Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9: Reversed

Ako ang nanguna sa paghahanap kay Brienne. Wala kaming ginawa magdamag kung hindi ang halughugin ang loob at labas ng Mansion. Kasama ko rin si Lord Wenson.

I was not too confident that our plan was a success. Hindi ako makapakali habang naghahanap kaya mas naging kapani-paniwala na apektado talaga ako sa pagkawala niya.

My concerns vanished when dawn came, and we still hadn't found her. Nauna nang sumuko sa paghahanap ang pangkat ni Lord Varnes.

"Lord Oscar." Lord Wenson tapped my shoulder. Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya. He looked so disappointed. "I think it's reasonable to say we've already lost her."

Napatingin ako sa sapatos ko na puno ng putik. Ngayon ko lang napansin na nakaawang na ang ibabang parte nito. Mukhang hindi kinaya ang magdamagang paglalakad sa masukal na lugar.

"We didn't simply lose her." He sighed and appeared defeated. "We lost the first part of the war. Mukhang nabawi na siya ng Caligo Clan."

"Maybe she escaped on her own?" I shrugged and released a heavy sigh. "Baka nabawi na niya ang nawalang lakas kaya nagawa na niyang makatakas."

"That makes more sense. Ayon sa balita ng mga kawal na nagbabantay sa kanyang selda ay wala raw silang maalala sa mga pangyayari."

I nodded. "I think we should get back now."

Bumalik na kami ni Lord Wenson, kasama ang grupo namin. Pagkabalik namin ay napansin ko na may mga hinihilang bangkay ang mga kawal.

"What happened?" I muttered. "Iyon ba ang mga kawal na nagbantay sa selda ng manggagamot?"

"Mukhang si Lord Reggar ang may kagagawan nito."

"Where were you the entire night?" I heard a familiar voice from behind.

Sabay kami ni Lord Wenson na napalingon sa likod. Naabutan naming nagpupunas ng dugo sa labi si Lord Reggar. His blazing crimson eyes gradually returned to their normal hues.

So... he really did slaughter them.

Lord Wenson cleared his throat. "Bumuo kami ng pwersa para hanapin ang nakatakas na manggagamot. Unfortunately, we failed to find any trace of her."

Nanatili sa akin ang mga mapanuring mata ni Lord Reggar. He did nothing but stare at me with intensity. He was not asking Lord Wenson. That question was obviously directed at me.

"Lord Oscar was in his room when the incident happened. I am a witness," sagot muli ni Lord Wenson.

"Why would you do the job if you could get someone to do it for you?" he gave me a sardonic grin.

"Are you accusing me of treason, Lord Reggar? Na ako ang nagpatakas sa kanya?" pagbabanta kong tanong sa kanya. "I think you are frustrated, just like I am. But that's not enough reason for you to assume that I have something to do with this."

"Lord Oscar is right. You don't have any basis to accuse him, Lord Reggar," pagsang-ayon sa akin ni Lord Wenson. "Mas mabuting huwag na tayong magsisihan dahil may mas mabigat pa tayong dapat na alalahanin."

Lord Reggar nodded. "I am not accusing anyone. I'm simply asking." Then, he smiled. "So, we really lost her. It's not like I was surprised. Maybe frustrated. I could have beheaded her sooner."

"Mas mabuting umuwi ka muna, Lord Reggar. We will have a meeting before lunch," sambit ko bago tumalikod at iniwan silang dalawa ni Lord Wenson.

It was hard to suppress a smile while walking. Naging malaya na lang ako sa pagngiti nung makapasok ako sa loob ng kwarto ko. Mahina pa akong natawa.

I just gave them the taste of their own medicine. If they could decide without my assent, then I could also reverse it in secret.

I took a quick shower and changed my clothes. Nagsalin ako ng alak sa baso bago hinarap ang mga papeles na kailangan kong pag-aralan.

Hindi ako maaaring sumama agad sa pinagtataguan ni Brienne. Naghihinala pa rin sa akin si Lord Reggar. Malamang na nakamanman pa rin siya sa akin. Callum is with her. Alam ko naman na hindi niya pababayaan na makatakas ang babaeng 'yon.

We had a meeting before lunch. Ngunit hindi sumipot si Lord Reggar. Gano'n pa man ay hindi naalintana no'n ang dapat naming pag-usapan.

"I think we need to appoint another Senior to replace Lady Mystique," biglang sabi ni Lord Varnes. "We cannot just leave it vacant for a long time. Lalo na nasa crucial time tayo ngayon."

"I agree," ani Lord Wenson. "But, who?"

"I know one..." I smiled.

"Who?" asked Lord Wenson.

"You will meet him in a week."

Pagkatapos ng meeting, sa halip na bumalik sa kwarto ay kinuha ko ang pana at palaso ko saka sumibat. Pumasok ako sa loob ng gubat. Sunog ang bungad ng kagubatan kaya mas napalayo ako ngayon sa loob.

After reaching the perfect spot to practice my archer skill, I looked around to find an ideal target. There were fruits dangling from the branches, animals who could easily outrun my arrows, and birds flying on the horizon. But nothing was appealing to be my target.

I was on standby until I felt an object soaring in my direction. Mabilis akong nakaiwas kaya tumama ang palaso sa isang puno sa likod ko. Hanggang sa nagsunod-sunod ang mga palaso na bumulusok sa direksyon ko.

I dodged all the arrows while trying to find where they were coming from. Nakahanda ang palaso ko sa kung sakaling mahanap ko ang tumitira sa akin.

"Impressive," Lord Reggar remarked. Isa na lang ang natitirang palaso niya. "But Cardinals don't use arrows as weapons. Are you scared of close combats?"

"Long-range weapons are far more difficult to wield than swords," I said, my gaze drawn to the apple in his fingers. Kumasa ako ng isang palaso at tinira 'yon. Mabilis na naglaho ang mansanas sa kanyang kamay. "As they can be easily dodged."

I started to walk away. Alam kong nakasunod naman siya sa akin.

"Arrows will not be effective in killing a vampire. A sword can slice you into two," I heard him say. "Unless you are not targeting a vampire."

I smirked as I turned to him. "Why do you always think of killing?"

"Weapons are made to kill." Kinasa niya ang natitirang isang palaso saka tinutok sa direksyon ko. He released it, but I stood still. Tumagos sa gilid ng leeg ko ang palaso.

"What is Nightfall Clan meant to you, Lord Reggar?"

"This is my home."

I just stared at him. Tinago na rin niya sa likod ang mga armas.

"What will you do if someone threatens your home?" he questioned back. "What will you do if someone threatens to ruin what you have been building all your life?"

"No one can ruin Nightfall Clan," I made that clear again.

"You can fail, Lord Oscar." Bahagya na siyang gumilid at handa nang umalis. "But I will never fail to protect this clan. Kahit na ako na lang ang matirang nakatayo."

He left me with a much more precise understanding of him. His words only meant one thing— he considers me a threat to his home. This is why I know he will try to get rid of me.

Although I understand where he is coming from, I will never let this clan fall as well. I made a promise to myself. I did it before. I will always do it.

Isang araw na ang lumipas nung maitakas namin si Brienne. Ang usapan namin ni Callum ay babalitaan niya ako mamayang gabi. Habang naghihintay na sumapit ang gabi ay nag-ikot-ikot muna ako.

I stopped from walking when I saw a young man missed hitting the target of his arrow. Lumagpas sa ang kanyang palaso at tumama sa wall. Bumagsak ang kanyang mga balikat. Napansin ko ang mga nakakalat na palaso sa paligid. Mukhang kanina pa siya nagsasanay pero wala pa ring tumatama.

Naglakad ako saka kumuha ng isang palaso. Lumapit ako sa kanya.

"Lord Oscar!" mabilis na yumuko siya sa akin.

"Here. Take it."

He was hesitant to get the arrow from my hand. Ngumiti ako sa kanya kaya tila napanatag siya. Kinuha niya ang palaso.

"Can you try again?" I asked.

"I've been trying. Pero ni isa ay walang tumatama," malungkot niyang sabi. Humigpit ang pagkakahawak niya sa palaso. "This is embarrassing. Nakita mo pa."

"It's fine. Just give it another shot."

Nahihiya man ay ginawa niya ang gusto ko. Pinanuod ko nang maigi kung saan siya nagkakamali at kung bakit wala ni isa ang tumama. Pagkapakawala niya ng palaso ay napansin ko agad kung bakit hindi tumatama sa target ang kanyang mga palaso.

"Try to relax your arms." Pumulot ako ulit ng palaso saka binigay sa kanya. Saka ako umikot sa likod niya. Pagkakasa niya sa palaso ay hinawakan ko ang kamay niya. "Lock the target. Just relax your arms."

Naramdaman kong nanginginig ang kanyang kamay. I tried to hold his hand for it to stay still. Pagka-release niya ng palaso ay tumama ito sa target. Hindi sa man sa pinakagitna, pero tumama.

"W-whoa..." he exclaimed.

"This is what you should do." Hinarap ko siya sa akin. "Mag-practice ka muna sa puno. Huwag mo munang isipin na kailangan mong maitama ang palaso sa gitna. Ang kailangan mo lang isipin ay maitama ito sa puno. After you have let go of the arrow, make sure not to jerk your arms. It's hard at first, but you will master it eventually. You just have to relax. You can do it!"

Napangiti ako nung yumakap siya sa bewang ko. "Thank you, Lord Oscar. I will do it!"

"Good luck, lad." I gave him a tap on the shoulder.

Naengganyo akong bisitahin ang iba pang nag-eensayo para magturo. I suddenly missed my students. Hindi ko namalayan ang oras. Palubog na rin ang araw nung umuwi ako.

Natigilan ako nung may tumakbong dalawang bata sa harapan ko. Sa sobrang tuwa nila sa paglalaro ay tila hindi nila ako napansin. Naririnig ko pa ang pagkagikgik nila.

It was as though a realization struck me. The next generation of Nightfall Clan is in my hands. Nasa akin kung ano ang maaaring mangyari sa kanila. It was such a responsibility, but it somehow made me feel proud.

Nightfall Clan is here to stay. I will make sure of that.

I've already emptied two bottles of alcohol and three pockets of blood, but Callum has yet to make an appearance. Imposibleng makalimutan niyang may usapan kami ngayon.

Maya't maya akong nakatingin sa balkonahe. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas na ako roon para hintayin siya.

It was already 3 in the morning when I looked over and saw him climbing up to where I was standing. Nakangiwi ang kanyang labi nung tumayo sa tabi ko.

"Ang hirap magtago sa mga kawal," aniya.

I nodded. Pumasok ako sa kwarto ko kaya sumunod siya. Nagsalin ako ng alak sa baso at inabot 'yon sa kanya. Naubos na niya ang alak pero wala pa rin siyang nababanggit.

"More?" I asked.

He shook his head as he set the glass on the table. Saka siya bumalik sa kama ko para doon maupo.

"Not in the mood to drink," he said.

"Where is she?"

"She's safe."

Kumunot ang noo ko. "I need a detailed explanation of how safe she is, Callum."

"Maybe you should just go see her yourself?" he shrugged. "I don't know how to explain the situation. Pero pinatulog ko muna siya bago ako umalis."

Mas lalong nangunot ang noo ko. What does he mean by that?

"Pinainom ko siya ng herbal plant na pampatulog—"

"What the hell are you talking about? Kailan ka pa nagkaroon ng kaalaman sa halamang gamot?" Mahigpit na hinawakan ko ang kwelyo ng kanyang damit. "Tell me what really happened. She's not harmed, is she?"

"I'm telling the truth!" Tinulak niya ako saka lumipat sa kabilang bahagi ng kama na hindi ko maaabot. "Bakit ba kasi ayaw mo na lang siyang bisitahin doon?"

I glared at him. Saka ako lumapit sa closer para kumuha ng jacket. Sa labo ng mga sinasabi ni Callum ay mukhang may nangyaring hindi maganda.

"I will come with you," I said, zipping up my jacket.

"Hanggang kailan mo ba siya itatago?"

"Let's go."

Nauna na akong lumabas sa balkonahe. Sinigurado kong walang bantay sa paligid bago tumalon pababa. Sinuot ko ang hood ng jacket habang nakayukong naglalakad.

"We need more food," bulong ni Callum. "Nagrereklamo na 'yung babae dahil puro saging ang pinapakain ko sa kanya."

"We will talk about this later. Shut your mouth for now, and don't be suspicious," I whispered, gritting my teeth in annoyance.

Callum was good at following instructions. Malimit siyang utusan dati ni Brix. Pero madalas ding pumalya dahil kapag naubusan ng paraan ay paraan na niya ang kanyang susundin. Kalimitan sa paraan niya ay nakakasira.

"I hope you didn't mess things up," I mumbled.

"I swear I didn't—"

"You better don't."

He chuckled. "Hindi naman ako nahirapan sa kanya. She is still too frail to make use of all of her potential abilities. Kapag lalabas siya para maglibot sa paligid ay nakabantay ako sa kanya. I am always with her."

"Not right now."

"She's sleeping."

Napailing na lang ako. He used herbal herbs, para patulugin si Brienne habang wala siya. That's actually a wise idea. I would have complimented him on it if I hadn't known that the knowledge of herbs and nature is traditionally considered to be the expertise of witches. If it were not effective, it wouldn't last.

We were already in the depth of the woods. Inalis ko na ang hood

na nakatalukbong sa ulo ko. Kalahating oras pa bago namin parating ang pinagtataguan ni Brienne.

"She's unharmed. I can make sure of that," dinig kong sabi ni Callum. "No need to worry, Lord Oscar."

"Herbal plant?" mapakla akong natawa. "What kind of herbal plant?" Bumaling ako ng tingin sa kanya. "Are you sure it's safe to drink?"

He nodded.

I sighed. I still don't believe him. Kailangan kong makita sa sarili kong mga mata. I have already risked so much just for this plan to fail.

Natigilan ako sa paglalakad. Gano'n din si Callum. Tumingin ako sa kanya. Kumunot ang noo niya at umawang ang mga labi.

"What?" he asked.

My lips parted slightly.

"Malapit na tayo. Ikaw na lang ang humusga—"

Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat saka siya sinandal sa puno. Naramdaman kong uminit ang aking mga mata. Sumilip ang mga pangil ko sa labi. Aktong ilalapit ko na ang labi ko sa kanyang leeg no'ng itulak niya ako.

I screamed in agony as I felt my whole body being electrocuted. Napaluhod ako habang tila nilalamon ng apoy ang aking katawan.

"It's a prank," Brienne smirked at me.

She clenched her fists, and I felt a strong force elevated my body up in the air. Saka ako tumilapon sa malapit na puno. Unang tumama ang dibdib ko bago bumagsak sa lupa.

I tried to fight back, but she was too strong that I couldn't even resist. Tila hawak niya ang katawan ko sa kanyang mga palad.

Hindi pa ako nakakabawi ay umangat na naman ako ere. Sa pagkakataong ito ay pataas ako nang pataas. She flipped my body in the air so I could see her.

Brienne was grinning at me.

"How does that feel, Lord Oscar?" she laughed mockingly.

"So, you lied to me?" I managed to ask.

She shook her head.

"Not really." Tinaas niya pa ako sa ere. "Hindi kita kayang linlangin gamit ang dugo ko. Hindi gaya ng kaibigan mo na mabilis nahulog sa patibong. Wala akong pagpipilian kung hindi gumamit ng dahas para makatulog ka."

Sa isang iglap ay nawala ang enerhiya na nagpapalutang sa akin. Bumulusok ang katawan ko pababa sa lupa. It felt like my body shattered into pieces when I hit the ground. I couldn't move anymore. I couldn't even open my eyes.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Brienne. Hinaplos niya ang mukha ko.

"The role has been reversed," she whispered. "You are my prisoner now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #cardinal