CHAPTER 20
CHAPTER 20
LECHEL IS having the best day of her life. Natulog siya na katabi si Nykyrel at nakaunan siya sa bisig nito, nagising siya habang pinapaligaya siya ni Nykyrel at ihinatid siya nito sa bahay niya para magbihis saka ihinatid siya sa opisina.
And then when lunch came, sinundo siya ni Nykyrel para mananghalian sa labas.
Nykyrel picked Yanzee's Restaurant, one of the famous Restaurants in Manila.
Pagkatapos bilang umorder hinawakan ni Nykyrel ang kamay niya at pinisil.
"Lechel?"
"Yes?"
"Ahm," kinagat nito ang pang-ibabang labi na para bang nahihiya sa sasabihin, "may itatanong sana ako sayo."
Tumaas ang dalawang kilay niya. "Sure. Ask away."
"Ahm," tumikhim ito, "will you-"
"You're still with this loser?" Anang boses na pumutol sa iba pang sasabihin ni Nykyrel.
Sabay silang napatingin ng binata sa nagsalita. Nagsalubong ang kilay niya ng makita si Jace na nakatayo sa tabi ng mesa nila. Mabilis na dumako ang tingin ni Lechel kay Nykyrel, alam niyang hindi maganda ang ala-ala nito kay Jace.
But shockingly, Nykyrel just looked at Jace, no emotion on his handsome face. Parang hindi ito apektado sa presensiya ni Jace. Actually, he seems annoyed at Jace.
"Ano ba ang kailangan mo, Argara?" Tanong ni Nykyrel kay Jace gamit ang apelyido nito. "Puwede bang umalis ka na? Nakakaisturbo ka, e."
Umawang ang labi ni Jace habang nakatingin kay Nykyrel kapagkuwan ay ngumisi nito, "at nakakapagsalita ka na pala ng tuwid. But that doesn't change a thing, you're still a worthless man and Lechel is better off with me."
Hindi umimik si Nykyrel at nanatiling kalmado ang mukha.
Patuloy naman sa panlalait si Jace, "oo nga pala, narinig kung lumabas ka na sa lungga mo. Sana nanatili ka nalang doon, wala ka namang kuwenta e. Isa kang daga, at hindi na magbabago 'yon." Jace snickered, "kahit pa anong gawin mo, wala ka pa ring kuwenta. Ano naman ngayon kung nakakapagsalita ka na ng tuwid? Hindi ka pa rin nararapat para kay Lechel."
Inakbayan siya nito at doon nakita ni Lechel ang pag-iba ng ekspresyon ni Nykyrel. From calm to boiling rage.
"Huwag mong hawakan si Lechel." Nagtatagis ang bagang ni Nykyrel, "or i will really tear you to pieces."
Kahit siya ay natakot sa banta ni Nykyrel. Mabilis niyang itinulak palayo si Jace at pinukol ito ng masamang tingin.
Jace smirked at her mockingly, "itong lalaking 'to ang pipiliin mo kaysa sakin? E wala nga itong kuwenta, e. Sakin ka nalang, papaligayahin kita."
Dahan-dahang tumayo si Nykyrel. His stance is threatening as he glared at Jace. Sa halip na makipag-bangayan dito, itinaas ni Nykyrel ang kamao at malakas na sinuntok si Jace sa mukha.
Lechel gasped at what Nykyrel did. Napaupo si Jace sa sahig sa lakas ng suntok ni Nykyrel.
"Matagal ko nang gustong gawin 'yon sayo, ngayong ko lang nagawa. It's okay to insult me, but to try to take my woman away from me? I'll kill you for that." Nykyrel smirked. "Jace Argara, i suggest you go and find someone else to fuck over. I'm done with you."
Nagtagis ang bagang ni Jace ag mabilis itong tumayo at dinuro si Nykyrel. "Kahit nakakapagsalita ka na ng tuwid, wala ka pa ring kuwenta. You will always be Nykyrel Guzmano, the stuttering idiot. You are nothing but a worthless being-"
Sa pagkakataong iyon, ang kamao niya ang tumama sa pgmumukha ni Jace. Masakit sa kamay pero worth it dahil nakita niyang nasaktan din ang walanghiya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao.
"Ikaw ang walang kuwenta." Matigas na sabi niya, "hindi si Nykyrel."
Nanlisik ang mga mata ni Jace at dinuro siya. "Wala ka ring kuwenta. Pareho lang kayo." Dinuro nito si Nykyrel, "kakasuhan ko kayong dalawa. Sinuntok niyo ako-"
"Oh, really?" Nykyrel smile coldly, it send chill down her spine, "Argara, oo nga at kalalabas ko lang sa mansiyon ko pero alam ko naman ang nangyayari sa labas. As far as i know, nalugi na ang Argara Chains of Hotel, lubog na lubog na rin kayo sa utang, lalong-lalo ka na na nalululong sa bisyo. You want to sue me, fine with me, but I'll make sure that you'll lose. With my money and connection, ikaw ang makukulong, hindi ako."
"F-fuck y-you, Guzmano." Jace mocked Nykyrel.
Tinawanan lang ni Nykyrel ang pangungutya ni Jace. "Go to hell, Argara." Hindi ito naapektuhan man lang.
"Fuck you!" Sigaw ni Jace, nanlilisik ang mga mata nito.
Nakahinga ng maluwang si Lechel ng nagmamartsang umalis si Jace ng Restaurant.
Pareho silang umupo ni Nykyrel, nagkatanginan saka nagtawanan.
"That man is pathetic." Ani Nykyrel.
"Masaya ako at hindi ka na takot kay Jace." Aniya at hinawakan ang kamay nito.
Nykyrel shrugged. "When i defeat my demons, i also stop fearing Jace. Those sessions were one of the hardest parts of my life, next to sending you away, but i survive. Sinilyuhan ko na ang bahaging iyon ng buhay ko. Pagod na akong matakot. Ayoko na. Oras na para labanan ang takot ko, para sayo at sa sarili ko."
"And I'm happy for you." She smiled, "anyway, ano pala ang itatanong mo sakin kanina?" Pag-iiba niya sa usapan.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Nykyrel saka umiling, "wala. Magtatanong lang sana ako kung sasama ka pag-uwi ko ngayon sa bahay. Wala ako sa mood pumasok mamayahang hapon," he wiggled his eyebrow at her, "so sasama ka?"
Natatawang napailing-iling si Lechel. "Sige. Sama ako."
Nykyrel grinned. "Great."
Dumating na ang order nila sa wakas. They ate is silence until they finish their food. At tulad nga ng pangako niya kay Nykyrel, sumama siya rito bahay nito.
Nang makapasok sila sa Gentleman's Village, may iniabot na sa kaniyan panyo si Nykyrel.
"Ipiring mo sa mga mata mo. I have a surprise for you." Anito.
Nagtataka man, sinunod niya ang sabi nito. Bigla siyang na excite sa kung anong surpresa nito sa kaniya.
Lechel put the blindfold on and waited. "Ano bang surpresa mo sakin?"
"Basta." May kaba sa boses nito, "sana magustuhan mo."
Dahan-dahang bumagal ang takbo ng kotse nito at kapagkuwan ay tumigil. Narinig niyang lumabas ito ng sasakyan at pagkalipas ng ilang segundo, bumukas ang pinto sa tabi niya at may humawak sa braso niya.
"Dahan-dahan lang sa paglabas. Baka tumama ang ulo mo sa pinto." Paalala ni Nykyrel habang inaalalayan siyang bumaba sa sasakyan.
Lechel steps out from the car, carefully. Nang makalabas na siya, pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa.
"Ahm, dalawang hakbang sa harapan mo." Utos ni Nykyrel.
Tumango siya at kaagad na sinunod ang binata. She took two steps forward. Nagtaka si Lechel ng makarinig ng papalayong yabag sa kaniya.
"Nykyrel?" Tawag niya sa pangalan nito. "Nasaan ka?" She was tempted to take off her blindfold.
"I'm here." Tumigil na ito sa paglalakad at nagsalitang muli. "Take off your blindfold, baby, and answer me."
Kunot nuong tinanggal niya ang nakapiring na panyo sa mga mata niya saka napakurap-kurap hanggang sa luminaw ang paningin niya.
Nabitawan ni Lechel ang panyo na hawak at umawang ang mga labi niya ng mabasa ang nakasulat sa gate ng bahay ni Nykyrel. It was written like a graffiti.
'WILL YOU MARRY' ang nakasulat sa gate at ang 'ME?' ay nakasulat sa whiteboard na hawak ni Nykyrel.
Hindi siya makapagsalita, nakaawang lang ang mga labi niya sa sobrang gulat.
"Ahm," napakamot ito sa batok, "I know, i know, i didn't even ask you to be my girlfriend, i already jump ahead, but i don't want to settle with just boyfriend and girlfriend. Alam kong napakabilis pero ayoko nang matulog sa gabi na hindi ka katabi at ayokong magising bawat umaga na hindi ikaw ang namumulatan. I already experience that for a year, baby, and it was hellish. So, Lechel, baby, would you like to marry me and be with me for as long as we live? I'll be the happiest man alive if you say yes."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Napakabilis ng tibok ng puso niya at parang kinakapos siya ng hininga.
"Nykyrel..." her heart swells in so much happiness.
Mabilis itong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Maiintindihan ko kung hindi ka papayag. I know it's sudden for you, but not for me. Matagal ko nang gustong itanong sayo 'yan at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Don't worry, don't be pressured, i will understand, accept and respect your decision."
Napatitig siya sa mga mata nito at kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata nito para sa kaniya. She would be the stupidest idea to hurt this man. She loves him so much; it would be her pleasure to say yes.
Kinuha niya ang white board na hawak nito at black marker. Sa likod niyon ay sinulatan niya ng 'YES' at nakangiting ipinakita niya iyon kay Nykyrel.
His eyes nearly bulged in shock, and then suddenly, he jumped in the air and pumped his fist. "Yes! Yes! It's a yes!"
"Nykyrel-"
He crashed his lips on hers and slips his tongue inside. Buong puso naman niyang tinugon ang halik nito.
Tumigil ito sa paghalik sa kaniya saka may kinuha sa bulsa nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang isa iyong napakagandang singsing.
"Binili ko 'to three months ago. Naghahanda ako sa pagbabalik mo at isa ang singsing na 'to sa paghahanda ko." Isinuot nito ang singsing sa daliri niya saka ngumiti. "It suits you."
Napatitig siya sa daliri na may singsing. It's official. She is now Nykyrel Guzmano's fiance.
"Thanks you." Naluluhang aniya.
Nagsalubong naman ang kilay nito. "For what?"
"For loving me."
Pinanggigilan nito ang tungki ng ilong niya, "that's my line, babe, not yours."
She tiptoed and kissed him on the lips, "i love you."
Nykyrel stared at her like he's in a dazed. Napakurap-kurap ito kapagkuwan na para bang nagising at saka ngumiti. "I love you too. God, i love you too."
"I know." Itinuro niya ang gate, "kailangan mo ulit iyan papinturahan. Baka lahat ng babaeng makabasa niya ay pumasok sa bahay mo, magkakaroon pa ako ng kakompetensiya."
Mahinang tumawa si Nykyrel at hinalikan siya sa ulo niya sa ibabaw lang ng taenga niya, "let them. Kahit naman isang libong pa silang kababaehan, wala silang laban sayo. Nasayo ang puso ko e. Ikaw ang may hawak no'n at mananatili iyong saiyo."
Kinikilig na kinagat niya ang pang-ibabang labi, "you have my heart too, Nykyrel. Now and forever."
Kumislap ang mga mata ni Nykyrel. Puno iyon ng samu't-saring emosyon at nangingibabaw doon ang pagmamahal nito sa kaniya.
"Mahal na mahal kita, Nykyrel," aniya, "lagi mong tatandaan 'yon, ha?"
Tumango ito at puno ng pagmamahal na ngumiti sa kaniya. "I will. And always keep on y my love that i love you more."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro