CHAPTER 1
CHAPTER 1
"BAKIT sa tingin mo ay hindi pa nakikita si Nykyrel Guzmano sa labas ng bahay niya o sa kahit na anong gusali simula ng i-take over niya ang pamamahala sa kompanya ng ama niya?" Tanong ng Editor-In-Chief ng Business Today Magazine kay Lechel.
Nagkibit-balikat si Lechel. "Ano naman ang paki ko kung ayaw lumabas ng lalaking 'yon sa lungga niya?" Pagtataray na balik tanong niya. "May mas marami pa tayong importateng pinag-uukulan dapat ng pansin. Nykyrel Guzmano hates going out. Period."
Ano naman ang kinalaman niya sa lalaking 'yon? She write article about different foods in Philippines. And last time Lechel checked, hindi pagkain si Nykyrel Guzmano. He's nothing but an old weirdo.
Bumuntong-hininga si Mrs. De Leon, ang Editor-In-Chief. "Ms. Lechel De Villa, that's why you are here, I want you to know the reason behind his aloofness to the world outside his mansion. Wala akong pakialam kung ayaw niyang lumabas sa lungga niya, ang gusto ko malaman ay kung bakit."
Lechel fought not to roll her eyes. "Ma'am, napaka-imposible po nang pinapagawa niyo. Ilang Journalist na ba ang ipinadala niyo para alamin ang sekreto ng lalaking 'yon? Wala pa pong nagtatagumpay na gawin ang pinapagawa niyo."
Hindi takot si Lechel na sagutin ang Editor-In-Chief dahil auntie niya ito. Pero sa loob ng opisina, kailangan tawagin niya itong ma'am bilang pagrespeto sa posisyon nito sa opisina.
Mrs. De Leon sighed. "I know, Lechel." Makahulugan itong ngumiti sa kaniya. "Hindi mo ba gagawin kahit pa promotion mo ang pag-uusapan natin kapag nagtagumpay ka? No writing about food anymore."
Umawang ang labi niya, malalaki ang mga mata niya. "Totoo? Walang halong biro?" Lechel was agitated.
Matagal na niyang gustong ma-promote, ito na ang pagkakataon niya. This is her opportunity. This is her chance to prove herself that she can do the impossible.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at ngumiti ng malapad. "Makakaasa kayo sakin, ma'am."
Sumaludo pa siya bago lumabas ng opisina ng Editor-In-Chief.
Excited na siyang simulan ang bago niyang assignment. At iyon ay alamin ang sekreto ni Nykyrel Guzmano at ibunyag iyon sa publiko. Pagkatapos ay makukuha na niya ang promosyon na pinakahahangad niya.
Lechel wanted this promotion badly. She will move heaven and earth just to be promoted.
Nang makarating sa cubicle niya, naroon na ang matalik niyang kaibigan, naghihintay sa kaniya. Alam niyang tsismis na naman ang pakay nito dahil sa pagkakaalam niya, sampong cubicle ang layo nito sa cubicle niya.
"Hey, Lechel, dear." Nakangising bati sa kaniya ni Jan Irish, ang matalik niyang kaibigan na tsismosa at may tupak yata sa ulo. "Bakit ka pinatawag?"
Umupo siya sa kaniyang swivel chair at nakangiting tumingin kay Jan Irish. "New assignment."
Mahinang tumili si Jan Irish. "Wow. It's been a long time since you were given a new assignment. Alam kong nasa food department palagi ang article na pinapagawa sayo." Maarteng pumilantik ang mga daliri nito sa hangin. "Anyhow, ano ang new assignment mo?"
Lechel's smile never faltered. "Interview with Nykyrel Guzmano."
Kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Jan Irish at naawang tumingin sa kaniya. "Oh, my poor best friend." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Good luck to you."
Kumunot ang nuo niya. "Ha? Bakit good luck sa'kin?"
Pinaikot ni Jan Irish ang mga mata. "Lechel, Nykyrel Guzmano is like a Phantom in the Dark. He never leaves his house, he doesn't have maids, he's rotten old man and he smells like shit."
Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya pero hindi niya maiwasang matawa. "Smells like shit?" She laughed a little. "Saan mo naman nakuha ang mga impormasyong yan?"
Jan Irish pointed Johann. Isang Journalist na gustong manligaw sa kaniya mula pa noon. "Sa kaniya, kaya naman mag-ingat ka. Okay? Baka kainin ka no'n ng buhay. Kawawa ka naman. Mababawasan ang magaganda sa mundo."
Johann has also been assigned to make an article about Nykyrel Guzmano. Pero puro kasinungalingan at kalokohan ang nakasulat doon. Mukhang nagalit pa yata ang Guzmano Corporation at hininging mag public apology si Johann. Mabuti nga at hindi pa ito sinisesante ni Mrs. De Leon.
Lechel rolled her eyes. "I'll be fine. At kung mabaho siya tulad ng sinabi mo, e di magdadala ako ng mask." Pabiro niyang sabi.
"Bahala ka kong ayaw mong maniwala." Tumikwas ang kilay nito saka bumalik sa cubicle nito.
Jan Irish had been her friend since College. Pareho sila ng kurso at pareho silang kaagad na natanggap ng mag-apply sila rito sa Business Today Magazine. The worst part of being a journalist is writing about food. Wala naman siyang galit sa mga pagkain, pero ang gusto niyang isulat ay iyong mga importanteng bagay sa mundo. Tulad nalang ng mga nangyayaring sakuna o kaya naman mga pangyayaring nakaka-drain ng dugo sa utak.
Bumuntong-hininga si Lechel at isinandal ang likod sa swivel chair niya.
She stared at the screen of her computer. And then she started typing on Google search engine.
Nykyrel Guzmano. She hit enter.
Maraming article na naglabasan tungkol sa lalaki pero ni isang larawan ay wala siyang nakita. Ang daming haka-haka sa bawat artikulo na nababasa niya.
According to one article, Nykyrel Guzmano is an old man. A rotten old man. Ang ibang article naman ay si Nykyrel daw ay isang pangit na lalaki kaya takot itong lumabas sa malaking mansiyon.
She grimaced. Hindi na niya alam kung ano ang totoo sa hindi. Napakaraming artikulo na nababasa niya na hindi kapani-paniwala. But who is she to say that those articles are fraud? Ni wala nga siyang alam ni isang impormasyon tungkol kay Nykyrel Guzmano.
As Lechel search and read articles, she stumbled on the address of his huge black mansion. Totoo kaya ang address na 'to?
Block D. The only mansion in the top of the Hill. Gentlemen Village.
That's where Nykyrel Guzmano lives. Of course, alam niya kung nasaan ang Gentleman Village. Ang village na iyon ay kapareha ng Bachelor's Village, tanging mayayaman lang ang nakakabili ng bahay roon. But unlike Bachelor's Village, Gentleman's Village only sells house and lot to men. It's kinda sexist, but who cares? Those men are Billionaires and hotter than the sun itself. They make a mockery of Prince Charming.
Whoever live in Gentleman's Village is far from being a Prince Charming. Lahat yata ng lalaking nakatira roon ay mga babaero. Those men have histories of breaking innocent women heart and dumping it on the garbage can.
If you don't want your heart to be broken, better stay out of that Village, and out of those men's sight.
Matiim na tinitigan ni Lechel ang larawan kung saan naroon ang mansion na pag-aari ni Nykyrel Guzmano. Napakaganda niyon. Nakakalulang tingnan. The mansion looks like a magnificent palace from the outside, ano pa kaya kung makapasok siya sa loob. Baka ma-lock jaw siya sa kung ano man ang nasa loob ng mansiyon.
Lechel sigh and massage her nape lightly. "Mukhang mahihirapan ako sa isang 'to." Pagkausap niya sa sarili saka umalis sa cubicle niya, dala-dala ang pinakamahal na yatang shoulder bag na pag-aari niya.
Jan Irish was at Lechel side in an instant.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito. "Mag-uumpisa ka nang mag-imbestiga?"
Tumango siya at bumuntong-hininga. "Mukhang mahihirapan ako sa isang ito. Nykyrel Guzmano is not a food with a missing ingredient. He's like part of the menu, pero hindi puwedeng order-rin kasi out of stock. May suggestion ka na makakatulong sa'kin?"
Jan Irish grinned like a Cheshire cat. "Start with the Executive Assistant of Guzmano Company. Ang alam ko, close silang dalawa."
Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan. Nakapagtataka na may alam ito. "Paano mo naman nalaman 'yon?"
Jan Irish rolled her eyes at Lechel. "Friend, baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo." Walang pagmamalaki ang boses nito. She's stating a fact.
And yes, Lechel always forget who Jan Irish is. Napakadaling makalimutan kung sino talaga si Jan Irish, she doesn't act like who she really is. Instead, Jan Irish acts like a lunatic who just came out from mental. She is one of the person she knew who have a softy heart but with hard core.
Nice combination.
Humugot ng isang malalim na hininga si Lechel. "Wish me luck, Irish."
Bahagyang tinapik nito ang pisngi niya. "You'll survive. Ikaw pa."
Nginitian niya ang kaibigan saka nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator. Isa lang ang dereksiyong nais niyang tahakin ngayon, iyon ay ang dereksiyon patungo sa Guzmano Company.
NYKYREL was preparing himself a decent lunch, when his phone rang. Kaagad siyang nainis ng marinig ang tunog na iyon. Alam niyang si Daniel iyon at kukulitin na naman siya nito tungkol sa Board.
They can fuck themselves, thank you very much!
Nang natapos ang pag-iingay ng cell phone niya, i-ti-next niya ang tumawag.
It was Daniel, all right.
'What?!' Nykyrel hit send.
Mabilis ang naging reply ni Daniel. 'Mr. Guzmano ... kasi, may babaeng nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sayo.'
Nykyrel grimaced and replied. 'Fucking reporters.'
'Paano mo naman ho nalaman na reporter siya?' Reply ni Daniel sa mensahe niya.
Itinirik ni Nykyrel ang mga mata at nag reply. 'Why would she ask question about me? Reporters do that. Hindi ba sila napapagod na magtanong kahit wala naman silang kasagutan na natatanggap'
After a couple of second, Daniel replied. 'Mr. Guzmano. This one is persistent. She even asked for your address.'
Nothing's new. Nykyrel Thought.
Kahit pa malaman ng mga ito ang bahay niya, walang makakapasok sa loob ng mataas niyang gate. Baliw lang ang aakyatin ang gate niya, sa kaalamang may isang Big Bulldog na aso na naghihintay sa baba para lapain ito.
'Tell me who this person is. Call me.' Nykyrel send his message.
A couple of seconds later, Daniel was calling him.
Nykyrel answered the call but he did not speak. Tumikhim lang siya para ipaalam rito na nakikinig siya.
"Ang pangalan niya ay Lechel De Villa, isa siyang Journalist sa Businessmen Today Magazine. Mukhang siya ang naatasan na interview-hin kayo. Ulit. Hindi ito ang unang beses na nagpadala sila ng tao para ma interview kayo. The same Magazine had sent more than ten Journalist, they all failed, as you know. But this one seems different; she's persistent and more determined to talk to you. That is a dangerous trait of a Journalist."
Nykyrel sighed and end the call.
He texted Daniel again to answer. 'She can be persistent and determined, but the gate of my mansion will stay close for everyone.'
Hindi na niya binasa ang reply ni Daniel sa mensahe niya. Pinagpatuloy niya ang pagluluto niya ng pananghalian. He needs to eat. Hindi siya mabubuhay kung puro junk food at alak ang laman ng sikmura niya.
Not that I'm planning to live longer. Nykyrel thought before flipping the sunny side up egg in the air and he curse when it landed on the floor.
Great! Just fucking great!
Naiinis na iniwan niya ang kusina. Cooking is really not his thing. Nagtungo siya sa bar na nasa entertainment room niya saka nagsalin ng brandy sa baso.
As Nykyrel drink his brandy, he opens his very wide flat screen TV and then changed the channel into Discovery Channel.
The show is 'Stripping the Cosmo' and he likes to watch it, so he did.
Wala siyang pakialam sa nangyayari sa labas ng mansiyon niya. Wala siyang pakialam hanggat walang nanggugulo sa kaniya.
Couple of hours later, his dog, Dazner, started barking so loud. Sa halip na baliwalain, nagsalubong ang kilay niya. His dog would not bark for no reason.
Sino kaya ang pangahas na naglakas ng loob na akyatin ang gate ng bahay ko?
"ARE you crazy?" Pasigaw na tanong ni Jan Irish habang nakatingin sa kaniya na para bang napugutan siya ng ulo.
Lechel rolled her eyes. "Ito lang ang tanging paraan, okay? Sinunod ko ang suhestiyon mo, pero wala namang ibinigay na impormasyon ang Executive Assistant na 'yon."
Tiningala ni Jan Irish ang mataas na itim na gate. Narito sila ngayon sa labas ng mansiyon ni Nykyrel Guzmano at nagbabalak siyang akyatin ang gate. Nope. Scratch that. Hindi siya nagbabalak, talagang gagawin niya.
Nang wala siyang makuhang kahit na ano sa Executive Assistant, pinuntahan niya si Jan Irish sa opisina at nagpasama rito sa bahay ni Nykyrel Guzmano. His house is on top of the hill. Alone. Para iyong hunted mansion.
She's scared but she needed the promotion. And she's going to do what she has to do in order to get that.
"Sa tingin mo aabot ka sa tuktok ng gate na 'to?" Tanong ni Jan Irish habang nakatingin pa rin sa mataas na gate. "Sigurado kang hindi ka nagpapakamatay?"
Inirapan niya ang kaibigan at tiningala ang gate. "Kaya ko 'to."
Inayos niya ang shoulder bag na nakasukbit sa balikat niya na ang laman ay cell phone niya, charger, headset, suklay, Such a flirt Victoria Secret lotion and body mist, HBC Face powder, ball pen, post it note na kulay neon green saka isang high-tech na recorder na kabibili lang niya nuong nakaraang taon pero ngayon lang niya magagamit.
"Wish me luck." Ani Lechel kay Jan Irish saka nag-umpisa na siyang akyatin ang mataas na gate.
Sa bawat pagtaas niya, palakas ng palakas naman ang kaba na nararamdaman niya. Nang makarating siya sa tuktok, hindi siya tumingin sa baba baka mahimatay at tuluyan na nga siyang mamamaalam sa mundo.
Ang ginawa niya, nag concentrate siya sa pagbaba ng gate.
Hindi pa siya nangangalahati sa pagbaba ng makarinig siya ng nakakatakot na kahol ng aso. At mula sa sulok, biglang may lumabas na kulay itim na aso, halos kasing laki yata niya ang hayop at ang hahaba ng pangil habang nanlilisik ang mata sa kaniya.
"Shit!" Lechel cursed under his breath. "Shoo! Lumayo ka sakin! Shoo!" Sigaw niya sa aso na nakalabas ang pangil.
Mahigpit siyang napakapit sa gate, ayaw niyang bumaba baka maabot siya ng aso. Siguradong lalapain siya.
"Isa talaga akong malaking honghang!" Naiinis na sabi niya sa sarili saka pinandilatan ang aso na panay parin ang tahol sa kaniya.
The dog never ceased barking even after minute had passed. And then the large double door of the mansion sudden flew open and an angry handsome man came out.
His eyes held fury and disgust as he looked deep into Lechel eyes. And for a split-second, nakalimutan ni Lechel ang aso.
Napatitig siya sa napakaguwapong nilalang na nasa harapan niya. Oo nga at galit ito pero mas dumagdag iyon sa angkin nitong karisma.
He has soft, deep, lazy brown eyes. Square jaw. Broad shoulder. His body is ripped with enough muscle to be Abercrombie and Fitch Model. He's tall, dark, and just downright gorgeous.
Lechel can't take her eyes off of the handsome man. Hanggang sa mataas na tumalon ang aso at sinakmal ang napakaganda niyang mga binti.
Bago pa maramdaman ni Lechel ang sakit ng pagkagat nito, nawalan na siya ng malay sa sobrang takot.
A/N: M
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro