Ang Birhen ng Sta. Lucia
Maraming humahanga kay Maria Lucia. Maganda sya, mamula-mula ang kulot na buhok, matangos ang ilong, malalalim ang mga mata at napaka puti ng kutis! Ipinaglihi kasi siya ng ina sa mga santa sa simbahan ng bayan ng Sta. Lucia. Iyon malamang ang dahilan kung bakit mestiza ang bata, kahit pa parehong indio ang mga magulang niya.
Kilalang mang-aaso ang tatay niya, ang nanay naman niya ay kilala sa bayan na magaling magluto ng mga kakanin, lalo na ng nilupak na palagi nitong inilalako sa plaza.
May kagandahan din naman si Asunta na nanay ni Maria, ganoon din ang kaniyang matipunong ama, ngunit nang sila'y ikinasal, ay hindi agad sila nabinyayahan ng anak, kahit pa ilang taon silang nag-nobena kay Sta. Clara.
Kalaunan ay inimungkahe ng kuro paroko na si Monsenior Viva na mamasukan si aling Asunta sa kumbento, at doon na nga dininig ang kanilang mga panalangin! Wala pang dalawang buwan, ay nagdalang-tao agad siya!
Sa sobrang saya ay ninais sana ng kaniyang ama na kuning ninong ang kura, ngunit sa kasamaang palad ay namatay ito sa atake sa puso bago pa ipanganak si Maria na lumaking masiyahin, matalino at matapang tulad ng kaniyang ama.
Paborito niya ang sumama sa ama tuwing nangangaso ito sa gubat, ngunit sa kaniyang paglaki ay pinilit siya ng ina na mamalagi na lamang sa bahay.
"Maria Lucia!" sita nito sa anak, "Tignan mo ang iyong saya! May punit nanaman! At ano ba ang laman ng iyong mga bulsa?!"
"Bayabas po, inay," sagot ng batang si Maria. "Inakyat po namin ni Diego ang puno ni mang Pablo!"
"Dios mio, bata ka, para kang hindi babae kung umasta!" sabi ng kaniyang ina. "Hala, mag-hugas ka na at magpalit ng baro, at tulungan mo akong magluto rito sa kusina."
Napadalas na nga si Maria sa bahay.
Ipinasa sa kaniya ng ina ang sikreto sa pagluto ng napaka-sarap nilang nilupak, gayon din ang iba pa nilang mga paninda.
"Basta ang tandaan mo lang palagi," laging paalala ng ina, "huwag na huwag kang kukuha ng kamoteng kahoy na baliktad ang tubo."
"Tulad po ba ng mataas na punong kamote sa likod ng kusina?" tanong ni Maria.
"Oo," sagot ng kaniyang ina. "Sapagkat nagiging lason ang bunga ng kamoteng kahoy kapag baliktad ang tubo nito."
"Kung gayon po, ina, bakit hindi pa natin patayin at bunutin ang punong iyon?" tanong ng dalaga.
"Dahil lason man ay may pakinabang pa rin," sagot nitong nakangiti.
Masaya sina Maria sa payak nilang pamumuhay, ngunit mapaglaro ang tadhana, at nang labing-apat na taon na si Maria, ay naaksidente at napatay ng isang rumaragasang baboyramo ang kaniyang ama.
Nakaya naman ni aling Asunta na suportahan ang kanilang pamilya, ngunit hindi sapat ang kaniyang kinikita sa paglalako ng kakanin, kaya't naisipan niyang magpakasal muli, matapos magbabang luksa sa kamatayan ng kaniyang asawa.
Siya si Rudolfo.
Ang matalik na kaibigan ng ama ni Maria na isa ring mangangaso.
Mabait naman si tatay Rudolfo, sa katunayan nga, napaka lambing niya kay Maria. Madalas niya itong akbayan, kandungin at yakapin.
Masaya naman si Asunta dahil nagkaroon muli siya ng kapuwang sa buhay. Sa gabi ay nangangaso si Rudolfo, sa araw naman ay matutulog ito, at gigising sa bandang hapon upang bantayan si Maria, habang naglalako ng nilupak ang kaniyang ina.
"Nanay, sasama po ako sa plaza," sabi ni Maria isang araw.
"Huwag na, anak." sagot ng kaniyang ina. "Dalaga ka na, mas mabuti pa ay manatili ka na lang dito sa bahay kung saan ka mababantayan ng tatay Rudolfo mo."
Natahimik si Maria at napalingon sa likod. Palabas ng silid tulugan ang kaniyang padrasto.
"Paalis ka na ba, Asunta?" tanong ni Rudolfo habang naghihikab. "Mag-iingat ka, mahal."
Biglang tumakbo si Maria palabas ng bahay.
"Maria!" tawag ng kaniyang ina.
"Hay, Asunta, alam mo bang madalas nakikipagkita sa kababata niyang si Diego ang anak mo?" sabi ni Rudolfo. "Tingin ko ay napapanahon na para ihanap siya ng kasintahan, bago pa siya mauwi sa 'di hamak na magbubukid lamang."
Napa-isip si Asunta.
Oo nga at labing limang taong gulang na si Maria, siguro nga ay napapanahon na para ihanap siya ng manliligaw.
"Kung ganoon ay may naisipan ka na bang nababagay kay Maria?" tanong niya sa asawa.
"Si Hener, ang anak ni Don Justacio," sagot ni Rudolfo. "Nabanggit ng seniorito na napupusuan ng kaniyang panganay si Maria. Mamayang gabi ay pag-uusapan namin ang panliligaw niya."
Sa ilalim ng punong kamatsili nasilayan ni Maria si Diego.
Nagsisiyesta ito sa tabi ng araro, habang naka-lublob sa putikan ang alagang kalabaw.
"Diego!" tawag ni Maria sa kababata.
"Ah, ikaw pala, Maria, tumakas ka nanaman ba...?" nagulat ang binata nang bigla siyang yakapin ng dalaga.
"Diego!" sabi nito, "Itakas mo na ako rito, ayoko nang magtagal pa sa amin!"
"M-Maria!" Agad siyang itinulak ng binata palayo. "Maghunos-dili ka, baka may makakita sa atin!"
Tumingin-tingin sa paligid si Diego saka muling hinarap ang kaibigan.
"Ano nanaman ba ang nangyari? Pinagalitan ka bang muli ng iyong tatay Rudolfo?"
"Higit pa roon, Diego..." sagot ng dalaga na may luhang pumatak sa mapula-pulang pisngi. "Balak niya akong ipakasal kay Hener, ang panganay ni Don Justacio!"
"Agad-agad?" tanong ng binata.
"Hindi ko alam, ngunit narinig kong pinag-uusapan nila ito bago ako pumarito!"
"Pero, Maria, hindi ka ba nasisiyahan sa balitang ito? Maraming mga babae sa bayan ang nahuhumaling kay Gener, matipuno siya at mayaman pa, bakit ka umaayaw sa kaniya?"
Napasimangot si Maria, hinampas ang braso ng kaibigan at lalong napaiyak.
"Ikaw talaga! Napaka manhid mo talaga!"
"Arekup! Ano ba talaga ang problema, Maria?" tanong ni Deigo habang hinihimas ang kaniyang braso.
"Ayoko sa ibang lalaki!" ani ng dalaga, "Mas nanaisin ko ang isang kahig isang tukang pamumuhay, kung ikaw ang aking makakapiling!"
"M-Maria..." hindi makasagot ang kaibigan na namula ang buong mukha. Bago pa ito makakilos ay may tumawag naman sa kanilang likuran.
"Maria!"
"Ayan na si tatay..." natatakot na sabi ng dalaga.
"Bumalik ka na, Maria..." sabi ni Diego, "Bumalik ka na muna, at saka na natin muling pag-usapan ang mga bagay na ito."
"Nakipagkita ka nanaman sa Diego na iyon, ano?" galit na sabi ni Rudolfo nang makita si Maria sa may bukid. "Ilang beses ko bang ipapaalala sa iyo na dalaga ka na at hindi ka na dapat nakikipag-kitang mag-isa sa sinumang lalaki?!"
"Namasyal lang naman po ako, Tatay Rudolfo," sabi ni Maria.
"Magsisinungaling ka pa?! Uuwi na tayo, ngayon din!"
Halos kaladkarin ni Rudolfo si Maria pauwi ng bahay. Ibinalibag pa nito pasara ang pinto.
"Nagsabi ka ba sa kaniya?" singasing nito sa dalaga.
"H-hindi po!" natatakot na sagot ni Maria.
"Siguraduhin mo lamang na wala kang sinasabihan!" hinawakan niya ang kamay ni Maria, hinimas ito pataas, pinasok ang kamay sa loob ng manggas ng baro ng dalaga, at pinisil-pisil ang balikat nito.
"H-huwag po..." mangiyak-iyak na sabi ni Maria sa padrasto.
"Napaka ganda mo talaga, Maria, tulad ng mga santa sa simbahan kung saan ka ipinag-lihi..." sabi ni Rudolfo na umupo sa tabi niya. "Nakakahinayang na mapupunta ka lamang sa iba..." hinawi niya ang mahabang buhok ng dalaga.
Napapikit na lang si Maria nang maramdaman ang pagdampi ng makating bigote ng amain sa kaniyang leeg.
Agad siyang kinilabutan.
Lalo na nang kumapit ang kamay ng lalaki sa kaniyang binti.
Hinatak ni Rudolfo pataas ang saya ni Maria, dinilaan ang kaniyang labing nanunuyot nang masulyapan ang bukong-bukong ng dalaga, pataas sa kaniyang binti na tila porselana, at sa mapulang tuhod nito.
"H-huwag po!" napasigaw si Maria.
Itinulak niya ang lalaki, ngunit mas malakas ito, mas malaki. Wala siyang nagawa kung hindi hayaan ang amain na himasin ang kaniyang binti, pataas sa maputi niyang hita.
"Maria..." hinihingal na sabi ni Rudolfo, "Kung hindi lang dahil sa anak ni Don Justacio, ako na mismo ang aangkin sa iyo!" bulong nito sa kaniyang tenga.
Naramdaman niya ang pag dampi ng tuyot na labi ng padrasto sa kaniyang pisngi.
Nakahinga lamang si Maria nang maluwag nang umalis si Rudolfo at nagmamadaling nagtungo sa silid. Maya-maya pa ay narinig na niya itong umuungol sa loob nito.
Nagkulong din si Maria sa kaniyang silid at naiyak na lamang sa dilim.
****
Basahin ang karugtong, pati na rin ang iba pang mga kuwentong kababalaghan saTatak Pinoy Horror Stories
eBook available in my ko-fi shop:
https://ko-fi.com/psynoidal/shop
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro