Bulok (TW: gore)
"One night of pleasure, nine months of pain." madalas 'yan sabihin ni mommy.
"Never trust a man. The only thing you can trust, is a 'Thrust' condom."
Well, 'di ko naman siya masisi, dahil hindi niya pinlano ang pagpapanganak sa akin.
Not that it helped.
Sabi nila, pinagbiyak na bunga daw kami ni mommy, pati ugali ko, manang-mana sa kanya, kahit pa eighteen years ang tanda niya sa akin at 32 years.
Well, at least naghintay ako ng legal age bago lumandi, pero mukhang pareho kami ng problema ngayon.
I look at the result of the third stick I dipped in the tepid urine in the cup in my hand.
"Fuck," bulong ko. "I shouldn't have drank that much!"
Hinagis ko sa basurahan ang preggy kit at kinuha ang cellphone ko.
"Hello? Charlie Abraham?"
"Who's this?" he quickly asked.
"It's Leah."
"Oh, hold on for a sec." Narinig ko siya'ng magpaalam sa mga kasamahan bago muling magsalita. "Hey babe, kamusta na? Miss na kita, when can we meet up again?"
"I'm pregnant," I said straight out.
I thought he dropped the call.
Napamura ako at papatayin na sana ang phone nang muli siya'ng magsalita.
"Sigurado ka?" tanong niya.
"Five pregnancy test kits say I'm sure."
Siya naman ang napamura ngayon.
"Look... as far as I know, baog ako! I mean, matagal na kaming sumusubok ng misis ko pero..."
"You have a wife?!" sigaw ko sa phone. "What the hell, Charlie?! Sabi mo single ka?!"
"Look, there must be some mistake, imposible talaga, eh!"
"Talagang imposible, I even told you to use some rubber! You did use one, didn't you?" hinintay ko ang sagot n'ya. "Well? Didn't you?!"
"Eh... mas masarap kasi pag wala..."
"Fuck you Charlie! I knew it! What the hell do we do now?!"
"Look, relax ka lang, okay, babe?"
"Don't you fuckin' call me babe you lying bastard!"
"Just relax," ulit niya. "Ako'ng bahala sa lahat, I promise."
I didn't believe him at first.
Besides, hindi naman ako seryoso sa kanya, eh. Nakilala ko lang siya sa isang bar, and frankly, pera lang ang habol ko sa kanya.
I mean, he was 16 years older than me! Oo nga at guwapo siya at may-ari pa ng isang sikat na fastfood chain, pero wala akong balak maging ina ng ganitong kaaga!
Nagkita kami sa isang restaurant three days later. Tuwang-tuwa siya nang makita ako, kahit pa gusto ko na siya'ng sampalin.
"Kamusta? Hindi ka ba napagod sa byahe?" tanong niya sa pagsalubong sa akin. "Nagpa-ultrasound ka na ba? P'wede ko ba s'yang hawakan?"
"Okay ka lang? Mahigit isang buwan pa lang ako delayed, 'no!" sabi ko sa pag-upo. "At marami pa tayong kailangan pag-usapan, tulad nang tungkol sa asawa mo!"
"Iiwan ko na siya," biglang sabi ni Charlie. "Akala ko nang una, ako ang may problema... six years na kaming sumusubok, 'yun pala, siya ang may deperensya."
"Parang ang daling gawin nang sinasabi mo, ha?" sinimangutan ko siya.
"Don't worry, I'm already working on it." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "May kaibigan akong abogado," dagdag niya. "Soon, we'll be living as a family; you, me, and our baby."
Well, hindi rin naman siguro masama na maging Mrs. Abraham.
Sa bagay, kung siya ang mapapangasawa ko, I'll be set for life! Okay lang kahit 'di na 'ko mag-aral since hindi ko na kakailanganing magtrabaho pa sa tanang buhay ko.
Sorry na lang sa misis niya'ng baog.
Hindi ko naman kasalanan na wala siya'ng silbi, eh. Grounds for annulment yung pagiging baog, 'd ba? Tama lang na maghiwalay na sila.
Nagsimula ang annulment case ni Charlie five months later. Binilhan niya ako ng condo unit along Mandaluyong at doon na kami nagsama. Araw-araw binibilhan nya ako ng mga gusto kong pagkain, at pati mga baby stuff, nagsimula na rin siyang mamili. Minsan nga, feeling ko, anak lang ang habol niya sa akin.
Pero okay lang, as long as I'm living comfortably.
Paalis ako isang umaga para mamasyal sa mall nang may babae na humarang sa akin.
Maganda siya, mukhang model, hanggang balikat ang buhok, malalim ang mga mata, at mapupula ang labi.
"Is it you?" bigla niya akong tinanong.
Napalingon ako sa likod, tinignan kung may ibang tao roon.
"Ikaw s'ya 'di ba?" hinatak niya ako bigla sa braso! "Ikaw ang umagaw sa asawa ko!"
Nanlamig ang buo ko'ng katawan.
"A-no ba?! B-bitawan mo nga 'ko!" sigaw ko sa kanya.
Pero hinablot niya ang buhok ko at sinabunutan!
"Walang hiya ka'ng puta ka!" sigaw niya, "Mang-aagaw ka ng asawa! Walang hiya kayong dalawa!"
"A-aray!" pilit ako'ng kumawala sa kanya, pero mahigpit ang pagkakakapit niya sa buhok ko, ramdam ko pa ang mahahaba niya'ng kuko na bumaon sa anit ko!
"Kahit anong ganda mo, bulok naman ang budhi mo! Bulok!" sigaw niya sa akin.
"Tulong!" nagsisigaw ako. Tulungan n'yo ako!"
Buti na lang at nakita kami ng mga guards sa condo! Agad silang lumapit para ihiwalay ang babaeng baliw sa 'kin!
"Nakakadiri ka, puta ka!" sigaw niya kahit pa kapit na siya ng dalawang guard. "Pareho kayong mabubulok si Charlie sa impyerno!" dagdag niya. "Mabubulok kayo sa impyerno!"
"Missis, tama na po!" pigil sa kanya ng isa pang guard. "Huwag kayong mag-eskandalo rito!"
Para siya'ng natauhan noon, bigla siyang natigilan at natahimik. Tumayo siya ng diretso at tumitig sa akin.
"Bitawan n'yo ako." sabi nito sa mga guard na nakakapit sa kanya.
Binitawan naman siya ng mga guard, habang nakatayo ako sa likod ng isa pa, takot na baka bigla nanaman niya ako'ng sugurin.
"You are rotten," sabi niya ng mahinahon sa akin, ang mga mata niya nanlilisik, ang mga kamay niya, nangingig at may mga hibla pa ng buhok kong nakakapit. "You're rotten to the core. At pare-pareho kayong mabubulok sa impyerno."
****
Basahin ang karugtong, pati na rin ang iba pang mga kuwentong kababalaghan sa Tatak Pinoy Horror Stories
eBook available in my ko-fi shop:
https://ko-fi.com/psynoidal/shop
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro