Kabanata 1:
[Chapter 1]
Nagising ako dahil sa malakas na pagkakakatok sa pinto ko na para bang ilang segundo na lang ay gigibain na ito ng taong kumakatok kapag hindi ko ito binuksan.
Inis akong tumayo at nagtungo rito.
" Ano ba?!gigibain mo ba ang pinto ko? "
Bulyaw ko pagkatapos buksan ang pinto, kahit pa hindi ko kita ang taong binubulyawan ko dahil naka-pikit pa rin ang mga mata ko, antok na antok pa 'ko at ang smurfs na 'to ay ayaw man lang akong patulugin.
" Hoy, Zanthe!alas otso na ng umaga! kanina pa bumabati sa 'yo ng good morning si haring araw, pero ikaw dinaig mo pa ang mantika kung matulog pati pwet mo humihilik!, " maagang pagbubunganga na agad ang sumalubong sa akin.
Nakakunot ang noo kong binuksan ang mga mata ko, medyo nahirapan pa ako dahil nakakasilaw ang liwanag na sumalubong sa akin.
" Ke aga-aga nambubulabog ka, " masama ang tingin na saad ko kay Leica, dahil bukod sa pambubulabog nya sa pagtulog ko ay tinawag nya pa ako sa tunay kong pangalan.
Ayaw na ayaw ko talagang tinatawag ako na Zanthe dahil parang panlalaki ito at mas sanay akong tawagin sa palayaw kong Sansa.
" Ano?!hoy Zanthe baka gusto mong ipalamon ko sayo ang buong kalendaryo, at nang kapag na itae mo na ay ma re-realize mong araw ng linggo ngayon at male-late na tayo sa simba! " nakakadiring aniya.
Dahil dun ay nanlaki ang mga mata ko, dali-dali akong tumakbo sa Cr at agad nag buhos ng tubig.
Sa sobrang pagkataranta ko ay naka pangtulog akong naligo, at wala pa akong dalang twalya kaya tumutulo pa sa basa ang damit ko nang lumabas ako sa banyo.
Smurfs!talaga oh mababasa na naman ang carpet ko.
Alas onse na ng taghali at kakatapos pa lang naming mag simba, nilalamok na ako dito sa kinatatayuan ko at halos malusaw na ang payong kong dala dahil sa init, kakahintay kay Leica na nakikipag patalastasan pa sa manloloko nyang nobyo sa cellphone.
" Sa, ano sa tingin mo?hihiwalayan ko na ba dapat si Neil? " nakataas ang dalawang kilay nyang tanong sa 'kin pagkatapos ng patalastasan nya sa manloloko nyang nobyo.
Hindi ko sya sinagot dahil pagod na ang dila ko kakaulit ng sagot sa paulit-ulit nyang tanong.
" Sa? ".tawag nya pa sa 'kin, pero hindi ko sya pinansin at nagkunwaring abala ako sa paghihintay nang taxi.
" Sa? " muli nya pang tawag sa 'kin sabay kalabit, hindi ko pa rin sya pinansin dahil siguradong kapag sinagot ko sya ay mapapagod lang ako kakapaliwang at kakaulit ng mga parati kong sinasabi.
" Zanthe Rasonable ano ba!?nakikinig ka ba!? " dere-deretso at buo ang pangalan kong sigaw nya, dahilan para sumakit ang tenga ko dahil sa matinis nyang boses.
" Ano ba smurfs paulit-ulit na lang sagot ko sayo hiwalayan mo na yang manloloko mong unggoy na boyfriend! " dere-deretsong sigaw ko sa kanya pabalik. Para tuloy kaming tangang dalawa dito na nagsisigawan sa gilid ng kalsada napapalingon tuloy ang ilang napapadaan sa 'min.
" E mahal ko sya e, " sagot nya na ngayon ay nakatitig na sa akin at parang may pinapasan na isang sakong bigas sa likod nya dahil sa pagod nitong awra.
Hindi naman na ako nagulat pa sa sinabi nya, dahil noong nagsaboy ng katangahan ay buong lakas nyang ginamit ang mapuputak nyang bunganga para masalo lang lahat.
Napaikot na lang ako ng mga mata, ano pa bang magagawa ko?e isang drum siguro ng gayuma ang pinalaklak ng smurfs na Neil na yun sa ubod ng tanga kong kaibigan.
" Ano bang meron sa pagmamahal mong yan?at kahit gumagapang kana sa sakit ay hindi mo pa rin magawang bitawan! " inis kong sermon sa kanya, ano nga ba naman kasing meron sa pagmamahal na yan e nasasaktan lang naman tayo, kaya talaga ayaw kong magmaghal ng lalaki sa mundong to dahil ayaw kong matulad sa award winner sa katangahan kong kaibigan.
" Nasasabi mo lang yan Sa, dahil palibhasa hindi mo pa naranasang magmahal, alam mo kasi kapag nagmahal ka ay kakayanin at iintindihin mo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo dahil mahal mo ang isang tao, kaakibat naman talaga ng pagmamahal ang sakit e, ", paliwanag nya pa, aba!hanep talaga tong kaibigan ko oh mala alien sa paniniwala nya sa pag-ibig.
" Tsk kalokohan, hindi ko man naranasang magmahal ngunit alam ko kung ano ito, maraming tumatangkilik na bilhin ang produktong ito minsan nga ay may pa promo pa ito na saya at sakit, kaso nga lang nung bumili ka kahit hindi kasali sa promo ang katangahan ay pinagpilitan mo pa sa sales lady na bilhin ito, kaya ayan dinaig mo pa ang paralyze sa pagiging tanga, " matalinghagang sermon ko sa kanya, pero mukhang wala man lang pumasok ni isa sa manhid nyang utak, ano pa nga bang aasahan ko malamang ay okupado na ng tanga virus ang utak nya kaya kahit good bacteria ay hindi magawang makapasok.
" Ah basta, hindi ko sya hihiwalayan! " determinadong saad nya pa na parang isa sa mga rebulosyonaryong Pilipino na handang mag buwis ng buhay para lang makamit ang kalayaan mula sa mga mapang abusong kastila noong unang panahon.
Tanga talaga to e tinatanong pa ako kung hihiwalayan nya ba daw yung manloloko nyang nobyo, e hindi naman nakikinig sa sagot ko.
Malakas ang buhos ng ulan at maginaw ang ihip ng hangin, alas dyes na ng gabi ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nakayakap lang ako sa parehong tuhod ko habang pinagmamasdan ang bawat pag ampyas ng talsik ng tubig ulan sa transparent na bintana sa kwarto ko.
Dalawang baso na ng gatas ang nainom ko sa paniniwalang makakatulong ito para antukin ako, pero ilang minuto na ang lumipas at buhay na buhay pa rin ang diwa ko, hindi ako makatulog dahil sa tunog ng ulan, ang bawat patak nito sa bubong ng kwarto ko ay naghahatid ng kirot, dahil muli nitong pinapa-alala ang isang pangyayari na matagal ko ng hinihiling na sana ay isang panaginip na lang.
" Zanthe anak, alam mo ba kung bakit Zanthe ang ipinangalan namin sa iyo? " nakangiting tanong ni mama sa 'kin. Nakaupo sya sa passenger seat ng kotse habang ako naman ay naka upo sa likod at si papa ang nag da-drive.
Umiling ako habang nakangiti bilang sagot na hindi ko alam at gusto kong malaman, napangiti naman si mama at tumiad para punasan ang madumi kong mukha dahil sa kakakain ng paborito kong siopao.
" Galing ang salitang Zanthe, sa salitang greyigo(Greek)na ang ibis sabihin ay golden, " nakangiting sagot ni mama habang tinatanaw nya ang malakas na buhos ng ulan sa kalsada, dahilan para hindi masyadong maaninag ang daan.
" Pinangalanan ka namin nun ng papa mo dahil ikaw ang aming kayamanan, ang nag-iisang nagbibigay ngiti sa aming mga labi, " patuloy pa ni mama napangiti naman ako sa sinabi ni mama gusto ko sana syang yakapin kaya lang mahigpit ang pagkaka seatbelt ni papa sakin.
" At kahit pa ikaw ay lumaki na at nakapag asawa ay gusto naming tandaan mo na mananatili kang baby para sa amin ng papa mo, mahal na mahal ka namin ng papa mo anak, " magiliw pang dagdag ni mama, napanguso naman ako dahil lagi nyang sinasabi sa akin ang mga bagay tungkol sa kapag naging malaki na ako at makapangasawa na pakiramdam ko tuloy gusto na nila akong ipa-asawa.
" Mama naman e! 8 years old pa lang po ako, wala pa po akong pangarap na makasal! " nakangusu ko pa ring reklamo natawa naman si mama at papa, dahil palaging iyon ang reaksyon ko sa tuwing binabanggit nila ang mga ganoong bagay.
" O sya-sya hindi ka na namin pipilitin ng mama mo na isipin mo ang mga bagay na iyon, dahil alam naman naming hindi lang iyon ang mga paraan para hindi ka maiwang mag-isa sa buhay kapag nawala na kami ng mama mo, dahil alam naman namin pareho na malawak ang pananaw mo sa buhay na kahit bata ka pa lang ay alam mo na ang takbo ng mundo at kung ano ang totoong kahulugan ng buhay, at alam naman namin na ikaw ay isang strong and courageous baby, " magiliwng sambat ni papa, pero hindi ako natuwa sa sinabi nya.
Ito ang unang pagkakataon na narinig ko iyon mula sa kanya sa tono na parang namamaalam,matanda na sila mama at papa at ako lang din ang anak nila kaya siguro inaalala nila ang magiging buhay ko kapag iniwan na nila ako. Pero hindi!hindi ko hahayaang mangyari yun! .
Magpoprotesta na sana ako pero naunahan ako ng isang malakas na sigaw ni mama.
" ROBERTO!ANG BATA! " agad na winakli ni papa ang manobela pa kaliwa para hindi namin mabunggo ang tumatawid na bata, nakakabingi rin ang malakas na palahaw ng mga gulong ng aming sasakyan sa pagitan ng sementong daan, ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng maramdaman ko ang sapilitang pagyakap sa 'kin ni mama mula sa passengers seat at ilang segundo lang ay naramdaman ko ang malakas na pagbangga ng aming sasakyan sa isang bagay, dahilan para mawalan ako ng malay.
Marahan kong pinunasan ang mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko, hindi ko pa rin mapigilang malungkot kahit pa mahigit 15 years na rin ang nakaraan mula nang pangyayaring yun na tila isang bangungut na syang naging dahilan sa pagkasira ng buhay ko.
Para matulongang gumaan ang pakiramdam ko ay kinuha ko nalang ang journal notebook ko at nagsimulang mag jot down ng mga saloobin ko.
Oktubre, 18, 2010
Muli na naman akong ginagambala ng sakit sa huling ala-ala na meron ako sa inyo ma, pa.
Inaamin ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang sakit na nararamdaman ko, na hanggang ngayon ay nagngulila pa rin ako sa inyong pagkawala, at nahihirapan pa rin ako na mabuhay ng walang mga magulang sa aking tabi.
Ngunit huwag na sana kayong mag-alala ma, pa dahil hindi naman ako mag-isa ngayong nabubuhay, dahil andyan naman ang tanga ngunit mapagmahal kong kaibigan na si Leica at bukod pa roon ay ako ang inyong strong and courageous baby.
Mahal na mahal ko kayo ma, pa at sana ay gabayan nyo po ako, sa mga desisyun at sa mga balakid sa buhay na makakaharap ko pa lang.
Nagmamahal,
Zanthe/Sansa
Sa pagsusulat pa rin pala ang lagi kong hantungan kapag nalulungkot ako, naisip ko tuloy na kung baka 'pag may buhay ang papel at ballpen ko ay siguradong mag rereklamo na sila dahil sa paulit-ulit na mga katagang sinusulat ko.
Mga katagang nagpapaliwanag sa mga pighati sa puso ko.
Ipagpapatuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro