Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

CHAPTER 5

WALA silang imik pareho habang kumakain. Gustong magsalita ni Lechel, gusto niyang magtanong, pero sasagutin ba siya ng binata? Sasagutin ba nito ang tanong niya sa pamamagitan ng salita at hindi sa pagsulat sa white board nito?

Inilagay ni Lechel ang isang tasang kape sa harap ni Nykyrel. "Inumin mo hanggat mainit pa." Aniya saka ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

Lechel eyes snapped at Nykyrel when he took out a crumpled paper and a pen from his pocket, scribbled something in the paper then passed it to her.

Binasa niya ang nakasulat sa papel.

'Why are you being nice to me?'

Huminga siya ng malalim saka tumingin kay Nykyrel na nahuli niyang nakatingin sa kaniya. He didn't look away. His deep lazy brown eyes captivate her again.

"Nykyrel," she sighed, "matuturing akong myembro ng akyat-bahay gang dahil sa pag-akyat ko sa gate ng bahay mo. I deserve to be bitten by your dog," she frowned, "i mean not really. Ang sakit kaya ng ginawa sakin ng hayop mo na yon." Nykyrel chuckled. "But nevertheless, hindi ko akalain na lilinisin mo ang sugat ko. You injected me a vaccine for anti-rabies, you let me ate your cake, you buy me clothes and now I'm eating your food. Kahit minsan masama ang ugali mo at wala kang modo, may utang na loob pa rin ako sa'yo."

His eyes dance in amusement when Lechel mentioned his bad attitude, then scowled after hearing the last part of her speech but didn't comment.

"Bakit ayaw mong magsalita?" Tanong niya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. "Ayaw mo ba akong kausapin?"

His eyes flashed darker, he looks mad at something. Inabot nito ang papel at nagsulat na naman.

She read it.

'I can't talk to you.'

Hurt flash her eyes. "Can't or won't?"

Nagsulat na naman ito. 'Can't.'

Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit?"

'Disorder.'

"What kind of disorder?"

Nykyrel lips thinned. Hindi ito nagsalita o nagsulat. Inilapag nito ang ball pen sa ibabaw ng mesa saka nag-umpisang kumain ulit.

Hindi ito sasagot. Alam iyon ni Lechel. Whatever his disorder, it has something to do with his voice or his speaking ability.

Kinagat ni Lechel ang pang-ibabang labi. Kung tama ang iniisip niya, napakasakit niyon para sa isang mayamang negosyante. Nykyrel Guzmano is rich, handsome and smart yet here he is, in his black mansion, hiding from the world because of some disorder.

Bumuntong-hininga siya at kinalimutan ang disorder na sinasabi ni Nykyrel. Narito siya para interview-hin ito pero bago iyon, tutulungan muna niya ito sa kahit na anong paraan.

Nykyrel needs help and she's there to help him whether he ask for it or not. Iyon ang bayad niya sa pag-i-interview niya rito. And she's sure that she will get an interview with him. Nararamdaman niya iyon. And then hello promotion.

"So," Lechel smiled at Nykyrel, "napansin kong wala kang mga pagkain dito sa kusina, gusto mong pumunta sa grocery kasama ako? Mamili tayo ng makakain."

Uncertainty and dread flash through his eyes. Pero kaagad din iyong nawala ng kumurap ito. Bakit natatakot itong lumabas? Ano ba ang nangyari rito?

Umiling ito habang may kaunting takot sa mga mata nito.

"Nykyrel, kasama mo naman ako—"

"No!" Malakas na tinampal nito ang mesa saka bigla na namang umalis at iniwan siya.

Anong nangyari rito? Her curiosity is now eating her. She has to know. Bilang isang Journalist, normal na sa kaniya ang ma-curious sa mga bagay-bagay sa mundo. Normal sa kaniya ang magtanong at alamin ang kasagutan. At hindi niya tatantanan si Nykyrel.

She will help Nykyrel, unravel Nykyrel's secret and then she will get his interview. It's a win-win. At kapag nagawa na niya ang mga 'yon ay makukuha na niya ang promotion niya.

Huminga siya ng malalim saka niligpit ang pinagkainan nila ni Nykyrel. Hinugasan niya ang mga iyon saka ibinalik sa lalagyan. Pagkatapos ay nagtungo siya sa silid niya at tinawagan ang kaibigan niya.

"Hey, Jan Irish." Bati niya sa kaibigan na tinitili ang pangalan niya ng sagutin ang tawag.

"Oh my god! Lechel! Lechel, my dear friend! Lechel! Lechel—"

"Magtigil kang babae ka kundi papatayin ko 'tong tawag." Pananakot niya.

Kaagad namang kumalma ang kaibigan at normal ang boses na nagsalita. "Kumusta ka na? Umalis ako ng naakyat mo 'yong gate at hinintay ang tawag mo! Peste kang babae ka, alam mo bang pinag-alala mo ako?"

Napangiti siya. "Jan Irish, ayos lang ako. Well, nakagat ako ng aso pero maayos na ang pakiramdam ko kasi inalagaan naman ako ni Nykyrel."

Narinig niyang suminghap ito ng banggitin niya ang pangalan ni Nykyrel. "Oh my god! Nagkita na kayo?" Tumili na naman ito. "Guwapo pa ba siya? Makalaglag bra at panty ba? Teka lang, is he still the same as before?"

Jan Irish last question make her stilled. "Still the same as before?"

"Yes." Ani Jan Irish na hindi man lang napansin ang kaguluhan sa boses niya. "Nakalimutan mo na ba? Nykyrel used to keep to himself when we were in high school."

Kumunot ang nuo niya. "When we were in high school?"

Jan Irish puffed a breath then chuckled lightly. "Oo nga pala, masyado kang focus sa pag-aaral nuong high school tayo para bigyang pansin ang tao sa paligid mo."

Lechel rolled her eyes. "Jan Irish, alam mong hindi ko afford ang tuition nuong high school tayo. Kaya lang naman ako nakapasok sa paaralang iyon kasi scholar ako at kailangan mataas palagi ang grado ko." Paliwanag niya. "Now, tell me about Nykyrel Guzmano. Kaklase natin siya?" Gulat na gulat siya sa kaalamang iyon.

"Nope." Jan Irish said popping the 'p'. "Freshmen tayo, senior na siya. Wala siyang kaibigan at palagi siyang binu-bully."

Her eyes bulged. "Binu-bully?" Sa pangit ng ugali nito, akala niya ito ang mambu-bully.

"Oo." Jan Irish voice turns sad. "Crush ko siya noon tapos may isang ka-klase natin na makati ang dila at nagkuwento. Nykyrel Guzmano has a Speaking Disorder. Nauutal siya kapag nagsasalita. Mahaba man ang sasabihin niya o maikli kaya tampulan siya ng tukso noon."

"I didn't know." Nakaramdam siya ng awa sa binata.

God. That must be horrible. To be tease because of something that you don't want to have. Good God.

"Of course, hindi mo alam." Biglang bumalik ang saya sa boses ni Jan Irish. "Wala kang ginawa noon kundi tumambay sa library kaya wala kang kaalam-alam."

Huminga siya ng malalim habang iniisip ang pinagdaanan ni Nykyrel habang nag-aaral. He got bullied. No wonder ayaw nitong lumabas ng bahay kasi takot itong kutyain na naman. That's why he won't talk to her! That's why he stammered a lot when he spoke.

"Bakit hindi mo 'to sakin sinabi kaagad?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

"Malay ko ba na gusto mo palang malaman." Bumuga ng hininga si Jan Irish. "According sa tsismis noon, nagpapa-therapy naman daw si Nykyrel kaya naisip ko na baka magaling na siya."

No. Her heart clenched for him. He's far from being okay.

"Bakit nagsinungaling ka sa'kin tungkol sa katauhan niya? Na mabaho siya at matanda na?" Puno ng pang-aakusa ang boses niya. "Alam mo naman palang walang katutuhanan 'yon."

Jan Irish sighed. "Tinatakot lang kita." Mahina itong tumawa pero wala namang kasiyahan sa tawa nito. "Saka kapag nalaman mo ang mga sinabi ko sayo ngayon, baka isinulat mo na kaagad iyon at pinagkalat. Lechel, my dear friend, alam kong promotion mo ang nakasalalay sa assignment mo na 'to pero maawa ka naman kay Nykyrel. He had been through a lot. He doesn't need media pestering his life any longer. Kaya nga yata siya nagkulong sa bahay niya e." She sighed. "Well, assignment mo siya kaya ikaw ang magdesisyon. Basta mag-ingat ka riyan at tawagan mo ako kapag may kailangan ka, okay?"

"Okay."

Nang nawala ang kaibigan sa kabilang linya, nanghihinang napahiga si Lechel sa kama.

Nykyrel Guzmano is the key to her promotion. She wanted that promotion very bad. At hindi niya isusuko ang promosyon para lang kay Nykyrel.

With determination burning inside her, she opened the note application in her phone and started typing information about Nykyrel.

HINDI namalayan ni Lechel na nakatulog pala siya kung hindi siya nagising dahil sa katok na nanggagaling sa pinto ng kuwarto niya.

She already knew who it was.

"Bukas yan." Wika niya sa malakas na boses saka bumangon at umupo sa kama.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Nykyrel. He's wearing black faded jeans, black leather jacket, underneath it is a white shirt. Then his deep lazy brown eyes bore into hers, captivating her again. At kahit medyo malayo ito sa kaniya, nanunuot parin sa ilong niya ang mabango nito amoy na mas nagpapalakas at nagpapabilis sa tibok ng puso niya.

Lumunok siya. Look away, Lechel!

He's salivating to look at.

Tumikhim siya saka pinilit ang sarili na magsalita. "A-Anong ginagawa mo rito?" Namula ang pisngi niya ng mapansing nautal siya.

"G-Grocery." He replied and stammered.

Hindi nakatakas sa paningin ni Lechel ang hiyang bumalatay sa mukha ni Nykyrel dahil sa pagkautal nito.

She smiled. Wala siyang pakialam kung nauutal ito kapag nagsasalita. It's a birth defect and it wasn't his fault. Ang totoo, masaya siya na nagsasalita na ito kahit maikli lang.

Nakangiting umalis siya sa kama. "Okay lang ba na hindi ako magpalit ng damit?"

Simpleng tight jeans at baby pink blouse lang ang suot niya saka flat shoes. Ang buhok niya ay nakalugay lang at wala siyang kulorete sa mukha.

Nykyrel raked an appreciative look over her body and smile. "P-Pretty."

Kaagad na naglaho ang ngiti nito ng mautal na naman ito. She has to do something. But what?

Lumapit siya sa binata saka hinawakan ito sa braso. "Halika na. Mag-grocery na tayo."

NAPATITIG si Nykyrel kay Lechel habang hawak nito ang braso niya. He spoke to her and stammered. Handa na siyang pagtawanan nito o kutyain, pero wala itong ginawa.

Instead, she spoke to him normally, like he doesn't have a disorder. Like she didn't care if he has a disorder.

Wala ba itong pakialam na nauutal siya kapag nagsasalita?

Hope blossom inside his heart but he quickly squash it. Lechel is a beautiful woman. Maybe she's just being nice to him. Kaya siguro siya nito hindi kinukutya dahil sa may utang na loob ito sa kaniya.

That makes sense.

Para siyang robot na naglakad palabas ng bahay niya, nasa tabi niya si Lechel.

Napatigil sa paglalakad si Lechel at mahigpit na kumapit sa jacket niya ng biglang kumahol si Dazner ng makita si Lechel.

"Nykyrel!" Halata ang takot sa boses nito.

Pinukol niya ng masamang tingin ang aso. After an eye contest with his dog, Dazner look down and went back to his dog house.

Ipinalibot niya ang braso sa beywang ng dalaga at kaagad na naramdaman niya ang pag-iinit ng katawan.

He sighed.

Iginiya niya ito patungo sa garahe niya saka binuksan ang pinto ng passenger seat ng Bentley Mulsanne. He doesn't want to attract attention, pero nasisiguro niyang mas kapansin-pansin kung ang Ferrari niya ang kanilang gagamitin.

Nang makapasok si Lechel sa loob ng sasakyan, isinara niya iyon saka umikot patungo sa driver's seat.

Nang buhayin niya ang makina ng sasakyan at pinausad iyon patungo sa gate.

Gamit ang remote control, binuksan niya ang gate at lumabas. Malakas ang tibok ng puso niya ng makita ang maraming bahay sa labas ng gate.

He gripped the steering wheel as he tries to control his fear.

Natigilan siya ng maramdaman ang kamay ni Lechel sa nakakuyom niyang kamao na may hawak sa monabela.

Binalingan niya ang dalaga.

She smiled at her. "Nasa tabi mo lang ako, Nykyrel."

Medyo nabawasan ang takot niya pero naroon pa rin ang damdaming iyon, handang kainin siya mula sa loob.

"L-Lets m-make it f-fast." Sabi niya saka tumingin sa daan para itago ang pagkapahiyang nararamdaman.

Bakit panay ang salita niya? He's stammering for fuck sake! He wants to stop speaking but he can't. Gusto niyang kausap ang dalaga.

Lechel must be secretly laughing at him right now. Fuck! Bakit ba hindi siya makapagsalita ng tuwid? He hates himself.

Isinara niya ang gate gamit ang remote control saka mabilis na nagmaneho palabas sa Gentleman Village.

Nykyrel stopped in the nearest Grocery Store. Sabay silang lumabas ni Lechel sa sasakyan saka sabay na pumasok sa grocery store.

He keeps his head down as Lechel get a cart for them to use. Ayaw niyang may makakita sa kaniya at makakilala. He'll make a fool of himself.

Fuck!

Bakit ba kasi siya pumayag na lumabas. He stayed in his mansion for six years without going out. And one woman changed that. A woman he just met. Fuck! Fuck! Fuck!

"Halika." Boses iyon ni Lechel. "Doon tayo sa vegetable section."

Marahas siyang umiling.

Marahang tumawa si Lechel. "Hindi ka fan ng vegetable?"

Umiling siya.

Lechel rolled her eyes and drag him by the arm towards the meat section.

Lahat ng nagustuhan niya, inilagay niya sa cart. Then they move to junk food and can goods. Napuno na ang cart nila. Wala lang silang imik na dalawa.

Nasa wine section sila ng may nagsalita sa likod niya.

"Oh my god! Nykyrel Guzmano? Is that you?"

Sabay silang lumingon ni Lechel. He grimaced when he saw Gretta Buenzo. The woman he considered girlfriend when he was in high school. Akala niya iba ito sa lahat, akala niya gusto talaga siya nito. But he should know better, pretty woman like Gretta Buenzo would never like someone like him, a man with disability.

He learned the hard way.

Gretta sweetly smiled at him. It's sickening to watch. "H-Hello, N-Nykyrel."

Alam niyang nagpapanggap lang ito na nauutal. He knew she's mocking him. Ito ang nangyayari kapag lumalabas siya. His personal demons become real and dread consumed him. Always.

"Oh, bakit hindi ka ma-ma-magsalita, N-Nykyrel?" Bumungisngis ito na tila nasisiyahang hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. "N-Nakalimutan ko, uutal-utal ka nga pala." Tumawa ito ng nakakainsulto. "P-oo-r, N-Nykyrel."

His heart clenched in unexplainable pain. Gusto niyang bumukas ang lupa at lamunin siya. Ayos lang na pahiyain siya at kutyain, pero hindi sa harap mismo ni Lechel. God! He wanted to die right there. He wanted to curl in the corner and beg God to kill him right there and then.

Tumawa na naman si Gretta. "Oh, b-bakit, N-Nykyrel, i-iyak ka b-ba?" Gretta keeps on mocking him and he stand there, silent.

Mariin niyang ipinikit ang mata ng maramdamang umalis si Lechel sa tabi niya. She must be ashamed to be with him by now. Mas mabuti nang umalis ito sa tabi niya, para hindi ito madamay. He's pretty sure that Lechel doesn't want to be seen with him—

A shriek stops his thought. Nag-angat siya ng tingin.

Umawang ang labi niya ng makitang nasa tabi ni Gretta si Lechel, may hawak si Lechel ng walang lamang bote ng wine, ang laman niyon ay ipinaligo ni Lechel kay Gretta.

"Ano bang problema mo?!" Gretta shriek at Lechel.

Ngumiti si Lechel. It was an icy cold smile. "Nakakairita ka kasi e. Nilalason mo ang buong Grocery store sa pangit mong mukha at ugali." Lechel leaned in to Grettel and whispered to her ear, but enough for Nykyrel to hear it. "Kapag ininsulto mo ulit si Nykyrel, ilalampaso kita sa sahig hanggang sa dumugo iyang pagmumukha mo at sisiguraduhin kong hindi ka na makikilala at sa Hospital ang bagsak mo. At sa oras na pinagkalat mo na tinakot kita, siguraduhin mong hindi kita makikita kasi ipapakain kita sa aso ng buhay. Trust me, it will hurt you and i will be laughing my ass off as i watch you die."

Pagkatapos ni Lechel magsalita, namumutla na si Gretta at halata ang takot sa mukha nito.

Lechel step away from Gretta and Gretta fled away fast.

Mukhang nasiyahan si Lechel sa pagtakbo ni Gretta dahil tumawa ito saka humarap sa kaniya.

"Halika na. Bayaran na natin 'to." Sabi nito na ikinagulat niya.

Hindi ba ito magtatanong kung sino si Gretta? Umaakto ito na parang walang nangyari.

"Babayaran mo rin 'yong wine, ma'am." Sabi ng sales lady na malapit sa kanila.

Lechel just smiled and pointed him. "Siya ang magbabayad no'n, hindi ako."

With that, she went to the counter.

Napangiti siya. He's thankful to Lechel. And seeing her smiling face, he felt at ease. Maybe she doesn't care. I hope so.

A/N: Naawa ako kay Nykyrel. Huhu


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro