Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Taste Of The Past

THIRD PERSON'S POV

"Alam niyo ba kung bakit kapeng barako ang laging iniinom ni Jose Rizal tuwing umaga?" wika ni Theoden sa kanyang mga kaibigan.

Umangat naman ang tingin ni Allegra sa kaibigan. "Hmmm, why, Theoden?"

"Ayan ka na naman eh. Nage-english ka na naman. Pero ang sagot kung bakit laging kapeng barako ang laging iniinom ni Jose Rizal ay dahil kakulay niya iyon," sagot niya bago tumawa ng pagka-lakas lakas.

Inikot na lamang ni Allegra ang kanyang mga mata. "That's not even funny, Theoden. How about this, why do they consider that Clemencia Lopez was the first woman who set foot in the White House?"

"Hindi ko kilala 'yan pero bakit?"

"Because wearing slippers isn't trendy before," she laughed.

"Hindi rin naman 'yan nakakatawa eh," saad ni Theoden bago sila nagsimulang mag-away kung kaning joke ang mas nakakatawa.

"Tumigil na nga kayo!" saway ni Christophen. "Hindi nakakatawa ang mga joke niyo," asik niya.

Pumeke ng ubo ang kanilang kaibigang si Jayana na nakakuha ng kanilang atensyon. "Kaninong bahay tayo matutulog ngayon?"

Itinaas naman ng isa pa nilang kaibigang si Alennon ang kaniyang kanang kamay. "My house," wika niya. "My babe wants to watch a movie and our house is the perfect place for it," tukoy niya sa girlfriend niyang si Allegra.

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "You're truly the best boyfriend in the world, babe." Lumapit siya sa kanyang nobyo at hinalikan ito sa labi.

"Masyado namang PDA! Kumuha nga kayong kwarto!" ngiwi ni Christophen.

"You don't care, Christophen. If you want, just go to your house and paint. There's no PDA there," sagot ni Allegra.

"Mamaya na, Allegra. Pakinggan niyo muna 'to. Bakit ang laki ng binayaran ni Juan Luna sa Pardo de Taveras?" tanong ni Christophen sabay ngisi.

Umakto namang nagi-isip ang kanyang mga kaibigan bago sumagot si Alennon. "Because he was ordered to?"

"Ano ka ba naman, Alennon. Siyempre, inutusan siya pero anong dahilan?"

Sa pagkakataong ito, si Jayana naman ang sumagot. "Sabihin mo nalang ang sagot, Christophen. Baka kasi hindi naman nakakatawa 'yang joke mo."

Bumuntong hininga muna si Christophen. "Dahil mahilig siyang umutang," sagot nito bago tumawa. Sumabay na din sa pagtawa ang kanyang mga kaibigang maliban kay Theoden. "Bakit hindi ka tumatawa, Theoden? Nakakatawa naman eh, tignan mo nga, tumawa sila oh."

"Wala parin kasing tatalo sa mga joke ko tungkol kay Jose Rizal." Hindi na lamang nila pinansin ang sinabi ni Theoden dahil iniisip nilang hindi naman talaga nakakatawa ang kanyang mga biro.

"Jayana, do you have some jokes with you?" tanong ni Allegra kay Jayana na busy habang nagbabasa ng kung ano sa kaniyang cellphone.

Nagtaas naman ng tingin ang dalaga bago ngumisi. "Siyempre, meron. Ako pa," tawa niya. "'Di ba si Josefa Llanes ang founder ng Girl Scout of the Philippines?" Tumango naman ang kaniyang mga kaibigan bilang sagot. "Bakit green ang pinili niyang suot ng mga Girl Scout?"

Napahawak naman sa kaniyang baba si Allegra habang nagi-isip. "Hmm, I don't know, Jayana. Why?" Napa-why na rin ang iba nilang kaibigan.

"Kasi green minded siya," sagot ni Jayana bago humagalpak ng tawa. Natawa na rin si Allegra habang ang tatlo naman ay hindi maintindihan ang biro ni Jayana.

"Oh, c'mon, boys. Jayana's joke is funny, not like the joke of Theoden." Pinandilatan naman ni Theoden si Allegra dahil sa sinabi niya.

"Teka, anong oras ba tayo pupunta sa bahay ni Alennon?" tanong ni Christophen.

Tumingin si Alennon kay Christophen. "Answer this first, guys. What is the famous line of Andres Bonifacio's poem entitled Pag-ibig sa Tinubuang Lupa?"

Bago pa makasagot ang iba, naunahan na sila ni Theoden. "Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila tulad ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga. Wala," pagre-recite niya.

"Naunahan mo na naman ako, Christophen," sabat ni Theoden bago sumimangot. Binatukan na lamang ito ni Christophen at hindi na pinatulan pa.

Nabalik ang kanilang tingin kay Alennon nang magsalita ito. "Why is that line is the most famous one?"

"I don't know, babe," Allegra shrugged her shoulders.

"Hindi ko rin alam," pag-sekonda naman ni Jayana.

"Because he sounds bitter on that one," sagot ni Allenon bago tumawa. Kahit naguguluhan, pinilit paring tumawa ng kaniyang girlfriend.

Ngumiwi naman ang tatlo dahil sa inakto ni Allegra. Alam naman kasi nilang napilitan lamang ito. "Tama na 'yang tawanan niyo! Tara na sa bahay niyo, Alennon. Baka gabihin pa tayo dito eh manunuod pa tayo ng movie dahil na rin request ng Madame diyan." Pinandilatan naman ni Allegra si Theoden dahil sa sinabi niya.

Pumunta na nga sila sa bahay ni Alennon. Kumain muna sila ng hapunan bago nila sinet-up ang sala para gawing sinehan. "Grabe, ang laki talaga ng sala mo, Alennon," puri ni Theoden at ginawaran naman ito ng ngiti ng huli. "Pero sala lang," ngisi niya ngunit hindi na lamang ito pinansin ni Alennon dahil alam na niya ang ugali ng kaibigan, hindi papatalo.

"What movie are we going to watch, babe?" tanong ni Alennon sa nobya.

Saglit na nag-isip si Allegra bago sumagot. "1898, Los últimos de Filipinas," sagot niya.

Napakunot naman ang noo ni Jayana sa narinig sa kaibigan. "Ano namang ibig-sabihin 'nun, Allegra?" singit niya sa usapan ng dalawa.

"It means '1898, Our Last Men in the Philippines' if you translate it in Filipino, Jayana." Napatango-tango na lamang ang huli habang hinahanap naman ni Alennon ang request ng nobya.

"I found it!" Umupo na ang magka-kaibigan sa sofa pagkatapos kuhanin ni Christophen at Theoden ang popcorn.

"Amg boring naman ng pinili mo, Allegra eh!" reklamo ni Theoden sa kalagitnaan ng movie. Kinusit-kusot pa niya ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya ang bumubigat na ang kaniyang mga talukap.

"Shh! Be quiet, Theoden. If you don't want to watch it, you can go to the guest room upstairs," saway ni Allegra sa kaibigan.

Tumayo naman ang huli at kinuha ang kaniyang phone bago pumunta sa guest room sa second -floor. Humikab-hikab ito bago tuluyang makatulog.

Pagkagising kinabukasan ni Theoden ay ginawa niya ang kaniyang laging ginagawa, ang magsalita. "Magandang umaga, gwapong Theoden." Ngunit nagtaka ito dahil iba ang kaniyang boses.

Inilibot niya ang kaniyang paningin na mas lalo lamang nagpagulat sa kaniya. Ibang-iba ang itsura nito sa guest room na pinagtulugan niya kagabi.

"Katulad na katulad ito ng kwarto ni Jose Rizal!" wika ni Theoden sa kaniyang isip. Hindi siya maaaring magkamali sa hula niya dahil nakita na niya ang ilan sa mga litrato ng kwarto ni Jose Rizal sa kaniyang bahay sa Calamba, Laguna.

Mabilis siyang napatayo mula sa pagkaka-upo. "Jose, kakain na." Nagulat siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang kwarto at sumilip dito ang nanay ni Jose Rizal.

Tumango na lamang siya bago umalis ang nanay ni Jose Rizal. Ianyos muna niya ang kaniyang pinaghigaan bago bumaba sa kanilang hapag-kainan.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa nangyayari. Hindi pa rin siya makapaniwalang ang bayaning kaniyang ginagawan ng biro ay siya na ngayon. Nasa katawan na siya ni Jose Rizal.

"Anong gusto mong kainin, Jose?" tanong ng kaniyang ina. Tumingin siya sa mga pagkaing nakalagay sa kanilang lamesa. Magsasalita na sana siya nang magsalitang muli ang kaniyang ina. "Alam ko na. Gusto mo na naman ng kapeng barako, tama?"

"Opo, Inay," wika niya, pinipigilang wag mautal. Kailangan niya munang magpanggap na siya nga si Jose Rizal habang inaalam ang nangyayari.

Binigay naman ng kaniyang ina ang kapeng barako na kaniyang hiningi. "Bakit nga ulit kapeng barako ang gusto mo laging agahan mo, Jose?"

Napatingin naman ang huli sa kaniyang ina, kinakabahan. "Hindi ko po alam, Inay."

"Ang sabi mo sa akin dati, kaya kapeng barako ang gustong-gusto mong inumin tuwing umaga ay dahil nasasalamin nito ang iyong pagiging Pilipino," pagpapaliwanag ng kaniyang ina.

Tumango-tango naman si Jose at ipinagpatuloy na lamang ang kaniyang ginagawang pag-inom sa kapeng barako. Kung siya si Theoden ngayon, malamang sasabihin na niyang dahil kasing kulay niya ang kapeng barako ngunit ipinaalala niya sa kaniyang sarili na hindi siya si Theoden sa ngayon. Siya si Jose Rizal.

Naiintindihan na rin niya ngayon kung bakit kapeng barako ang gustong inumin ni Jose Rizal. Bukod sa masarap ang lasa nito, nasasalamin din nito ang kaniyang pagiging Pilipino base sa sinabi ng kaniyang ina.

Aalis na sana siya nang tawagin siya ng kaniyang ina. "Jose."

"Bakit po, Inay?"

"Hindi ka umaalis nang hindi mo naililigpit ang pinag-inuman mo ng kapeng barako, Jose." Nag-iba ang tono ng boses niya at napalitan ito ng magkahalong tonong nagtataka at tonong nagpapa-alala.

"Patawad po, Inay. Hindi na po mauulit." Sinimulan namang ligpitin ni Jose ang kaniyang pinag-inuman ng kapeng barako. "Mauuna na po ako sa aking kwarto, Inay."

"Itutuloy mo na ba ang pagsusulat sa iyong ginagawang libro?"

"Ganoon na nga po, Inay." Tumango muna siya sa kaniyang ina bago umakyat sa kwarto.

Pumunta siya malapit sa bintana at binuksan ito at nang makita niya ang nangyayari sa labas. Maliwalas na hangin ang sumalubong sa kaniya. Nanood na lamang siya sa labas dahil hindi naman niya alam ang susunod na isusulat niya sa ginagawang libro ni Jose.

***

Sa kabilang banda naman, natapos na nila ang kanilang pinapanood na movie. "I'm kinda sleepy, babe," bulong ni Allegra sa kaniyang nobyo.

"You can go to my room now, babe. We will just fix this." Hinalikan muna ni Alennon ang nobya bago umakyat ang huli sa kwarto ni Alennon.

Inayos niya ang kumot bago humiga sa kama at ipinikit ang kaniyang mga mata.

"Clemencia!" Nagulat si Allegra dahil sa sigaw na narinig kaya napatayo ito at hinarap ang tumawag sa kanya. "We are going to be late, Clemencia. In case you forgot, we will go to the White House today," wika ng babaeng nasa kaniyang harapan.

Nalilito ito dahil hindi naman niya kilala ang babaeng nasa kaniyang harapan. At higit sa lahat, hindi siya si Clemencia dahil siya si Allegra. "But, I'm notㅡ"

"There's no time to talk, Clemencia. Fix yourself," pampuputol ng babae sa sasabihin sana ni Allegra. Nang mapansing hindi pa gumagalaw ito ay nainis naman ang babae. "What now, Clemencia? I thought you want to go to the White House."

Kahit naguguluhan ay humingi naman ng paumanhin si Allegra sa babae bago inayos ang kaniyang sarili. Habang nasa banyo ay hindi niya mapigilang mapatingin sa kaniyang mukha sa salamin. "What the hell? Why do I look like Clemencia Lopez?" bulong niya sa kaniyang sarili.

Nang marinig na naman niya ang tawag ng babae ay binilisan na niya ang kaniyang ginagawa. Lumabas siya sa banyong naka-ayos na. "What took you so long, Clemencia?" iritableng tanong ng babae.

Humingi na lamang muli siya ng paumanhin bago sila lumabas. Habang papunta sila sa White House ay hindi mapigilang magtaka ni Allegra kung bakit nasa katawan siya ngayon ni Clemecia Lopez, ang taong ginagawan niya lamang ng biro.

Nang makarating sila sa harap ng White House ay sinabi niya muna sa kaniyang sarili na siya si Clemencia Lopez ngayon at hindi si Allegra.

"Are you ready to set your foot in the White House, Clemencia?" bulong ng kasama niyang babae.

Hinarap ni Clemencia ang babae bago tumango at pilit na ngumiti. "I'm ready."

Pumunta siya sa pintuan ng White House at huminga ng malalim bago tumapak dito. Sumunod naman ang babae sa kaniya. "Congratulations, Clemencia. You were the first woman who set foot in White House," wika ng babae kasabay ng isang ngiti.

Pumunta na sila sa kanilang pakay sa White House. Ginawa muna nila ang kanilang pakay bago bumalik sa kanlang tinutuluyan. "I have a question." Tumingin ang babae kay Clemencia dahil sa sinabi niya. "Why did you congratulate me if I were the first woman who set foot in White House? Is it that important?"

Bumuntong hininga naman ang babae bago magsalita. "It is important, Clemencia. You are a Filipino, so someday, they can recognize you by being the first woman who set foot in White House."

Tumango-tango naman si Clemencia bilang sagot. Bilang Allegra na nasa katawan ni Clemencia Lopez, naiintindihan na niya ito ngayon. Kung dati ay ginagawa niya lamang itong biro, naiintindihan na niya ang halaga nito ngayon.

***

"Matutulog na rin ako, Alennon, Jayana," paalam ni Christophen sa mga kaibigan. "Kayo na ang bahala diyan."

"Tsk. Sige na. Tamad talaga 'tong lalaking 'to," pagtataboy ni Jayana. Tumawa na lamang si Christophen dahil sa inasta ng kaibigan, sanay naman na kasi siya dito.

Pumasok siya sa guest room na pinasukan din kanina ni Theoden. Hindi na niya napansin kung tulog na nga ba si Theoden dahil pagkapasok niya ay dumiretso na siya sa isang kama at agad na natulog.

Nagising siya nang may narinig siyang magsalita. "Nandiyan na sila, Itay. Inutusan nila akong tawagin ka dahil pagbabayarin ka na ng Pardo de Taveras," wika ng anak ni Juan Luna.

Agad namang nangunot ang noo ni Christophen dahil sa narinig. Nagtataka siya kung bakit narito sa kaniyang harapan ang anak ni Juan Luna. "Anong sinasabi mo, bata? Hindi ako ang tatay mo at bakit ko naman babayaran 'yang Pardo de Taveras na 'yan?"

Nagulat naman ang huli dahil sa sinabi ni Christophen. "Anong sinasabi mo, Itay? Ikaw si Juan Luna, ang aking itay. Hindi ka ganyan magsalita, Itay. Bakit parang naging kakaiba ka?"

Nagulat naman si Christophen sa sinabi ng anak ni Juan Luna. Hinawakan niya ang kaniyang mukha at napagtantong hindi ito ang kaniyang mukha. Kakaiba ito. Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita ang iba't ibang oba ni Juan Luna na nakadikit sa mga dingding nito.

Humarap siya sa nakita niyang salamin at napagtantong nasa katawan siya ni Juan Luna. "Bakit ganito?" tanong niya sa kaniyang isip.

"Itay, hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa'yo," naguguluhang wika ng anak ng may-ari ng katawan kung nasaan si Christophen ngayon.

Iwinaksi muna ni Christophen ang nangyayari at pinilit na magpanggap na siya nga si Juan Luna upang hindi magtaka ang kaniyang anak. "Patawad, Anak. Nakulangan yata ako sa tulog kaya naging ganito ako," saad niya bago tumawa.

Kahit naguguluhan, pilit pa ring tumawa ng kaniyang anak. "Sige na po, Itay. May naghihintay na po sa inyo sa labas."

"Sino ba ang mga iyon, Anak?" naguguluhang tanong ni Juan.

"Hindi ko po naitanong ang pangalan ngunit naparito daw po sila dahil pagbabayarin kayo ng Pardo de Taveras," sagot naman ng kaniyang anak.

Pumunta si Juan sa harap ng kanilanfg bahay at nakita doon ang isang lalaki. "Magandang umaga, Ginoong Juan Luna. Naparito lamang ako upang sabihing kailangan niyong magbayad ng Pardo de Taveras," bati ng lalaking sumalubong sa kanya sa kanilang pituan.

"Magkano naman ang kailangan kong bayaran?"

Tinignan muna ng lalaki ang nakasulat sa papel na kaniyang hawak bago muling tumingin kay Juan. "Kailangan niyong magbayad ng halagang isang libong anim na raan at limampu't isang francs at walumpu't tatlong sentimo, at isang karagdagang dalawampu't limang francs para sa selyo, bilang karagdagan sa interes ng mga pinsala."

Gulat naman ang makikitang ekspresyon sa mukha ni Juan. "Ngunit napakalaking halaga niyan."

"Kailangang niyong magbayad kung ayaw niyong makulong."

Mas lalo namang nagulat si Juan dahil sa sinaad ng lalaki. "Ngunit hindi ko kayang bayaran iyan," reklamo niya. Hindi naman niya kasi alam kung magkanong pera ang meron siya dahil hindi naman siya ang tunay na Juan Luna.

"Isa pang reklamo mo at sa kulungan na ang bagsak mo, Ginoong Juan Luna," banta ng lalaki na nakapagpa-lunok naman kay Juan.

Kumuha naman ng pera si Juan bago bumalik sa harap ng kanilang bahay. Inaabot niya ang bayad sa lalaki. "Iyan na ang aking kabayaran upang hindi ako makulong. Maaari ka ng umalis."

Ngumiti naman ang lalaki kay Juan. "Maraming salamat, Ginoong Juan Luna. Mauuna na ako," pagpapa-alam niya bago tumango at umalis.

Bilang Christophen, pakiramdam niya ay nakokonsensya siya sa ginawa niyang biro tungkol sa pagbabayad ng totoong Juan Luna ng Pardo de Taveras. Hindi niya alam dati na ang kapalit ng hindi pagbabayad ay ang pagkakulong hanggang nangyari ito.

***

"Hindi ka pa ba tapos diyan, Alennon?" tanong ni Jayana habang nakatingin sa kaibigan na naghuhugas ng kanilang pinagkainan ng popcorn.

"If you want, you can leave me now, Jayana. I know that you are sleepy now."

"Oh, sige, mauna na ako, Alennon," paalam ni Jayana bago umakyat. Pumunta siya sa isang guest room, siya lang mag-isa ang natutulog dito dahil ayaw naman niyang magkatabi sila ni Theoden at Christophen.

Inayos na muna niya ang kama at inilagay sa mesa na katabi ng kama ang kaniyang phone bago humiga at matulog.

"Josefa, gising na. Nandito na tayo sa Pilipinas." Nagising si Jayana dahil sa mahinag pagtawag ng isang babae. Nagulat siya dahil nasa eroplano siya at wala sa guest room na pinagtulugan niya kagabi.

"Nasaan ako?" hindi niya mapigilang tanong. "Sino ka? Bakit ako nandito? Kinidnap mo ba ako habang natutulog ako?"

Natawa naman ang babae dahil sa naging rekasyon ni Jayana. "Ano bang sinasabi mo, Josefa? Bakit naman kita kikidnapin? At isa pa, nasa Pilipinas tayo ngayon," pagpapaliwanang ng babae.

Bumaba na ang babae mula sa eroplano kaya kahit naguguluhan, sumunod na lamang si Jayana dahil ayaw din naman niyang maiwan sa loob ng eroplano.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Jayana habang nasa daan sila.

"Nagkaroon ka ba ng amnesia at nakalimutan mo na kung saan tayo papatungo, Josefa?" biro ng babae.

Umiling na lamang si Jayana kaya kinuwento ng babae kung saan sila patungo at kung ano ang kanilang gagawin doon na mas lalong nakapagpalito lamang kay Jayana. Nalilito siya dahil tinatawag siyang Josefa ng babae ngunit Jayana naman ang ngalan niya.

Sumakay sila sa isang jeep at nang makita ni Jayana ang kaniyang itsura sa salamis doon ay mas lalo siyang nalito. Mukha iyon ni Josefa Llanes at hindi mukha ni Jayana. Nang makarating sila sa kanilang kailangan puntahan ay pinilit muna umakto ng normal ni Jayana, akto ng isang Josefa Llanes.

"Nandito na ang mga Girl Scout, Josefa," bulong ng babae kay Josefa. "Sabihin mo na kung anong kulay ng damit ang gusto mong gamitin ng Girl Scout, Josefa," dagdag niya.

Huminga muna ng malalim si Josefa bago magsalita. "Berde ang kulay ng damit na gusto kong suutin ninyong mga Girl Scout," anunsyo ni Josefa at tumango naman ang mga Girl Scout dito.

"Alam kong sinabi mo na ito sa akin ngunit gusto ulit kitang tanungin, Josefa. Bakit kulay berede ang gusto mong kulay na ipasuot sa mga Girl Scout? Ibig kong sabihin, marami namang kulay ang puwede."

Napa-isip naman si Josefa dahil sa katanungan ng babae. Sa totoo lang, hindi niya naman talaga alam ang dahilan dahil hindi naman siya ang tunay na Josefa Llanes. Kumbaga, isa lamang siyang impostor na sinasabing siya si Josefa Llanes.

Nagkibit balikat si Josefa bilang sagot sa babae. "Hindi ko na maalala ang dahilan, patawad. Ngunit, maaari mo bang sabihin kung ito ay iyong naaalala?" ngiti ni Josefa.

"Sabi mo sa akin dati, ang dahilan kung bakit berde ang gusto mong kulay ay dahil sumasalamin ito sa kulay ng kapaligiran, ng mga puno," pagpapaliwanag ng babae. Napatango-tango naman si Josefa dahil sa narinig.

Kung siya si Jayana, paniguradong sasagutin niya ng pabiro ang tanong ng babae ngunit hindi naman siya ito. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit berde ang pinling kulay ni Josefa na suutin ng Girl Scout. Dahil ito ay sumasalamin sa kulay ng kapaligiran, ng mga puno base sa sinabi ng babae.

***

"Hays, thank God, it's already finished," wika ni Alennon habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo. Ngayon lamang siya natapos dahil iniwan na siya ng kaniyang mga kaibigan at nauna ng natulog.

Umakyat na siya sa kwarto kung saan natutulog ang kaniyang nobya at natulog.

Nagising siya nang may narinig siyang boses sa tabi niya. "Andres, gumising ka na. Handa na ang agahan," tawag ng isang lalaki.

Napabangon naman siya ng may nagtatakang ekspresyon. Tinignan niya kung kanino galing ang boses na iyon dahil iniisip niyang mula iyon sa isa sa kanilang kaibigan ngunit iba ang mukha ng may-ari ng boses.

"Who are you?" tanong niya sa lalaki.

Kumunot naman ang noo ng huli dahil sa sinabi ng kaniyang kausap. "Anong sinabi mo, Andres? Kailan ka pa natuto magsalita ng ingles?"

"Huh? What do you mean? I'm using English since then. And, wait, you didn't still answer my question. Let me repeat it, who are you?"

"Patawad, Andres ngunit hindi talaga kita maintindihan. Kung gusto mong kumain na, pumunta ka lang sa hapag-kainan. May pagkaing nakahain na doon." Umalis na ang lalaki matapos itong sabihin kay Alennon.

Napaisip naman si Alennon sa sinaad ng lalaki. Sigurado siyang hindi niya iyon kilala at kung kilala man niya iyon, bakit Andres ang tawag sa kanya?

"What is happening here?" tanong niya sa kanyang isipan. Inilibot niya ang kaniyang paningin at napagtantong wala siya sa kaniyang kuwarto. "Where am I?"

Tumayo siya at tinignan ang sarili sa isang salaminsa loob ng kuwarto kung nasaan siya. Nagulat siya nang itsura ni Andres Bonifacio ang bumungad sa kaniya imbes na itsura ni Alennon. Pinagsu-suntok niya pa ang kaniyang sarili dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Pumasok muli ang lalaki at tinawag na muli siya kaya um-oo na lamang si Alennon. Alam naman niyang gumamit ng Filipino kaya pinilit niyang magsalita ng Filipino. Pumunta na siya sa hapag-kainan at umaktong siya si Andres Bonifacio at hindi si Alennon.

"Kamusta naman ang ginagawa mong tula, Andres?" tanong ng isang babae.

Tumingin dito si Andres at ngumiti. "Malapit ko ng matapos," sagot niya.

Tinapos na nila ang kanilang agahan at pumunta naman si Andres sa kaniyang kuwarto kasama ang babaeng nagtanong sa kaniya kung kamusta na ang kaniyang ginagawang tula. Tinignan nila ang nasabing tula at malapit na nga niya talaga itong matapos.

Nasa parte na sila kung nasaan ang pinakasikat na bahagi ng tula sa panahon nila Alennon. Ang pamagat ng tula ay Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.

"Maganda ang bahaging ito ng iyong tula, Andres. Sigurado akong sisikat ka dahil dito," wika ng babae sabay turo sa isang bahagi. "Maaari mo bang banggitin ang bahaging ito, Andres?"

Tumango na lamang si Andres bago siya tumayo. "Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila tulad ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga. Wala," pagre-recite niya sa bahaging tinuro ng babae.

Napangiti naman ang babae dahil sa ginawa ni Andres. "Magaling, Andres."

"May isa lamang akong gustong sabihin, paano mo maipapaliwanag ito nang marinig mo?" tanong ni Andres sa babae. Hindi naman talaga niya alam kung paano niya maipapaliwanag ito sa sarili niya kung kaya tinatanong na lamang niya ito sa babae.

Saglit na nag-isip ang babae bago magsalita. "Para sa akin, ang ibig mong sabihin diyan ay wala ng pag-ibig pa ang makahihigit sa pag-ibig mo sa ating bansa. 'Yan ang aking basehan kaya ko nasabing 'yan ang magiging pinakasikat na bahagi ng iyong tula balang araw."

Napangiti si Andres dahil sa narinig. Kung siya si Alennon ngayon, malamang biro na naman ito ngunit dahil sa siya si Andres ngayon, naintindihan na niya ang ibig sabihin ng bahaging iyon kaya siya naging pinakasikat na bahagi ng tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.

***

Napabalikwas ng bangon ang limang magkakaibigan at sabay-sabay na lumabas ng silid.

"Ako daw si Jose Rizal," wika ni Theoden habang hinihingal.

"Me too. They said, I was Clemencia Lopez," saad naman ni Allegra.

"Ako din. Juan Luna daw ang pangalan ko at may anak pa ako," tumawa naman si Christophen matapos sabihin iyon.

"Sabi naman nila, ako daw si Josefa Llanes," lahad din ni Jayana.

"I've also experienced that and they said that I was Andres Bonifacio," wika din ni Alennon.

Nagkatinginan silang lima dahil pare-pareho ang nangyari sa kanila. Nagising ng nasa ibang katawan, ang katawan ng mga bayaning kanilang ginagawan ng biro.

Ikinuwento ng bawat isa ang kanilang naging karanasan at i-isa lamang ang kanilang natutunan, wag magbiro tungkol sa mga bayani.

~END~

A/N: This is my entry for Ad Astra One Shot Making by AdAstraAwardsPh.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro