Chapter 18
Chapter 18
War and cruelty, I considered these two as the worst words ever created. These are words that can make people suffer, shatter a family, and could tear millions of hearts.
There is always a war between nations, different beliefs and the never ending war for the position. Ang bagay na kailanman ay hindi na nawawala sa mga tao. Hanggang sa mabulag sila sa kapangyarihan at hindi na magawang tingnan ang mga taong nasa ibaba na siyang naapektuhan nito.
At ito ang pilit na isinasampal ng sitwasyon ngayon. A war against leaders, kung sino ang gustong umangat, ang gustong mamuno at mananatiling nasa tuktok.
If leaders nowadays will continue to this kind of perspective, solving conflicts through wars I wonder if this world will soon be surrounded by smoke and fires, instead of rainbows and sunshines.
A shattered nation will always start with a foolish leader.
What can be the future of this country?
Terorista na naghahangad ng bansang pamumunuan at presidenteng na walang matatag na paninindigan. Kung sa umpisa pa lamang ay itinatak na ng presidente sa nasyon ang kanyang personalidad na hindi kailanman matitinag, hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga teroristang itong manghimasok sa sarili nilang bansa.
I am not against the democratic way for electing a leader, pero kung iisipin hindi basehan ang dami ng mga taong may gusto sa 'yo para masabing naaangkop ka sa posisyon. Dahil sa pagdating ng ganitong klase ng kalamidad at giyera kahit kailan hindi mo magagamit ang mga taong pumili sa 'yo para samahan ka na ilaban ang bansang winawasak na ng mga kalaban. Dahil sa huli ikaw pa ang sisihin sa lahat.
Being a leader, you should not ask your people to fight for you, instead, you should be in the front, fighting for them.
Dito nagkulang ang presidente ng bansang ito, masyado siyang umasa sa militar at hindi siya lumaban kasama ng mga ito. Instead, he hide out of fear, asking for protection. Hindi niya nalalaman na ito ang nagpapataas ng kompeyansa ng mga kalaban.
Kaya sinisiguro ko na sa tuwing lilipad akong may kasama, sinisikap kong manatili sa unahan. Not to emphasize my power, but to act as a leader who knows her responsibility.
Wala akong tigil sa pagbusina sa pamilya para mas mapabilis ang kilos nila habang matalim na ang titig ko sa side mirror ng sasakyan.
Two to three cars of the terrorists were approaching us!
Mabilis kong inilibot ang mga mata ko sa paligid. I need a quick analysis with my surrounding, dahil sa sandaling paharurutin ko nang muli ang sasakyang ito alam ko na kung saan ako dapat magtungo.
Hindi na nag aksaya pa ng oras ang pamilyang tinulungan ko. Agad inalalayan ng padre de pamilya ang kanyang mga anak at asawa para mabilis ang mga itong makasakay.
We can't waste a minute in this kind of situation. Buhay ang kapalit ng isang nasayang na minuto, buhay ang kapalit ng isang maling kilos at lalong buhay ang kapalit kung tuluyan ka nang magpapalamon sa takot.
No bullets, bombs, not even a highly advanced aircraft or any armored man could ever shake my knees out of fear. There is no time to get scared or think of the word surrender in this situation.
Panay ang sunud-sunod na pag busina ko, napansin ko na may tama pala sa kanyang balikat ang ama ng pamilya.
"Hurry!" malakas na sigaw ko.
Sorry, but I can't be gentle in this situation.
Muli akong sumulyap sa side mirror at nakikita kong mas papalapit na ang mga kalaban sa amin. Halos kabila't kanan ay mayroong usok, apoy at gumuguhong mga gusali, putok ng kanyon at palitan ng putok ng mga baril.
Mahigpit na ang hawak ko sa manibela, sa oras na ito dalawa ang itinuturing ko mahigpit na kalaban— ang mga terorista at ang kalamidad.
Agad na akong lumingon sa likuran nang makapasok na sila.
"Fasten your seatbelts. This is going to be your toughest ride."
Huminga ako nang malalim bago ko pinaharurot ang sasakyan. Pakinig ko ang iyakan ng mga bata habang pinatatahan ng kanilang mga magulang, nang sulyapan ko ang batang tinulungan ko ay nakayuko ito habang mahigpit ang hawak sa kanyang seatbelt.
Nang lumipat ang mga mata ko sa magulang ay agad kong iniwas ang aking mga mata sa rearview mirror. Nakikita ko sa kanilang mga mata ang pagpapasalamat, at pag-asa sa kabila ng siwasyong ito.
"Don't thank me yet, they are still tailing us. Bow your heads, and embrace your children." Mabilis kong pinahid ang naglandas na luha sa aking mga mata.
Lumalabas ang imahe ng pamilya kong magkakayakap sa kabila ng walang buhay nilang mga katawan.
Sa mga oras na ito, Nay, Tay, gagawa ako ng paraan.
It's not a terrorist, and not even a shaking country can bring your daughter down. Patuloy akong mabubuhay na lumalaban at hindi mapapagod tumulong sa abot ng aking makakaya.
Muli silang nagsigawan nang makarinig sila ng putok ng baril. Nagsisimula nang magpaulan ng bala ang mga nakasunod sa amin.
One, two, three. Tatlo. Shit, I need a gun.
Habang nagmamaneho ang isa kong kamay ay agad akong naghanap at nagdadasal na sana ay may baril sa sasakyang ito.
I tried to check the glove compartment. And I uttered a silent prayer inside my mind. There was a gun.
Kung sinuman ang may-ari ng sasakyang ito, malaki ang pasasalamat ko.
Mabilis ko itong ipinatong sa harapan ko at muli kong sinulyapan ang nasa likuran. Hindi sila makabaril nang sunud-sunod.
Mukhang hindi lang ako ang limitado ang bala. Fair enough, huh?
I grinned. They shouldn't underestimate a pilot on land. Since we were also trained to identify different kinds of guns, and with my experience as an ex-military air force, I quickly identified my gun. It's a 9mm S&W with a capacity of 17 round magazine.
Sinadya kong dumaan sa ilalim ng madilim na tulay para mahirapan sumunod sa ang kalaban.
Seventeen accurate shots, Second Lt. Monzanto.
Nagsisimula na muling magkaliwanag at mukhang may mga sasalubong pa sa amin.
"Watch out!" the father shouted.
Babangga kami sa isang road check at may dalawa nang armadong lalaking naghihintay sa amin.
"Get down!"
I doubled my speed, opened my window and pointed my gun at one of them. Ganito rin ang ginawa nila sa akin pero hindi nila naipagpatuloy ang pagpapaputok sa akin dahil kapwa na sila tumalon sa takot na masagasaan.
But that doesn't give them a good ending, I abruptly made a U-turn, and with them, still recovering from their sudden jump for survival, I pulled the trigger and let two consecutive gunshots at their heads.
Pakinig ko ang singhapan ng mga taong nasa likuran ko. I hate it when kids watched this kind of cruelty.
Agad akong nagkambyo at muli kong pinaharurot ang sasakyan. 14 bullets were left.
"What are you?" The father asked in astonishment.
"A pilot on land."
Sumulyap ako sa likuran, nakasunod pa rin sa amin ang mga sasakyan at patuloy na ito sa pagbaril sa amin.
"Would you mind? Can you please embrace the other kid? Cover her ears, eyes, and please, avoid them from watching the next scene.I really can't concentrate." Hindi ko lubusang magawa ang dapat kong gawin habang may mata ng mga bata sa aking likuran.
Sumunod sa akin ang mag-asawa, inilagay rin nila sa gitna ang batang babaeng tinulungan ko at tinuruan nila itong takpan ang kanyang tainga bago nila ito isinama sa kanilang mga yakap.
"Alright," dinukot ko ang radyo ko sa aking bulsa at nagbakasakaling may kakayahan pa itong makipag komunikasyon sa ibang radyo na nasa malapit.
"Connecting to any possible radio within the area, this is your Flight in Command, Lt. Monzanto, currently on land, driving a black MUX with a plate number ACN 3912."
I waited for a reply, but all I could hear was the static sound of the radio.
Mariin akong pumikit habang dumidiin ang hawak ko sa radyo. At least my voice will be recorded if anything happens.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"With five civilians, two adults, and three children, currently approaching the largest bridge on-site for cover. Three tails on me. I need backups."
Hindi ako natatakot para sa aking sarili. I can do this and take the risk, but not with this family behind me.
"Get down!" muling sigaw ko.
Tinatamaan na ng bala ang sasakyan.
Mas binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa makapasok ako sa panibagong tulay. Nagpatuloy ang habulan ng aming mga sasakyan, hindi ko akalaing mapapasabak din ako sa lupa.
Para isa-isang malagas ang sasakyang nakasunod sa akin sinimulan ko nang magmaneho sa magkabilang linya. My movement was now uneven, making a quick turns from my left and right without minding the cars in front of me.
Agad kong kinabig ang sasakyang pakanan nang may biglaan akong makasalubong, dahil sa pagkagulat ng nagmamaneho ay hindi agad nito nakabig pakaliwa ang kanyang sasakyan.
After I quickly avoided the car, I continued to drive fast, but the driver in front of me didn't have that ability.
Dahil nang sumulyap ako sa rearview at tama ay kalkulasyon ko. Bumangga na ito sa unang sasakyang nakasunod sa amin.
One down.
This time, I used the bridge columns. Sa bawat ginagawang pagbaril ng kalaban ay ang pagkabig ko sa pagitan ng pundasyon ng tulay. I made that zigzag movement, and I could even hear my screeching sound of my wheels with my every turn.
With my fast driving skills, I could easily avoid the falling cars from the second deck of the bridge. Fires, lightning, and electricity short circuits were all over the place.
At alam kong anumang oras ay babagsak na rin ang tulay na ito. Sa muling pagkabig ko pakaliwa ay tuluyanan nang bumigay ang pundasyong dinaanan ko, at nabagsakan nito ang isang sasakyang nakasunod sa amin.
Two down.
Wala silang konsentrasyon, they were just looking at me as their target, but they failed to think that they could be the target of the calamity.
We have to pass this bridge as soon as possible, and I know that it will collapse at any moment. I really need to finish this.
I turned my car in the middle, and made a straight drive, but again I made another U-turn. Dahilan kung bakit tutukan na kami ng mga kalaban.
Agad kong inilabas ang kalahati ng katawan ko sa sasakyan at mariin kong itinutok ang aking baril gamit ang isa kong kamay.
Naningkit ang mga mata ko na sinamahan ng marahas na hampas ng hangin na tuluya nang sumira sa pagkakapusod ng buhok ko.
My long hair danced with the brutal air in this situation, but in the middle of it, I got the target.
Kasabay nang mabilis na pag-atras ng sasakyan ko sa iisang direksyon papalabas ng tulay na iay ang pagbuhos ng natitira kong bala ko sa kanilang sasakyan.
You'll be burned together with this bridge, together with your bullshit beliefs.
Dahil inaasahan nilang tanging pagtakbo ang magagawa ko, hindi na nila napaghandaan ang pag-atake ko. Isang malakas na pagbangga sa pundasyon ng tulay ang nangyari sa kanila.
I saw the crashed cement, the debris of the bridge, the blinking electric wires, burning cars, and smoke. I grabbed the gear shift and made a U-turn until I finally saw the light—the exit.
And yes, we survived.
Pero saglit lang ako napahinga nang maluwag, dahil muli akong nakakita ng mga sasakyan sa unahan na siyang nag-aabang sa akin.
"Shit!"
Sabay-sabay na silang naglabas ng baril. Damn it, we'll die if I'll stop the car.
Buo na ang loob ko, sasalubungin ko silang lahat. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa manibela sa kabila nang malalaking baril na nakikita ko. Pero bago pa man ako paulanan ng bala ng mga kalaban, ay may bala nang umulan sa kanilang lahat.
Hindi ako tumigil at pinagpatuloy ko ang aking pagmamaneho hanggang sa tuluyan ko nang nalampasan ang walang buhay nilang mga katawan. Agad kong idinungaw ang ulo ko sa labas ng sasakyan para tingnan ang eroplanong may hindi kataasan ang lipad.
Who is that?
Until I heard my radio. The familiar voice of my flirty Space Commander.
All I want is to fire my curse on him. Seriously? In a situation like this Pedro.
"Communicating to Charlie and Delta flight in Command. This is your boyfriend speaking, baby.. sorry I'm late."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro