Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Kama

Okay, for the record, let's get the story straight.

I am Marcelo Delgado. A lawyer who works with facts.

Hindi ako basta-basta naniniwala na mga bagay-bagay, lalo na sa kababalaghan.

Pero may isang kaso na bumabagabag pa rin sa akin sa loob ng mahigit walong taon, and what's worst is, it's not even about a person I can convict.

This is about a four post canopy bed.

Nakuha ko ang kama mula sa isang kliyente ko sa probinsya.

"Ayon kay Papa bago siya namatay, p'wede raw tuparin ng kama na ito ang wishes mo." natatawang kuwento sa akin ni Aurora.

Kasing inosente siya ng yumao niyang Lola na katukayo niya.

"Pero, hindi naman ito gumagana sa akin," patuloy nya. "Siguro dahil nasa akin na ang lahat nang gusto ko." dagdag niya.

"Nami-miss ko na nga ang lola Auring mo," nakangiti ko'ng sabi. "Magkakasama na sila ngayon ng lolo mo na namatay ilang buwan matapos ipanganak ang tatay mo. Siya ang una kong naging kliente mula nang makatapos ako ng abogasya. Alala ko pa, kinuha ako noong abogado ng Lolo Sendo mo, dahil ako ang may pinaka murang singil sa barrio namin dati!"

"At ngayon, wala na rin si lola Auring, kaya naisipan ko nang ibenta ito'ng hacienda," sabi niya. "Kaya ikaw na po ang bahalang mag-dispose sa mga gamit, ninong, kunin mo na lang ang kahit ano'ng magustuhan ninyo sa mansion."

Sa lahat ng mga gamit doon, sa antigong kama talaga ako natuwa.

It was a four-post canopy bed that looked so majestic, lalo na 'pag nalilibutan na ito ng puting kurtina. It was fit for a king!

Parang ang sarap-sarap magpahinga rito, right after a tiring day.

Hiningi ko ito kay Aurora at pina-deliver sa bahay ko sa Manila. Natutulog ako rito gabi-gabi, at talaga namang ang ganda lagi ng gising ko kinaumagahan.

That is, hanggang sa makatanggap ako ng malaking kaso na talagang nagpa-stress sa akin.

May cliente kasi ako'ng nag-file ng separation sa asawa niya dahil sa hindi ito magkaanak. At that time, may kalabuyo na siya na buntis nang tatlong buwan sa anak niya. Kaya lang, kung kailan natapos ang kaso, eh, bigla namang namatay ang mag-asawa in a way that people might say, unconventional means.

Nabarang daw ang dalawa, at nawala naman ang ex-wife ng aking client na parang bula.

Hanggang ngayon nga, ay walang makapagpaliwanag kung ano talaga ang nangyari, at matapos ang madugong araw ng pag-iimbestiga, ay pumunta ako sa aking silid para magpahinga.

Agad ako'ng nanaginip na nasa silid daw ako sa hacienda, at sa ulunan ng aking malaking kama, ay may nakatayong babaeng maganda.

Matandang binata ako.

Hindi ko kasi kayang magpaligaya ng babae.

Pero sa pagkakita ko pa lang sa babae'ng iyon ay nag-init na agad ang katawan ko at nabuhay ang parte ko na hindi ko akalain na magagawa ko pang gamitin.

Umupo siya sa ibabaw ko, idinagan ang hubad niyang katawan sa akin, at hinalikan ang aking mga labi hanggang sa magising ako na hinihingal.

Pawis ang buo kong katawan, pero tulad nang inaasahan, ay wala pa ring buhay ang bahagi kong iyon.

Kinalimutan ko na lang ang panaginip at inisip na dala lang iyon ng aking pagod at stress, but I had the exact same dream the next night.

Ginapang akong muli ng magandang babae, pumatong sa akin, at saka ako hinalikan, taking my breath away...

Hanggang sa magising ako'ng hinihingal at nanghihinayang.

Hindi ko ikakailang gusto ko rin ang panaginip na iyon.

It gave me pleasures I could never have in the waking world, pero matapos kong mapanaginipan ang panaginip na iyon for six days straight ay nagsimula na akong kabahan.

Ipinalipat ko ang canopy bed sa isang bakanteng kuwarto sa aking bahay at muling ginamit ang luma kong kama.

Ilang taon matapos ang pangyayaring iyon, ay kinumbidahan ako ng isa kong inaanak sa kaniyang kasal.

"Ninong, kukunin ka rin po naming ninong sa kasal, ha?" sabi ni Rodel na kasama ang nobya niyang si Angeline.

Kilalang playboy ang inaanak ko'ng ito kaya nagulat ako nang makita ang nobya niya. May pagka bansot ito, maitim at bilugan, pero best friend n'ya raw ito mula pa pagkabata, and I guess, true love truly is blind.

"It would be my honor!" agad kong sagot.

Lumaki ang ngiti ng inaanak ko'ng chicboy, habang nahihiya namang tumango ang kaniyang nobya.

"Thank you po... ninong..." bulong ni Angeline.

Nangiti ako, mukhang mabait nga ang dalaga kaya nagustuhan siya ni Rodel.

It was then that I pictured them on a grand canopy bed on their wedding night.

"I know just the gift to give you!" sabi ko, nakangisi.

Laking gulat ko na lang nang malaman ang balita two years later.

Inireklamo daw ng mga kapit-bahay ang inaanak ko dahil sa mabahong amoy mula sa bahay nila, at nang pasukin ng village security ang lugar ay nakita nila ang mummified body ni Angeline sa kama, kasama ni Rodel na nakayakap dito.

"Buhay pa siya!" pilit ni Rodel. "Namayat lang siya at nagkasakit nang naglaslas siya, pero buhay pa si Angeline!"

"Bakit siya naglaslas?" tanong ko sa kaniya.

"Ewan ko... madalas ko lang siyang maabutang umiiyak sa bahay... pinipilit niya'ng may babae raw ako, pero wala akong babae! Wala akong mahal kung 'di siya lang!"

"Eh, 'yung katawan ng mga babae na nahukay sa back yard ninyo, sino sila?" tanong ko kay Rodel na tulala.

"Those b@tch&s!" galit niyang singasing. "Sila ang habol ng habol sa akin! Pero mahal ko ang asawa ko! Siya lang ang babae sa buhay ko! Siya lang!"

"It seems his wife fell into depression right after their marriage," sabi ng tatay niya na tulad ko'y abogado rin. "She got paranoid and accused my son of cheating on her. It came to the point that she killed herself, and I guess my son lost his sanity due to his guilt."

"Wala ba kayo'ng napansin na kakaiba sa kaniya during that time?" tanong ko.

"Wala naman. Ang sabi lang niya, eh, may sakit si Angeline at ayaw tumanggap ng bisita."

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari..." ako'y napailing. "I mean, parang anak ko na si Rodel, at hindi s'ya ang tipo ng tao na mananakit ng iba!"

"Let's just hope that he gets better soon," nagbuntong hininga ang tatay niya. "By the way, ibebenta namin ang bahay nila for his victims' compensation and his hospital bills," sabi nito. "Gusto mo bang kunin 'uli yung antique bed na inregalo mo?"

Noon ko lang muling naalala ang canopy bed.

"It's okay, ibenta n'yo na rin," sabi ko. "Kung gusto mo, tulungan pa kitang humanap ng buyer."

The buyer was another client of mine.

Plano na kasing magkaanak ni Susan at ng asawa niyang si Danny, kaya naghanap sila ng mas malaking bahay na malilipatan.

"Fair warning though," babala ko sa kaniya, "May dark past ang bahay na ito, may nagpakamatay rito, may mga namatay rin, kaya medyo mababa ang presyo.

"Naku, hindi ako naniniwala sa multo at mga pamahiin!" tumatawa sabi ni Susan na yumayanig ang mga baba sa tuwa. "Buti nga 'to, furnished na, ang ganda pa ng four post bed sa master's bedroom!"

"Well then, I'll hand you the paperwork as soon as I finish it!" and we closed the deal with a handshake.

Another year later, Mrs. Sanchez called me up to handle a case.

May babae daw na nagbigti sa kama nila.


****

Basahin ang karugtong, pati na rin ang iba pang mga kuwentong kababalaghan sa Tatak Pinoy Horror Stories

eBook available in my ko-fi shop:

https://ko-fi.com/psynoidal/shop

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro