Ikatatlong Araw
'Eto nanaman sya... and aking diwata!'
Pasimple kong ninakawan ng tingin ang aking lakambini na nakasabayan ko uli sa jeep.
Kailan ko kaya sya makakausap?
Kailan ko kaya matatanong ang matamis n'yang pangalan na nais kong tawagin habam-buhay?
Hirap akong sumilay sa kanya ngayon dahil halos nasa tapat ko lang siya, naaamoy ko pa ang napaka bango n'yang halimuyak.
Nag-papantasya na ako sa aming kaharian ng mahal kong diosa, nang biglang pumreno ang jeep!
Lahat kaming mga pasahero ay napadulas sa dulo ng jeep.
Inis na inis namang nagbubusina si manong driver na pinaulanan nang malulutong na mura ang isang grupo ng mga batang hamog na biglang tumawid sa kalsada.
Napatingin agad ako sa aking diwata, at sa gamit n'yang nahulog sa 'king paanan!
Ito na ba ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay?!
Tumikhim ako at hinawa pabalik ang aking buhok bago s'ya nginitian.
"Miss, ito o, nahulog mo," sabi ko sa pag-abot ng isang rainbow colored binder sa kanya.
Napangiti sa akin ang aking diyosa!
Napakaganda n'ya talaga!
'Di ko magawang alisin ang mga mata ko sa kanyang malalalim na mga mata!
"Gosh, thank you ha?" sabi nito.
Biglang nawala ang ngiti ko.
Nabingi ata ako sa busina at mura ni kuya, para tuloy iba rinig ko sa boses nya... para kasing... masyado ito'ng malalim?
"Ha?"
"Thank you, papa, akala ko hindi mo na 'ko kakausapin kahit kailan, eh!" sabi niya.
Tumingin ako sa paligid, at baka may lalaking kumakausap sa akin.
"Dito ka sa University bumababa, 'di ba?"
Muli akong napatingin sa aking diyosa.
May makulit s'yang ngiti sa kanyang mga mata.
"Sige na, papa, baka lumampas ka nanaman," sabi nito, sabay tawa.
At doon na nga nagunaw ang aking mundo... "
=====================================
ALASKAHAN sa FB chat...
BWA-HA-HA-HA-HAH!
Don: e kasi naman pare, may kat ka na nga, naghahabol ka pa ng iba!
ayan tuloy, kakaiba ang nakuha mo!
WA-HA-HA-HA-HA!
Ariel: Nya-ha-ha-ha!
Masyado ka kasing choosy!
Don: tapos ngayon magka-cutting ka at magtatago sa cr para umiyak?!?!?
WA-HA-HA-HA-HA-!
Carlo: Puncha
Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!?
Don: Aba op kors!
Saan ka pa makakahanap ng daramay sa 'yo pag sad ka?!
Kung iiyak kami kasabay mo, pano ka na sasaya?!?
WA-HA-HA-HA-HA-!
Carlo: angry
ben: Si kat nga pala na saan na?
carlo: Ayun
Masama daw pakiramdam
may nakain sigurong masama kahapon sa mall
ben: Sayang
kukumbidahin ko panaman sana kayo samin
birthday ni daddy
carlo: Nako, buti nga't wala si kat at baka doon pa yun magkalat
kat: Anong magkalat ang sinabi mo d'yan?
don: Hi kat!
Welcome to the group chat :D
Carlo: Leche
Ba't naman ininvite n'yo pa yan -_-
kat: Bakit? >:(
Dahil ayaw mong malaman ko na kung anu-ano ang sinasabi mo tungkol sa akin?! >:P
carlo: Hindi ka na nag-tatae?
kat: Shhh!
wag mo ngang ipagkalat!!! >:(
Isusumbong kita kay Nanay! Nag-cutting ka pala!
Carlo: wala akong paki
sawi ako ngayon
SAWI!!!!!!
ben: Tamang-tama, tuloy tayo mamaya samin ha?
don: "Onga Kat, birthday ng erpats ni ben
ayos dun maraming foods
at marami ring chika-babes!
right, rich boy?
Ben: haha ^^'
siguro nga
kat: Sige sama tayo carlo?
Malapit na ko sa campus, kita-kits sa next class?
Don: Got it!
Diretso na tayo kina Ben after our last class
Kat: Hoy, Carlo, pumasok ka ha?! >:(
carlo: oo na po nanay!
==========================================
Dumiretso na nga kami sa mansion nina Ben matapos ang last class namin.
Sumakay kami sa Monteror na sumundo sa kaynya at
"Tuloy kayo mga pare!" tawag sa 'min ni Don na nanguna pa sa backyard nina Ben kung saan nagpa-cater ang mga magulang nito.
"Kuha lang kayo sa buffet, ha, 'wag kayong mahiya," sabi ni Ben kay Katreen na mukhang nagtatago sa likod ko.
Mukhang 'di s'ya sanay sa ganitong klaseng lugar, mukha kasing mga bigatin at mayayaman ang bisita ng tatay ni Ben.
Nag-aya na lang ako sa gazebo sa may gilid ng pool, para 'di kami masyadong kakalat-kalat.
Puros casual pa naman ang ssuot namin, mga maong, t-shirt o polo lang.
"Nasan na si Ariel?" tanong ni Don nang bumalik ito na may dalang mga bote ng alak.
"Ayun o, pinapanood 'yung mga nag s-swimming."
Napatingin ako sa direksyon na tinuro ni Ben, at nakita si Ariel na nagtatago sa likod ng isang lounge chair habang nakatitig sa mga naliligo sa pool.
"Tawagin n'yo nga 'yun at baka mapapulis tayo nang 'di oras!" sabi ko kay Don na natawa lang.
"Hayaan mo na, harmless naman 'yun, eh!" sabi nito.
"Halika, kuha na tayo ng pagkain habang maiksi na pila," aya ni Ben.
Napatingin ako kay Katreen na nananahimik lang sa tabi ko.
"Ano? Masakit pa ba tiyan mo? 'Di ka pa makakain?" tanong ko rito.
"Uy, hindi ha," tumayo rin ito para sumama sa amin, pero pinigilan ko s'ya.
"Sige na, ako na kukuha. Paka mamaya 'di mo lang maubos, masayang lang pagkain."
Agad nangiti si Katreen.
"Sige, kuha mo ko ng lechon ha? At saka nung beef roast! Ayoko ng ginataan at Cream of mushroom soup!"
Napatingin ako nang masama.
"Langya, kabisado mo handa?" tanong ko rito. "Okay, Ginataan at cream mushroom ccoming up!"
"'Wag nga 'yun, eh!" pilit nito na hinampas ako sa braso.
"'Yung lechon ko ha?" pahabol pa niya sa pagpunta namin nina Ben sa buffet.
"Oy, Ariel tayo na d'yan," pulot na min sa kaibigan pagdaan sa tabi nito.
"Ayus, sarap ng mga handa!" sabi ni Don na napatitig sa mga babaeng nauna sa amin sa pila.
"Laki ng ngisi mo, ha?" parinig ko rito.
"Ikaw rin kaya," sabi sa 'kin ni Ben.
Napansin ko nga na parang nangangalay ang panga ko.
Inalis ko nga 'to.
"Buti naman at mukhang nagkakasundo na kayo ni Kat?" tanong pa n'ya.
"Nagkakaayos ka d'yan..." napasimangot ako. "Unti-unti lang ako'ng nasasanay sa kanya. Kumbaga sa sugat, unti-unti na s'yang naglalangib."
"Napaka gandang langib naman ni kat..." bulong ni Ariel sa likod ko.
"Hay nako, ayoko lang umasa sa kung ano, dahil ni 'di ko pa rin alam kung saan nanggaling ang babaeng 'yan," paliwanag ko.
"Ah, oo nga pala," singit ni Don na natawa sa harapan. "Ikaw nga pala si eternal basted, eternal ghosted, eternal 'kuya Carlo' na walang swerte sa babaeb!"
Ngayon naman ay bumungisngis na ang tatlo nang tuluyan.
"Eh, kasi naman, Carlo, eternal suplado ka rin, eh," sabi ni Ben habang tinatapik-tapik ang balikat ko.
"Oo nga, Carlo, dalasan mo kasi ang pagngiti!" pasok nanaman ni Don. "Gwapo ka pa naman, chikboy macho papa, habulin ng dating boy!"
"Leche!" naiirita kong sabi.
Tinawanan nanaman ako nang tatlo at 'di na 'to natigil hanggang sa pagbalik namin sa aming pwesto.
"Cheers!"
Eto na si Don, naglabas na ng alak.
"O, pare, inom ka na!"
"Hindi na," uminom ako ng dala kong pineapple juice. "Baka mamay kung ano nanaman ang mangyari!"
"Ikaw kat?" alok nito sa nakalingkis sa braso ko.
"Sorry, hindi ako palainom eh," nakangiti nitong sinabi.
"Konti lang! Sige na, isang baso lang, 'wag kang gumaya d'yan kay Carlo, KJ yan e!" pandedemonyo ni Don.
"Ha? Pero..." napatingin sa akin ang babaeng kanina pa nananahimik.
"C'mon, ngayon lang naman eh, to celebrate our new found friendship!" pilit pa ni Don na may papoging ngiti sa mukha.
"S-sige pero konti lang ha?"
Aabutin na ni Katreen ang baso kay Don nang pigilan ko 'to.
"Hindi na. 'Wag ka na uminom!"
Kinuha ko ang baso at ipinatong ito sa mesa.
"Tama, Don, bawal mamilit!" sabi ni Ben.
"Huuu! Isang baso lang, eh!" sabi ni Ben na nanunulis ang nguso. "Nagalit naman agad itong si KJ! Bakit, takot ka ba na madaig ni kat? Palibhasa isang baso lang tumba ka na agad!" dagdag pa nito, sabay tawa nang pang-asar.
"Ay nako don, alam ko na 'yang style mo. Alam ko, may binabalak ka lang kay Kat! Minsan talaga parang mas malupit ka pa kay Ariel!"
"Oo nga..." mahinang sagot ni Ariel na nakatitig nanaman sa pool area habang umiinom ng beer.
"Huuuu! Iniiba ang usapan, aminin na kasi! Takot ka lang madaig ng babae!"
"Hindi ha!"
"Naku, si Carlo! Mahina!"
"Hindi sabi, eh!"
"Oy, oy, tama na yan!" pigil sa min ni Katreen nang mapansin na tumataas na ang tono ng boses ko.
"Hayaan mo sila, Kat," sabi ni Ben, "ganyan talaga 'yang dalawang 'yan."
"Tama, ganyan kasi talaga si Carlo, duwag magpatalo!" pasok nanaman ni Don.
"Magtigil ka nga Son!" sigaw ko rito. " Sabi nang hindi, eh!"
"Sige nga, inumin mo nga 'yan?!" turo n'ya sa basong inabot n'ya kay Katreen.
"Sige ba!"
Kinuha ko na 'to para matahimik na s'ya.
Tinungga ko 'to at ibinagsak sa mesa ang basong wala nang laman.
Ang init sa lalamunan ng laman ng baso. Ang tindi gumuhit!
"O, ano? Shinong mahhinah... ngayong...?" pagmamalaki ko sa kanya, bago bumagsak ang kisame at magdilim ang paligid.
"Ay! Carlo!" narinig kong mapatili si Katreen.
May yumugyog sa akin, pero, ayaw nang dumilat ng mga mata ko.
"Ben, pakilala mo naman kami sa mga chika-babes na bisita n'yo!" narinig kong sabi ni Don.
"Oo, lika, pakilala kita sa mga pinsan ko..." sagot ni Ben na papalayo ang boses.
"Teka lng, anong gagawin ko kay Carlo?!" nagaalalang tanong ni Kat, pero malayo na ang boses ng dalawa.
"Iwan mo na lang 'yang matulog d'yan," sabi naman ni Ariel na mukhang papunta sa pool side.
Narinig ko na lang magbuntong hininga si Kat at naramdaman ang malambot n'yang binti sa ilalim ng ulo ko. Hinimas n'ya ang ulo ko, hinawi ang buhok sa 'king mukha at muling napabuntong hininga.
"Katreen?"
Ramdam ko'ng mapapitlag si Katreen nang may babaeng tumawag sa pangalan n'ya.
"Katreen Suarez Buenaventura del Sur?" tawag muli nito. "Anong ginagawa mo rito?!"
"...Loren..." sumagot din si Katreen matapos ang ilang sandali. "K-kamusta na?"
"Kat, what are you doing here? Alam mo ba, lahat ng kaibigan natin sa drama club ay alalang-alala na sa 'yo?!" patuloy ng babae. "Pati si tita Natalie halos 'di mapalagay mula nang maglayas ka four days ago!"
Muling natahimik si Katreen.
Nagbuntong hininga s'ya nang ilang ulit ulit bago muling nagsalita.
"... 'Di mapalagay?" tanong n'ya. "Kailan pa nag-alala sa 'kin ang mommy ko? Ni 'di man lang n'ya 'ko inisip nang palayasin n'ya si David at pagbawalan kaming magkita!"
Teka, sinong David ito?
Ano ba'ng nangyayari?
Gusto ko na sanang bumangon at magtanong, pero ayaw sumunod sa 'kin ng katawan ko.
"Kat, is that all? Eh, alam mo namang poor family lang ang pinaggalingan ng driver n'yong si David, kaya nga s'ya namasukan sa inyo, 'di ba? For school fees? And to tell you frankly, I don't trust him, ang dami kayang nagsasabing may girl din s'ya sa school n'ya dito sa Manila!"
Hindi nakasagot si Katreen.
Napabuntong hininga na lang ang kaibigan nito.
"So, anyway, you went all the way here from Davao to look for your "Dave" on Valentine's day, nagkita naman ba kayo?" tanong nito.
"Oo" mahinang sagot ni Katreen.
"Talaga?"
Mukhang nagulat si Loren.
"Wow, I guess you're really meant for each other after all. Ano namang sabi nya? At bakit iba 'yang nakahiga sa lap mo?"
Muling natahimik si Katreen.
"Wala lang..."
Sumagot din ito sa wakas.
"Hindi ko na s'ya kinausap. Nakita ko s'ya sa campus nila... may kaakbay na babae... mukhang kabuwanan na n'ya..."
Natahimik ang dalawa.
Pati ako nablanko ang utak.
"I guess I lost my feelings for him after that..." habol ni Katreen na bahagyang natawa.
"E-eh... 'yun naman pala, eh?" nangangapang sabi ni Loren. "Eh, ba't di ka bumalik satin? Kahit man lang tawagan mo si Tita para sabihing okay ka lang?"
Hindi na sumagot pa uli ang may kandong sa ulo ko.
"At... sino naman 'yan?" tanong uli ni Loren.
"My fiance..." muling natawa si Katreen. "Nadamay ko sya sa lahat ng kaguluhang ito... sa kalokohan na dulot ko. 'Yun ang dahilan kung bakit 'di ako makaalis..."
"Ahhhhhh! Ang lamig!"
Napabangon ako bigla sa lamig ng tubig na bumuhos sa akin!
"O, eh, 'di nagising ka rin?" tumatawang sabi ni Don na bitbit pa ang ice cooler na walang laman.
"Si kat nasan na?" tanong ni Don habang sinasakal ko ang makulit kong kaibigan.
"Anong malay ko..." sagot ni Ben.
"Ano 'to?" tanong ni Ariel na may nakitang nakatuping papel sa ilalim ng basa sa mesa.
Agad itong kinuha ni Ben at binasa.
"Thank you. Sorry Goodbye?"
Sumilip kaming lahat dito.
"Ano 'yan?" tanong ni Don
"...Kat..." ako'y napabulong, sabay takbo.
"Kat." sigaw ko habang tumatakbo sa kalsada.
"Nasan ka?!?"
Pero alam kong walang sasagot sa akin.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog.
Hindi ko alam kung saan nagpunta ang babaeng tatlong araw gumulo sa buhay ko.
Katreen.
Sino ka ba talaga?
ba't ka biglang susulpot... at bigla rin lang mawawala?!
Sa pagtakbo ay umabot ako sa isang tulay na bumabagkas sa ibabaw ng isang malawak na kanal. Sa kabila nito ay ang City Walk na isang hilera ng mga bars, kainan, at iba pang mga gimikan na madalas tambayan ng mga estudyante sa university.
Sa isa sa mga nakahilerang bars dito ko siya nakita.
Iyon ang sinasabi niya.
Dumiretso ako sa tulay at matawid na dito nang may makita akong anino ng taong nakatayo sa may dulo nito.
"Katreen!"
Napalingon ang anino.
Agad akong tumakbo sa tabi niya.
"...C-carlo..."
Napatingin siya sa akin, nanlalaki ang mga mata sa namumula n'yang mukha na puno ng lungkot. Mahigpit ang kapit niya sa maliit na stuffed bunny keychain na binili ko sa kanya.
"Anong problema?"
Tanong ko, bagamat narinig ko ang buong usapan nila kanina.
"Ba't ka bigla na lang umalis nang walang pasabi? At ano 'yung iniwan mong sulat?"
Hindi ako sinagot ni Katreen, sa halip, humarap lang 'uli s'ya sa madilim na tubig ng kanal na dumadaloy sa ilalim ng tulay na kinatatayuan namin.
"That night..." bulong n'ya habang patuloy ang titig sa tubig. "That night, nothing happened. Kinailangn ko lang ng matutuluyan kaya naisipan kong samahan ka pauwi... kaya lang... nasuka ka sa damit ko..."
Noon lang niya nagawang tumingin sa akin.
"...and you don't expect me to wear my filthy clothes in bed, do you?"
"...Kat..."
"Hindi ko naman sinasadyang gamitin ka, eh," patuloy n'ya. "Depressed ako noon, kaka-break ko lang sa boy friend ko, tapos nadukutatn pa ako, at 'di ko malaman kung saan ako pupunta."
may tumulong luha sa mukha ni Katreen.
'Di ko malaman ang gagawin ko.
"Umiiyak din ako sa mismong pwesto na 'to nang lumapit ka sa 'kin," sabi nito. "Ipinatong mo sa likod ko ang polo mo, tapos tinanong mo kung 'ba't ako umiiyak."
Inatake siya ng hikbi.
"S-sabi ko, 'my valentine broke my heart', t-tapos, sabi mo sa 'kin..."
"Why the hell are you crying for a bastard like that..." sagot ko kay Katreen.
Sa wakas, nagbalik din ang ala-ala ko.
"Y-yeah... and... and... and you told me all those cheesy lines about being your valentine instead."
Napatakip ako ng mukha.
Tama.
Ako nga ang nagsabi ng mga kesong linyang iyon!
"Y-you called me princess and asked me to come to your castle when I told you that I had no where else to go..." patuloy ni Katreen kahit pa gusto ko na s'yang patahimikin.
"Ugh... 'wag mo nang ipaalala..." nguyngoy ko.
"But you were really like a knight in shining armor back then," wala s'yang patawad. "You were so kind that I thought it was okay to stay with you, even though I knew you were gay..."
"What?!"
Napa tanga ako kay Katreen.
"'Di ba, sabi mo, 'Your womanly charms mean nothing to me', matapos mo ko'ng sabihan na maghubad matapos mo kong masukahan?"
Tinitigan ako ni Katreen.
Tinitigan ko rin s'ya pabalik, bagsak ang pangang napatanga sa kanyang sinabi.
"I mean, alam ko kailangan mo'ng magpa-macho sa harap ng parenta mo at pag kasama mo ang friends mo, pero pati nga 'yung crush mo, 'di ba, transwoman? Not that I'm against your preferences..."
"Pano mo nalamang trans –"
Napakapit ako sa ulo kong biglang kumirot.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Look, I still don't remember everything that happened that night, but I asure you, woman, I am NOT gay."
"What?"
Si Kathreen naman ang napatitig sa akin.
"Ibig mong sabihin..."
Biglang namula ang mukha na Karteen, sabay sa pag-init nang nagbabaga kong mukha.
Lumayo rin s'ya nang bahagya sa akin.
"I-Ibig sabihin ba n'yan, wala akong womanly charms para sa 'yo?!" galit n'yang tanong.
"Ayun pa talaga inalala mo?!" balik ko rito!
Muli ako'ng huminga ng malalim at idinaan ang namamasa kong kamay sa magulo kong buhok.
"Look, I grew up with four female cousins, okay?" paliwanag ko rito. "Matagal nang gustong magkaanak na babae ni nanay, kaya tuwing bakasyon, pinapupunta n'ya sa amin ang mga pinsan ko mula Montalban. I got my immunity from them! So trust me, I won't feel anything even if you keep rubbing your chest on my back and on my arms since I've been through worst!"
"Oh..."
Natahimik si Akatreen.
"How much worst?" nakuha pa nitong itanong !
"Anong klaseng tanong 'yan?" bulyaw ko sa kanya.
Muli s'yang natahimik at napatingin sa nakakuyom n'yang kamay.
Nasa loob nito ang kanyang pink bunny key chain.
"Well, it was fun 'till it lasted," sabi nito. "At least, ngayon, matatahimik ka na uli."
"Anong ibig mo'ng sabihin?" tanong ko sa kanya, nakasimangot.
"It means it's time for me to go back home..." she said sadly.
"So you're just gonna leave like nothing happened?" I asked her. "You suddenly show up out of nowhere and leave just as suddenly after messing up my life?"
"Sorry..." she started crying again. "I'm really sorry, hindi ko naman sinasadyang guluhin ang buhay mo, eh, desperado lang talaga ako noon..."
At agad kong pinagsisihan ang sinabi ko.
Pagkasabi naman noon, ay muling humarap si Katreen sa madilim na kanal at inangat ang kamay n'yang kapit ang bunny keychain.
"'Yan ba ang ginawa mo sa dati mong keychain?"
Kinapitan ko ang kanyang kamay.
"Basta mo na lang itinapon?"
Tumingin lang sa akin nang malungkot si Katreen.
"It was actually half of a heart key chain," sabi n'ya, natatawa, ngunit puno pa rin ng lungkot ang mga mata.
"Katreen."
Tawag ng boses ni Loren sa likod namin.
"We need to leave."
"Sorry talaga, Carlo..." bulong niya bago maglakad palayo.
Pinanood ko s'yang umalis.
Ni hindi s'ya lumingon pabalik.
"Kat," tawag ko sa kanya for the last time.
Tumigil s'ya sa paglakad.
"'Wag mong iwawala ang bunny keychain mo," sabi ko. "Kung kailangan mo 'uli nang matutuluyan, alam mo na kung nasan ka uuwi."
She continued walking then.
Sumakay na s'ya sa chedeng na naghihintay sa kanya at tuluyang umalis.
=================================
USAPANG barkada...
carlo: At 'yun na nga ang nangyari...
tatlong araw lang ang tinagal nya samin
Ngayon, 3 linggo na ang nakalipas
wala pa rin akong balita kay Kat.
At malamang, hindi ko na s'ya makikita kahit kailan
Ariel: condolence pare T-T
Carlo: Gagu!
Pinatay mo naman ang tao!
Ben: At least, pare,
nakaya mo na ring ikwento sa 'min kung ano talaga ang nangyari
don: 'wag kang mag-alala pare
masyado ka kasing seryoso e!
Next gimik, lulunurin kita sa alak para malimutan mo na yang Kat na yan!
carlo: Langya
e 'yan nga pinagmulan nang lahat ng problema ko e!
at ang dahilan kung ba't 'di ko agad s'ya napigilang umalis
Ariel: Pero, kung 'di ka nalasing last vday, hindi mo rin makikilala si Kat
carlo: T-T
Don: sinasabi ko sayo, 'tol, isang tunggan lang 'yan!
Isang tungga lang naman bagsak ka na eh!
WA-HA-HA-HA-HA-HA!!!
ariel: HAHAHAHA!!!
carlo: sige, pag tripan n'yo nanaman ako!
ben: pare
'di ko 'to dapat pakita sa 'yo, pero
(attachment sent)
galing 'yan kay Loren
'yung 3rd cousin kong taga Davao
don: Uy pare yung sexy na naka yellow bikini?!?
ben: Pinagbawalan ako pati nina erpats
mahirap na raw makiilam pero, hindi tama eh.
May kasama pa raw yang sulat, kaya lang di na nasalba ni Loren
carlo: Buti naman at hindi nya tinapon
Ben: Oo nga, 'yan lang picture ang nakuha ko
Carlo: sige, out na muna 'ko
tumatawag ata si ermats sa baba
(offline)
Don: pucha bosing Ben, bakit naman pinaiyak mo pa si Carlo
pinapatawa ko na nga eh!
Alam naman natin na 'di papayag ang mga magulang nun na makipag kita pa s'ya kay Carlo!
Mula sa kwento n'yo, mukhang kasing yaman mo pamilya ni Kat
'di nga lang kasing bait >.<
Ben: Ganon na nga.
Pero kailangan malaman ni Carlo ang totoo.
Ayoko naman isipin n'ya na kinalimutan na lang s'ya ni Kat nang tuluyan.
Don: Pero pinaasa mo lang lalo 'yung loko, eh!
Ariel: masarap kayang umasa...
masarap na masakit...
hehehe... emo
Don: Ikaw Ariel, ha
'di ka lang manyakis, masokista ka pa!
Ariel: tawa emo
Don: Basta bukas, kaladkarin natin 'yang carlo na 'yan papuntang bar
para naman maka-get over na s'ya sa kan'yang broken heart!
Ben: sagot mo?
Don: Bosing naman, alam mo na yun! XD
=======================================
Huminga ako nang malalim.
Pilit pinigil ang mga luha na nagbabadyang tumulo mula sa 'king mga mata, kasabay ng buhos ng ulan sa labas ng bintana.
Tinignan ko ang bagong wallpaper sa aking cellphone at napangiti.
At least, nasa kanya pa rin ang bigay kong bunny keychain.
Hindi niya ito itinapon.
Ang ganda ng ngiti sa kanyang mukha, lalo ko tuloy s'yang na mi-miss.
Haay... bakit nga ba hinahanap-hanap ko s'ya ngayon, samantalang dati, halos isuka ko s'ya?
Bakit kung kailan wala na s'ya, saka 'ko na-realize ang feelings ko para sa kanya?
Pero kahit ano pa ang marealize ko, alam kong huli na ang lahat.
Ano nga ba naman ang maibubuga ko sa harap ng magulang ni Katreen na pinalayas ang ex boyfriend n'yang driver?
Pero buti na rin at pinalayas ng nanay n'ya ang ex n'ya na 'yun!
Kung sakali, baka kung ano pang ginawa noon kay Kat kung nagtagal pa sila!
Napaka sweet at lambing pa naman ni Katreen! Lagi s'yang nakakapit at nakayakap sa akin!
"Ahh... tama... akala n'ya nga pala, bakla ako..." bigla kong naalala.
Sa inis ay inihampas ko nang ilang ulit ang ulo ko sa aking unan.
Masakit ang semento.
At alam ko na lost case na ito.
Natigil lang ako nang marinig kong tumatawag si nanay sa baba.
"Ano po 'yun?" tanong ko nang bukas ko ang pinto ko.
"Halika rito sa kusina, sandali!" tawag ni Tatay.
"Papunta na po!" tawag ko pabalik.
Bumaba na 'ko ng hagdan at padiretso na sana sa kusina, nang may masilip akong malaking bag na naka tago sa may likod sa sofa namin.
Ang nakatawag sa pansin ko ay ang pink stuffed bunny keychain na nakasabit dito.
Agad akong tumakbo papuntang kusina.
Muntik pa akong madulas sa basang basahan na may pintuan!
"O, ba't nagmamadali ka?" natatawang tanong sa 'kin ni Nanay na may dalang tuwalya.
Noon ko s'ya nakita.
Nakaupo sa may hapag kainan, may kapit na mug ng mainit na kape, at mukhang basang sisiw, pero nagniningning pa rin ang ngiti sa kanyang mukha.
"Kamusta na, Carlo?"
Bati n'ya sa 'kin sa tuluyan nang natameme.
"Wala akong matuluyan, eh, may lugar pa ba rito sa inyo?"
Hindi na ako sumagot pa.
Lumapit ako sa aking kasintahan at niyakap siya nang mahigpit.
- tapos -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro