Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pinakamamahal


Note: ito po ay set sa taong 1960's 

"Kung gusto mo'ng makakuha ng limpak-limpak na kayamanan, hanapin mo ang ginto'ng inahen o guya sa palayan." kuwento ni lelong sa mga apo niya'ng nanlalaki ang mga mata. "sundan mo kung saan ito lulubog, at doon ka maghukay. Tiyak, makukuha mo doon ang kayamanan ng mga laman-lupa!"

"Talaga, Lelong?" tanong ng isang uhuging bata.

"Oo, Sendo, magsisinungaling ba ako sa inyo?" sagot ng matanda. "Ako mismo, ilang beses nang nakakita ng gintong inahen na may kasunod na mga gintong inakay sa sarili ko'ng bukirin!"

"Eh, bakit po mahirap pa rin kayo hanggang ngayon, Lelong?!" tanong ng isa'ng bata'ng nakakunot ang noo.

Lumabas ang gilagid ni Lelong sa paghalakhak.

"Iyan ay dahil masaya na ako sa buhay ko." sagot ni Lelong. "At hindi ko ipagpapalit sa anu-mang kayamanan ang pinakamamahal ko sa mudo!"

Iyon ang problema.

Ayon sa matatanda, para makuha ang kayamanan ng mga laman-lupa, kailangan mo'ng ibigay ang pinakamamahal mong bagay sa mundo bilang kapalit.

Iyon ang sinasabi nila'ng dahilan kung bakit nalunod ang panganay ni Mang Isko, isang linggo matapos mabalita na nanalo daw sila sa sweepstakes. O bakit namatay sa landslide ang asawa ni aling Dina matapos daw nila magmana ng milyun mula sa kamag-anak.

"Siningil sila ng laman-lupa." bulung-bulungan sa barrio.

Pero hindi ito problema ni Sendo. Kilala kasi siya na masama ang ugali at sa puso niyang bato.

Iyon ang problema niya.

"Ibig mo'ng sabihin, Sendo, hanggang ngayon naniniwala ka pa rin sa mga kuwento ni Lelong?!" malakas ang tawa ng pinsan niyang si Berting. "Aanhin mo pa ang kayamanan, eh, ikaw na halos may ari ng lahat ng lupain dito sa barrio, pati bukirin ni Lelong, iyo na lahat. Ikaw nga lang ang kilala ko'ng may auto, eh!"

"Kulang pa 'yun." naiinis na sagot ni Sendo na huminga ng malalim. "Gusto ko'ng magkaroon ng maraming pera para makaalis dito at manirahan ng matiwasay sa Maynila."

Lalong natawa si Berting.

"'Wag mo'ng sabihing balak mo'ng hanapin ang nanay mo'ng nang-iwan sa 'yo at sumama sa mayamang kano?"

Hindi nakasagot ang kanyang pinsan.

"At isa pa," dagdag nito, "tingin mo ba nakalimutan ko na ang kuwento ni Lelong? Alam ko kung ano ang sinisingil ng mga laman-lupa. Alam ko kung ba't bigla ka'ng nag-alok ng tulong sa nanunuyot ko'ng palayan. Hindi ako mangmang, Sendo, at lalo namang hindi ako magiging kapalit ng pinapangarap mong kayamanan!"

Galit na umalis si Sendo mula sa bahay ng pinsan niya.

"Ingrato!" sabi niya sa sarili, "S'ya na nga ang tutulungan, s'ya pa ang galit! Maremata sana ang bukid mo!"

Mainit pa ang ulo niya nang marating ang pinauupahang kubo sa labandera'ng si aling Mameng.

"Sendo, alam mo naman na kamamatay lang ng asawa ko... baka naman puwede mo pa kami bigyan ng kaunting panahon..." pakiusap nito.

"Tatlong buwan n'yo na po'ng sinasabi 'yan, paano ako kikita kung lahat na lang panagbibigyan ko?" napatingin siya sa paligid ng bahay na halos wala nang laman. "Wala ho ba kayo'ng anak na pwedeng magtrabaho sa akin?"

Natahimik ang matanda.

"S-si... si Auring na lang ang natitira sa akin..."

Sa pagbanggit ng pangalan ay may sumagot mula sa loob ng nag-iisang kuwarto sa kubo.

"Mameng?"

Lumabas ang isang dalagita. Hindi siya kagandahan, pero napakakinis ng mahaba niya'ng buhok na walang kasing itim, at kitang-kita ang hulmado niya'ng katawan sa suot niya'ng duster na abot sa binti niya'ng makinis.

Napalunok si Sendo. Nag-init bigla ang katawan ng matandang binata.

"I-ito po ang nag-iisa kong anak na si Auring," sabi ni aling Mameng, "Diese-nueve anyos na siya, pero isip bata pa rin... ang tanging naituro lang namin sa kanya ay ang pag-linis sa paligid ng bahay..."

"Bueno, kukunin ko siya bilang katulong." agad na sinabi ni Sendo.

"Pero..."

"Maninilbihan siya sa akin." dagdag niya, "Hanggang sa makapagbayad kayo sa akin ng utang."

Natuwa si Sendo kay Auring.

Nagawa siyang patawanin ng dalaga'ng isip-bata. Inosente ito at walang tangka sa kanyang masama. Lalo siya'ng nasisiyahan tuwing gabi, habang pinagsasamantalahan niya ang pagkainusente ng dalaga sa malaki niyang kamang nalilibutan ng kurtina.

'Di nagtagal, unti-unting lumaki ang tiyan ni Auring, kaya't naisipan ni Sendo na pakasalan na ang dalaga bago pa may kumalat na chismis sa barrio.

"Mas mabuti na ito'ng sinto-sinto," naisip niya, "kesa sa magandang babae na lolokohin lang ako at iiwan."

Ang gulat ng buong barrio noon!

Hindi nila akalaing ang pusong bato na si Sendo ay iibig sa iba. At sa isang sinto-sinto pa! Lalo pa sila'ng nagulat nang patirahin ni Sendo si aling Mameng sa kanyang mansion. Ang hindi nila alam ay tinatrato n'ya ang asawa na parang laruan, at ang biyenan nya, bilang katulong.

Siya pa rin ang Sendo na pusong bato na nangangarap makuha ang kayamanan ng mga laman-lupa.

Gabi-gabi, bumabangon siya mula sa tabi ng kanyang asawa at naglalakad sa bukid ng kanyang lolo. Naghahanap, umaasa, na magpapakita na sa kanya ang mailap na ginto'ng inahen o guya na magtuturo sa kanya sa kayamanan.

Pero hindi pa rin ito nagpakita sa kanya.

'Di nagtagal, nanganak si Auring ng isang malusog na heredero. Tuwang-tuwa ang mag-ina, habang abala naman si Sendo sa trabaho.

Malupit kasi ang tagtuyot, at unti-unti'ng namatay ang mga pananim sa buong barrio, kasama ang kay Sendo.

Laging mainit ang ulo ni Sendo, lalo na sa bahay. Sumasakit kasi ang ulo niya sa tuwing umiiyak ang kanyang panganay. Dahil dito, napadalas siya'ng magtrabaho sa labas at laging gabi na kung umuwi.

Isang gabi, may napansin siya'ng kuminang sa may tabi.

Itinutok niya ang dalang gasera sa dako'ng nagliwanag at natulala sa nakita.

Isang guya na gawa sa purong ginto ang nakatayo sa may palayan!

Kinakain nito ang tuyong dayami, at sa pagkita sa kanya, ay naglakad palayo.

Agad humabol dito si Sendo!

"Sa wakas!" sabi niya sa sarili, "Makukuha ko na ang kayamanan ng mga laman-lupa!"

Sinundan niya ang guya na lumampas ng bukid at pumasok sa kanyang manggahan. Tumigil ito sa tapat ng isang malaking puno bago ito lumubog sa lupa.

Agad namang nagkandarapa si Sendo at sinimulang maghukay, pero dahil sa tagtuyot ay kasing tigas ito ng bato! Nagsugat ang mga daliri niya hanggang sa makakita siya ng pirasong bato at ginamit ito na parang piko. Pinalalim niya ang hukay hanggang sa umabot ito sa kanyang ulo.

'Tok'

May natamaan siyang paso. Patay na ang gagsera, at tanging sinag ng bilog na buwan lang ang kanyang ilaw. Inangat niya ito at nilinis. Isa ito'ng banga na lampas sa kanyang tuhod, at sa pagbukas ng takip, ay tumambad sa kanyang harapan ang 'di mabilang na diyamante at ginto!

Maagang ginising ni Sendo ang kanyang pamilya kinabukasan.

"Mag-handa kayo, pupunta tayong Maynila." sabi niya sa asawa.

"Sendo, sugat kamay mo?" sabi ni Auring na yakap ang kanilang anak.

"Wala ito, sabihan mo ang nanay mo, may aasikasuhin lang ako sa bayan."

Inihanda ni Sendo ang lahat para sa pag-alis. Nilakad niya ang mga titulo ng kanyang mga lupain at ari-arian sa tulong ng isang abugado. Halos buong araw ang tinagal nito, kaya't mag aalas-kuwatro na siya nakabalik sa bahay.

"Sumakay na kayo sa auto, dali!" tawag niya kina aling Mameng.

"Sandali, ang mga gamit natin..." tinuro ni Mameng ang limang malalaking bagahe sa tabi.

"Iwan na ninyo 'yan!" sagaw ni Sendo na nagmamadaling pinapasok ang mag-ina sa likod ng sasakyan, katabi ang isang baol na nakakandado at ilang attache case. "Bibili tayo ng mga bagong gamit sa Maynila!"

"Ba't tayo madali?" naguguluhang tanong ni Auring.

"Basta't sumakay na kayo!"

Simple lang naman ang plano ni Sendo. Isa siyang ganid at mapaghiganting tao. Kaya balak niyang umalis agad papuntang Maynila para hindi maabot ng mga laman lupa ang pamilya niya.


****

Basahin ang karugtong, pati na rin ang iba pang mga kuwentong kababalaghan sa Tatak Pinoy Horror Stories

eBook available in my ko-fi shop:

https://ko-fi.com/psynoidal/shop

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro