Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13:Palaso

[Chapter 13]

Marahan ang ihip ng hangin, at nagsasayawan ang kulay kahel, asul at dilaw sa payapang tubig ng sapa. Mariin ko namang tinitingnan si Francis at Sansa 2, na masayang namamangka, gusto sana akong isama ni Francis pero ayaw ko namang tingnan na 'ko ni Sansa 2 na para bang pinaglalamayan nya na 'ko kaya tumanggi na lang ako at isa pa mas lalo lang akong magmumukhang third wheel.

Biglang naupo si mang Carlos sa tabi ko kaya bigla akong nag-alis ng tingin sa dalawa dahil baka mag ilusyon na naman si mang Carlos nang ano-ano.

" Pag-ibig nga naman, minsan masaya minsan malungkot at minsan masakit, " bigla nyang wika napa-face palm naman ako kailan nya ba 'ko titigilan sa mga paratang nya? Nagsisisi tuloy ako kung bakit isinulat ko pa sya, dahil ako ngayon ang tinutusta nya sa mga paratang nya.

" Maglalakad-lakad po muna ako, lilibutin ko lang po ang lugar, " palusot ko sa kanya, sa halip na patulan pa sya sa mga haka-haka nya ay mas mabuti pang mag tour na lang ako sa lugar kesa sayangin ang oras ko sa pakikipagtalo pa kay mang Carlos. Ngumisi sya nang maloko na para bang alam nya na nagpapalusot lang ako para maiwasan ang mga haka haka nya.

" Mag-iingat po kayo Señorita at huwag kayong lalayo, bumalik po kayo bago lumubog ang araw, " bilin nya pa, kahit may taglay man syang nakakaloko na ngisi habang binabanggit ang mga iyon, ay halata naman sa tono ng boses nya ang sensiridad nya. Kaya tumango na lang ako saka nag-umpisang maglakad. Kung pagbabasehan ko ang estado ng araw ay mukhang alas cuatro palang ng hapon, kaya imposible naman ang sinasabi ni mang Carlos na kailangan kong bumalik bago lumubog ang araw, dahil hello?hindi kaya ako gagalahin para sapitin ng gabi sa paggala.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang pinagsisipa ang mga batong nadadaanan ko. Akala ko ba may ipapakita sa'kin si Francis? Akala ko mamasyal kami eh ba't nagmukha akong loner ngayon? hayst kung hindi lang sana umepal yun si Sansa 2 ay malamang kanina pa 'ko nakaganti kay Francis. Sarap nyang ilunod habang namamangka e.

Hindi ko gusto ang pakiramdam ko ngayon. Bakit biglaan akong nakaramdam ng lungkot?na nag-iisa ako? na para bang anytime ay bubuhos na ang luha ko sa hindi malamang dahilan?. Nalulungkot at nasasaktan ako pero hindi ko alam kung bakit, feeling ko may kulang sa pagkatao ko, na may void sa puso ko. Nagpakawala na lang ako nang isang malalim na buntong hininga, saka ngumiti ng pilit. Hindi ko alam na kahit sa mundong 'to ay susundan pa rin ako ng sakit at lungkot.

Pilit ko na lang binalewala ang nararamdaman ko at palukso-luksong naglakad. Umaasang sa pamamagitan nito ay baka mawala ang bigat sa puso ko. Parang nagliwanag ang mga mata ko nang makakita ako ng puno ng santol, na namumukad-kad sa kulay dilaw dahil sa dami ng bunga nito. Tinitingnan ko pa man lang ang santol ay nangangasim na ang panga ko.

Mababa lang naman ang puno kaya kayang-kaya ko itong akyatin. Hindi na ako nagsayang ng segundo pa at tumakbo na 'ko papalapit dito. Para tuloy akong bata na naghahabol sa tindero ng taho. Medyo nahirapan pa akong marating ang puno dahil napapalibutan ito ng mga nagtataasang damo. At nang makarating ay agad akong nagplano kung pano ko makukuha ang bunga ng paborito kung prutas. Sinimulan ko ng umakyat at kapag sinuswerte ka nga naman ay hindi pa'ko nahirapan dahil sa dami ng sanga nito na pwede kong kapitan at tapakan. Parang maglalaway na ako ng makita ko ang kumpol nitong bunga sa bandang uluhan ko, ngunit ilang sentimetro pa ang layo nito sa 'kin at hindi ko magawang abutin kahit pa itaas ko na ang mga kamay ko.

Pinagpapawisan na 'ko habang maingat itong pilit inaabot. Nakahawak lang ako sa isang maliit na sanga, kaya hindi mawala ang pangamba ko na baka hindi ko pa man lang nakuha ang santol, ay nauna na'kong maghulog kesa nito. Tagaktak na ang pawis ko pero hindi ako susuko, kahit pagod at nangangalay na ang mga binti at kamay ko ay pilit ko pa rin itong aabutin.

Nang makakita ako ng sanga na pwede kong apakan para mas lalong mapataas at mapadali ang pag-abot ko sa santol, ay dahan-dahan akong umapak dito habang mahigpit ang kapit ko sa isang sanga. At nang sa wakas ay nakaapak na ako dito, ay buong pwersa kong itinaas ang katawan ko para abutin ang kumpol ng santol, nakahinga ako nang maluwag at napangiti ng naabot na ito ng dulo ng mga daliri ko. lalo pa akong tumingkayad para maabot ito.

" aha! finally I got you baby!, " Sigaw ko nang sa wakas ay nadakma ko na ang isang buong kumpol ng bunga, pwersahan ko itong hinila ngunit sa kasamaang palad ay bigla naclang lumangitngit ang sangang inaapakan ko. Dali-dali kong inabot ang isa pang sanga at akmang lilipat na rito, nang tuluyan ng bumigay ang sanga. Napasigaw ako na g malakas, nang unti-unti ay naramdaman ko ang malakas na paghila ng gravity sa 'kin.

Napapikit na lang ako sa takot at hinintay ang pagbagsak ko. Pero sa halip na bumagsak sa lupa ay naramdaman ko ang malakas na pressure ng pagsalo sa bigat ko. Sinubukan kong ibuka ang mga mata ko, at napakurap ako ng ilang beses dahil sa gulat matapos tumambad ang mukha ni Francis. Halata ang hirap sa reaksyon nya saluhin ba naman ako galing sa pagkahulog sa puno?baka nabali na ang buto nya sa braso.

" B-binibini ikaw ba ay ayos lang?, " nag-aalala nya pang tanong.

Bakit sa tuwing nahuhulog ako ay palagi mo'kong sinasalo?.

Sasaluhin mo pa kaya ako sa ikaapat na pagkakataon?.

" A-ayos lang ako, s-salamat " bigla ay nauutal kong sagot. Hindi ko alam pero bigla na lang umusbong ang ilang sa katawan ko.

" Mabuti kung gayon, ngunit binibini ano ang iyong ginagawa sa itaas ng puno?, " nakakunot ang noo nyang tanong. Napatungo naman ako saka ngumuso, na para bang isa akong bata na pinapagalitan.

" Gusto ko lang sanang kumuha ng santol".

"Ngunit muntik ka ng mapahamak Sandya!, " Hindi ko inaasahan ang pagtaas ng boses nya, napaiwas naman sya bigla ng tingin.

Bakit ganun?bakit kahit mainis ay wala akong naramdaman nung sigawan nya 'ko, sa halip ay lalo lang akong napangisi. Iyon ba ay dahil sa pag-aalala na tono ng boses nya?.

" Sa susunod ay mag-iingat ka binibini, ika'y parati na lamang nahuhulog, at nangangamba akong baka sa susunod na pagkakataon ay hindi na kita masalo pa, " biglang bawi nya, nakakagaan sa pakiramdam ang marinig na nag-aalala sya sa 'kin,ngunit bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko matapos marinig ang huling katagang kanyang binitiwan na pakiramdam ko ay may malalim na kahulogan.

Tama ka nga,hindi sa lahat ng panahon ay darating ka para saluhin ako.

Bumalik na lang kami sa sapa, at sa pagkakataong 'to ay sumama na 'ko mamangka sa kanila. Akala ko ay makakaganti na'ko kay Francis sa pagkakataong to, pero mukhang natalo na naman ako. Panay ang tawa nya nang masaksihan ang takot ko sa tuwing tumatagilid ng kunti ang bangka, at ang masama ay sinasabayan pa sya ni Sansa 2!. Sarap lunurin nung dalawa e, naku!kung may shark lang sana dito, malamang nag sales talk na talaga ako about sa kung pano ka sarap yung karne nila.

Pero kahit ganun man ang nangyari, ay naging masaya pa rin ako. Unti-unti na kaming naging close ni Sansa 2, habang si Francis naman ay ayun at tatawa-tawa lang sa 'kin, ngunit kakaiba ang tawa nya, sapagkat naghahatid iyon ng kung anong kiliti sa puso ko, na para bang tumatalon din sa tuwa ang puso ko kapag maririnig ko syang tumatawa. Nakikita ko tuloy ang dalawa kong kaibigan sa kanila,si Leica at Mark. Kahit papano pala ay worth it din ang pagsama ko kay Francis.

Tuluyan nang lumubog ang araw, nang mag desisyon kaming umuwi. Madilim na ang daan at tanging dalawang gasera lamang ang nagbibigay liwanag dito, at malayo pa ang kailangan naming lakbayin. Gusto ko sanang batukan na si Francis dahil siguradong naga-alala na sa 'kin ngayon si mama at papa. Pero kasama naman daw sa pagpa-paalam nya sa 'kin kay mama at papa kanina, na baka daw ay gabihin kami sa pag-uwi.

Pero kahit pa sinabi nya na yun, ay hindi panrin mawawala sa konsensya ko na baka ay nag-aalala na sila ngayon sa 'kin, hindi ko naman alam kung pa'no ko ipapaalam sa kanila na pauwi na'ko at na wag na silang mag-alala, dahil wala naman akong cellphone at kung magpapadala naman ako ng letter ay baka mauna pa 'kong makauwi kesa sa dumating ito.

Napahigpit na lang ang hawak ko sa duluhan ng suot Kong bandana, malamig ang ihip ng hangin at nanlalamig na rin ang kamay ko sa kaba. Kaba na baka anumang oras ay may lumabas na white lady sa harapan namin. Hindi pa naman masyadong madilim ngayon dahil mukhang alas syete pa lang naman ng gabi.

" Binibining Sandya ikaw ba ay ayos lang? " biglang tanong ni Sansa 2 tumango naman ako sa kanya saka marahang ngumiti. Ngunit muntik nang tumakas ang kaluluwa ko ng bigla nya akong yakapin mula sa gilid.

" Batid Kong ikaw ay nilalamig, marahil ay kailangan mo ng pampainit, " wika nya pa, saka tumingala sa 'kin at ngumiti.

Na aw-awkwardan man ay pinili ko na lang ngumiti nang matamis, habang unti-unting nanghahamog ang mga pilik mata ko. Gosh!naalala ko na naman tuloy si Leica, ganito ang ginagawa nya sa tuwing nilalamig ako at walang dalang jacket palagi nya ko'ng kukurutin muna sa singit bago yayakapin.

God knows how much I miss that stupid idiot.

Sa kalagitnaan ng mga pag-iisip ko ay bigla na lamang humiyaw ng pagkalakas-lakas ang kabayo kasabay nang biglaang paghinto ng kalesa, dahilan para mapasubsub ako ng bahagya sa unahan.

Kigwa!pangalawa na 'to ah!..

" Mga binibini kayo ba ay ayos lang? " nag-aalalang tanong sa 'min ni Francis, lumingon naman ako sa gawi nya. Nahirapan pa 'ko dahil hanggang ngayon ay nakayakap pa 'rin sa 'kin si Sansa 2.

" Ayos lamang ako, ikaw ba binibining Sandya? " Sagot ni Sansa 2 Kay Francis bago ibinaling ang paningin sa 'kin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

" Francis hijo, mga binibini mukhang malabo po tayong makauwi agad ngayon, sapagkat napilay ang kabayo, " biglang wika ni mang Carlos matapos tingnan ang kabayo.

" Anong ibig nyong sabihin mang Carlos? " Naguguluhang tanong ni Francis,kahit ako man, dahil malabo talaga na bigla na lang mapipilay ang kabayo.

" May tama ito ng palaso sa kaliwa nitong paa, " nag-aalalang tugon naman ni mang Carlos, nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat maging si Francis at Sandya rin.

" Mang Carlos pano po ito nangyari? ", naguguluhang tanong ni Sansa 2, napailing naman si mang Carlos bago nag salita.

" Hindi ko rin alam binibini, dahil bigla na lamang itong tumigil at nang tingnan ko kung anong suliranin, ay dumudugo na ang paa nito, ". Naguguluhan pa ring wika ni mang Carlos, habang mas lalo naman akong naguluhan at nagtaka. Wala ito sa mga isinulat ko, hindi kasama ang gala namin ngayon at lalong-lalo na ang pagpana sa kabayo sa mga scene sa nobelang ginawa ko. Posible kayang nabago na ang takbo ng storya dahil sa pag exist ko?

Ipagpapatuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro