Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8: Escaped

I've been hell-bent on pushing my capabilities just to hold Nightfall Clan's position at the top. Everyone doubted me, but I had proved them all wrong. This time, I wanted to do something for myself.

I just couldn't fathom that to put myself first, I had to trust an enemy. Hindi pa gano'n kalaki ang tiwala ko kay Brienne. But she knew better than to trick me.

I lit up a cigarette as I waited for Callum to come back. Siya kasi ang inatasan kong sumuri sa lugar kung saan ko pansamantalang itatago si Brienne kapag naitakas ko na siya.

Humawak ako sa railing ng balkonahe habang humihithit ng sigarilyo. Bumalik sa utak ko ang usapan namin kahapon ni Lord Reggar. The Seniors came up with a decision without consulting me beforehand. It's ironic how it only became an issue when I did it. Pero kapag sila ay ayos lang.

"The place is not in very good shape right now." Sumulpot sa tabi ko si Callum. "It needs a minor renovation. If you would let me, I can do it tonight. Sigurado naman akong matatapos ko ito bago pumutok ang araw bukas."

I nodded. "Ayokong may makaalam nito. Not even Braun."

Siya naman ang tumango. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Pagkabalik niya ay may hawak na siyang baso ng alak. Tumabi siya sa akin at tumunghay sa malayo.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong niya.

I shrugged as I puffed smoke from my mouth.

"What will happen after? Patatakasin mo siya?" sunod na tanong niya.

"I gave her my words," simple kong tugon.

He sighed. "I hope you are aware that you are risking so much here, Lord Oscar. Hindi palalampasin ng mga Seniors kapag nalaman nilang pinalaya mo ang kalaban."

I'm very much aware of the worst things that can happen. That's why as much as possible, I want to do it quickly and without anyone noticing it. I have a backup plan if ever, but it will be easier if no one knows.

"Napag-isipan mo na ba?" tanong niya pa. "We are dead serious, Lord Oscar. Lalo na ako. If you want another member of the Seniors, I know how to handle a responsibility."

I chuckled. "Don't you find it funny?"

"What?"

"Dati ay magkasama lang tayo sa pagsasanay. Tapos ngayon ay andito na tayo. I am already the leader, and you want to become a Senior."

Napangiti at napailing na lang din siya.

"I'm really glad you came back," I whispered.

"Hindi rin naman ako magtatagal dito," aniya na ikinalingon ko. Sinimot niya ang laman ng baso bago humarap sa akin. "Gusto ko lang malinawan sa mga bagay-bagay kaya bumalik ako. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. You didn't betray me. In fact, you even saved me."

"I saved us," I corrected him.

"I should have left by now," aniya pa. "Pero hindi naman pwedeng iwan na lang kita basta. I can see you struggling. At dahil may pinagsamahan naman tayo, I want to help you. I'm sorry I can't be of more assistance, but please know that I still want to."

I nodded. "I appreciate it."

There was a brief period of silence between us. Dati pa ay malimit nang baggitin ni Callum na wala siyang planong manatili sa lugar na ito buong buhay niya. I'm happy that he's one step ahead of accomplishing it.

"Where are you planning to go after here?" I questioned. Namatay na ang usok sa sigarilyo ko kaya nilagay ko na ito sa ashtray.

He shrugged. "Hindi ko pa alam, eh. Basta sa malayo."

"Hindi ka na ba babalik?" tanong ko pa.

"Hindi ko pa alam. Pero malabo."

"Just so you know that you can leave anytime you want," I reminded him, tapping his shoulders. "Kaya ko naman ang sarili ko. I've been doing this for a decade now."

"I have to go now and collect materials for the renovation later." Pumasok siya sa loob ng kwarto ko para ibalik ang baso. Pagbalik niya sa balkonahe ay umapak na siya sa railing, handa nang tumalon pababa. "If I cannot be a Senior, I can be your right hand."

Napailing na lang ako no'ng tumalon na siya. Mabilis siyang naglaho. Hindi ko matandaan kung kailan ang huling beses na nakita ko siyang gumamit ng pinto.

"Can we trust him?" As usual, Brienne suddenly appeared on my back.

I shrugged. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko saka umupo sa harapan ng table para ipagpatuloy ang pagbabasa.

"Where are you going to take me? Is it safe there? What if they find out?" sunud-sunod ang mga tanong ni Brienne kaya hindi ako maka-focus sa pagbabasa.

That's the safest place I know for hiding. Hindi lang naman ako ang gumamit doon. Marami na ring nauna. Gano'n pa man ay nanatiling sikreto ang lugar na 'yon.

"I don't want to die yet," I heard her whisper. "I know I first told you that I didn't want to be an immortal like vampires. Pero gusto ko pang mabuhay nang matagal."

"Ang isipin mo ay kung paano mo ako matutulungan." Binaba ko sa table ang binabasang libro saka siya hinarap. "The closest you can ever get to death is when you try to trick me again."

"I won't. I'm already sick of this place. And..." She froze for a second, but her gaze never left mine the entire time. "I'm really interested in knowing more about her."

"So, you are hitting two birds with one stone?" I smirked and couldn't help but be amazed at how brilliantly her mind worked. She's been doing tricks after tricks. "By doing me a favor, you will be free, and you will know more about me."

Tumayo ako saka lumapit sa kanya sa kama. Tinukod ko ang dalawa kong braso sa gilid niya. Napaliyad siya nung nilapit ko sa kanya ang aking mukha.

"There's so many ways to defeat me, Brienne," bulong ko saka mas nilapit sa kanya ang mukha ko. I felt her stiffened. "But using my past is not one of them. You will just waste your time."

I smirked and casually got back to my seat. Napansin kong mabilis ang paghinga niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"So..." I cleared my throat. "Do you have any plans?"

"What plan?" suminghap siya saka umayos ng pagkakaupo.

"Hindi kita maaaring itakas na lang basta sa kulungan mo. It's heavily guarded. I think you need to do something about that."

Kapag nalaman nilang nakatakas siya ay malamang na magsasagawa agad sila ng imbestigasyon. Gusto kong labas ako roon. Maaari ko lang siyang itakas kapag nakalabas na siya roon.

"Sa tingin mo ba ay hihingi pa rin ako ng tulong sa 'yo kung kaya ko namang palayain ang sarili ko?" sarkastikong tugon niya.

"I know you can do that, Brienne. Kaya mong makalabas ng kulungan. Ang hindi mo kaya ay lumabas sa lugar na ito." Pinatong ko ang mga siko sa aking hita at pinagsalikop ang aking mga daliri. "Kapag nakalabas ka sa kulungan at natakasan mo ang mga bantay ay ako na ang bahalang maglayo sa 'yo."

Her facial expression shifted to infuriated. "Why are you making it look like I need you more than you need me? May I just remind you that I am your only way to talk to Celeste?"

"Not really." I chuckled, leaning my back in my chair. "I just had to confirm that a witch can perform such witchcraft. I can get another witch if I want."

Napatayo siya saka sinamaan ako ng tingin. She looked like she was about to summon a fireball out of thin air and burn me into ashes. Minsan na akong nakasaksi ng gano'n. It was disastrous but incredible.

"Tomorrow, at midnight. Aabangan kita sa labas ng selda. Ako ang bahalang maglayo sa 'yo," sabi ko saka na muling hinawakan ang librong binabasa kanina. "Do something to escape the guards surrounding you."

Hindi ko na siya narinig nagsalita pa. Paglingon ko sa kama ay wala na pala siya. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa.

Sa sumunod na araw ay isang malaking balita ang pumutok. Ang tumiwalag na myembro ng mga Senior na si Lady Mystique ay kaalyado na ng Caligo Clan. Mabilis na nagpatawag ng pagpupulong si Lord Wenson.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko..." bulong ni Lord Reggar. Nakakuyom ang mga kamao niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "The only way to win against us is to weaken our force. They are starting."

"We shouldn't take this lightly," said Lord Varnes.

"Lady Mystique is a tremendous loss for us. She had a lot of followers. Lahat ng 'yon ay tumiwalag sa atin para sumama sa kanya," saad naman ni Lord Wenson. "I've already seen this tactic before."

"Kapag napabagsak na nila ang pwersa natin, mas magiging madali ang paglusob nila sa atin." Madiin na napapikit si Lord Varnes. "We could lose the war, milords. We could lose Nightfall."

"We will not lose anything," I made that clear.

"Of course, we will not." Tumayo si Lord Reggar habang nakatingin sa akin. "This is the start of the real war. We will send the message tonight."

Naunang lumabas ng silid si Lord Reggar. Sumunod ay si Lord Varnes. Kaming dalawa ni Lord Wenson ang natira sa loob.

"I heard that the Senior came up with a mutual decision to behead our captive prisoner without telling the supreme leader," I said, pouring myself some wine. "I wonder what made you agree, Lord Wenson."

"We should seize every chance we get. Hindi natin dapat maliitin ang kalaban dahil lang mas malakas tayo ngayon," tugon naman niya. "Kapag pinalaya natin ang manggagamot ay babalik ito sa Caligo Clan. Magagamit nila siya labas sa 'tin."

"That's not the point of my statement," I sipped on my drink without breaking eye contact with him. I think I made him uneasy because he looked away. "How is it that the Seniors can make a decision about something without first discussing it with me?"

Naubos ko ang laman ng alak nang hindi nakasasagot si Lord Wenson. Kahit naman wala siyang sabihin ay alam ko ang dahilan. I just wanted to say how hypocrital they could be.

"It's hurting me," I whispered.

It's not like really hurting me personally. However, it was a blow to my pride as their leader. Habang tumatagal ay pawala nang pawala ang respeto nila sa akin.

"I apologize if we hurt your feelings." He turned his attention to me. The look on his face didn't match the mood of his statement. "It's just we always struggle to agree with certain things. We had to come up with a quick solution."

"Quick solution, huh?" I snickered. "You are not stupid enough to realize that hurting the witch can only add fuel to the fire. Gusto mo bang maulit ang nangyari dati?"

"That witch decided to betray her elders when she joined a group of vampires!" His booming voice towered over me. "Aren't you aware of that, milord? The elderly witches forbid their kind to have contact with other entities— especially with vampires. She had already turned her back on them!"

Tumayo si Lord Wenson at kinuha ang bote ng alak. Pinagsalin niya ako ng alak sa baso saka tinapik ang aking balikat.

"Whether we kill that witch or not, she will eventually lose her ability. Have you already forgotten about what happened to your mother?"

Sumunod na umalis si Lord Wenson, pero umiikot pa rin sa isipan ko ang mga sinabi niya. Just like what happened to my mother?

If so, why would Brienne risk herself just to help a group of vampires? Ano ang ginawa nila sa kanya para itaya maging ang buhay niya?

Mas napaaga ang paghahanda namin sa pagtakas kay Brienne. Hindi na siya aabot ng hating-gabi kaya kailangan na naming kumilos ngayon din. I was worried that she might not make it.

"Shit," I muttered under my breath as I anxiously stared at the guards stationed all around the area where she was locked up. Wala pa ring nangyayari sa loob. "What's taking her so long?"

"Pasukin ko na ba?" tanong sa akin ni Callum.

"No." Umiling ako. "Maghintay pa rin tayo."

"Magtatakip-silim na," bakas na rin ang pangamba sa boses ni Callum. "Kung hindi pa rin siya makalabas ay baka maunahan na nila tayo."

No. I know she can do it.

We cannot do anything but wait at this moment. Isang maling galaw lang namin ay mabubulilyaso ang aming plano. We have to stick with our plans.

"Papasukin ko na kapag wala pa ring nangyari sa loob ng isang minuto," bulong ni Callum. "Baka masyado pa rin siyang mahina para magamit ang kakayahan niya. We need to help her."

Nanatili kaming nakatago sa malayo at nakamasid. Hanggang sa bigla na lang tumumba lahat ng kawal na nakabantay. Tila nakatulog ang mga ito. Saka lumabas doon si Brienne na palinga-lingan sa paligid.

"Here!" I waved my hand.

Nung mapansin kami ni Brienne aya agad siyang tumakbo palapit sa amin. She looked so terrified when she approached us. Napansin ko pang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Come with Callum. Siya ang maghahatid sa 'yo sa pagtataguan," sambit ko sa kanya.

"A-akala ko ay ikaw ang magtatakas sa akin?"

"I cannot do that, Brienne. Kapag nalaman nilang nawawala ka ay agad nila akong hahanapin. Magiging kahinahinala kapag hindi nila ako nakita."

Napansin kong nanginginig ang kanyang mga kamay. Gusto ko man siyang pakalmahin muna ay kailangan na nilang tumakas.

"I will be the look out." Saka ako bumaling kay Callum. "Ikaw na ang bahala sa kanya. Bilisan niyong tumakas. Sige na."

Bago pa man sila makatakbo ay hinawakan ni Brienne ang aking braso. Saka siya ngumiti at sinabi ang mga katagang, "Salamat, Oscar."

Tumango lang ako.

I watched them runaway. Nong masigurong malayo na sila ay bumalik ako sa aking silid. Huminga ako nang malalim bago hinawakan ang libro at nagbasa.

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pagkabaling ko ay nakatayo roon si Lord Wenson.

"We have a problem," he said.

"What?"

"Nakatakas ang bihag natin."

I tried hard not to smirk.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #cardinal