Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Quatro: "Kape"

Chapter Quatro:  "Kape"

HIM

"Masarap nga ang kape nila rito," I told her as I took a sip on my cup of brewed coffee. "At maganda rin ang view."

Nakita kong napangiti siya at napatingin sa glass window, "I told you. Ang sarap sarap kaya mag senti rito. Dito ako tumatakbo kapag nag aaway kaming dalawa."

Umayos ako ng upo and I attentively listen to what she's about to say. Napalingon naman siya sa akin at natawa.

"Attentive na attentive ha? Excited makarinig ng chismis?"

"So, bakit kayo nag break?" diretsahan kong tanong

"Ay kalmahan natin ang questions kuya," sabi niya. "Ni hindi mo pa nga tinatanong kung anong pangalan ko?"

Natawa ako sa sinabi niya. Ilang oras na kami magkasama. Nakarating na nga kami sa Baguio. Pero hindi pa rin namin alam ang pangalan ng isa't-isa.

"Okay miss. May I know your name?" tanong ko sa kanya.

"I'm—" natigilan siya. Natawa. Napailing. "Mas okay nga siguro kung sabihin ko sa'yo ang name ko after ko mag open-up. Alam mo na, pag nag sabihan na tayo ng pangalan ibig sabihin magkakilala na tayo. It's easier to open up to a stranger."

Uminom ulit ako ng kape then I smiled at her, "point taken. So bakit kayo nag break?"

Napatawa ulit siya pero biglang tingin sa labas ng bintana. Napahinga nang malalim. She sip her coffee at huminga siya nang malalim.

"Ang hirap palang sagutin kapag confuse din ako sa dahilan kung bakit?" sabi niya.

"Okay how did it start?" I asked. "Paano niya sinabi na nakikipag break siya? Nag away ba kayo?"

Tumango siya, "sa totoo lang ang liit lang naman ng pinag-awayan namin nung gabing yun. Something good happened to me that day. May nagpapagawa ng wedding cake sa akin—big client. Celebrity couple. I was so excited to tell him that. He called. Sinabi ko. Pero alam mo yun? Dinig ko sa boses niya na he's not interested. Prangka akong tao, I can't let it go. Syempre nag tampo ako. Sabi ko, ang excited kong sabihin sa kanya tapos hindi naman siya interesado. Parang wala siyang paki. Sabi niya pagod siya. But still! Is he not happy for me? Nagkasagutan kami sa phone. Napapansin ko na rin kasi na ilang araw na parang hindi siya interesado sa mga sinasabi ko. Hanggang sa naguungkatan na kami ng kasalanan ng isa't isa. Tapos sinabi niya sa akin, pagod na siya. Sinabi ko ako rin naman, pagod na. Ang dami kong ginawa ng araw na yun. Ang dami kong orders na inasikaso. Pero diniin niya. Pagod. Na. Siya. Ibang pagod na pala yung nararamdaman niya."

She heaves a sigh then she drinks her coffee again.

"He ask for a break. I gave that to him. Akala ko isa o dalawang araw lang okay na. Ganun naman kami pag nag aaway, eh. Hihinga lang saglit after nun okay na. Pero lumipas ang isang araw, ang dalawa, hanggang sa naging isang linggo, hanggang sa hindi na siya bumalik. At naisip ko, wow, ganun lang pala kadali itapon ang limang taon."

Napahinga ulit siya nang malalim at napatingin sa glass window. I know she's trying her best not to cry. Kanina sabi niya, ako ang unang nakaalam na break na sila. So this is the first time she's talking about it.

"Hindi ka ba niya tinry kausapin?" I asked. "Bigla na lang hindi nagparamdam?"

"Kinausap niya ako. Ang gulo gulo nga niya, eh. Nung una, sabi niya gusto niya ng time mag isip. Binigyan ko siya ng ilang araw. Sunod nun hiniling niya sa akin, cool off muna kami. Pero nababanas na ako. Sabi ko, tangina ano ba talagang nangyayari sa'tin? Ano bang problema? Dahil lang sa simpleng phone call na yun, nakikipag cool off na siya sa akin? Hindi ko maintindihan ano ang problema. Tinanong ko siya, meron bang iba? Sabi niya wala. At alam ko nag sasabi siya ng totoo kasi kilala ko siya. Hindi siya magaling mag sinungaling.

Pero kung walang iba, ano yung nangyayari sa aming dalawa? Bakit siya umalis? Ako ba yung problema?"

Dito na tumulo yung luha niya. Tahimik na iyak. Tuloy tuloy ang pag bagsak ng luha.

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang siyang ilabas lahat.

"After two weeks bumalik siya. Siguro naawa sa akin. Sabi niya try ulit namin i-work out. Pero alam mo kung ano yung gago? Ramdam na ramdam ko na napipilitan lang siya. After three days nag breakdown siya sa harap ko. Sorry nang sorry. Nakikipag break na. Hindi na lang basta cool-off no? Break na talaga ang hinihingi niya sa'kin. Sabi niya ang tagal niyang nilabanan yung nararamdaman niya, pero hindi na niya kinaya. Ang tagal niyang inilaban ang relasyon namin pero napagod na siya. Sabi niya na fell out of love siya sa akin. Gusto niya mag-isa kasi hindi siya okay ngayon. Hindi ako nakapagsalita. Ni walang tumulong luha sa akin. Okay lang ang nasagot ko. Pero alam mo? Para akong nakalutang sa ere nun. Hindi ko na alam ang nangyayari. Parang biglang ang bilis ng pag-ikot ng mundo ko tapos hindi ako makasabay. Alam mo yung pakiramdam na yung taong nakasama mo ng limang taon, yung taong akala mo makakasama mo hanggang dulo—biglang sasabihin sa'yo na biitaw na siya? Ang sakit. Parang all of a sudden yung binubuo kong future kasama siya biglang gumuho."

Napatingala siya at tumawa habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha.

"Ang confusing pa kasi nakipaghiwalay siya pero maya't maya naman nag tetext sa akin? Tinatanong kung kumusta ako? Parang gago. Ano sasabihin ko? Okay lang ako? Para ano? Matahimik ang konsensya niya? Asa siya."

Napailing siya at pinunasan niya ang luha niya.

"Nakakainis nga, pag nag o-online ako, bigla akong makakakita ng kaliwa't kanan na mga hugot lines na pinopost ng mga pukinginang mga pa-famous na FB page na yan. Ginagawang pamparaming likes at followers yung pagiging brokenhearted ng mga tao. Tapos alam mo kung ano yung weird? Doon sa mga comments, tinatag ng mga tao yung mga friends nila na sawi. Tapos nag tatawanan sila. Napapaisip nga ako eh, buti nagagawa pa nilang katatawanan yun 'no? I mean, paano? Eh sobrang sakit ni hindi ko magawang makangiti."

Napayuko ulit siya ipinatong ang mukha sa dalawa niyang kamay.

"Bakit kasi ganun?!" sabi niya at inangat niya ang tingin niya sa akin. Nag tama ang mga mata namin. "Bakit kasi ang dali niyong nangiiwan? Ganun ba kami kadaling itapon?"

I can feel my heart breaking into million pieces because that's exactly what Issa asked me.

Huminga ako nang malalim and I took a sip of coffee. It was delicious yet I can taste the bitterness.

"Hindi ganun kadali yun," I told her. "Hindi rin ganun kadali sa amin yun."

Umayos siya ng upo at tinignan ako ng seryoso.

"So bakit mo siya iniwan?" tanong niya. "Anong dahilan mo?"

"Napagod din ako."

HER

"Napagod din ako."

Tiningnan ko siya. Inintay ko ang sunod niyang sasabihin. Napagod? Sapat na dahilan na ba yun para itapon ang lahat ng pinagsamahan niyo?

Uminom siya ng kape. Napatingin sa labas ng bintana, then sa kisame, then sa sahig, then sa kape ulit.

"We've also been together for five years. You know the three, five and seven year curse? I guess its true. Doon sa mga taon na yun usually nag f-fall apart ang relationship."

"So ginagawa niyong excuse para bumitaw?" I asked bitterly.

Umiling siya, "I can't speak for everybody but for me, I'm not making it as an excuse. I'm just saying..." huminga siya nang malalim. "Yung 80/20 theory alam mo?"

"80/20?" tanong ko.

"They say na in a relationship, you can only get 80% of what you need to the person you're with. The remaining 20% you need to provide for yourself. All this time, I thought I'm getting 80%. Mahal ko eh. At limang taon din yun. Then nagising ako isang araw sa realization na baliktad pala. 20% percent lang ang nakukuha ko. Yung 80%? Ako ang nag p-provide lahat para sa aming dalawa."

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko naman eh, na pag mahal mo ang isang tao, mag-aadjust ka para sa kanya, uunawain mo siya, magpapakumbaba, ibibigay mo ang lahat, aalagaan mo. Pero nakakapagod kasi parang ako na lang lagi ang gumagawa nun? Mahal ko siya pero napapagod na ako pag nag aaway kami na kahit anong mangyari, ako pa rin ang mali. Mahal ko siya pero napagod na akong palaging ako ang uunawa, ang susuyo, ang mag so-sorry. Mahal ko siya pero napagod na ako na siya palagi ang nasusunod. Mahal ko siya pero nakakapagod na palagi ko siyang sinusuportahan sa mga gusto niyang gawin pero never niya akong sinuportahan. Mahal ko siya pero pagod na ako."

Napahinto siya sa pagsasalita.

"Para akong nasasakal. Nakalimutan ko na yung mga bagay na gusto ko kasi palaging yung mga gusto niya ang ginagawa namin. Laging siya. Siya ang inuuna ko bago ang sarili ko. Kung anong hilingin niya binibigay ko kahit na hindi niya maibigay sa akin yung mga simpleng hinihiling ko. Kahit siya ang mali, ako ang nag so-sorry. Walang wala na akong pride.

At ngayon, sa limang taon, ngayon ko lang pinili ang sarili ko pero bakit ganito? Bakit parang ang sama sama namin na tao para piliin ang sarili namin? Masama bang mapagod? Tingin niyo ba madali rin sa amin 'to? Araw araw iniisip ko, tama ba ako ng desisyon? Mahina ba ako kasi sumuko na ako? Dahil hindi ko na kayanan lumaban? Pero kasi ang hirap pag pakiramdam mo ikaw na lang mag-isa ang lumalaban, eh. Dalawa naman kami dapat dito, eh. Alam ko nasasaktan ko siya ngayon. Pero bago naman mangyari lahat nang 'to nasasaktan din naman niya ako. But still, by the end of the day, sa isang istorya, ang mga taong nangiwan ang gago, 'di ba? Ganun naman palagi."

Hindi ako makapag salita. I'm lost for words. Lahat ng sinasabi niya, parang patalim na sumasaksak sa puso ko.

Eto rin ba ang nararamdaman ni Chard sa'kin?

"Naalala ko yung tanong ng best friend ni Issa sa akin. 'May iba na ba?' Gusto kong mag mura. Bakit hindi nila naiintindihan? Mas madali bang tanggapin na magkaroon ako ng third party kesa sa dahilan na kailangan kong piliin ang sarili ko? Bakit ganun? For the past five years, siya lang ang nag iisang babae sa buhay ko. Hanggang ngayon siya pa rin. Pero anong mahirap intindihin na kailangan ko munang mag isa kasi hindi ko na kilala ang sarili ko?"

Muling bumagsak ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi mo ba magagawang kilalanin ang sarili mo habang kasama siya? Paano kung nag promise na siya sa'yo na she'll do better?" I asked.

"May mga bagay kasi na kailangan nating gawin mag-isa, eh," he answered. "Isa ito sa mga bagay na yun."

"Pero hindi ka ba natatakot na baka pagsisihan mo 'to?"

Napapikit siya, "God knows araw araw akong natatakot na nagkakamali ako ng desisyon. Na baka isang araw ma-realize ko, mahal ko talaga siya at ready na akong mag take ulit ng risk sa kanya pero may iba na siya. Pero alam kong I really need to do this. Hindi ako pwedeng bumalik sa kanya dahil naawa lang ako. You know very well kung gaano kasakit yun, 'di ba?"

Hindi ako umimik. Yes I know kung gaano kasakit yun.

"But you know what," he said. "Alam kong wala akong pinagsisisihan ni katiting na bagay sa relationship namin dahil alam ko, binigay ko sa kanya lahat. Alam ko, pinasaya ko siya. Hanggang sa huli, minahal ko siya ng tama."

Napalingon ako sa kanya. I saw him getting teary eyed but I know he's trying his best not to cry in front of me.

"Pero sa ngayon, ako muna. Sarili ko muna. Bahala na ang iba kung ano ang isipin nila sa akin. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko munang mabuo bago ako magmahal ulit."

And with that, bigla na lang ulit akong napahagulgol nang iyak. It felt like it was Chard who's talking to me.

"Bakit ganun?" I asked in between tears. "Habang binubuo niyo ang sarili niyo sinisira niyo naman kami. Ang unfair naman."

Natahimik siya. There's a sadness in his eyes. Nakita ko siyang napatingala and I know, any minute, babagsak na rin ang luha sa mata niya.

He pressed his fingers on his eyes to prevent himself from crying.

"Pero," he said, almost whisper. "Pero isa kayo sa dahilan kung bakit kami nasira."

Natigilan ako. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko as the realization hits me.

No, actually alam ko na naman 'to eh but I tried to mask it all with bitterness.

"Busy ako," I told him habang humahagulgol ng iyak. "Lagi akong walang time sa kanya. Sineset aside ko siya. Hindi ko siya pinipili araw araw. Kasi sa isip ko, hindi naman siya aalis eh. Busy ako, and I neglected him. Hindi ko siya minahal ng tama."

Mas napahagulgol ako nang iyak. I've never cried this hard before. Yung tipong parang hindi na nauubos ang luha sa mga mata ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko to comfort me but that gesture makes me cry more.

"Nanghihingi ako ng second chance," I continued. "I'll do better this time, I told him. Pero hindi na niya maibigay. Ang sakit sakit. Araw araw natatakot ako na baka hindi na siya babalik. Araw araw natatakot ako na baka mag move on na siya tapos makahanap na siya ng iba, yung taong bibigyan siya ng time, yung taong papahalagahan siya. Natatakot ako na baka wala nang chance para mag mahal ako ulit tapos hindi ko na matatama lahat ng mistakes ko at habang buhay na akong mabubuhay sa regrets."

"Gusto kong mag sorry sa kanya," I heard him whispered. "Sorry kung di ko na nakayanan lumaban. Sorry kung bumitaw na ako. Kasalanan ko rin naman kasi hinayaan kong maging ganito tayo. Sa dati pa lang nagsalita na ako. Naging totoo na ako sa nararamdaman ko para naayos pa natin."

"Ako rin," I said. "Sorry I took you for granted. Sorry kung ikaw lang ang palaging nag bibigay. Kung inintindi ko lang sana ang sitwasyon mo, hindi sana nangyari 'to."

Nagkatinginan kaming dalawa. Pareho kaming napatawa. Binitiwan niya ang kamay ko at agad ko naman pinunasan ang luha ko.

"Para tayong sira," sabi ko. "Dapat sinasabi natin 'to sa mga ex natin."

Napatango siya, "I realize too. Baka kaya siya ganun kasi hindi ko naipaliwanag ng maayos sa kanya 'tong struggle ko."

"Tinetext mo pa ba?" tanong ko.

Tumango siya, "lagi ko naman siya kinukumusta."

"Eh gago ka pala, eh. Nakipag break ka tapos kukumustahin mo."

"Syempre hindi mo naman maalis yung mag-alala ako. Nakipaghiwalay ako but it doesn't mean nawala na ang concern ko sa kanya."

"Pero nakaka confuse sa amin yun! If you want time for yourself, bigyan mo rin siya ng time para sa kanya. Para makapag isip siya. Messaging her can lead to more confusion in her part."

Napatigil siya at napa buntong hininga, "now I understand. Maybe I should talk to her to explain things tapos hindi ko na siya itetext after nun."

Napangiti ako and I pat his hand, "it'll help. Mas ma-le-lessen ang drunk calls pag ganun."

Napatawa siya nang bahagya, "how did you know na nag d-drunk call siya---"

Pinanliitan ko siya nang mata.

"Oh, so nag drunk call ka rin sa ex mo," sabi niya.

"Hindi niyo maalis sa amin yun! Masakit eh!"

Napatawa ulit siya, "I know. I'm sorry. Also, sabihin mo sa ex mo, hindi talaga dapat siya bumalik sa'yo kung hindi naman siya sigurado. Tapos biglang babawiin? Mali niya yun."

"Awayin ko ba?" tanong ko. "Chos lang."

Pinunasan ko yung luha ko, "grabe! Ngayon lang ako nakaiyak nang sobra ha? Hindi talaga ako nagkamali ng taong hinatak pa Baguio."

He smiled at me, "no. Thank you for bringing me here... and for listening."

"Tsaka ka na mag thank you pag nakagala na tayo. Night market pa lang ang napupuntahan mo oh?"

"Ipapasyal mo 'ko bukas gamit ang puting van?" pagbibiro niya.

"Naman! Kakain tayong strawberry taho."

He smiled, "I like that."

Napatingin ako sa kanya habang inuubos niya ang kape niya.

"Hey.."

"Hmm?" lumingon siya sa akin.

"You've been brave," I told him. "It's not easy to admit na may mali sa atin, na naliligaw na tayo. I salute you kasi na-admit mo siya sa ex mo at nag take ka ng step forward para maging okay ka. It's not wrong to choose yourself. You deserve to be better."

"You deserve to be better too," he said. "Use this opportunity to heal yourself. Alam ko mahirap, but I know you'll get pass through it."

Napayuko siya at ipinako niya ang tingin niya sa empty cup of coffee na nasa harapan niya, "do you think... do you think if I talk to her and explain myself again, maiintindihan na kaya niya?"

Napangiti ako, "naintindihan ko nga, eh, siya pa kaya? Mahal ka nun."

His eyes lit up and he smiled back at me.

~*~

That night, when I went to my room, I received a text message from Chard.

"Tita told me you went to Baguio. Sabi niya biglaan daw? Are you okay? Stupid question. I know you're not okay. I'm sorry. I'm really sorry. Please keep safe. Please. Alam kong hindi ka magrereply sa akin, but I'm really worried. Please tell me you're safe."

Bahagya akong napangiti. For the first time after namin mag break, ngayon lang naging magaan ang pakiramdam ko kada nag t-text siya.

I still hate him dahil binalikan niya ako nang di pa siya sigurado tapos iniwan niya ulit ako. But somehow, naiintindihan ko na.

Baka nga confuse siya. Baka nga iniisip din niya kung nagkakamali siya ng desisyon. Baka nga nandoon pa rin yung fear na mawala ako sa kanya.

Maybe it wouldn't hurt kung rereplyan ko siya.

"Kung tinatanong mo kung suicidal ako, wag kang mag alala, hindi. Okay lang ako dito. Nagpapahangin lang."

"Also...you deserve to be okay. Wag mo akong alalahanin."

"Thank you. Sobrang thank you. Promise, aayusin ko ang sarili ko."

"Take your time."


To be continued...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #alyloony