Hopia Ube
"Dalawang Hopia Ube nga, Miss, yung special." nakangiting sabi ng suki ni Maribeth.
"Sir, mukhang paborito nyo talaga ang hopia ko, ha? Ito lagi order ninyo, eh!" sagot niya sa guwapo'ng lalaki na naka Amerikano.
"Hindi lang ako, pati ang misis ko," tumatawang sagot ng lalaki.
Napatingin si Maribeth sa wedding ring sa kaliwang palasingsingan ng kanyang suki.
"Naku, napaka swerte naman po ng misis ninyo, sir...?"
"Rodel," sagot ng lalaki. "Actually, two years na siyang bedridden. Ito ang paborito niya, kaya lagi ko siya binibili ng pasalubong."
"Ang sweet n'yo naman sir, napaka pogi pa!" bola ng tindera.
Nangiti ang lalaki sa pag-abot kay Maribeth ng bayad.
Halos tatlong buwan nang nagtitinta si Maribeth ng hopia. Ganoon na ring katagal niyang suki si Rodel na laging may ngiti para sa kanya. At gustung-gusto niyang isipin na may ibang dahilan ang matamis na ngiti'ng iyon.
Two days later, dumaan nanaman si Rodel para bumili ng kanyang paborito.
"Dalawang Hopia Ube, Miss..."
"'Yung 'special', 'di ba?" dugtong ni Maribeth na may mapang-akit na ngiti sa labi.
"Mukhang kabisado mo na ako, ha?" kinilig si Maribeth nang muli siya'ng ngitian ni Rodel.
Bago ang suot niyang blouse, nag-ayos pa siya ng buhok at nag-make-up, alam niya kasi na darating si Rodel sa araw na iyon.
"Eto po sukli ninyo, Sir Rodel..." Yumuko siya para masilip ng lalaki ang kanyang malalim na cleavage. Napatitig nga rito si Ridel na namula ang mukha. Lalo namang nangiti si Maribeth na nagpapungay pa ng mga mata.
"Ah... s-salamat..." nautal ang lalaki sa pag-kuha ng sukli. Hinawakan pa ni Maribeth ang kamay nito na marahan niyang pinisil.
Nag-ayos si Maribeth ng paninda pag-alis ni Rodel. Sa pag tingin niya sa lapag ay may nakita siya'ng wallet. Agad niya ito'ng binuksan at nakita ang litrano ni Rodel sa isang ID na nakapaloob dito.
"Ang wallet ni Sir Rodel! Sinadya n'ya kayang iwan ito?" kinikilig niyang tanong sa sarili.
Maraming pera'ng tig-iisang libo ang pitaka. Narito rin ang ilang credit cards at drivers license ng kanyang suki. Sa isang flap naman, ay may litrato ng bagong kasal – si Rodel at isang babae. Mataba ito, pango, maitim at maliit. Napakasaya ng dalawa sa litrato, pero inggit lang ang nadama ni Maribeth mula rito.
"Ang pangit naman ng misis nya! Mukhang baluga!" isip niya. "Bagay nga sa kanya ang paborito n'yang hopia ube!" natawa si Maribeth. "Malamang ginayuma nito si Rodel kaya siya pinakasalan!"
Naalala n'ya noon ang mga ngiti ni Rodel. Mga ngiting para lamang sa kanya. Napangiti rin si Maribeth habang nag-iisip ng paraan para akitin ang guwapo niyang suki.
Maaga siyang nagsara nang hapon na iyon. Nagtawag siya ng taxi at ibinigay sa driver ang address sa ID ni Rodel.
Ang laki ng bahay na pinuntahan niya!
Ginamit niya ang pera ni Rodel para bayaran ang taxi, tapos ay nag-touch-up muna bago pinindot ang intercom sa mataas na gate.
"Yes?" sagot ng pamilyar na boses ni Rodel.
"H-hello?" sagot ni Maribeth, "Sir Rodel Montero? Si Maribeth po ito."
"Maribeth?" tanong muli ng boses.
"S-si Maribeth po... sa 'Hopia Hut'... Nakuha ko po ang wallet ninyo, naiwan nyo sa stall ko."
"Ah, sandali lang..."
Maya-maya pa ay bumukas na ang maliit na gate sa gilid at lumabas si Rodel mula rito. Nakasuot pa siya ng pantalon at polo shirt.
"Maribeth? Salamat sa paghatid ng wallet ko!" sabi nito na may matamis nanaman na ngiti para sa kanya.
"Walang-anuman, Sir Rodel, para po sa paborito kong suki!" sinalubong ni Maribeth si Rodel, at sa paghakbang niya, ay natapilok siya sa suot na heels. Nahulog siya at napakapit sa dibdib ng lalaki.
"Aray!"
"Are you okay?" tanong ni Rodel na sumalo sa kanya.
"O-okay lang po... pero... parang nabalian po ata ako..." sagot ni Maribeth.
"Naku, buti pa pumasok ka na muna at nang matignan ko ang paa mo."
Napangiti si Maribeth nang alalayan siya ni Rodel papasok ng malaking bahay. Sinama siya nito tungo sa isang maluwag na living room kung saan siya pinaupo sa napaka lambot na sofa.
"Masakit pa ba ang paa mo?" tanong sa kanya ni Rodel.
"O-opo... 'di ko yata kakayaning maglakad..."
"Sandali lang, kukuha ako ng first aid kit sa taas."
Nagmadaling umalis si Rodel na umakyat sa second floor. Si Maribeth naman ay tuwang-tuwa na pinagmasdan ang magagarang gamit sa loob ng bahay. Tumayo siya ng walang hirap at inusisa ang paligid.
"Success ang unang bahagi ng plano ko!" sabi niya sa sarili. "Ngayon, kailangan ko na lang siyang akitin! At sa laki ng bahay na 'to, siguradong hindi kami mapapansin ng asawa niyang baldado!
"Masakit pa ba?" tanong ni Rodel sa pagbalik niya sa silid.
Nakaupo na muli si Maribeth sa sofa, nakataas ang binti sa coffee table at maluha-luha.
"Kumikirot pa po..."
Inilapag ni Rodel ang dalang first aid kit sa mesa at hinimas ang kanang bukong-bukong ni Maribeth.
"Ahhn... d'yan po sir," maarteng ungol ni Maribeth. "himasin n'yo pa po, baka makuha sa hilot." Tinaas pa niya ang maiksi niyang palda para lalong makita ni Rodel ang makinis niyang binti. "Umaakyat po pataas ang kirot, sir..."
Napatitig sa kanya si Rodel. Nangiti siya nang maramdaman ang kamay nito na gumagapang pataas sa kanyang binti. Hindi na naghiwalay ang kanilang mga mata.
Lalo pa'ng tumaas ang kamay ng lalaki na nasa tuhod na niya ngayon, paakyat sa kanyang hita...
'KRASSS!!!'
Pareho silang napatalon sa ingay mula sa second floor.
Napatayo agad si Rodel na namumutla ang mukha.
"E-excuse me!" sabi nito bago tumakbo paakyat ng hagdan.
"Buwiset!" impit ni Maribeth. "Muntik na, nakawala pa!" Huminga siya ng malalim. "'Di bale, pagbalik niya, tatalunin ko siya agad!"
****
Basahin ang karugtong, pati na rin ang iba pang mga kuwentong kababalaghan sa Tatak Pinoy Horror Stories
eBook available in my ko-fi shop:
https://ko-fi.com/psynoidal/shop
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro