Kabanata 14:' Painting'
[Chapter 14]
Pala isipan parin sa'kin ang mga nangyari ilang minuto lang ang lumipas. Mula nung biglang tumigil ang kabayo,at sa nalaman Kong pinana ito. Labis naman ang pag-aalala ni Francis kaya minabuti nyang huwag daw muna kaming mag patuloy sa paglalakbay at sumilong muna. At kahit sa gitna ng kamalasan naming ito ay dinalaw parin naman kami ng swerte, ng eksaktong sa isang bahay panuluyan,o motel huminto ang kalesa.
Nag umpisa na kaming mag lakad,napapagitnaan kaming dalawa ni Sansa 2 ni Francis at mang Carlos na para bang body guard namin sila at obligasyon nilang protektahan kami. Nang makarating sa bungad ng panuluyan ay sinalubong kami ng isang medyo may katandaan ng lalaki. Naka suot ito ng isang pangtulog pang Europa at nababakas naman sa hitsura nito na may dugo itong kastila.
"Buenas noches Señor,Señorita como puede ayudarte(good evening señor, Señorita how may I help you?"pambungad nitong tanong saka bahagyang yumuko. "Kayo po ba ay may dalawa pang bakanteng silid?"tanong naman ni Francis pabalik,"pasensya na señor ngunit iisa na lamang ang bakante,ang ibang silid ay okupado na"magalang nitong sagot. Liningon naman kami ni Francis na may magtatanong na tingin,"Sa Inyo ba ay ayos lamang mga binibini?na tayo'y magsalo sa iisang silid?"tanong nya,awtomatiko naman akong napailing ngunit kasalungat ang naging sagot ni Sansa 2.
"Iyon ay ayos lamang sa'kin Ginoo,sapagkat wala naman tayong maaaring magawa pa iisang silid na lamang ang bakante"wika pa ni Sansa 2,sinabayan nya pa ng paliwanag na feeling ko ay sinadya nya para paringgan ako,well wala na nga naman akong magagawa,kaya tumango nalang ako bilang Pag sang ayon ng sumulyap sa'kin si Francis na para bang inaantay ang pagbabago ng decision ko.
"Amin na pong kukunin,magkano ba ang iyong singil?"muling tanong ni Francis dun sa motel granny,"dalawang piso lasa isang tao lamang señor"magalang parin nitong sagot. Gusto Kong tumalon at magwala sa tuwa dahil sa narinig ko. Seryuso nga talaga na ang baba pa ng value ng pera sa panahong to,dahil kung nasa modern world kami ay baka tig t-three thousand pa ang isang gabing pamamalagi namin.
Kinapa ko naman ang bulsa ko para maghanap ng barya,Pero mukhang kakambal ko talaga ang malas ngayon dahil kahit sentimo ay wala ako. "Heto"wikang Francis sabay abot ng bayad dun sa motel granny,tiningnan ko naman so Sansa 2 na para bang sa pamamagitan nito ay tinatanong ko kung magpapalibre ba sya. At mukhang na gets nya naman dahil nag kibit balikat lang sya bago nag salita,"likas na ang pagiging maginoo ni Francis,at may sarili syang prinsipyo,kaya iyo na lamang hayaan Señorita Sandya,nasanay narin lang naman ako sa kanya"wika nya pa.
Gusto ko sana syang sagutin na oo alam ko dahil ako ang gumawa ng personality nya, at isa pa hindi yan ang gusto Kong tanungin,dahil gusto ko lang namang tanungin kung ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo para mag palibre pa. Pero sa huli ay wala ni isa rin sa mga ito ang isinatinig ko,tumango nalang ako sa kanya bilang Pag-sang ayon,saka tahimik na naglakad pasunod sa kanila ng nagsimula na nilang ihakbang ang paa nila.
Nasa hallway pa lang man kami ng motel,ay hindi ko na maiwasang mamangha habang tintingnan ang bawat sulok nito. Spanish na Spanish ang awra ng motel,hindi man ito gawa sa konkretong semento ay halata parin ang tibay nito dahil sa naglalakihan at matitigas nitong haligi. Two storey ito at gawa sa matibay na kahoy,may mga obra pang nakasabit sa mga dingding na sobrang nakakahalina. Kaya tumigil muna ako sandali at isa isa itong tiningnan,may painting na kung saan ay makikita ang magandang baybayin ng Manila bay na niyakap ng kulay ng sunset. May roon ding isang painting na makikita ang mga lalaking nakasakay sa kanya kanyang kabayo habang itinataas isa isa ang espadang hawak nila.
Iba't iba at lahat ay magaganda ang mga paintings, makikita mo talaga ang husay ng mga pintor nama'y likha nito. kapansin pansin naman ang pagiging hilig nito sa nature dahil karamihan ng obra nya ay kalikasan ang larawan. Pero isang painting ang syang pumukaw ng atensyon ko, napakaganda ng pagka pinta nito na aakalin mong pinicturan lang ang isang lalaking naka suot ng damit pang Europa habang,nakaluhod sa gitna ng makakapal na tumpok na dahon ng Narra,habang yakap yakap ang isang duguan na babae. Umiiyak sya at kitang kita sa mga mata nya ang labis na lungkot at sakit.
Ilang segundo ko pa itong tinitigan, nalulungkot ako. Yan ang nararamdaman ko sa ngayon,at hindi ko alam kung bakit pamilyar ang painting,na parang nakita ko na to dati. saan nga ba?.. teka! ganitong ganito yung prologue ng binasa Kong libro!. Pero bak- "binibining Sandya,may problema ba?"biglang tanong ni Francis dahilan para ma putol ang iniisip ko, nakatingin narin sa'kin ngayon so mang Carlos Sansa 2 at kahit na si motel granny. "Ang mga obrang ito ay likha ng sikat na pintor noong taong 1567,na si Francisco de Leon hango sa mismo nyang karanasan ang lahat ng ito. Kagaya na lamang ng isang to,ito ang panahon na pinatay ang kanyang iniibig" biglang malungkot na wika ni Francis. Tumango naman ako at mag tatanong pa sana,pero bigla na lang syang tumalikod at nag paumunang mag lakad. Napanguso nalang ako saka sumunod.
Pagkarating sa kwarto ay ayun na naman ang paghanga ko,napaka minimalistic ng design nito,at hanggang dito ay may mga obra pa ring nakasabit. "Magpahinga muna kayo mga binibini,kami ay magtutungo lamang sa baba babalik kami kaagad" wikang Francis sabay muwestra ng Kamay nya sa isang kama,naupo naman kami dun ni Sansa 2 at tumango ay sa kanya.
"Ikaw ba ay ayos lang Señorita?"biglang tanong ni Sansa 2, napatango naman ako bilang sagot. "Tila ikaw ay hapong hapo Señorita"tanong nya pa ulit,"Pwede bang sans- ah Sandya nalang ang itawag mo sa'kin? Nagmumukha ka namang katulong sa kakatawag mo sa'kin ng Señorita"natatawang ani ko sa kanya,tumawa naman sya. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama ko ngayong tumatawa so Sansa 2, feeling ko may kapatid ako. "Kung iyon ang iyong ibig se- ah Sandya" Pag sang ayon nya pa.
Inihiga ko naman ang katawan ko sa kama,ganun din ang ginawa nya. Parang naka hinga yung mga nerve cells ko, feeling ko kasi ngayon ay pagod na pagod yung katawan ko na para bang galing ako sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay. "Napaka saya ko ng araw na'to"bigla ay wika ni Sansa 2,liningon ko naman sya na may mga tinging ang-weird-mo look, pero nanatili lang ang paningin nya sa kisame. Ang weird talaga ng mga character dito,pano sya naging napaka saya e sunod sunod nga ang malas namin.
Magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at iniluwa si mang Carlos at Francis na may dalang,bilao ng pagkain. Inilagay nila ito sa isang side table. "Kumain muna tayo mga binibini, tayo'y hindi pa naghahapunan" yaya pa ni Francis. Sa sobrang occupied ng utak ko ay nakalimutan ko na na wala pa pala akong kain.
Pagkatapos naming kumain ay bumaba na muna si mang Carlos para ihatid ang mga pinag kainan namin. Naghahanda naman si Francis ng hihigaan nila ni mang Carlos, dalawang pinag patong paring na bed sheet ang ginawa nilang banig,dahil sa sahig sila matutulog habang kami naman ni Sansa 2 ay sa kama. Nang makabalik si mang Carlos ay eksakto namang natapos na si Francis sa ginagawa nya.
"Matulog na tayo mga binibini tayo'y maagang babangon bukas"bilin pa ni Francis ,at kasabay nun ay ang pag pikit ng mga mata nya, naawa naman ako sa kanya and at the same time ay nahiya. Nakakahiya naman sa kanya na sya pa yung nag bayad sa stay namin dito,at nilibre nya pa kami ng pagkain ngunit sya at si mang Carlos ngayon ang natutulog sa sahig wala pa silang kumot.
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Sansa 2 kaya naharangan ang paningin ko at hindi ko na makita pa sila Francis,"marahil ikaw ay nilalamig Sandya,napa ka lamig ng panahon"wika nya pa,gusto ko sanang mag protesta dahil hindi naman malamig,Pero hinayaan ko nalang sya na yakapin ako. Ilang minuto na ang lumipas hanggang sa ito'y naging oras pero nasa kalagitnaan parin ako ng pagsusubok na matulog. Mukhang binabahay na naman ako.
Tuluyan ko nalang iminulat ang mata ko,at natagpuang hanggang ngayon ay yakap yakap parin ako ni Sansa 2,nakakatuwa lang na makita ko ang sarili namin sa ganitong kalagayan. Feeling ko tuloy parang ang close close na namin,at naalala ko na naman si Leica sa kanya,na kung matulog ay daig pa ang unggoy Kong makayakap sa'kin nung minsan syang matulog sa kwarto ko. Dahan dahan at maingat kong tinaggal ang Kamay ni Sansa 2,saka umupo.
Hindi masyadong maliwanag ngayon dahil sa iisa lang naman ang lamparang meron kami,Pero kahit ganun ay naaaninag ko parin ang mala anghel na mukha ni Sansa 2 na mahimbing na natutulog. Marahan Kong sinuklay ang buhok nya,na para bang kababatang kapatid ko sya. Kalauna'y napag desisyunan ko ding lumabas muna at mag pa hangin baka sakaling maka tulong iyon para dalawin na'ko ng antok.
Dahan dahan akong tumayo at lumundag mula sa kama,saka naglakad patungo sa siradura ng pinto. Ngunit hindi naging madali dahil nakaharang ang mga tulog na katawan ni mang Carlos at Francis. Si mang Carlos ay masisiguro Kong mahimbing ang tulog dahil sa itsura nito na bahagyang naka awang ang bibig,at humihil ng mahina. Pero si Francis ay hindi dahil bukod sa normal lang ang mukha nya,ay nakatakip pa ang isang braso nya sa mga mata nya,kaya hindi ko alam kong nakapikit ba sya o hindi.
Sandali ko pang tinitigan silang tatlo,kahanga hanga lang na binuo ko lang sila sa imahinasyon ko,ngunit ngayon ay heto't totoo at nakakasama ko na sila. Maingat akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng lampara,dadalhin ko na sana ito kaso naalala ko si Francis. Nahihirapan nga pala syang huminga at matulog sa madilim na lugar,kaya hinayaan ko nalang ito't maingat na lumabas. Minsan pang lumangitngit ng marahan ang pinto kaya todo pigil ako dito sa pag tunog.
Tumakas na ang ilang butil ng pawis sa leeg ko ng tagumpay na akong makalabas ng pinto,na hindi na gumagawa ng ingay. Sumalubong agad sakin ang malamlam na liwanag sa mukhang salas ng motel,dadalawang lampara lang ang mayroon dito,ngunit sapat naman na iyon upang makita ko ang daan patungo sa asotea. Dahan dahan akong naglakad patungo rito, marahang tinatangay ng malamig na hangin ang naka ladlad Kong buhok. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig,nakalimutan ko man lang dalhin ang bandana ko hayst.
Tumingala ako sa langit,at sumalubong ang mga maningning na mga bitwin,kasama ang paborito Kong buwan. Maraming mga bagay ang tumatakbo ngayon sa isip ko,gaya ng mga nangyayari sa loob ng kwentong ito,sa loob ng nobelang Te Amo Mi Amor. Marami ng mga scenes ang nangyayari na hindi naman kasama sa isinulat ko,nakakapag taka lang kung bakit mayroong ganun.
Tulala at nakatitig lamang ako sa buwan habang pilit na mine memorya ang mga isinulat ko,pero Kahit anong piga ko sa utak ko ay hindi parin kumakatas ang mga ala ala sa mga isinulat ko. Nakakabugnot,wala talaga akong maalala bukod dun sa mga previous chapters na nangyari na,pero alam ko kung kasama at hindi ang mga natutunghayan Kong scenes sa mga isinulat ko.
Ilang minuto na ang lumipas at patuloy parin ang pag-ihip ng hangin, na tila kapareha lang ng utak ko- malamig. Ngunit hindi ko ito alintana,lalo ko nalang hinigpitan ang Pag kayakap ko sa sarili ko. Nakakalungkot isipin na kung saan sa mga panahong to ngayon ay walang yayakap sa'kin walang makakaintindi sa mga pinagdadaanan ko. Nagulat ako ng bigla ay may naramdaman akong isang pares ng Kamay sa balikat ko at ang paglundag ng tela dito. Umikot ako para lang tingnan kung sino ito,nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero agad itong binawi at kumilos na parang wala lang, kahit pa ang totoo ay nag huhuramentado na ang puso ko sa loob.
Tumingin sya saglit sa'kin saka nag iwas at deretsong ibinaling ang paningin nya sa buwan. "Bakit narito ka binibini?"tanong nya habang hindi pa'rin inaalis ang tingin sa buwan. Malamlam ang mga mata nya at parang aktibo pa'rin ang tinig nya,hindi ito tunog inaantok o pagod kundi puno ng awtoridad. "Binibini?" Muli nyang tanong at sa pagkakataong to ay tumingin na sya sa'kin na naka kunot ang noo.
Ipagpapatuloy...
------
Binibining Jezzeii,
Ang mga obra at pintor na nabanggit ko sa kabanatang ito ay gawa gawa ko lamang at walang pawang katotohanan. Kaya ang pangalan ng pintor na binanggit ko ay hindi nabibilang sa mga makasaysayang pintor sa Pilipinas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro