,ay mukhang mag-isa lang din ako.

Unti unti ng gumagapang ang kaba sa katawan ko,gumagana na naman yung pag ka praning ko. Lumilitaw na naman sa utak ko ang mga ideya na baka,may masamang nangyari,na baka kinidnap na silang lahat at ako lang yung naiwan. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko,kahit kailan talaga hindi nakakatulong ang pag ooverthink. "Ma? Sanya?ikaw ba yan?" Sigaw ko ng di sa kalayuan ay lumiwanag ng kaunti,na sapat na para maaninag ko ang isang bulto ng babae.

"Hello sin-" awtomatikong naputol ang dapat na sasabihin ko ng bigla itong lumingon,at wala pa sa isang kisap mata ay nasa harapan ko na. Kinabahan ako dahil parang sya lang yung ghost na nakikita ko sa the Whaley house,napahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan Kong maaninag ang mukha nya. "A-ah Ikaw lang pala yan Sansa 2,tinakot mo naman ako"natatawa ko pa kunwaring wika,Pero hindi sya sumagot nanatili lang yung seryuso nyang mukha,nakakatakot sya!para syang si the nun!.

Muli ko pa sana syang tatanungin pero nagulat ako sa biglaang pagtaas ng kaliwa nyang kamay. Parang luluwa na ang mga mata ko at tatakas na ang kaluluwa matapos makita ang mahigpit nitong pagkahawak sa isang kutsilyo. At dahan dahan itong pababain deretso sa kinaroroonan ng puso ko,gusto Kong pigilan sya gusto Kong mag salita. Pero walang ni isang salita ang kumawala sa bibig ko at ni kahit daliri ko ay hindi ko magawang maigalaw,nanigas ang buo kong katawan habang nakatutuk sa kanya ang mga mata,na para bang hinihintay ko nalang ang pagbulusok ng kutsilyo sa puso ko.

Sinubukan ko muling gumalaw at mag salita Pero walang nangyari. Para akong nasa ilalim ng isang hipnotismo,at may kumukontrol sa mga kilos ko. Nag huhurumintado na ang puso ko ng dahan dahan nyang ibinabaon ang kutsilyo,napatingin ako sa bandang puso ko. Tumakas ang mga iilang butil ng luha sa mga mata ko matapos Kong makita ang unti unting pagguhit ng dugo sa suot kong baro. Muli Kong ibinalik ang tingin sa kanya,mata sa mata ko syang tiningnan,at kahit nanlalabo man dulot ng luha ay sinikap ko paring ipakita sa mga mata ko ang tanong na hindi ko maisatinig. Bakit?bakit mo ginawa to?anong dahilan mo? tanong ko sa isip ko.

Pero nagpakawala lang sya ng isang ngisi, na nag pa mukha sa kanya bilang isang demonyo. Tuluyan nya ng ibinaon ang kutsilyo sa puso ko sabay ikot nito pa kaliwa dahilan para sumirit ang dugo ko mula rito at sa pagkatuklap ng iilang balat ko,sa huling pagkakataon ay naisatinig ko ang mga katanungan ko,"b-ba...k-kit?" . Ang mala demonyo nyang ngisi ang huli kong nasulyapan bago tuluyang bumalik sa kadiliman ang paligid.

"Sandya! Sandya!anak! gumising ka anak!binabangungut ka!"Nagising ako dahil sa malakas na pagkakayug yug ng mga balikat ko. Sumalubong agad sa'kin ang mga nag aalalang mukha ni mama at papa,"binabangungut ka lamang anak!tumahan kana"wikang mama saka pinunasan ang mga luhang hindi ko alam ay umaagos parin pala. Yinakap nila akong dalawa ng napaka hihpit. Mabuti nalang talaga at panaginip lamang iyon, isang masamang panaginip.

Ipagpapatuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro