Unang Araw
Valentine's day.
Araw ng mga puso.
Para sa ibang tao, ito'y isang napaka espesyal na araw kung kailan dapat nila makapiling ang kanilang irog, mamasyal at kumain sa labas, mag palitan ng regalo, at malay natin, maka score bago matapos ang araw.
Pero sa ilang sawi, isa itong araw ng pagluluksa, at para sa akin naman, ang araw na nagka-gulo-gulo ang buhay ko.
Gumising ako sa aking kwarto sa tunog ng alarm clock na nakasanayan ko nang hampasin ng unan.
Ayan pa rin ang dating ceiling na puro agiw, ang lumang aparador mula kay lolo na halos di masara sa dami ng laman, ang electric fan na puro alikabok, mga humuhuning ibon sa labas na sinabayan ng tawag ng mantataho, at ang maputing braso na nakapatong sa hubad kong dibdib.
Teka lang...
Parang may mali...
Hinila ko paalis ang kumot at nakita ang isang babae na nakasuot lamang ng panty at bra sa aking tabi.
"WAAAHHHHHH!!!"
Nabulabog ang mga ibon sa lakas ng aking sigaw, paalis na 'ko sa kama nang yakapin ako ng babae nang mahigpit
"Five more minutes..." pabulong nyang sinabi.
Itutulak ko na sana siya palayo nang biglang bumukas ang pinto sa aking kuwarto at pumasok ang nanay ko.
"Anong nangyari---"
Natigilan si Nanay sa kan'yang nakita.
"TONIO!!!" sigaw ni nanay. "Ang anak mo!!!"
Ilang minuto, matapos mahimasmasan si Nanay at makapag bihis ang babae sa kuwarto ko, ay magkakasama kaming umupo sa palibot ng hapag kainan.
"Wala talaga akong maalala!" pilit ko sa mga magulang kong parehas masama ang tingin sa akin. "Ang alam ko lang, nagparamihan kami nina Don ng maiinom kagabi..."
Natigilan ako at napatingin kay Nanay na nanlilisik ang mga mata.
"Ah... hehe... nagkatuwaan lang po kaming magkakabarkada, ta-tapos, tapos...
"Tapos nilapitan mo ako," patuloy ng babae na namumula ang mukha habang may kapit na mainit na tasa ng kape, "tinanong mo 'ko kung gusto kong maging ka-valentine mo, sabi ko, 'hindi na valentine's day ngayon' kase, mag aala-una na noon, sabi mo naman, 'kung ikaw ang kasama ko, parang araw-araw valentine's day!'"
Binaba ng babae ang kanyang tasa at tinakpan ang namumula n'yang mukha.
Walang hiya.
Hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi nito!
Hindi ako naniniwalang ganoon ako ka corni!
"He-he..." Bahagya akong siniko ni Tatay. "Galing ng pick-up line mo, anak, ha? Manang-mana ka talaga sa 'kin!" bulong nito.
"Oo, pareho kayong corny!" banat naman ni Nanay.
"Eh, iha..." tawag niya sa babaeng kaharap ko na namimilipit sa kilig, "ano nga pala sabi mong pangalan mo?"
"Katreen po," nakangiting sagot ng babae, "Katreen Suarez!"
"Eh, saan ka ba nakatira, para matawagan naman namin ang magulang mo?" tanong muli ni Nanay.
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Katreen na tila nagdilim.
"... Tita, matagal na pong namayapa ang mga magulang ko," sabi nito. "Nagpunta po ako rito sa Manila para mag-aral, may 2 trabaho nga ho ako eh, at hanggang ngayon, nag-iipon pa rin ako para mapag-aral ang sarili ko..."
'Itsura nito, nag-iipon at may dalawang trabaho?' sabi ko sa loob-loob ko.
Napatingin ako sa babang mukhang malusog at 'di nagugutom sa buhay.
'Hindi kapani-paniwala!'
"Kaya po ako nasa bar kagabi, dahil sa part-time job ko as waitress," patuloy ni Kathreen. "Kaya nga po sa sobrang pagod ko, 'di na ko tumanggi sa alok ni...."
"Ni Carlo..." dugtong ng nanay ko na taimtim na nakikinig sa kwento ng babae.
"...Ni carlo..." patuloy ni Kat na napatingin pa sa akin nang saglit. "Inisip ko po, kahit ngayong gabi lang, may matuluyan naman akong maayos na tahanan at makahiga sa malambot na kama..." (sniff)
"Bakit, iha, saan ka ba natutulog?" tanong ng Tatay ko na malalim ang kunot sa noo.
"Minsan po, sa bar, pag-alis ng mga tao, minsan naman po sa MRT station..."
Wow, ang galing naman magdrama ni –
"Dyos ko!"
Napatingin ako sa Nanay ko na maluha-luha ang mga mata.
"Kawawa ka naman, iha!"
"Okay lang po 'yun, Nay, sanay na naman po ako, nang mamayapa po kase ang mga magulang ko, umalis na 'ko sa bahay, at kung saan-saan na 'ko napadpad..."
"Aba, Asun, kawawa naman pala tong batang to..."
"Oo nga, iha, ang hirap pala nang pinag-daanan mo..."
Napatunganga ako sa dalawang matandang bilib na bilib sa kwento ng babaeng nasa harapan namin.
Napailing na lang ako at tumayo na mula sa mesa.
"Sige na, kayo nang mag-usap-usap d'yan..."
"At saan ka pupunta?" tanong sa 'kin ni Tatay.
"May pasok pa po ako Tay," sagot ko rito.
"Ano?" tinitigan ako ni Nanay nang masama. "Iiwan mo na lang basta-basta ang kasintahan mo?!"
"Nay, male-late na po..."
Biglal akong natigilan.
"...A-ano kamo...?"
"Pagkatapos mong gawin ang gusto mo kay Kat, basta mo na lang sya iiwan?"
Galit na nag-altanda ang Nanay kong sobrang relihiyosa.
"Kayo talagang mga lalaking kayo!"
"Naku! Ayan nanaman sya..." bulong ni Tatay na tatakas na sana nang tumayo si Nanay at magbuntong hininga.
"Kailangan mong panagutan ang ginawa mo!"
At ganoon nga nalaman ng buong baranggay kung ano ang nangyari sa loob ng tahanan ng mga Santos.
===============================================
USAPAN ng magbabarkada sa FriendBook Chaterz...
Carlo: "Doon na nga nagsimula ang lahat
at hanggang ngayon, di ko pa rin maalala kung anong nangyari..."
don: "kagabi, pare?
Wa-ha-ha!
bagsak ka noon e!
wala ka nga nang nag-aya si Ben sa...
ay...
bagsak ka nga pala no...
pare, san ka nagpunta?"
Carlo: "pahamak na mga kaibigan to..."
ariel: "ano bang itsura ng girl?
cute ba?
sexy?"
ben: "pare, pakilala mo naman kme!"
don: "kaw talaga Carlo ha?
'di ko akalain, may tinatago ka pala dyan!"
ariel: "he-he... nasa loob pala kulo nito e!
eh 'di nasa inyo yung girl ngayon?
Katabi mo natutulog?"
Carlo: mga gunggong!
"kaya lang naman pumayag si ermats na tumuloy sa min 'yun eh, baka kasi may kung anong isyu na lumabas tungkol sa kanya, mapasama pa sya sa mga amiga nya sa simbahan
ben: "e panong pakilala nyo sa kanya?"
Carlo: "family friend
engaged from birth
namatay ang magulang, samin na ngayon tumutuloy
all that shit..."
Ariel: Ayaw mo ata.
Pwede arbor?
Don: etong si Ariel umiral nanaman kamanyakan o!
Carlo: Sige na, malapit na ko campus, kita kits sa tambayan.
Ben: Dumiretso ka na classroom at late ka na
parating na si Sir Adolfo, isang late ka na lang patay ka na!
Carlo: haaay... something tells me this isn't my day.
===============================================
"Haay, buti na lang nakahabol pa ko sa klase ni Sir Adolfo"
Bumagsask ako sa mahabang bench sa paborito naming tambayan. Umupo naman sa tabi ko ang mga kaibigan kong sina Ben at Ariel.
"Ano ba gusto n'yong kainin?" tanong ni Ben na naglalabas ng pitaka n'yang La-costly. S'ya ang rich kid sa aming grupo.
"Ako na, pare," nakangising kinuha ni Don ang isang libo na dinukot ni Ben.
Dumiretso ito sa kalapit naming tindahan kung saan may mga babaeng nakatambay. Inayos pa nito ang suot n'yang polo, sabay ngisi sa mga chicks.
"Lakas talaga ng dating ni Don, ano?" bulong ni Ariel na nakayuko sa katabi habang pasimpleng nakasalip sa mga babae sa tindahan. "Iba na talaga ang pogi!"
"Ba't 'di mo kaya samahan?" sarcastikong sagot ko rito. "malay mo, sa lakas ng hangin ng bagyong Don, mataboy lahat ng babae sa 'yo."
"P'wede kaya 'yun?" tanong ni Ariel na bahagyang natawa.
"Oo naman, 'wag ka lang kasing masyadong mukhang manya-AKKKK!!!"
Napasigaw ako nang biglang may mabigat na pumulupot sa leeg ko!
"Carlo!" sabi ng matining na beses sa aking taenga.
Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Katreen na nakangisi sa akin!
"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang tinutulak s'ya palayo sa akin.
"Ini-enrol ko sya sa school mo," sagot ni Nanay na nasa likod pala niya.
Humarap si Nanay sa 'king mga barkada at ngumiti. "Kamusta na kayo, mga bata?" tawag nito sa mga dati n'yang estudyante. "Eto nga pala ang kababata ni Carlo na si Kat, galing probinsya, pakitulungan n'yo s'yang makahabol sa subjects nyo ha?"
"Opo, Ginang delos Santos!" automatic na sagot ng dalawang katabi ko. Kilala kasing terror si Nanay sa dati naming paaralan.
"Nay, bakit naman, bakit naman dito n'ya pa 'yan ini-enrol?! At pano mo s'ya naipasok nang ganoon kabilis?" tanong ko rito.
"Hay, naku, buti na lang kamo at nakausap ko ang kumpare ko sa registrar's office, pinakuha namin s'ya ng entrace exam at nakapasa naman s'ya with flying colors!" masayang ibinalita ng Nanay ko sa buong mundo. "Ayan nga at nakapasok s'ya as a late enrollee, to follow na lang ang ibang mga papeles na ipadadala daw online ng kanyang dating paaralan."
"Pero Nay – "
"O, siya, iwan ko na kayo ha," muling tumingin si Nanay sa mga kasama ko. "Bantayan n'yo itong si Kat ha?" pinandilatan n'ya ng mata ang mga ito.
"Opo, Ginanang delos Santos!" sagot ng tatlo.
"Hello, kayo ba ang mga barkada ni Carlo?" tanong ni Katreen nang makaalis na ang Nanay ko. Ang ganda ng ngiti n'ya sa mukha, ang ang higpit ng kapit sa aking braso.
"Bitawan mo nga ako!" hinatak ko paalis ang mga galamay niya sa 'kin. "Guys, ito yung babaing sinasabi kong – "
Pero 'di natapos ang pagpapakilala ko sa tatlong loko na agad pumaikot kay Katreen at isa-isang nagpakilala.
Haay... this really isn't my day...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro