Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kapitulo Uno

"𝘐 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘭𝘪𝘷𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘐'𝘮 𝘵𝘰𝘰 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘥𝘪𝘦."

"Tangina, gusto ko na mamatay!"

Matapos ko itong maisigaw ay mahigpit akong napahawak sa railings ng tulay.

No matter how hard I tried I was always not enough. Everything I do is failure.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang rumagasa sa aking isipan ang mga ala-alang pilit kong kinakalimutan.

All I wanted to ask is why?

We all have that one question in mind. The 'Out of all people, why should I suffer like this?' Bakit sa rami ng tao'y sa'kin pa binagsak lahat ng pagdurusang nararamdaman ko.

People would say everything happens for a reason. That God would never give you such obstacles if you won't be able to overcome it.

But until now, I couldn't find that reason. Until now I have not overcome all of it. They were all buried deep inside my heart, and I choose to ignore it to move on.

Dahil akala ko kapag pinilit kong ibaon sa limot ay magiging okay ako. I thought it would somehow make me feel better, but I was wrong.

Everyday, everywhere, I have to wear a mask. I pretended to be someone I'm not. The happy-go-lucky person they thought who always smile and laugh in small little things. Neither do they know, behind that face is the person who's been deeply scarred and broken.

Forget and move on, huh. In my case, the harder I try the more I just can't.

Minulat ko ang mata ko nang humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Then I look down the bridge, only to see how deep it is.

Natawa ako sa aking isipan. This is not the first time I was here.

I've been here. I've tried countless times but I never succeeded. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapakla. Pati ba naman pagpapakamatay ay hindi ko pa magawa ng maayos.

How much would I continue to disappoint myself?

Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ang pagtulo ng isang butil ng tubig. I thought it was my tears, but it was a raindrop from the gloomy sky.

I look at my hands, particularly my wrist tied with a red bandana. I removed the ribbon to look at the eminent proof of my pain. The evidence that I was trying my best to live in this world.

Doon ay napadako ang tingin ko sa railings ng tulay. Something was written there but I could not read it. Kinusot ko ang mata ko't inaninag ito nang mabuti.

"I don't know why I have to stay alive if I'm going to live forever sad." I read aloud. It was written using a black permanent pen. The person who wrote it must have been feeling like me.

I run my fingers through the written letters, wondering if the person who wrote this is still alive. Did he or she made it?

"Kinasusuklaman kita! Magiging masaya pa ako kung mamatay ka!"

I wanted to, but I kept on living for you. Even if my achievements meant nothing for you, even if I never get any appreciation, even if I only get nothing but beatings and hurtful words, I still live my life for you.

Kasi akala ko, dadating 'yong araw na matatanggap mo ako. I dreamed of you saying that you're proud of me, that you're sorry for treating me that way. But I guess, I was a fool for even wanting something I don't deserve.

"Pakigawa ng field report namin. We need it by Friday next week. Alam mo na mangyayari sayo if hindi mo magawa yan."

I remembered how I can't do anything and accepted their assaults. Punch after punch, kick followed by a huge blow of bats and wooden blocks. I managed to finish my senior years with cuts and bruises on my body. Hindi pa kabilang doon ang mga pasa at sugat na natatamo ko sa bahay mula sa mapanghimok kong ina.

"You killed him! It was your fault! Pinatay mo si lolo!"

No, I didn't. It was an accident. Hindi ko sinasadya 'yon. Hindi ko alam na mangyayari 'yon. Hindi ko ginusto 'yon. I was a child, I did not mean it to happen.

"Tita please, huwag po. Mapapatay ako ni tito kapag nalaman niya 'to."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at kasabay nito ay ang malalim kong paghinga.

I received a lot of mistreatments back then. Tinanggap ko lahat ng akusa at ang mapangmitas na mata ng mga kadugo ko. Gusto ko magsalita, pero alam ko wala ding maidudulot na maganda ang pagbuka ko ng bibig ko.

After all, no one would stand on my side and believe me that it was a misunderstanding. I did not do it. I was an outcast in the family, and I understood why. Pero kahit malasakit lang naman sana bilang tao, bilang isang minor de-edad.

Minulat ko muli ang aking mga mata. My mind has malfunctioned and my emotions became my master. Just like a robot programmed to obey his mwaster's command, I climb up the railings of the bridge, and with no hesitation, jumped off with a small smile on my lips.

At last, I can now rest.

"Santi! Tawag ka ni ma'am!" Mabilis ko naimulat ang mata ko nang makarinig ng sigaw sa tainga ko. 

"S-sorry, ma'am." I gave her an apologetic smile. Nginitian lang ako ng prof namin sabay tapik sa balikat ko. 

Bumalik ito sa harapan ng white board bago muling magturo. Napasapo na lang ako ng noo dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam na nakaidlip na pala ako habang nakikinig kanina. I must have overworked myself again.

Napahilot na lang ako ng sentido habang inaalala ang napanaginipan ko kanina. Napangiti na lang ako nang mapakla. It's not the first time I dreamt about that. However, this was the first time that it felt so real.

Saglit na napakunot ang noo ko nang magtama ang tingin namin ng isang babaeng nakaupo sa unahan. Matalim ang titig niya sa'kin, at pagkatapos ng ilang sandali ay bigla akong inirapan. 

Siniko ako ng katabi ko kaya napatingin ako sa kaniya,"She's Graziella Monteclara. Siya 'yong nakasagutan mo sa online class sa Zoology." 

Binalik ko ang tingin ko sa babae't nakatalikod na ito sa akin. Muli ay binalik ko ang tingin ko kay Ria na siyang katabi ko. Mahinhin itong natawa't tinapik ako sa aking likuran. 

"Hindi mo ba nahalata? Ever since freshmen tayo kahit online class super competitive niya. Siya yung kinaiinisan ng lahat kasi nagpapa-remind siya ng assignments, oral recitations, saka lagi nag su-suggest ng make up class." Napatango-tango na lang ako.

Siya pala 'yon. I don't want to blame her, pero nahihirapan ako lalo sa online class dati dahil sa kaniya. I was a working student. Hindi ako pinanganak na mayaman kaya naman ako ang nagpapaaral sa sarili ko. 

I work as a waiter in a restaurant back then. Ang hirap ibalanse ng oras sa trabaho saka oras sa pag-aaral. There was once she suggested a make up class and I was still on duty. I can't just leave my work, but I can't ignore my class either. So kinakailangan ko um-attend ng klase na nasa stock room. 

Paminsan-minsan ay nagre-request ako ng extension sa pagpasa ng mga requirements, but there's someone na nagrereklamo na paano daw 'yong ibang nakakapasa sa tamang oras. I didn't know that was her. 

But then I knew better than blaming her for my incompetence. 

"Nakakatawa nga. No matter how competitive she is, mas lamang ka pa rin sa kaniya." I gave her a questioning look and she just shook her head, probably hopeless of how clueless I am.

"She got a general average of 1.02 and you got flat 1. Pina-check niya pa sa prof how it turned out that way and wanted to compute her grades on her own. Hindi niya matanggap na mas mataas ang general average mo sa kaniya when most of the time you pass late." Hindi ako umimik sa sinabi niya. 

Graziella Monteclara. Are they pressuring you that much?

"Class dismissed." Matapos iyong sabihin ng aming propesor ay tumayo na kami't yumuko bilang pagbigay galang dito. 

"Saan ka kakain?" Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko upang tumingin sa kaniya. She was smiling at me genuinely. Hula ko'y yayayain niya akong kumain at paniguradong hindi niya na naman ako pagbabayarin. 

"Ria." I gave her a warning tone and she just laughed. Hinampas ako nito sa balikat kaya muntik na ako mapasubsob sa arm chair. 

"Hala! Sorry!" Napailing na lang ako sabay sukbit ng bag sa likod ko. 

She's Maria Amor del Rosario. I call her Ria. A famous volleyball player in our university. A spiker. She was a transferee way back in Grade 12, and we became close. Maituturing ko siyang matalik kong kaibigan. 

"Dali na! Sinabihin ko na si manang na doon ka kakain e!" Pagmamaktol pa nito. 

"Nagluto pa naman siya ng favorite food mo." When my gaze landed on her she was giving me the begging eyes that I could not resist.

"Saka Munchkin was there!" 

"Akala ko ba gusto mong nilalaro pusa ko?"

"Ha?"

"Huh?" 

That sounded wrong. When she realized it she faced palmed. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi niya.

"What I was trying to say is, you should come!" Pag-iiba nito ng usapan.

"Fine." I surrendered. 

Ria was a fine woman. Pinanganak itong mayaman at maganda. Napakabait pa at matalino. Bukod doon ay maka-diyos pa. Kung gaano ka banal at mahinhin ang pangalan niya'y ganoon din ang katangian at pag-uugali niya. She's everything a man could ask for. 

"Wait tatawagin ko si Kuya Hector para sunduin tayo." Akmang tatawagan na nito ang kaniyang driver nang bigla itong matigalan na para bang may naalala.

"Oh, right. Kahit pala tawagan ko driver ko ay hindi ka pa rin sasakay. Maglakad na lang tayo." Sa sinabi niya'y hindi na ako nagreklamo. 

Ilang beses na ito nangyari. Whenever she tried to offer a ride, I would decline her. If she offered to walk with me and I disagree, she would always make some ways to make me agree without any protest.

Paglabas namin ng Biology Department ay agad bumungad sa amin ang nagkukumpulang estudyante na naglalakad palabas.

"Santi, dito!" Ria was holding a bike. I approached her and positioned myself in the bike. Umupo naman siya sa likuran ko upang umangkas. 

Our university was huge and wide. Ilang ektarya kalaki ang sakop nito at mapapagod ka lang kakalakad papunta sa department mo. The Student Council made a project and ask for financial support from each department as well as the university director. 

They suggested to have funds for the bikes na magagamit ng mga estudante dito sa loob ng university. Pinagawan din nila ito ng parking area for the university bicycles. Paunahan na lang sa pagkuha at paggamit nito.

"Hold tight." Tumango ito't kumapit sa upuan nito. 

"Akin na bag mo." Aangal pa sana ako nang kunin niya na sa likuran ko ang bag ko.

"Ayusin mo mag-drive. Last time muntik na tayo ma-shoot sa kanal," pagpapaalala nito.

Both of us laugh in unison. Matapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa main gate ng university. Pagbaba namin ay iniwan ko sa parking lot ang bike at sumabay na kay Ria palabas. 

Their house is not that far from the university. Siguro'y nasa limang minutong paglalakad lang 'yon kung tatantyahin. 

"Santi-"

Hinila ko ang pulsuhan niya't pinatabi ito sa gilid dahil masyado siyang malapit sa gilid ng kalsada. Now she's on my left side, away from the road. Nakita ko ang gulat sa mata niya't ang pagkurap niya. I took the umbrella on her hand and opened it, and I made sure to shelter her from the heat.

"S-so ayon nga Santi..."

"Hmm?" I hummed. Nakatingin lang ako sa anino naming dalawa habang naglalakad.

"Sabi ng prof natin kanina gumawa tayo ng field report from our lesson last sem about Basic Biochem. Hindi ko alam ano isusulat ko." Napakamot ako ng noo.

Honestly, students learned nothing from online classes. We are only force with the new learning system because we don't want to be left out. It's no longer about learning, but passing. 

"We'll figure something out." Iyon na lang ang nasabi ko. 

Because of the pandemic, there's a lot of changes. It's been two years now. Finally face to face classes are allowed. It's still limited but vaccination is required. Other students may say online classes is easy compared to face to face, pero paano naman kaming kapos sa pera? Walang matinong gadgets at higit sa lahat walang wi-fi. 

"Yung bata-" Huli na nang balaan ako ni Ria dahil nabangga ko na ito. 

"Aray!" Natumba ito at nagkalat sa sahig ang dala nitong kulay pulang mga bulaklak. 

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo kuya?" sikmat nito. Nagkasugat ito sa tuhod at naasar na tumingin sa akin.

"Tingnan mo 'to nagkasugat pa ako!" Patuloy nitong pagmamaktol. 

"Dahil diyan bibilhin mo lahat ng bulaklak ko!" Napataas kaagad ang kilay ko sa pagiging madesisyon ng batang 'to.

"Hindi niya naman sinasadya," mahinahon na wika ni Ria rito habang tinutulungan ito tumayo.

Pinulot ko naman ang mga bulaklak na hawak nito kanina. I was not familiar of the flower but I think I have seen these somewhere, hindi ko lang alam kung saan. 

"Basta kailangan mo bilhin 'yan kuya!" Napatingin ako sa batang gusgusin. Tumatagaktak ang pawis nito't halatang wala pa itong kain kaya nangangayayat ito. 

"Magkano ba lahat?" Nakita ko ang gulat sa mata niya. Kumurap-kurap ito sabay kagat ng ibabang bahagi ng labi.

"K-kahit bente pesos lang po." Dumukot ako ng pera sa bulsa ko't binigay kung ilan mang halaga ang nakuha ko. 

"May sukli ka pang trenta. Wait-" 

"Hayaan mo na. Ang mabuti pa'y kumain ka na." Nginitian ko na lang ito. 

"S-salamat po." I just nod and look at the flowers in my hand. 

"Alam mo ba 'yang bulaklak na hawak mo, Santi?" Umiling ako. I have no idea. 

"Its a Red Spider Lily with a scientific name Asparagales. It is under an order of plants in modern classification systems such as the Angiosperm Phylogeny Group and the Angiosperm Phylogeny Web that-" 

"You don't need to say the plant's classification, Ria." Tumawa naman ito. 

"Sorry, nilamon lang ng Botany." I couldn't agree more. Botany is her favorite subject. 

"So as I was saying, it's a Red Spider Lily! Naalala mo 'yong sa Tokyo Ghoul? 'Yong pulang bulaklak na nakita ni Kaneki! Then after that he died. Gano'n din sa ibang anime!" She was motioning her hands while she was talking. 

"It literally symbolizes death. It's a flower that says goodbye. Saka sabi madalas din daw sila tumubo sa mga graveyard. Kaya itapon mo 'yan, baka mapano ka." Kinuha niya ito sa mga kamay ko't hinagis ito sa isang tabi. 

"Ria, I just payed for it." Akmang kukunin ko ito ulit nang higitin niya ang braso ko patakbo. 

"Babayaran na lang kita! Basta tapon mo yan!" At wala na akong magawa kun'di hayaan ang bulaklak na 'yon. 

Pagkatapos niya akong hilahin patakbo ay hindi ko napansin na nasa bahay na pala nila kami. When we entered their house, the maids lightly bowed their heads. Yumuko rin ako para magbigay galang sa mga ito. 

"Manang! Nandito na po si Santi!" Manang Elsa immediately went towards me to hug me. Hindi kaagad ako nakagalaw, pero agad ko naman itong ginantihan ng yakap. I smiled.

It's been a while since I received a warm hug from someone. 

"Iho! Kamusta ka na? Halika pinagluto kita ng paburito mong ulam." Kumalas ito sa yakap sabay hila sa'kin papunta sa hapagkainan. 

"Hindi ka na po sana nag-abala pa manang." Ipinikit ko ang mga mata ko nang humalinghing sa aking ilong ang maasim-asim na amoy ng sinigang. 

"Nako, iho. Pasalamat ko na rin sa pagtulong mo kay Maria. Ang mabuti pa'y kumain na kayo habang mainit pa ang sabaw." Umupo ako sa upuan at nagsimula na kumain. 

Wala akong ibang masabi kung gaano kasarap at linamnam ang niluto ni Manang Elsa. Kuhang-kuha nito ang lasang gusto ko sa sinigang. It's one of the reasons why I can't say no whenever Ria invites me to eat in their house. Lalong-lalo na kapag si Manang Elsa ang nagluto nito. 

"Anak, kamusta nga pala ang pag-aaral?" I smiled politely. 

"Okay naman po." Nakahinga naman ito nang maluwag subalit bakas sa mukha niyang nababahala pa rin siya.

"May problema po ba, manang?" She looks troubled like something's bothering her. Bumuntong hininga ito.

"Iyong kumare ko kasi, namatayan ng anak. School mate niyo ni Maria. Veterinary Medicine raw ang course, and graduating. Nagpakamatay raw dahil sa stress sa pag-aaral." Natigilan ako sa pagkain. 

Binaba ko ang kutsara at tinidor habang nakatingin sa kaliwang pulsuhan ko kung saan may nakatali roong kulay pulang bandana.

I just heard someone committed suicide and I know it's bad, but why do I feel jealous?

GLC| GOLUCKYCHARM

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro