Chapter 31
Chapter 31
Matapos kong magsalita ay ipinikit ko na ang aking mga mata hanggang tangayin na ako ng antok.
There is a part of me hoping that he's still awake, hearing my words. Pero may parte din sa akin na sana ay hindi niya narinig.
I was torn. Hindi ako sanay sa mga ganito. I can't tell him directly.
Yes, ilang beses na akong nagsabi sa kanya ng mga salitang malapit na dito pero alam ko sa sarili kong iba pa rin kung ang mga salitang ito ang maririnig niya.
I woke up alone on bed. Tumitig muna ako sa kisame ng ilang minuto bago ako bumangon. Eksaktong nabuksan ang pintuan.
The commander with a smile on his face and tray of foods on his hand. He looked fresh and yes..handsome.
"Good morning, Lieutenant."
Wala akong salita at pinagmasdan ko lang ang kinikilos niya. Narinig niya kaya ako kagabi?
"Thanks,"
Nang ipatong niya sa kama ang tray, kinuha niya ang maliit na bulaklak dito at inabot niya sa akin.
"A beautiful flower for a gorgeous woman."
"Thanks," pangalawang beses ko na itong sinabi. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Shit.
Hindi niya siguro narinig? He'll definitely give me a grin if he heard my confession last night.
"Anong oras tayo, aalis? I saw their pool, we can take a dip." Sasagot na sana ako sa kanya nang tumunog ang telepono ko.
"Wait, I'll just answer this." Nagmamadali akong bumaba sa kama.
Lumabas ako sa terrace ng kwarto namin at dito ako nakahinga ng maluwag.
"God! Alys, you saved me.." hinawakan ko ang dibdib ko.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag bigla niyang sabihin sa akin na may narinig siya. How will I confirm it? Damn it.
"Why, what happened?" nagtatakang tanong nito. Natigilan ako sa tanong niya.
"Oh..nothing. Why? Bakit ka napatawag?"
"Saang hotel kayo? We'll just go there, muntik ko nang makalimutan na mamaya ang start ng renovation ng bahay. We can't stay here, besides next week na ang lipad namin sa Thailand. You promised me that we'll have our last bonding, isama mo na rin ang boyfriend mo."
Nasabi sa akin ni Pedro na pupunta kami sa adoptive parents niya. Pupunta rin ako sa puntod ng pamilya ko. Kung sabagay, sa susunod na linggo pa naman.
Maybe, we'll just extend our leave?
"Thailand?"
Bahagya akong lumingon kay Pedro, nakaupo ito sa kama at nakatingin rin sa akin. He's waiting for me.
Should I ask him?
"Alright, I'll just message you. Hindi na kami aalis, we'll just wait for you."
"Aww, I love you cousin. Can't wait to see your boyfriend."
"I love you too, Alys."
Pinatay ko na ang telepono, hindi muna ako nagtuloy sa kama dahil pumunta muna ako sa banyo at inayos ko ang sarili ko.
Bored na si Pedro nang lumabas ako.
"So?" tanong nito.
"So?" ulit ko.
Umiling lang ito sa akin at ngumisi.
"Come here, let's eat."
Nasa kalagitnaan ako nang pagkain nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"May..may narinig ka ba kagabi?" napapikit na lamang ako dahil sa pagkautal ko. Shit this Lieutenant.
"What do you mean?" seryosong tanong nito sa akin. Pinagmasdan ko siya nang mabuti para malaman kung nagsasabi siya ng totoo.
I can't sense that he's faking his reaction. Wala siyang narinig. Tulog na nga talaga siya.
"Oh, nothing."
"You sleep talk?" tanong nito.
"Akala ko lang," pagsisinungaling ako. Napabuntong hininga na lamang ako. I want to punch him, bakit siya natulog agad? How will I say that again?
Ang tapang ko sa himpapawid, but just those words? Come on Behati, this Commander is giving you a hard problem.
Natapos kaming kumain. Since we are here for vacation, hindi namin pinansin ang magandang gym dito.
Hindi muna kami lumabas ng kwarto kaya nanuod na lang kami ng movie. Malayo kami sa isa't isa nang nagsisimula ang movie, pero hindi rin nagtagal ay katabi ko na si Pedro at nakahilig na sa balikat ko.
Marami itong biniling nachos para sa amin at sa tuwing susubo ako ay inaagaw niya ang kamay ko para isubo sa kanya.
"Can't you get your own?"
Hindi naman ito sumasagot sa akin at nagpapatay malisya.
"Hey, you know I never tried vacations since I entered UASA. I thought it was just a waste of time."
"Or you just preferred cuddling with your robot." Lihim kong minumura ang sarili ko sa sinabi ko. I sounded bitter.
Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat ko at humarap ito sa akin.
"Oh, someone is jealous."
Yumakap ito sa akin at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Ilang beses niyang nilaro ang matangos niyang ilong sa pisngi ko.
"Hey jealous Lieutenant."
"No way,"
"I am expecting this, alam kong hindi kayo magkakasundo ni Ginger."
"Who would love your robot? She tried to kill me!" nagpumilit akong kumalas sa yakap niya. Narinig ko siyang tumawa.
"Hey, if ginger is my sweetheart. You're my baby, so please be good girls together. Ayaw kong pinag-aawayan nyo ako." Nakangising sabi nito.
"Seriously Pedro?" iritado na ako sa kanya. Bakit naman siya pag-aawayan?!
Bumalik ako sa panunuod ng movie at hindi ko na siya pinansin. Pero wala pang kalahating oras ay balik na ulit ito sa kanyang dating posisyon. Nakahilig na naman ito sa aking balikat.
Nakailang tawag pa ito ng aking pangalan na wala namang dahilan.
"Behati.."
Hindi na siya nanunuod ng movie, nagpapansin na lang siya sa akin.
"Azalea.."
"Monzanto.."
"Flight Lieutenant Behati Azalea Monzanto.."
Hindi na action ang pinapanuod namin kundi romance, dahil sa nakaraang reklamo niya. But that was a wrong move, dahil hindi iilang bed scene ang nagaganap sa pinapanuod namin. Kaya natahimik si Pedro.
Nagugulat na lang ako kapag bigla siyang nasasamid o nauubo sa tuwing may mangyayari sa mga bida.
"This is bad, baby. I am imagining things again. Ilipat mo na sa action." Pero hindi ko pa man naabot ang remote ay bumaba na ito sa kama.
"I need fresh air," hindi na niya ako hinintay sumagot dahil mabilis na siyang lumabas.
I shrugged my shoulders.
Nagmessage sa akin si Alys na may darating daw akong mga damit na gagamitin ko dito. Kilalang-kilala ako ng pinsan ko, siguradong iikot ang mga mata nito kapag nakita niya ang mga nasa maleta ko.
Not that I can't really wear a feminine clothes, nasanay na lamang talaga ako sa pangkaraniwan kong damit.
Wala pa si Pedro ay dumating na ang mga isusuot ko. From summer dress, evening dress, bikinis and many more. Masyadong maraming inihanda ang pinsan ko.
Ano nga ba ang inaasahan ko. Alys is a model, minsan ay niyaya niya ako dahil papasa naman daw ako. But I refused, I preferred pictures of me with planes and my white uniform, rather than those sceneries with pretty dresses.
Naligo na ako at nakapag-ayos ng aking sarili nang nagmessage ang pinsan ko at sinabing matatagalan pa sila.
I chose this woven crepe mini dress that features a yellow all over floral print, a sharp cut-out accent at the front and adjustable cami straps that crisscross at the back.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, malayong-malayo ang hitsura ko ngayon sa babaeng punong-puno ng alikabok sa mukha, pawis at mga sugat.
Ngumiti ako nang bahagya kong isumping ang ilang hibla ng aking buhok.
What would be his—hindi pa man tapos ang iniisip ko ay iniluwa na ng pintuan ang lalaking may bughaw na mga mata.
Bumagsak ang kamay niyang may hawak na telepono at umawang ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.
"Shit," mahinang sabi nito.
"What?"
"Oh god,"
"Hindi ba—"
"Fuck, baby.."
Humawak ito sa pader na parang nahihirapan nang tumayo.
"What's wrong Pe—"
"No, don't come near. Stay there baby.." he raised his hand to stop me. Hindi na ito makatingin sa akin.
Nang sumulyap itong muli sa akin at pasadahan niya ako ng tingin ay nakailang beses gumalaw ang adam's apple nito.
Humarap na ito sa pader at ilang beses niyang inumpog ang kanyang noo.
"Why are so..so oh come on baby, why are you so beautiful like that? Where is your uniform? What are you doing to me? What the hell—you are so beautiful." Halos sabunutan niya na ang kanyang sarili.
"Is..is it bad?" kinakabahang tanong ko.
"Fuck this imagination!"
Sa malalaking hakbang ni Pedro at bilis ng buong pangyayari, huli ko na lang narinig ang pagkabasag ng magandang flower vase mula sa hindi kalayuang lamesa.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakaupo sa lamesa habang nakahawak ang mga kamay ni Pedro dito. He leaned on me gazing his deep blue eyes.
Kung kanina na pinakikiramdaman ko kung may marinig siya sa mga sinabi ko kagabi ay halos hindi na ako mapakali, ngayon halos hindi ko na alam kung papaano ako hihinga nang maayos.
I bet he can now hear my beating heart.
"Pe..ter.."
I thought he's going to claim my lips in a harsh way, gaya ng mga mata niyang nagbabadya ng matinding pagsugod. But all I felt was a gentle, soft and swift kiss. Marahan lang itong lumapat at hindi nagtagal.
Hindi humihiwalay ang mukha nito sa akin dahilan kung bakit ramdam na ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga.
"I love you more, baby. I love you more..how could I answer you last night.." nanghihina itong yumakap sa akin at sumubsob ito sa mga hita ko.
"I heard it..I heard it Behati..kanina pang nagpapaulit-ulit sa utak ko. Wala na..hindi na makakaahon Behati. I crashed.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro