Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

According to Rabbi Hillel, a famous religious leader and one of the most important figures in Jewish history "He who refuses to learn deserves extinction"

What are humans then? Since the time being humans are continually learning, discovering things and studying what are beyond our naked eyes. Humans are now motivated to see the extraordinary, to hear what are unusual and to feel and witnessed what we've been searching for. Studying is not for curiosity but for good foundation of life.

It's been thousands of generation, from one idea to another improved idea, mind to mind and ability to ability. Humans have been learning for thousands of years yet here we are and still running for extinction.

Do humans deserved to be extinct if we did even stop from learning? Sorry Mr. Rabbi Hillel but this Pilot Officer will never agree on your belief.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa bintana ng sasakyan. I can see my own reflection. The cold Pilot Officer or should I call myself as Flight Lieutenant right now?

Minsan ko na lamang makita ang sarili kong ngumiti at kung makita ko man ito hindi ko masasabing tunay ito. I have lost the ability to give my genuine smile. It was always ending up as scripted and obligatory smile, a force smile to give my upper officers. A casual smile just for the cover.

Bahagya akong sumandal sa bintana at napailing na lang ako sa aking sarili. Now it's Rabbi Hillel, who else Behati? Sinong pilosopo pa ang sasalungatin mo? Minsan ay naitatanong ko sa sarili ko, bakit kaya laging taliwas ang paniniwala ko sa mga kilalang pilosopo ng mundong ito? Naalala ko pa kung ano ang isinagot ko sa huling parte ng aming pagsusulit para lamang makuha ang kung anong titulong mayroon ako ngayon. Tanging ako lang sa lahat ng mga pilotong nagsalita ang sumalungat sa mga salitang binitawan ni Commander Mitts at kahit kailan hinding hindi ko ito pagsisihan.

Ako ang tipo ng tao na ayaw ng may kakampi, I hate having a partner during my flight missions. I want to finish and accomplish my task alone with my own ability. Natatakot na akong sumandal sa ibang tao, natatakot na akong kumuha ng suporta mula sa ibang tao.

I always wanted to fly independently. Hindi ko na gusto pang maranasan ang nakaraan. One life is enough.

"We're here Lieutenant Monzanto, welcome to UASA Air Division main headquarters!" Masiglang sabi ng lalaking sumundo sa akin.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nang sandaling tumapak ang mga paa ko sa lupa ay kusa na lamang umangat ang aking paningin para sundan ang nagliliparang magagara at hindi birong klase ng mga sasakyang panghimpapawid.

Dahil sa lakas ng hangin ay na agad nitong nilipad ang aking napakahabang buhok at hindi ko inabala ang sarili kong ayusin ito. 

Unti unti ko nang inaangat ang kanang kamay ko na parang maaabot ko ang eroplanong kasalukuyang nagpapaikot ikot sa himpapawid na parang sumasayaw lamang sa hampas ng hangin.

"Mama, Papa, mga kapatid. Nandito na ako, nandito na ako. I'm sorry but I am not made for accounts, your daughter, your sister is destined for aircrafts. Abot kamay ko na mama, papa. Abot kamay ko na ang mas mataas na himpapawid." How I love the noise of the plane.

"Lieutenant.." natauhan ako nang may tumawag sa akin. Nang pagmasdan ko siya ay hindi na siya ang lalaking sumundo sa akin. Another crew of UASA and he's wearing his navy blue uniform.

Nasa gitna kami ng isang malawak na ground field kung saan nagkalat ang iba't ibang uri ng sasakyang panghimpapawid. From single engine piston, different kinds of jet, tricycle gear, amphibians, taildraggers, helicopters, tiltrotors, ultralights, light sport aircraft, multi engine piston, turboprops, floatplanes, biplanes and even gliders.

And I am proud that any of these aircraft can fly up high with my bare hands.

Bahagya akong bumagal sa paglalakad nang mapansin ko na nakahilera sa aking dadaanan ang ilang mga nakaunipormadong lalaki na gaya din ng lalaking may hawak ng maleta ko ngayon. Sa dulo nito ay isang lalaki na naka uniporme ng itim.

I can see his badge, he's the head of this headquarters. Ibinalik ko ang tamang bilis ng aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa dulo at magkaroon na lamang kami ng lalaki ng kaunting distansya.

If I am not admiring airplanes maybe I'll be admiring his handsome face right now. But this is my life, airplanes are more attractive than men, airplanes are more charismatic than men and most of all airplanes are more interesting than men. 

Kapwa kami sumaludo sa isa't isa.

"Welcome Lieutenant Behati Azalea Monzanto, we are glad to have you." Nagkamay kami ng lalaking bumati sa akin. 

"I am Commander Dale Gabriel Jensen and welcome aboard." Bahagya siyang humakbang para mawala siya sa harapan ko at mas makita ko ang kanyang nasa likuran. 

Our headquarters. Tuluyang naagaw ang atensyon ko nang napakalaking metal na bagay na unti unting nagbubuksan. This is their famous headquarters which is designed like a spaceship. Bahagya akong napaatras nang biglang lumapit sa harapan ko si Commander.

"Stay still.." bulong niya sa akin. Nanatili akong hindi gumagalaw kahit nagtataka ako sa liit ng distansya namin mula sa isa't isa. Siya mismo ang naghawi ng buhok ko at dahan dahan niyang ikinabit ang badge sa damit ko, malapit sa dibdib ko.

"Thanks.." tipid na sabi ko nang matapos siya sa paglalagay. Tumango lang siya sa akin bago ito tumalikod.

"Let's go Behati," he forgot about the Lieutenant. Sumunod na ako sa kanya habang nauna na ang maleta na buhat ng isa sa mga crew.

Inside the headquarters are number of female holograms discussing about aircrafts, science, technology and even planets. Advance robotics and crews in their different uniform are everywhere.

Tuloy lang sa paglalakad ang commander namin habang nakasunod ako sa kanya. Hindi din nagtagal ay tumigil siya sa harap ng isang metal na pintuan.

"Here is your cabin. Just stand in the front of the door and the sensor will recognize you and your badge Lieutenant." Pumunta siya sa likuran ko at agad nangunot ang noo ko nang hawakan niya mula sa likuran ang dalawang balikat ko.

"Lieutenant Behati Azalea Monzanto." Boses ito mula sa pintuan. May pulang ilaw na saglit na dumaan sa aking katawan. Ito ang kumikilala kung sino ang nasa harap ng pintuan.

"Hindi mo na ako kailangang hawakan Commander." Malamig na sabi ko na siyang nagpabitaw sa kanya. Nabuksan na ang pintuan ng cabin ko at walang lingon akong humakbang dito.

Alam ko na nanatili pa rin sa likuran ko si Commander, kahit ayaw ko nang makipag usap sa kanya ay pinilit ko pa rin ang sarili kong humarap sa kanya.

Kanina ko pang hindi nagugustuhan ang sobrang paglapit niya sa akin. My previous commander was not like that.

"Thank you Commader," I gave him my fake smile.  

"I never thought that UASA got the most beautiful Flight Lieutenant." Seriously? What is damn wrong with this commander?

"Thank you for that Commander. But I am afraid, I can't see you as the most handsome Commander of UASA. I am sorry for that," hindi ko napigil ang bibig ko. Siguradong pagsisisihan ko itong pagsagot ko sa kanya kung kinabukasan ay magigising na lang akong tangal na sa posisyon ko. 

But instead of seeing annoyance from his face, I saw him grinning on me. He's damn having fun and I don't like it. Ilang taon na ba ito hindi nakakita ng babae? 

"I like your personality Behati.."

"I like aircraft, thank you again Commander." Muli ko siyang binigyan ng pilit na ngiti bago ko tuluyang isinarado ang pintuan.

I let out a deep sigh. How can I stay here with that flirty commander?! Kahit wala akong karanasan sa mga lalaki, parang nagkakaroon na rin ako ng ideya sa klase nila dahil sa pinsan ko. Kaya agad kong nakilalang kasama ang si Commander Dale sa populasyon ng mga lalaking malikot magsalita sa mga babae. 

Well, my cousin Alys is a playgirl. Hindi ko na mabilang kung ilan na ang naging boyfriend niya. 

Agad kong inihiga ang sarili ko sa kama habang pinoproseso pa ang mga nangyayari sa araw na ito. Damn, I can't still believe that I am now one of the three flight Lieutenants.

Sa halip na alamin ang buong kabuuan ng aking cabin, pinili ko munang buksan ang laptop ko. Binuksan ko ang skype para makausap ko si Alys. Pero hindi pa nasasagot ni Allison ang tawag ko nang biglang may lumabas na hologram na screen.

Lumabas dito ang mga mensahe sa kanilang mga crew at maging ako ay may mensahe na rin dito. I have a flight test this nine o'clock in the evening. Nagkibit balikat na lang ako at ibinalik ko ang atensyon ko sa laptop, habang hindi pa sinasagot ni Allison ang tawag ko ay sinimulan ko nang maghubad at magpalit ng damit.

Maging ang mga damit ko ay nakahanda na at maayos nang nakahanger sa closet. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbibihis nang marinig kong may sumipol. Nilingon ko ang laptop ko, sinagot na ni Allison.

"I am now talking to the sexiest pilot alive. How are you Behati? I missed you." Nagsuot ako ng puting tshirt at shorts bago ako naupo sa kama at iharap sa akin ng maayos ang laptop.

"My first day in UASA. I love the feeling, para akong lumilipad." Natutuwang sabi ko. 

"Behati, lagi ka nang lumilipad. Anything new? How about handsome crewmates?" biglang sumagi sa isip ko ang Commander namin.

"Nah, wala. You know how I love aircrafts than men." Tamad na sagot ko sa kanya.

"I know how you love riding aircrafts but riding men is fantastic too Behati. Come on, ayokong magkaroon ng pinsan na matandang dalaga. You're so beautiful to be a member of NBSB society." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What is NBSB society? Haven't heard of that.."

"My god Behati! Hindi lang eroplano ang buhay. Hindi ka magkakapamilya kapag eroplano lang ang sinakyan mo. Look at me.." itinaas niya ang kamay niya at napatitig na lang ako sa kumikinang na bagay sa daliri niya.

"I am engaged Behati, ikakasal na ako.."

"Oh my, congratulations Allison! I am so happy for you," natutuwang sabi ko.

"Thanks, I want to travel with you atleast for one week? I will miss our trip after my wedding.."

"Sure, I'll definitely find time for that one week.." marami pa kaming napag usapan ni Allison hanggang sa magpaalam ako sa kanya dahil sa paghahanda ko sa flight test ko mamaya.

Nagbihis na ako ng aking kulay gray na uniporme bago ako lumabas ng aking cabin.

Nagmamadali na akong lumabas ng headquarters habang naglalagay ng gloves sa aking kamay. Nakapusod na rin ang aking buhok, agad sumagi sa patingin ko ang paliliparin ko.

A small jet fighter. Nasa tabi na nito si Commander at ang ilan sa matataas na crewmates. Kapwa kami sumaludo sa isa't isa bago ako mabilis na nakasakay dito sa jet fighter.

Easy.

I put my goggles, checked the control surface, and checked the level of fuel tanks. I don't need an hour of familiarity of controls since I've done this a hundred times before.

I turned on the engine confidently. At taas noo akong nagsalita sa radyo.

"This is Lieutenant Behati Azalea Monzanto, NorthJet 3876 of Universal Aeronautics and Space Administration Air Division Headquarters. Ready for take off.."

--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro