Chapter 10
Chapter 10
I am now staring at the most expressive blue eyes I have ever seen. I felt like my exhaustion and tiredness faded away.
Napakaganda ng asul niyang mga mata na nakakawala sa matinong pag iisip ng kahit sinong tumititig dito.
My mind brought into senses when I heard his words.
"God baby, my heart beats fast...yeah, it's Peter. Your Peter."
Did I just call his name?
I noticed that both of his hands are on my shoulders. I diverted my eyes away from him as well as his hands on me.
"Sorry for that Commander,"
Narinig ko ang ingay ng mga taong nakapaligid sa amin. Karamihan sa kanila ay nakangiti at pumapalaklak.
But their teasing noise is the most irritating. I don't know which way I should go. The people are blocking my way out.
I never liked being the center of attention.
"Where are you going Lieutenant?" agad nangunot ang noo ko nang hawakan niyang muli ang balikat ko.
He grinned at me when he saw my expression. Agad niyang tinanggal ang kamay niya mula sa akin.
"Alright, but I heard it clearly. You called my name,"
"That maybe your imagination Commander," hindi na ako umalis sa posisyon ko nang makita kong papalapit sa amin ang Commander ng Myanmar Airbase.
"Wha—what? No, that wasn't my imagination Lieutenant. I heard it, you called me Peter." I saw doubt all over his face.
Muntik na akong ngumisi sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Why the heck are you going to play with him Behati?
Nahawi na ang mga tao dahil nakalapit na sa amin si Commander Thanh San. Nilapitan na na rin ng mga sundalo ang ilang mga taong humahanga sa akin. Alam kong gusto nilang magparating ng pasasalamat sa akin at naiintindihan ko ito.
But a simple thank you from their country's Airbase Commander will do. I am not requiring every people to come near me and acknowledge what I've done. Hindi ako nagpapalipad ng eroplano para kilalanin at tingalain ng mga tao.
I did fly for myself and my own satisfaction.
Unti unti nang nawala ang mga tao at pinabalik na sa kani kanilang pinanggalingang posisyon. Nagkalat na rin ang iba't ibang sundalo para linisin ang mga bumagsak na eroplano.
Itinatago na ang mga canyon at ilang mga sugatan dahil sa nangyaring pagpapaulan ng bala sa main base.
I hope no one died. Nagawa pang magpaulan ng bala ng huling eroplano bago ito tuluyang napabagsak.
Inaasahan ko na ang Commander lamang ang lalapit sa akin, pero di ko inaasahang matitipon ang dami ng sundalong nagsisimula nang lumapit sa posisyon ko at ni Commander Armstrong.
Yes, I am not just a pilot. I am also a soldier, an air soldier to be specific. I've been in military training for almost 7 months. I am an airforce.
Pero mas pinili kong pumasok sa UASA para mapabilang sa kanilang mga opisyal na piloto.
With a straight line in front of me, numbers of soldiers from Myanmar Airbase salute me with honor.
Lumukso ang puso ko habang pinagmamasdan ang iba't ibang mukha ng sundalong nakasaludo sa akin.
With my heads up, I salute them in return. Sa sulok ng aking mga mata ay ganito rin ang ginawa ni Commander Armstrong.
"I'm so proud of you, baby.." His soft voice lingered in my ears again. I felt something strange pumped inside my heart. Damn this Commander.
Hindi ko siya sinagot hanggang sa ibaba namin ang aming mga kamay. Agad kaming nagkamay ni Commander Thanh San.
"You are so brave Flight Lieutenant."
"You need to be one, once you entered this field sir." Nakipagkamay din sa akin ang ilang mga may posisyong mga sundalo.
Nasa pang apat na sundalo na ako sa pagkamay nang maramdaman kong may humawak na sa akin papalayo sa nakalahad na kamay.
"I think Flight Lieutenant Monzanto needs rest after that near death air fight. Commander San, it will be great if we join your dinner tonight?"
"That would be great Commander," ngiting sabi Commander San.
"Thank you Commander San, she badly needs rest." I want to protest but yeah—he's right. I am too tired.
I can't take a long conversation anymore.
Tipid lamang akong tumango kay Commander San at sa ilang mga sundalo bago hawakan ni Commander Armstrong ang kamay ko at hilahin niya ako sa tent na siyang pinanggalingan namin.
"Let go of my hand Commander," binitawan niya ako nang makapasok kami sa tent. Kusa na akong naupo dahil sa pagod ko.
"You called me Peter, call me Peter that's an order." Nag abot siya sa akin ng puting towel na tinanggap ko naman.
"I never called your name, I told you Commander you are imagining things." Sinimulan kong punasan ang sarili ko.
I want to have some shower. Where is it located? I should have asked the volunteer team before they left.
Habang nagpupunas ako ng aking sarili naramdaman ko na umupo na siya sa aking tabi.
"But you scared the hell out of me baby—sometimes, I hate brave girls." Napapikit na lang ako sa itinawag niya sa akin.
"How many times do I need to tell you to stop calling me with that kind of endearment, Commander?" tumaas na ang boses ko.
"I just can't stop, sorry for that."
Hindi ako nakasagot sa kanya at nakatahimik kaming dalawa sa loob ng tent, ako ang bumasag ng katahimikan pagkatapos ng ilang minuto.
"But I never liked weak girls. Weak are useless, hindi ko pinangarap maging pabigat."
"Yeah, Flight Lieutenant Behati and her tough personality."
"In my thirty four years of existence, I never had a problem having a tough personality Commander."
"But there is nothing wrong to be weak sometimes. As long as there is someone who is willing to shelter and protect you, letting you rest for a while. There is nothing wrong trusting someone who wanted to treasure you."
"If I can protect myself, why do I need someone else? Ayokong magkaroon ng utang na loob."
"What the—you are so—" umiiling na lang siya habang nakatitig sa akin.
Hindi agad ako nakaiwas nang dalawang beses niyang pinitik ang noo ko.
"Stubborn, hardhead Lieutenant. Kung hindi ka lang maganda.." Halos bulong na lang ang narinig ko sa huling mga salitang sinabi niya.
I heard it, I freaking heard it.
"What the hell is that Commander?!" iritadong sabi ko habang hawak ko ang aking noo.
Tinalikuran na niya ako at hinahawi na niya ang tent.
He never bothered looking back at me.
"Lalambot ka rin, lalambot ka rin sa akin Behati." Pinagbabantaan niya ba ako?
"Rest, see you on dinner."
Hindi na niya ako hinayaang sumagot dahil tuluyan na niya akong iniwan. What the hell is wrong with him?
Ipinilig ko na lamang ang sarili ko at hinayaan ko ang sarili kong magpahinga. Siguradong kinabukasan ay may susundo na sa amin mula sa UASA.
They will definitely punish me for meddling in other country's fight. But I did what my instinct dictates me. Kung hindi ko sununod ang sarili kong desisyon, maaaring may mangyaring masama sa mga taong nandito.
It was not just calamities, but also the greed of other people that will bring this planet down. Mga terroristang walang puso, mga taong basta na lamang nagtatapon ng buhay.
Hindi ba nila alam na sa bawat pagkitil nila ay mga mga taong nagbubuwis ng kanilang mga buhay para lamang lumipad sa ibang mundo at maghanap ng ibang tahanang maaaring magsalba sa aming lahat sa sandaling may mas malaking kalamidad na tumama sa mundong ito?
Karapat dapat pa bang hanapan ng bagong tahanan ang mga ganitong klase ng tao?
If world can be filtered by good and bad ones, pero napaka imposible nito. Imposible.
Simula sa Pilipinas hanggang sa napakaraming bansa mula sa iba't ibang sulok ng mga kontinente, iisa lamang ang nakikita ko.
Humans are selfish individuals. Ito ang unti unting pumapatay sa kanila.
Wars and power. Hindi man sa lahat ng bansa, pero laganap pa rin ang patayan. We never had world peace making our beloved planet drift apart.
Mahirap mang tanggapin, walang nakakapansin nito. Kaunting mga mata, ilang mga tenga at nabibilang na kaalaman lamang sa realidad ang nabubuhay sa mundong ito.
Tanging mga biktima lamang ang namumulat, pero tama ba na kailangang maranasan mo muna bago ka mamulat sa realidad na kinahaharap ng ating planeta?
I am a survivor of typhoon Yolanda, ang bagyong kumitil sa buhay ng aking pamilya. Ang bagyong buong mundo ang nakasaksi dahil sa bagsik nito.
Hindi man ako pisikal na sinalanta nito, pero ang emosyong dulot nito sa akin ang higit na nakakapaminsala na habang buhay kong dinadala.
Ilang pang ako ang kailangang makaranas ng pagkawala ng pamilya para lamang mamulat ang lahat sa hinaing ng mundong ito?
World is full of blinds, world is full of deaf and world is full of dumbs. At natatakot akong tuluyan nang mapuno ang mundong ito ng mga ganitong klase ng tao.
I fell asleep with my deep thoughts. Nagising na lamang ako nang dilim na, lumapit ako sa isang babae at itinanong ko kung saan pwedeng maligo.
"Thank you," ilang beses akong lumingon lingon at hinahanap ko siya.
Wait, am I looking for him?
Muli kong ipinilig ang ulo ko at nagpatuloy ako sa sinabi ng babae. Mabilis lang akong naligo, agad pinatuyo ang buhok at ipinusod ko ito ng hindi kataasan.
I wore my black racer back tucked it in with my camouflage pants, brown military belt and my combat shoes. I let my UASA dogtag across my neck.
Eksaktong paglabas ko nang banyo nang may babaeng naghihintay sa akin.
"Commander San told me that I'll be leading your way."
"Oh, thanks."
I followed her track and I noticed our lead way. Again, it was not a formal dinner. Hindi na ako nagulat.
Most of the soldiers are on their indian sit, laughing at each other while drinking their own beers. We have a bonfire.
"Lieutenant!"
"Commander," tipid akong tumango dito.
Tinawag ako ng mga babaeng sundalo at dito ako tumabi sa kanila. They are all looked so happy and relieved.
But what made me feel so uneasy is his blue eyes from afar. Tanging sumasayaw na apoy lamang ang pagitan ng mga titig niya sa akin.
Can't he stop staring at me? Halatang halata na siya ng mga tao.
He's drinking his beer not caring about the laughters around him.
"He's looking at you," bulong sa akin ng mga babaeng sundalo.
"Don't mind him, he's just hungry."
"Yeah, hungry on you Lieutenant." Pabirong sabi sa akin ng babaeng militar.
I regretted using those words.
Nahahati ang mga babae at lalaking militar, nakapagitan sa amin ang malaking apoy. Minsan ay hindi ko na rin maintindihan ang pinag uusapan nila pero pinipilit din nilang isali kami sa usapan.
May dumating na lalaking sundalo na may dalang gitara, nagkantahan silang lahat at karamihan pa ay itinataas ang kamay.
Hindi ko mapigilang hindi sumulyap sa kanya at sa tuwing titingan ko siya lagi siyang nakatitig sa akin.
Damn those blue eyes with fire.
"Do you mind if I borrow your guitar?" simula nang nakilala ko siya natuto na akong magtaas ng kilay.
"Sure Commander Armstrong," inabot agad ito ng sundalo sa kanya.
"Can you sing Commander?" tanong ng mga babaeng militar.
"A little bit, but I want to try." Kumindat pa ito sa direksyon namin.
Nagsinghapan ang mga kababaihan, sa lahat ng mga sundalong nakahilera litaw na litaw siya.
Yes, I admit. He's too handsome. Pedro and his killing blue eyes. But again, airplanes are more handsome.
"Alright this song is dedicated to the most beautiful Pilot I've ever seen." He's looking at me.
Nag iwas ako nang tingin nang magsigawan ang mga sundalo.
"Name her! Name her! Is she Lieutenant Monzanto?" natutuwang sabi ng mga babaeng militar.
Nag aasar na naman ang boses ng mga sundalo sa amin, kahit si Commander San ay ganito na rin.
"I don't know.." ngumisi siya sa akin.
He is damn enjoying this!
"But she is wearing black tonight," inaasar na ako ng mga katabi ko at natigil lamang ito nang nag strum na ng gitara si Ped—I mean Commander.
I have loved you only in my mind
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa aking batok nang marinig ko ang napakalamig niyang boses.
I want to look in different direction, but his eyes and voice are locking me to stare at him like forever.
But I know that there will come a time
To feel this feeling I have inside
You're a hopeless romantic is what they say
Falling in and out of love just like a play
Memorizing each line, I still don't know what to say
What to say...
Maging ang mga sundalo, babae man o lalaki ay nadadala sa boses niya. They are all hugging each other's shoulder while swaying with his beautiful voice.
Don't know what to do whenever you are near
Don't know what to say, my heart is floating in tears
When you pass by I could fly
My heart hammered too fast when he reached the chorus of the song. He has this relaxing voice that can soothe any kind of tiredness from someone.
Ev'ry minute, ev'ry second of the day
I dream of you in the most special way
You're beside me all the time
All the time...
His lovely voice as well as his blue eyes with the dancing fire between us made the whole place so unrealistic. I felt like we're in different place, just the two of us. Alone.
I can't hear any noise, but his fascinating voice.
I don't know what to feel about this. It's hard to accept that, that—
He is melting me, little by little.
He ended the song with claps all around him. Wala na akong lakas para palakpakan pa siya. His voice made me weak.
"What can you say about his voice Lieutenant?" nagkantsayawan na naman ang mga sundalo sa amin.
Lahat sila ay nakatitig sa akin habang nakataas ang isang kilay sa akin ni Commander Armstrong.
I unintentionally caressed my neck and I looked at different direction.
"Yeah, pretty voice."
Muling nagsigawan ang mga sundalo, tuwang tuwa silang inaasar kaming dalawa.
"Let's have a toast," tumayo kaming lahat at lumapit na sa amin ang mga lalaking sundalo.
Tumabi siya sa akin pero hindi ko siya nillingon.
"For the success of Flight Lieutenant Monzanto against those terrorist!"
"Cheers!" pinagbangga namin ang aming mga bote.
"Hi? You looked so familiar, have we met before Madam?" with his swift move, I saw my dogtag on his hands.
Inaagaw ko agad ito sa kanya.
"Silly..Pedro.."
"Wha—t what?"
Hindi ko siya sinagot at uminom lang ako ng beer.
All I thought is that I'll win against him tonight, that I will make this Commander shut his mouth. But I was wrong. Very wrong move Behati.
"Uhuh? You are now teasing me, I like that."
"What?" tuluyan na akong lumingon sa kanya.
He slightly bent down on me to have our eyes on same level.
"And yeah, Pedro sounds sexier than Peter. I'll accept your endearment, baby."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro