Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalawang Araw

"Caaarloooo..!"

Naalimpungatan ako nang may narinig na tumatawag sa pangalan ko.

Tila may kumikiliti sa ilong ko...

"Carlooo... gising na...!"

"Wngrlll.... a-chooo!"

Bigla akong napaupo mula sa aking pagkakahiga sa kama.

'Langhiya... halos 'di na 'ko nakatulog kagabi, at ngayong kaiidlip ko pa lang, ay bigla naman akong nagising!

Kinamot ko ang ilong kong kanina pang nangangati at napadura ng panis na laway nang makakita ako ng dalawang mapuputing bola na nababalot sa pink na panty na nakatuwad sa gilid ng aking kama!

"Aray naman!"

Gumalaw ang mapuputing bola na sandaling nawala at napalitan ng namumulang mukha ng babae na laman ng bangungut ko!

"Ano ba naman 'yan Carlo! Bigla kang tumayo, nahulog tuloy ako sa kama!" reklamo ni Katreen na nagkakamot ng ulo.

"At sinong nagsabing pumasok ka sa kuwarto ko?!?" sigaw ko habang tinatakpan ng kumot ang topless kong katawan. "U-umayos ka nga ng upo!"

Umayos nga siya ng upo sa 'king kama at bigla akong tinalon para yakapin.

"Good morning, Bhe, ang taray mo pala sa umaga!"

"S-sinong Bhe ang tinatawag mo?!" pilit ko ito'ng tinulak. "Lumayo ka nga sa 'kin! Ano ba'ng ginagawa mo sa kuwarto ko?!"

"Pinapagising ka sa 'kin ni Nanay!" masaya nito'ng sagot habang patuloy akong niyayakap.

Napabuntong hininga na lang gako.

Hindi ko akalain na hindi pala bangungot ang mga pangyayari kagabi.

Totoo nga palang kasama ko na ang babaing ito."

Ano nga ba talaga ang nangyari nang gabing yun?

Magkakaletse-letse na ba talaga ang buhay ko nito?

Kung bakit kasi pinatulan ko pa ang pustahan ni don nang gabing 'yun, eh...

'Pero...'

Napatingin ako sa babaeng tumutulak sa akin palabas ng kuwarto at pababa sa aming kusina para kumain ng umagahan.

'Pero... cute talaga s'ya...'


Pasimple akong tumingin sa magandang babae sa aking tapat.
Eto nanaman sya... ang aking diwata.
Madalas ko s'yang makasabay sa jeep tuwing umaga, at matagal ko nang gustong magpakilala sa kanya.
Kung may lakas nang loob lang sana ako...
"Oy, nagseselos na 'ko d'yan ha..." biglang singit ni Katreen sa pagpapantasya ko. "Ang ganda-ganda na nga ng kasama mo tumitingin ka pa sa iba!"
"Shhh... wag kang maingay!" agad kong saway rito.
Muli ako'ng tumingin sa aking lakambini.
Buti na lang at mukhang 'di n'ya narinig ang sinabi ni Katreen.
Patuloy s'yang nakatitig sa kapit n'yang cellphone habang hinahawa ang mahaba n'yang buhoy sa likod ng kanyang taenga.
"At ano bang pinagsasasabi mo d'yan?" bulong ko sa katabi kong pakielamera. "Tignan mo nga 'yang dyosa ko, wala ka pa sa kalinkinan n'yan, tignan mo naman, babaing-babae!"
"Ganon?" sinimangutan ako ni Katreen at biglang tinuktukan sa bunbunan! "Um!"
"Aray! ano bang...?!"
"Lampas na tayo sa school..." sabi nito na pinapara ang jeep. "Bilisan mo kung 'di iiwan kita sa pantasya mo!"


"Kat! Over here!" tawag sa amin ni Dan sa pagpasok namin sa aming klase.
"Tamang-tama ang dating n'yo, eto, nanghiram ako ng notes para makahabol ka sa mga subjects natin," sabi naman ni Ben na nag-abot sa kan'ya ng ilang notebooks.
"Salamat ha, buti pa kayo, nag-aalala sakin," parinig nito.
As if naman tatamaan ako.
Tahimik na lang akong umupo sa tabi ni Ariel na titig na titig kay Katreen.
"Mamaya balak naming mamasyal sa mall, gusto mong sumama?" aya ni Don dito, na tila ba hindi ako napansing umupo sa tabi nila.
"Talaga? Sige, sama kami!" Biglang hinatak ni Katreen ang braso ko. "Sama tayo, ha, Carlo?"
"Bumitaw ka nga dyan! Nasa klase tayo, nakakahiya!" reklamo ko rito.
"A-ako... Aa-ako na lang..."
Napatingin kaming lahat kay Ariel na hinihingal pa sa kabila ko, pati si Katreen, nanlaki ang mga mata sa itsura n'ya.
Bahagya akong humarang sa gitna ng dalawa.
"Ariel behave," sabi ni Don dito.
"Ah... ako sasama rin..." paglilinaw ni Ariel.

Matapos ang mga klase namin ay sama-sama na nga kaming umalis ng campus.
"Ano ba balak n'yong gawin sa mall?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
"Well, 'di ba't tama lang na mag-celebrate tayo dahil nakilala natin si Kat?" sagot ni Don na maganda ang ngiti kay Katreen.
"Besides, 'di ba't ermats mo mismo nagsabing alagaan natin s'ya?"
"Tama, para naman mai-pasyal natin s'ya dito sa lugar natin," sabi naman ni Ben.
"Uy, ang babait naman ng mga bago kong friends!" masayang sabi ni Katreen.
Iniwan ko nga 'to at naglakad na papuntang sakayan.
"Sandali lang Carlo, hintayin mo naman ako."
Humabol s'ya sa akin at tinalon nanaman ang likod ko.
"Ano ba, umayos ka nga!" reklamo ko rito. "Nakakahiya talaga 'to!"
Natawa lang si katreen na lalong kumapit sa braso kong kanina pa nangangalay.
Napabuntong hininga na lang ako at sumunod kay Don na pasakay na sa pinara n'yang jeep, habang si Ariel ay nakangisi kay Katreen at si Ben ay nakangiti sa amin.


"Hooo.... High school girls..."

Bulong ni Ariel na nakatayo sa likod ng isang estante habang pinapanood ang isang grupo ng mga babaeng nakasuot ng high school uniform.

"Alam mo 'tol, nag-aalala talaga 'ko na balang araw, tatawagan mo kami mula sa prisinto para ipyansa ka," umiiling kong nasabi.

Pinanood ko na lang si Katreen na masayang nag wi-window shoping kasama nina Don at Ben.

Ang ganda ng ngiti sa mga labi nito, at nagniningning nanaman ang malalaki nitong mga mata. Bagay na bagay sa kanya ang dilaw na damit na binili sa kanya ni Nanay kahapon, matapos malaman na dadalawang pares lang ng pantalon at tatlong kamiseta ang meron s'ya.

Nagulat ako nang humarap s'ya sa akin na may dalang malaking sombrerong bulaklakin.

Agad ako'ng umiwas ng tingin.

"Carlo tignan mo, oh, bagay ba sa 'kin?" tanong n'ya habang suot-suot ito.

"Hindi," agad kong sagot.

Natawa lang si Katreen sa reaksyon ko.

"Alam mo ba, ngayon lang ako napunta sa mall na 'to! Ang daming tao! Ang saya-saya!" sabi nito.

"kaya pala para kang igno na ngayon lang nakalabas ng bahay."

Muling napatingin sa kin si Katreen, nakasimangot na s'ya ngayon.

"Hmph! ikaw talaga, is that any way to talk to your girlfriend?" sabi nito.

"Oo nga naman carlo," biglang litaw naman si Don. "Dapat irespeto at igalang nang mabuti ang mga babae!"

Humarap si Don kay Kat at tumikham.

"Eherm, pasens'ya ka na sa kaibigan naming 'yan, ha? Pinanganak lang 'yan na suplado at antipatiko."

"Naghahanap ka ba ng away?" tanong ko kay Don, pero hindi ako nito pinansin.

"Ano bang nagustuhan mo dito sa giftshop, Kat?" sabi nito habang nakangisi kay Katreen na agad nangningning ang mukha.

"Yung stuffed bunny o, ang cute!"

Tinuro nito ang isang malaking bunny stuffed toy na kulay pink.

"Yun lang ba?"

Kinuha ni Don ang laruan at sinilip ang price tag nito.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Don.

"Uhm... bosing Ben?" tawag n'ya sa kaibigan namin.

Paglabas namin ng tindahan ay may yakap-yakap nang bunny stuffed toy si Katreen.

"Ayan, ang yabang kse, eh..." kantyaw ko kay Don na nananahimik sa likod.

"Okay lang yun!" natatawang sabi ni Ben. "At least masaya si Kat."

Napatingin ako kay Katreen na mukhang tuwang-tuwa nga sa kanyang laruan.

"Pare, ang swerte mo talaga!" bulong sa 'kin ni Don. "Ang ganda n'yang nadawit mo! Dapat pala ako na lang 'yung naunang malasing sa pustahan natin! kung sakali, may Kat na sana ako ngayon!" ngimisi ito ng masama habang nakatitig kay Katreen. "Nyahahaha, kung sakali, ihi lang ang pahinga!"

Dinagukan ko nga 'to.

"Ikaw talaga Don, minsan mas manyakis ka pa kesa kay Ariel!" Tinoro ko ang kaibigan naming may sinusundang grupo ng mga babae.

"Pero tama si Don, Carlo," saib ni Ben, "swerte ka nga talaga."

"Swerte ba tawag dun?" nakanguso kong sinabi. "Eh, ni hindi ko nga alam kung san nanggaling 'yan eh! malay natin kung totoo lahat ng sinasabi nya? Biro n'yo, ni walang alam na gawaing bahay, pinagsaing ni nanay e, umapaw yung kanin! Sunog ang tuktok at ilalim, habang yung luob, bigas pa rin!"

"Mahirap talagang maghanap ng katulong ngayon," natatawang sinabi ni Ben. Napatitig lang kami ni Don sa kanya. "Nasan na nga pala si kat?"

"Ha?" napatingin ako sa paligid. "Nandito lang yun kanina e...

"Ano ka ba naman pare?" tinapik ako ni Don sa balikat. "Nakita mo na, iwawala mo pa!"

"Nandyan lang yun sa tabi-tabi!" sabi ko.

"Di ba sabi n'ya ngayon lang sya nakapunta sa mall na to?" paalala ni Ben.

"Nako, baka maligaw yun!" sabi ni Don

"Carlo, kailangan mong hanapin Kat! baka mapano 'yun!" sabi ni Ben.

"Bat ako?"

Tinitigan ako nang masama ng dalawa kong kaibigan.

"Oo na, sige, hahanapin ko na po!"



"Haay, saan naman kaya nagsuot yun..."

Naiirita man ay inikot ko pa rin ang buong mall para lang mahanap ang batang nawawala.

Nakita ko rin s'ya sa wakas, na nakatitig sa display window sa isang tindahan.

Nilapitan ko s'ya at napansin na masama ang tingin n'ya sa isang keychain.

"Oi."

Biglang napatalon si Katreen sa gulat.

"Nandito ka lang pla! kanina ka pa namin hinahanap!"

"Ah... carlo..." sagot nito na umiwas ng tingin sakin.

Ngayon pa s'ya na hiya?

"H-hinahanap ko rin kayo, eh..." sabi nito na may pinunasan sa mukha.

"O, bakit? nandito lang naman kami ha?" napasimangot ako. "Hindi naman ganoong kalaki ang mall para mawala ka!"

Nagbuntong hininga ako at naghalukipkip.

"At saka p'wede ka namang magpunta sa customer service kung talagang 'di mo na kami makita, eh," patuloy ko. "Hindi naman..."

Sa pagtingin ko uli kay Katreen ay nahuli ko ang malungkot na tingin sa kanyang mga mata.

Bigla akong natahimik.

"... A-ano ba yang tinitignan mo?" Tanong ko nang muli s'yang umiwas ng tingin sa 'kin.

"H-ha? W-wala..." sagot nito habang pilit tinatakpan ang mga naka display na estante sa kanyang likuran.

Tumabi ako sa kanya at tignan ang mga nakalagay dito.

"'Yun bang keychain sa 'to?"

Tinuro ko ang isang maliit na pink bunny key chain na katabi ng mga magkakapares na broken heart key chains, at mga keychain na flashlight.

"... A-ano kse..." mahinang sagot ng babaeng 'di marunong mahiya. Tinakip pa n'ya ang pinabili n'yang stuffed toy sa mukha n'ya.

"M-may ganyan kasi ako dati..." sabi nito. "Kaya lang... nawala na s'ya..."

Muli akong napatitig sa babae sa aking tabi.

Ba't ba biglang nanamlay 'to?

Iniwan ko nga s'ya sa labas at pumasok sandali sa tindahan.

Sa pagbalik ko ay nakatayo pa rin s'ya sa may estante at yakap ang stuffed bunny na binili ni Ben para sa kanya.

"O."

Napatingin si Katreen sa akin at nanlaki ang mga mata.

"Yan. Lika na at baka hinahanap na tayo nina Ben."

Nakalakad na ako nang ialng hakbang nang may biglang tumalon sa akin.

"Yey! Carlo! Thank you so much!!!" tili ni Katreen sa tainga ko!

Inikot pa n'ya ang mga braso nya sa leeg ko, kapit ang kanyang stuffed toy sa isang kamay, at ang isang maliit sa pink bunny keychain sa kabila.

"A-ano ba! A-ang dibdib mo!" reklamo ko rito habang nag-iinit ang aking mukha.

"Ang sweet sweet naman ng boyfriend ko!" sigaw pa nito! Pinagtitignan tuloy kami ng mga tao sa paligod!

"Bitaw ka nga! Bitaw!" pilit ko rito.

Pero lalo lang niya akong niyakaw.

Napa bugtong hininga na lang ako pinagmasdan ang magandang ngiti sa namumula n'yang mukha.

Mas bagay naman 'to kesa sa itsura n'ya kanina.

"Halika na nga, uwi na tayo, ma-text na lang ang barkada," hatak ko sa kanya, nang bitawan din n'ya ako sa wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro