Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50


Chapter 50


Kasalukuyan akong nakatulala sa dalawang singsing na nasa dibdib ng lalaking may bughaw na mga mata. Siya na mismo ang naghubad ng kanyang kwintas at marahan niyang tinanggal ang isang singsing dito.

"Behati," idinikit nito ang kanyang noo sa akin.

Kasabay nang pag-angat niya ng singsing sa harapan ko.

"Huwag mo na naman akong tanggihan, mahal na mahal kita. Mahal na mahal." Bulong nito sa akin.

Halos sumabog ang puso ko sa kanyang mga sinasabi. Kahit madalas na itong sinasabi sa akin ni Pedro, hindi man lang maalis ang epekto nito sa bawat tibok ng puso ko.

Nagwawala pa rin, hindi mapakalma at higit sa lahat hindi magawang turuan. My heart is now beating for him, for this blue eyed Commander.

Hindi ko na kayang itanggi.

Sa halip na sumagot ay umangat ang mga kamay ko at sinapo ko ang mga pisngi ng lalaking pinakamamahal ko.

I slowly kissed his sapphire eyes, katulad ng asul na batong nakaukit sa aming mga singsing.

Ang asul niyang mga mata na siyang unang bumihag sa akin.

"Yes, I'll marry you baby. Ikaw lang ang lalaking pakakasalan ko, Pedro." My heart melts when lips smiled together with his eyes.

And he was about to claim my lips again, when I positioned my hand between our faces.

"Give me the ring first, Commander." Ngumisi ito sa akin.

Masuyo niya munang hinalikan ang kamay ko bago niya marahang isinuot ang aking singsing.

"Ipinapangako kong ikaw lamang ang aking babaeng mamahalin at sasambahin. My one and only Flight Lieutenant Monzanto, soon to be Armstrong."

Hinapit nito ang bewang ko at kinabig niya ako papalapit sa kanyang buong katawan. Muling nagdikit ang aming mga katawan.

"Shall we continue?" isinumping nitong muli ang buhok ko.

"Maybe after the wedding, sorry, nakarami ako ng inom." Sumagi sa aking mga mata ang bote ng wine na malapit nang maubos.

"Oh shit, natauhan." Natatawang sabi nito.

Sa pagkakataong ito ay hinalikan niya ang aking noo bago niya ako iniwanan sa tub.

"I'll wait you outside," tumango ako kay Pedro.

At nang sandaling isarado na niya ang pinto ay agad kong inilubog ang sarili ko sa tub dahil sa matinding kasiyahan. Ayokong gumawa ng ingay dahil posible akong marinig ni Pedro.

I'm engaged.

Nang umahon ako ay agad kong itinaas ang aking kamay na may singsing sa tapat ng ilaw.

"Inay, Itay, mga kapatid ko. May lalaking nagyaya sa akin ng kasal. May lalaking nagawang mahalin ako sa kabila ng mga pinaglalaban ko, may lalaking kaya akong suportahan sa bagay na pinaniniwalaan ko." 

Ilang minuto lamang ay umahon na ako. Nag-alangan pa akong lumabas nang nakatapis, nakita ba ni Pedro ang katawan ko kanina?

Napailing na lamang ako nang muling sumagi sa aking mga mata ang alak. Seriously? Ano ba itong wine na ibinigay sa akin ni Commander Mitts? Bakit nakakalasing?

Hindi ako mabilis tablan ng alak.

Nang lumabas na ako ay agad lumingon sa akin si Pedro, muntik ko nang makalimutan na basang-basa nga pala ito.

"Basa ka pa, Pedro."

"Can you dry me, future wife?" ngising tanong nito sa akin.

Hindi ko siya sinagot at nagdiretso na ako sa cabinet ko para kumuha ng malinis na towel.

Lumapit ako sa kanya at inabot ito.

"Use this, tuyuin mo muna ang mga damit mo. Use my automatic washing machine."

"Alright," kinuha niya ang towel sa akin.

Pero hindi nakaligtas sa akin ang paggala ng kanyang asul na mga mata sa kabuuan ko at hantaran pa itong sumipol.

Dahil sanay na ako sa kanya ay umikot lamang ang aking mga mata.

"Seriously Pedro," itinuro ko sa kanya kung saan siya dapat pumunta.

Habang abala siya sa pag-aasikaso ng damit niya ay nagmadali na akong magbihis. Umiinom na ako ng tubig nang halos maibuga ko ito nang lumabas si Pedro na nakatapis lamang.

Tumalikod ako at simple kong pinaypayan ang sarili ko. I should lower down the aircon, biglang uminit.

Wala na ba akong mas malaking tuwalya?

"Shy after what happened?" tanong nito sa akin.

"No, ofcourse. Natatakot lang ako na baka malaglag, my eyes are still virgin Peter." He laughed.

Yumakap ito mula sa likuran ko.

"Saan mo gustong ikasal, Behati? Dadalhin kita sa kahit saang simbahang gustuhin mo. I'll give you the best wedding baby." Pakiramdam ko ay hinaplos ang puso ko sa tanong ni Pedro.

"Sa kahit saang simbahan sa Tacloban, Pedro. Sa lugar kung saan ako isinilang, sa lugar kung saan ako matinding lumuha at nawalan ng pag-asa. Gusto kong dito rin magsimula ang aking bagong liwanag, gusto kong masaksihan ng Tacloban na ito ako at bumabangon." Yumakap ito nang mahigpit sa akin.

"Masaya na ang pamilya ko sa mga oras na ito, Pedro. You made me realize that I shouldn't bury myself from my tragic past."

"Yes, not too much baby."

Mas isinandal ko ang sarili ko sa kanya.

"Sana ay katulad ko ay bumabangon na rin ang mga taong biktima ng Yolanda, siguro nga at matagal nang nangyari ang sakunang ito. But the pain is still here, the memories, sana ay may dumating rin katulad mo sa kanila."

"Ofcourse, everyone can stand up baby. But yours are always different, tumatayo ka habang may hawak na mga kamay. You're not standing up alone, because you're always pulling up those people who don't have the courage to stand up again." Ipinikit ko ang aking mga mata habang pinakikinggan ang boses ni Pedro na bumubulong sa akin.

"Your every stand up has the greatest value." Ipinatong niya sa aking balikat ang kanyang mukha.

"Because you are not standing up alone baby. Bagay na bumihag sa akin, bagay na nagpabaliw sa akin, bagay na una kong minahal sa'yo Behati."

"Hindi ko akalaing may makakapansin ng mga ginagawa ko, Pedro. Hindi ko rin naman hiniling na mapansin, gusto ko lang gawin kung ano ang binubulong ng pagkatao ko. I didn't know that my passion, principles and courage will lead me to someone with blue eyes." Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at dahan-dahan akong humarap sa kanya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya habang diretso akong nakatitig sa kanyang bughaw na mga mata.

"Siguro ay bilang lamang sa mga daliring ito ang mga salitang palagi mong hinihiling sa akin, hindi ako katulad ng pangkaraniwang mga babaeng malambing at hindi rin ako maalaga." Huminga ako nang malalim bago ako ngumiti sa kanya.

Nanatiling nakatitig sa akin si Pedro habang hinihintay niya ang anumang sasabihin ko. Bahagya akong yumuko at sa pagkakataong ito ay ako ang masuyong humalik sa kanyang mga kamay.

"Mahal na mahal na mahal ko ang lalaking nagmamay-ari ng mga kamay na ito. Hinding-hindi ko makakalimutan na nagawa kong lumutang sa ere hindi gamit ang kahit anong eroplano kundi gamit ang mga kamay na ito. At hindi lang mga kamay ko ang maraming hinawakan Pedro, saksi ako sa lahat ng mga nagawa mo. Please don't shower me praises alone, let's shower together baby." Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat at bahagya akong tumingkayad.

I kissed him softly.

"Wala akong natulungan kung hindi mo ako sinuportahan. Mahal kita, higit sa mga eroplano."

Hindi siya nakasagot sa akin sa halip ay yumakap siya sa akin nang napakahigpit.

Matagal kaming magkayakap nang biglang may tumugtog na hindi pamilyar na kanta.

A beautiful mellow old song. Though this song isn't for slow dance, pero pinabagal ito at nangibabaw ang instrumental.

Don't pretend you're sorry
I know you're not
You know you got the power
To make me weak inside

"Can I have a dance with the bravest woman alive?" ngumisi ako nang naglakbay ang mga mata ko sa lalaking nagyayaya sa akin ng sayaw.

Sinong lalaki ang magyaya sa'yo ng  sayaw na nakatapis lamang?

It will always be my astronaut.

Inabot ko sa kanya ang aking kamay at kapwa kami ngumiti sa isa't-isa.

And girl you leave me breathless
But it's ok
'Cause you are my survival
Now hear me say

Inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya habang nakapulupot ang mga braso niya sa aking bewang.

I can't imagine life without your love
And even forever don't seem like long enough

Ipikit ko ang aking mga mata habang bahagyang sinasabayan ni Pedro ang kanta.

'Cause every time I breathe I take you in
And my heart beats again
Baby I can't help it
You keep me drowning in your love

Sinong hindi malulunod? Sinong hindi bubulusok, Pedro?

And every time I try to rise above
I'm swept away by love
Baby I can't help it
You keep me drowning in your love

Muli kong sinalubong ang mga mata ni Pedro nang humihina na ang kanta. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Halo-halo na ang emosyon ko, sobrang saya ko. Sobrang sa'yo ko Pedro. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at muli ko siyang niyakap.

"Salamat Peter, thank you for loving me. Salamat sa napakahaba mong pasensiya, salamat dahil hindi mo ako sinukuan. Maraming salamat, ang saya ko, ang saya-saya ko sa mga oras na ito. Muli akong makakaramdam ng isang pamilya."

"Bibigyan kita ng isang masayang pamilya, Behati at habang buhay ka naming mamahalin. Oh god, ako ang dapat nagpapasalamat—" sa pagkakataong ito ay siya ang nagkalas ng yakap sa akin at sinapo niya ang aking mga pisngi.

"It should be me, not you. Sa dami ng lalaki sa mundong ito, ako ang biniyayaan ng babaeng katulad mo. I'm so lucky to have you, baby.."


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro