Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10:Kalesa

[Chapter 10]

Naalimpungatan ako sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Pagkabangon ko sa kama ko ay nakita ko ang sarili kong wala ng kumot, kaya pala ang lamig lamig!, sinubukan kong tumayo at pagka lundag ko sa sahig ay nakita ko ang kumot kong nakahiga na sa sahig.

Dinampot ko ito at inihagis sa kama ko, suot ang isang roba ay nagtungo ako sa bintana ko, bahagya itong nakabukas, kaya pala nakakapasok ang hangin!. Tuluyan ko itong binuksan nang malawak, at tumambad sa 'kin ang as usual garden na kung saan nasisinagan na nang kaunting liwanag ang mga bulaklak mula sa papasikat pa lang na araw.

Napakaganda ng tanawin na bumati sa umaga ko, sapagka't mula sa bintana ko ay tanaw na tanaw ko ang sunrise, idagdag mo pa ang mga ibon na ngayon ay panay ang kanta at lipad sa himpapawid, na para bang masaya nilang sinasalubong ang bagong araw habang tinatamasa nila nang maigi ang kalayaan. Hayst.. mabuti pa sila masaya sa bawat araw na paparating, habang ako?eto naloloka pa rin kay Francis, at lalong lalo na sa kung ano na namang mga kababalaghan ang sisira sa araw ko ngayon.

" Anak!, bakit kay aga mong nagising?, " Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto ko at sa biglaang pagsasalita ni mama, napasulyap naman ako sa gawi nya, nakasuot sya ngayon ng kulay asul na baro at saya, simple ito ngunit mahahalata parin ang karangyaan, nakatakip naman sa dalawa nyang balikat ang isang kulay asul ding bandana.

Lumapit sya sa 'kin saka kinapa ang noo ko, napangiti naman sya ng hindi na iyon mainit. Iginiya nya ako pabalik sa kama ko at pina upo, " mabuti naba ang iyong pakiramdam anak?, " paninigurado nya pa,vtumango naman ako sa kanya at ngumiti. Mukhang nakikiayon sa plano ni Francis ang tadhana at naging maayos ang pakiramdam ko, gusto kong isipin na nagdilang anghel si Francis pero dahil na rin siguro ito sa niresetang gamot ni Don Epifanio na pinainom sa 'kin ni mama Kagabi.

Ayaw ko sanang inumin dahil ang weird niyon, hindi iyon katulad sa mga gamot na normal mong makikita sa botika, dahil imbes na tablet o capsule ay isa iyong likidong gamot na nakasilid sa maliit na garapon, may ugat pa ng kung anong halaman ang nakapaloob. Pero sa huli ay wala na akong nagawa nang ipagpilitan ito ni mama, napangiwi pa nga ako dahil sa pait ng lasa nun, pero mukhang worth it naman dahil okay na ang pakiramdam ko.

" Sya nga pala anak bakit tila kay aga mong nagising? hindi ba dapat ay nagpapahinga ka pa? sapagkat kagagaling mo lamang sa sakit," wika nya pa, habang marahang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya. Naalala ko na naman tuloy ang totoong mama ko, palagi nya akong sinusuklayan habang nagkukuwento sya ng mga fairytales, bago ako matutulog. Sayang nga lang dahil wala na sya, ibang iba sa parati nyang kinukwento sakin na mga fairytales ang nangyari sa kanya, dahil kabaligtaran sa ending ng mga nito ang nangyari.

Her life ends with a tragic ending...

Pero nagpapasalamat naman ako ngayon dahil sa kahit papano, ay naramdaman kong muli ang pagmamahal ng isang ina, naranasan kong muli ang mga bagay na madalas ginagawa ng isang ina para sa anak nya. " Maari ko bang malaman ang dahilan kung bakit tila nakangiti ngayon ang aking anak?, " muli, bigla nyang tanong na may malapad na rin ngayong ngiti sa mga labi nya. Napaka-maalaga, at napaka-mapagmahal na ina ang character ni Doña Eliza, ang swerte nga naman ni Sandya.

" Sapagkat iyon ay marahil sa pagkakaroon ko ng isang ina, na katulad nyong mapagmahal at maalaga, " may matamis na ngiti sa labi kong wika sa kanya, at habang binabanggit ko ang bawat salita ay tila sa sobrang genuine ng pagkasabi ko ay para bang ang puso ko na mismo ang nagsabi nun sa kanya, kung sana lang ay nasabi ko ang mga bagay na ito noon sa tunay kong mama.

" Nakakataba ng puso ang iyong sinabi anak ko!, " wika nya pa saka hinila ako patungo sa isang mahigpit na yakap. Hindi ito ang inaasahan kong reaction nya, dahil ang inaasahan ko ay ngingiti lang sya at pabirong kukurutin ang singit ko tapos sasabihan nya ako ng bolero at na wala syang piso.

Pero wala ni isa sa mga yun ang naging reaction nya, dahil mas naging higit pa rito, siguro nga'y ganun na lang talaga ang saya nya na marinig ang mga salitang kailanman ay hindi nya pa narinig noon sa anak nyang character ni sandya. Siguro nga ay ganoon na din ako ka samang author, para ipagkait sa kanya ang pagmamahal at pag-uunawa ng isang anak—nung isinulat kong ayaw sa kanya ni Sandya dahil sa palaging pag puna nito ng mga mali nya.

Pero mula ngayon ay susubukan kong bumawi sa character ni Doña Eliza, sisiguraduhin kong mararamdaman nya ang pagmamahal ng isang anak dahil yun naman talaga ang deserve nya!ang mahalin!.

Matapos ang yakapan naming iyon ay kumatok sa kwarto ko ang tagapagsilbi nyang si Ismaeng, sinasabing andyan na si mang Nestor, para mag maneho sa kalesa papuntang palengke.

" Ako ay magtutungo muna sa pamilihan, dito ka muna sa iyong silid at magpahinga uutusan ko si Sanya mamaya upang ika'y dalhan ng agahan, magpahinga ka anak, " pagpapaalam nya pa, napailing naman ako ng ulo ko, hindi ko gusto ang ideyang mananatili at mabubulok lang ako sa kwartong to buong araw, dahil kung hanggang maari ay gusto kong maglakad at maglibot-libot.

" Bakit anak?, " tanong nya matapos makita akong umiling
" gusto ko pong sumama mama, okay na po ang pakiramdam ko, " wika ko saka ginawaran sya ng mapaniguradong ngiti. Napakunot naman ang noo nya, " Oki?ano ang salitang iyong tinuran anak?, " naguguluhan nya pang tanong, " okay, ang salita pong iyan ay galing sa ingles na ang ibig sabihin ay maayos, " pagpapaliwanag ko pa, napangiti naman sya saka ginulo ang buhok ko na para bang may ginawa akong maganda. "Ako'y hindi mo talaga binibigo at patuloy mo akong pinapahanga, ngunit saan mo natutunan ang mga salitang iyan?hindi naman iyan itinuturo sa kumbento, " dagdag nya pa, tuluyan na dana akong matutuwa sa papuri nya pero, pinag-isip nya naman na ako ulit ng palusot.

Ano bang palusot ang sasabihin ko?hindi ko naman pwedeng sabihin na natutunan ko ito dahil usual yung sinasabi ng mga tao, tila bigla ay may isang bombilya ang sumindi sa utak ko ng sumagi sa isip ko ang isang idea. " Ah nabasa ko lang po sa mga libro, " proud kong sabi dahil mukhang iyon na ang pinakamabisang palusot na ginawa ko, ngumiti naman sya na para bang kumbinsido, napangiti naman ako mukhang sa unang pagkakataon ay may naniwala sa palusot ko na walang halong alinlangan.

" Mahusay ngunit ako'y hindi mo maloloko anak, " biglang bawi nya saka ngumiti na para bang isa syang kontrabida na dahan-dahan ng nagtatagumpay laban sa bida. Kinabahan tuloy ako dahil baka may alam na sya " Hindi ka pa rin sasama, magpapahinga ka lamang sa iyong silid, " aniya, napahinga naman ako ng maluwag, akala ko kung ano na.

" Ma gusto ko pong lumanghap ng sariwang hangin at pumasyal, payagan nyo na po ako mama por favor(please).." pakiusap ko pa sa kanya sabay ngumiti na parang aso. Sana naman madala sya sa pagpapacute ko oh. Napabuntong-hininga sya bago nagsalita " Ngunit hindi pa ma--, " pinutol ko na ang sasabihin nya, " Ma okay na po ako, oh malakas na po ako, " seryuso ngunit may bahid ng biro kong sabi sa kanya, sabay flex ng invisible muscle ko napatawa naman sya sa ginawa ko.

" Ikaw talaga kay dami mong kalokohan, o sige na at sasama kana magmadali kang magbihis at tayo'y tutungo na, " wika nya, napangiti naman ako ng pagkalaki-laki dahil sa wakas ay pumayag sya.

Dali-dali ko syang pabirong itinulak palabas ng kwarto ko, tatawa+tawa lang naman sya, pagkatapos ay nagbihis na 'ko ng isang kulay berde na baro't saya simple lang ito katulad ng suot ni mama pero mababakas parin ang karangyaan. Pagkatapos ay lumapit ako sa salamin at tiningnan ang mukha ko, wala pa akong hilamos ngunit kahanga-hangang maganda pa rin ako!.

Sinuklay ko lang ng kaunti ang buhok ko saka ito pinusod, nagpunas lang din ako ng tela sa mukha ko para matanggal ang kung ano mang meron sa mukha ko, dahil wala naman silang wipes dito.

Sandali pa akong pumunta sa CR tsaka nagmumug ng katas ng bayabas sa lababo, dahil wala na akong oras para mag toothbrush pa ng pangdalawang beses.

Pagkatapos ay isinuot ko na ang kulay itim na talukbong ko para hindi ma-hanginan ang ulo ko, pero nagmukha naman akong snatcher kaya hinubad ko na lang ito't pinalitan ng kulay dilaw na bandana.

Palukso-lukso akong lumabas sa kwarto ko at bumaba sa hagdan muntikan pa akong matumba kaya umayos na lang ako sa paglalakad. Pagkarating ko sa malawak na sala ay nakita ko si General Marcelo na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo, habang si mama naman ay nasa kabila at naghihintay, lumapit na ako sa kanya at yinayang lumabas. " Ahemm Sandya ikaw pala ay gising na, " biglang wika ni General Marcelo, bago pa man makatayo si mama. " A-ah opo , " yun na lang ang tanging nasabi ko.

Bigla naman akong siniko ni mama saka binulungan " bumati ka ng magandang umaga sa iyong papa Sandya, " wika nya pa kaya muli akong napatingin kay General Marcelo na ngayon ay nasa akin na rin pala ang paningin, " m-magandang umaga po gen-ah papa, " nauutal ko pang wika sa kanya napangiti naman sya saka sinenyasan akong lumapit sa kanya, nakaka intimidate ang itsura nya dahil bakas na bakas dito ang pagiging maawtoridad, kaya kahit na natatakot man ay humakbang ako papalapit sa kanya, hindi naman siguro ako pababayaan ni mama kung sakali ngang pagalitan nya ako.

Nang makalapit ay ibang-iba sa inaasahan ko ang nangyari, dahil inakbayan nya ko pagkatapos ay hinalikan sa noo naramdaman ko pa ang balbas nya pero kahit papano ay nakakagaan ng pakiramdam ang ginawa nya. " Ako'y nangungulila sa iyo anak, pansin ko'y hindi mo na ako kinakausap hindi ka narin pumupunta sa opisina ko upang tayo'y makapagkwentuhan kagaya ng palagi nating ginagawa noon, ako tuloy ay nainibugho sa iyong mama sapagkat may mas marami ka pang oras sa kanya, " malungkot ngunit pabiro nyang saad, nagulat naman ako sa sinabi nya. Talagang close nga pala sila ni Sandya. " Marcelo!, " natatawa pang suway ni mama.

" A-ah hehe ikaw naman papa napaka seloso nyo naman po, naging abala lang po kayo sa trabaho nyo kaya minsan na lang tayo makapag-usap pero huwag po kayong mag-alala dahil para sa 'kin kayo po ang pinakamagiting na ama at heneral, " paglalambing ko pa kahit papano, sabay taas ng isa nyang kamay na para bang inaanunsyo ko na sya ang nanalo sa boxing, tumawa naman silang dalawa ni mama, hindi ko alam pero ang sarap sa tenga marinig ang tawa nila, pakiramdam ko ay nabuo ulit ang pamilya ko.

Bago pa man ako makapagsalitang muli ay lumapit na si mama at ginulo naman ni..papa ang buhok ko, kaya napanguso ako dahil kakapusod ko pa lang nito, pero hindi na ako nagreklamo pa nang hinila nya kaming dalawa ni mama para yakapin sa magkabila nyang bisig natawa naman si mamang tinapik-tapik ang dibdib nya, dahil napakahigpit ng yakap nya sa 'ming dalawa. Bigla na lang ay may umapaw na emosyon sa puso ko napakasaya ko dahil feeling ko kumpletong muli ang pamilya ko, dahil naramdaman ko na namang muli ang yakap ng parehong magulang.

Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi ko, habang tinatahak namin ni mama ang daan patungong palengke sakay sa isang kalesa. Ibang-iba iba sa kinalakihan kong Manila ang nakikita ko ngayon walang mga nagtataasang gusali, hindi pa sementado ang daan, walang malalakas na busina mula sa samu't saring sasakyan, walang traffic, at higit sa lahat walang pollution. Kung sana lang ay hindi naging masyadong maabuso ang mga tao sa pagbabago sa modernong panahon, ay mananatili siguro ang sariwang hangin, at maluwag na kalsada sa panahong ito.

" Kamusta ang iyong pakiramdam anak?, " panglimang beses na, na tanong sa 'kin ni mama pero hindi ko makuhang mainis dahil alam kong nag-aalala lang sya, halata naman iyon sa boses nya, at sa bawat segundong pagsulyap nya sakin. At sa ikalimang pagkakataon ay tumango na naman ako sa kanya saka ngumiti bago magsalita " maayos lang po talaga ang pakiramdam ko mama, huwag na po kayong mag-alala, " paninigurado ko sa kanya, napa sigh in defeat naman sya.

Ibinalik ko nang muli ang paningin ko sa labas, siguro nga ay hanggat makikita ko ang dating Manila ay hindi matitigil ang paghanga ko rito, sa ganda at sa kapayapaang taglay nito. Nagulat ako ng nang bigla na lang tumigil ang kalesa mula sa matulin nitong takbo, kaya dahil sa biglaang paghinto ay bahagya pang nadapa ang katawan ko sa unahan ng kalesa.

Kigwa!

" Mang Nestong ano ang nangyayari?bakit biglaang huminto ang kalesa? tayo'y wala pa sa pamilihan!, " sigaw ni mama dito, o nga't wala pa kami sa pamilihan kaya nakakapagtaka ang biglaang paghinto nito.

" Dona, Señorita kayo po ba ay ayos lang? paumanhin po at bigla na lamang tumigil ang kabayo, hindi ko rin po mawari ang dahilan, tila sinusumpong ito, " wikang mang Nestor na dali-daling bumaba sa pwesto nya at pumunta sa 'min. " Ano ang problema ng kabayo?, " muli pang tanong ni mama, napakamot naman sa kilay si mang Nestor. " Iyon nga po ang suliranin Doña, hindi ko mawari kung bakit bigla-bigla na lamang tumigil sa pagtakbo ang kabayo, tila ito'y sinusumpong na naman, susubukan ko pong muling patakbuhin, " muling wika ni mang Nestor saka hinampas nang hinampas ang kabayo pero ayaw parin nitong tumakbo. Nakaramdam naman ako ng awa para sa kabayo, siguro ay pagod na ito at gustong magpahinga, ang hirap rin pala maging kabayo, hayst ganito na nga siguro ako ka stress dahil pati damdamin ng kabayo pinproblema ko na..

Napukaw ang atensyon ko sa isang paparating na kalesa, matulin ang takbo nito. Sinilip ko ang laman ng kalesa, at nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong sakay nito, dali-dali kong hinila ang ulo ko para hindi makita pero huli na!dahil nakita na nya ako!at sa kamalas-malasan ay ako ang tinanong nito!

Kigwa naman oh!.

" Binibini, ano ang nangyari rito?, " tanong nya pa, napalunok naman ako sa kaba, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako gayong tinatanong nya lang naman ako. Pero may kung anong meron sa mga mata nya na para bang hinihila ako palapit sa kanya.

" Binibini, " muli nyang wika sabay lahad ng kamay nya para alalayan akong makababa, kaya lalong nagwala ang puso ko, ang lakas ng tibok nito at hindi maawat ang kaba ko, ano ang nangyayari sa puso ko?nasobrahan ba ako sa pag-inom ng kape?

Ipagpapatuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro