Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogo

( Epilogue )

Tulala habang nakatitig lang ang isang lalake sa repleksyon ng buwan sa mahinahong dalampasigan.

Hindi nya mawari kung bakit parang mayroon syang kung anong koneksyon sa tubig at buwan. Pakiramdam nya ay may isang misteryo ang nakakubli sa likod ng kagandahan nito.

Sa puso nya ay naroon ang sakit sa tuwing pinagmamasdan nya ang liwanag ng buwan maging ang mahinahong alon ng dalampasigan. Ngunit hindi nya mawari kung bakit nya ito nararamdaman.

" Andres! What are you doing here? It's freezing, " tawag sa kanya ng isang babaeng may itim na mga mata, at kulot na buhok. Isang babaeng nagmula sa isang mayamang angkan na nagngangalang Sanlea.

Ngumiti sa kanya ang babae, sinuklian nya na rin lang ito ng isang tipid na ngiti.

" Let's go hun dinner is ready, " dagdag pa ng babae sabay yakap sa mg bisig ni Andres. Dahil sa lamig ng klima sa Espanya.

Mahigit isang taon ng kasal si Andres kay Sanlea. Hindi nya talaga gusto ang babae ngunit napilitan syang magpakasal dito para sagipin ang papalubog na negosyo ng kanyang pamilya.

Bawat araw na dumarating sa kanya ay itinuturing nyang isang panibagong kandado sa lungga ng kanyang kinasasadlakan. Sa puso nya ay alam nyang may hinahanap sya, isang babaeng matagal na nyang minamahal kahit hindi nya pa kilala.

Isang araw habang abala sya sa mga pasyente nya sa sa isang salagin. Ay napansin nya ang isang babaeng tulalang naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital.

Nakasuot ito ng amerikana habang nanatiling nakalugay ang kayumanggi at kulot nitong buhok. Nakatutuk lamang ito sa isang libro, tila nagbabasa habang naglalakad.

Hindi nya alam ngunit may kung ano sa kanya ang nagtutulak na lapitan ang babae. Kaya pansamantala nyang iniwan ang kanyang pasyente sa isang nars, at marahang nilapitan ang babae.

Hindi nito pansin ang paparating nyang presensya dahil tutuk ito sa librong binabasa nya. Hindi nya alam kung bakit sa isang ospital nagbabasa ang babae, na kahit naglalakad ay wala itong paawat.

Sa isip nya ay isa itong taong palabasa. Nang tuluyan na syang makalapit sa babae ay tahimik nyang sinabayan ang marahang paglalakad nito.

Maingat nyang sinulyapan ang babae ngunit hindi nya tuluyang makita ang mukha ng babae dahil nakatungo ito at nakasuot ng isang anteoho.

Nang magpakli ng isang pahina ang babae sa libro ay napansin nya ang pamagat ng librong binabasa nito.

Te amo mi amor...

Sa isip nya ay napangiti sya lalo na't mukhang pareho sila ng babae na nahihilig at napamahal sa storyang ito.

Ang isang storya ng pagmamahalan ng dalawang tao na sinubok ng tadhana at ilang ulit na nangyari muli ang kanilang pagmamahalan sa ibang panahon at henerasyon, at ang ilang ulit na pagkabuhay ng dalawa para lang sa kanilang pagmamahalan ngunit kailanman ay hindi ito nagkaroon ng isang magandang katapusan.

" Ang bulaklak na Rosas, ay sumisimbolo ng pag-ibig. Kaaya-aya ang ganda nito ngunit ang tangkay nito ay mapanganib at sumisimbolo ng dugo. Ang kahulugan ng obrang iyan ay, kapag lalo kang humahawak sa isang pag-ibig na hindi para sa iyo ay lalo ka lamang masasaktan, "

Pagbasa nya sa kasalukuyang dayalogo ng pahina. Napaangat ng tingin sa kanya ang babae at nagtataka sya nitong tinignan.

" Hindi ba't kay lungkot ng storyang iyan? Isang pag-iibigan na matagal na pinaglaban ng dalawang tao ngunit hindi pa rin nabibigyan ng isang magandang katapusan, " wala sa sariling usal nya. Kahit hindi nya kilala ang babae ay ramdam nya ang pagiging komportable nya sa presensya nito na para bang nakita at nakasama na nya ito.

" Pilipino ka? " Malayo sa sinabi nyang sagot ng babae. Tumango lang naman sya rito habang may ngiti sa labi.

Iniangat ng babae ang suot nito anteoho at diretsong nagtama ang kanilang mga tingin. Sa sandaling iyong ay pareho nilang naramdaman ang isang kakaibang pakiramdam. Na para bang matagal na nilang kilala ang isa't-isa at matagal na nilang hinahangaan ang kulay at ganda ng kanilang mga mata. Parehong kulay kayumanggi na singganda ng liwanag ng buwan.

" Napakalungkot ng katapusan ng nobelang iyan, hindi ba? " Tanong ni Andres sa babae.

Tumango naman sa kanya ang babae, habang naguguluhang nakatingin pa rin sa kanya. Hindi maintindihan ng babae kung bakit pamilyar ang lalakeng kaharap nya, at kung bakit sya humahanga sa mga mata nito.

" Ngunit sa kabuuan ng nobelang ito ay may iisang linya ang nanatili sa puso at isip ko, " wala sa sariling usal ng babae, habang napangiti naman sa kanya si Andres.

" Pueden pasar siglos, pero mi amor porque siempre permanecerás al fin. "

Sabay nilang wika dahilan para pareho silang matawa sa isa't-isa.

Ang marinig nila ang pagtawa ng isa't-isa ay tila isang pamilyar na musika sa kanilang tenga. Isang musika na kay tagal na nilang hinangaan at matagal ng ninais na muling marinig.

" I'm Andres Verano, may I know your name? " Lakas loob na tanong ni Andres sa babae sabay lahad nya sa kanyang kamay.

Nag-aalangan naman itong tinanggap ng babae, at sa sandaling nagdaop ang kanilang mga palad ay ramdam nila ang pamilyar na kuryente na dumaloy sa kanilang puso at sistema.

" Sariya Rasonable, nice to meet you Andres, " nakangiting wika ng babae.

Bumaba ang tingin nila sa kamay ng isa't-isa. At hindi nilang kung bakit pero pareho nilang naramdaman ang panghihinayang matapos makita ng wedding ring na nakasuot sa daliri nilang dalawa.

" Tuluyan ka na ngang nagpakasal sa kanya... " Wala sa sariling usal ni Andres habang malungkot na tinititigan ang kayumangging mga mata ni Sariya.

" Marahil ay kailanma'y hindi mabibigyan ng isang magandang katapusan ang nobela ng ating pag-iibigan... Paalam na mahal ko..." Wala pa rin sa sariling dagdag ni Andres.

Sa mga sandaling iyon ay hindi nya alam kung bakit nagawa nyang sabihin ang mga salitang iyon, pakiramdam nya ay may ibang tao ang sumanib sa kanyang katawan.

Habang sa kabilang banda, ay naroon ang puso ni Sariya, na nakaramdam ng labis na lungkot sa winika ni Andres.

Hindi nya rin mawari ngunit naroon ang kanyang lungkot sa sinabi ng lalake kahit pa hindi nya alam kung ano ang ibig-sabihin nito.

" Paalam na mahal ko.." pagkatapos itong sabihin ng lalake ay kusa na itong bumitaw mula sa pagkakahawak ng kanilang mga kamay. At tuluyan ng tumalikod at naglakad papalayo ng hindi lumilingon.

Kaya't ganoon na rin lang ang ginawa ni Sariya, naglakad sya papalayo habang hindi lumilingon pabalik. Sa puso ay dala nya ang kakaibang sakit at panghihinayang na hindi nya mabatid kung saan nanggaling.

" Te amo mi amor..." Mga salitang kusang lumabas sa bibig nilang dalawa, hanggang sa tuluyan na ngang naging malabo ang kanilang distansya.

Wakas

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro