Chapter Dos: "Chocolate Cake"
CHAPTER DOS: "Chocolate Cake"
HER
Hindi ako iyakin.
Minsan akala ng mga ta bato ako. Naalala ko nung nanuod ako kasama ang mga pinsan ko ng movie na kabilang sa Top 20 Most Tear-jerker Films of All Time. Dinig na dinig sa sinehan ang hikbi ng mga tao.
I didn't even shed a single tear.
Nalungkot ako syempre. Hindi pa rin naman ako bato. But still, not enough to make me cry.
Naalala ko nung nag break kami. Hindi rin ako umiyak noon.
"Five years. We've been together for five years. At nilaban ko yun. God knows nilaban ko yun. Pero hindi ko na nakayanan ang pagod. I'm really, really sorry but I think I fell out of love with you."
Natahimik ako nun. Sa paningin niya, my face is blank. Expressionless. Pero sa loob loob ko, my heart is breaking into pieces.
Right then and there, hiniling ko na sana umiyak na lang ako para hindi naiipon ang sakit. Sana inilabas ko na lang lahat sa kanya. Sana nag salita ako.
But I just stood there. Huminga ako nang malalim at isang salita lang ang binitiwan ko.
"Okay."
He stared at me. Alam ko marami siyang gustong sabihin pero hindi niya masabi. Nakita ko ang pain sa mga mata niya. I can feel his heart breaking into pieces too.. Gusto kong magalit. Bakit parang siya ang nasasaktan? 'Di ba siya ang nakikipag break? Eto nga o binibigay ko na sa kanya pero bakit parang siya ang broken na broken diyan?
Kung titignan kami ng ibang tao, ang iisipin nila ako ang nanakit, ako ang mangiiwan, ako ang nakikipag hiwalay.
Ang unfair.
Isang buwan simula nang mag break kami, business as usual pa rin ang buhay ko. Sinubukan kong dedmahin yung pain pero mahirap. Eventually, pinagbigyan ko na rin ang sarili kong umiyak.
At ngayon mukhang nasasanay na ako ha?
Tuloy tuloy ang luha sa mga mata ko. Hagugol levels. Siguro ang lakas ng iyak ko. Siguro pinag titinginan ako ng mga tao ngayon. Baka iniisip nila pinaiyak ako ni Kuya Pogi na nasa harap ko. Or nakaupo pa ba siya tapat ko? Baka umalis na. Baka iniwan na sa akin yung jacket. Hindi ko alam. Nahihiya ako i-angat ang ulo ko. Sobrang magang maga na siguro ang mata ko sa tindi ng pagiyak ko. Gaano na ba ako katagal umiiyak? Wala pa naman sigurong fifteen minutes 'no? Hindi pa nag-a-alarm ang phone ko.
Shit.
Nakalimutan ko mag alarm!
Napabangon ako bigla at napatingin sa oras sa phone ko. I've been crying for more than thirty minutes now.
Shit! Meron akong meeting ngayon sa big client!
"Ma-l-late na ako!" natataranta kong sabi.
Agad kong inilabas ang make up kit ko para mag retouch.
"Shocks magang maga ang mata ko. Ano ba yan. Bakla ka talaga ng taon. Binonggahan masyado ang pag iyak! Imbyernaaaa!"
"Miss.. okay ka lang?" dinig kong tanong ni Kuya Pogi sa tapat ko.
So nandito pa rin pala siya.
Hindi ko na siya nakuhang sagutin dahil sa sobrang taranta ko. Inabot ko na lang sa kanya yung jacket.
"Salamat!" sabi ko at agad kong kinuha ang mga gamit ko at dali dali akong umalis.
Natapos ko ang pag-re-retouch habang nasa loob ako ng Grab.
Nakarating ako sa meeting place five minutes bago mag start.
Late ang dalawang clients. Oh well, parehong artista, eh. Inisip ko na lang, sila ang magiging daan para mas makakuha ako ng maraming customers.
Biruin, one of the biggest showbiz couple in the century ako ang gagawa ng wedding cake? This is a big break for me.
Wala man jowa at least malago ang career.
Dumating yung road manager nung couple after one hour and forty five minutes para sabihin sa akin na hindi makakarating ang dalawa at siya na lang ang makikipag usap sa akin.
Tatlong minuto lang ang itinagal ng meeting.
Ibinalita lang sa akin na hindi na matutuloy ang kasal dahil nag break ang dalawa.
Ang galing.
Break up season ba ngayon? Pati negosyo ko nadadamay.
HIM
Am I being punished? Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko 'yan.
Yung babae... mukhang nakasanayan na niya ang pag iyak sa harapan ko.
The next day, nagulat ako nang umupo siya sa tapat ko. Well, hindi pa kasi tapos ang buy-one-get-one promo ng coffee shop na 'to at puno pa rin ang second floor. I managed to get a table buti na lang at pumunta ako ng maaga. Nagulat ako nang pumunta ulit siya dito knowing na maraming tao. Mukhang wala siyang ibang lugar na naiiyakan ah?
Without a word, ipinatong niya ang ulo niya sa table and she started to cry. I don't know if I should comfort her or not. Pero siguro tama nga na hayaan ko lang siyang umiyak.
Nang matapos siyang umiyak, umalis na rin siya agad.
Ganun din ang ginawa niya nung sumunod pang araw. Makiki-table sa akin. Hindi ako kakausapin. Aalis.
The following day, inexpect ko nang tatabi pa rin siya sa akin. And she did. Pero bago siya umalis, nag salita na siya.
"Salamat sa pagpapa share ng table at hindi panghuhusga," she barely whispered before leaving.
Araw araw na torture na makita siyang umiiyak.
Katunog niya kasi ang iyak ni Issa. And for some reason, it pierces my heart.
May mga gabing tumatawag pa rin sa akin si Issa. Umiiyak. Nagagalit. Sinasabihan ako na sana pinatay ko na lang siya. Sinusumbatan ako na limang taon ng buhay niya ang inaksaya ko. Kinukuwestyon ako na kung bakit hindi ako lumaban.
At tahimik lang ako. Hinahayaan ko lang siya kasi alam kong nasasaktan siya.
Kahit gusto kong sapakin ang sarili ko kasi eto na naman ako. In the end, siya pa rin ang iniintindi ko. In the end siya pa rin ang inaalala ko.
Kelan ba ako? Kelan ba darating na ako naman yung iintindihin? Yung uunawain?
Lumaban ako. Limang taon yun. Lumaban ako. Hinayaan ko lahat. Lagi ako ang nag a-adjust, umiintindi, umuunawa, nag aalaga, nag aalala, sumasalo ng lahat.
Five years. Lumaban ako kasi mahal ko siya. Pero tao rin naman ako at napapagod din.
For the first time in five years, pinili ko ang sarili ko.
Pero in the end, ako pa rin ang masamang tao.
Ganun ba yun? Ganoon na ba kasama ang taong pinipili ang sarili niya?
Ganun nga talaga. Kahit anong sabihin mo, kung ikaw ang nang iwan, sa mata ng iba, ikaw pa rin ang gago.
Akala kasi nila ganun kadali lang lahat. Akala nila hindi masakit sa amin 'to.
Naalala ko yung sinabi ng kaibigan ko, kung naliligaw ako, bakit nakipag break ako? Bakit hindi cool-off na lang muna hanggang sa mahanap ko ulit ang sarili ko?
But that's the thing. Cool-off is a gray area. Parang kayo pero hindi? Break pero committed pa rin?
In short, may isang maiiwan sa ere na mag intay sa isang taong walang kasiguraduhan kung babalik. And you cannot move on kasi basically you're still committed.
Alam ko sa sarili ko ngayon na hindi ako sigurado kung babalik ako sa kanya. Bakit ko gagawin na iwan siya sa ere?
Wala na nga akong puso sa pag iwan sa kanya. Even so if I left her hanging.
Pero kung may isang bagay man ang magandang nangyari sa akin ngayon, I started creating art again.
Totoo nga na sometimes, inspiration show itself in the most unlikely place. In my case, it's a person. Yung babaeng laging umiiyak dito sa coffee shop.
While watching her cry in front of me, I already saw an image of what I wanted to draw.
A girl in a hoodie, in the middle of an ocean. She's drowning with sadness yet her tears sparkles like a star.
I'm gonna call this art "Drowning Star"
I started doing digital art of my idea the moment she left hanggang sa magsara ang coffee shop. Naka tatlong order din ako ng kape ng araw na yun pero natapos ko yung art. I don't know what to do with it but I feel accomplished.
Maybe this is the start. Maybe through this, I'll start healing myself.
The next day, dumating ako sa coffee shop na latang lata. I need my coffee and something sweet.
"Having your usual sir?" tanong nung barista sa akin.
"Yep. And one slice of classic chocolate cake please..."
"Cancel the classic chocolate cake."
Napalingon ako doon sa nagsalita at nakita ko si Drowning Star na nasa likod ko. Well, hindi siya umiiyak ngayon.
"Excuse me?" tanong ko.
"Dadaan ka?" tanong niya.
Napa-kunot noo ko, "what?"
"Nag excuse me ka. Akala ko dadaan ka."
Mas lalong napakunot ang noo ko.
This girl---the inspiration to the art I draw yesterday---is hella weird and sarcastic.
"What I mean is, bakit mo pinapa-cancel ang cake na order ko?" medyo inis kong sabi.
"Basta!" humarap siya sa barista. "Miss, cancel the cake."
"O-okay po."
Wow. At siya sinunod nung barista.
I was about to say something pero humirit pa siya, "wag ka na mag reklamo. You'll gonna thank me later."
Gusto ko pa sanang mainis pero nangibabaw na curious ako sa pinaplano niya kaya hinayaan ko na lang.
I waited for my coffee. Nakita ko naman siyang umorder ng kape. After that, tumayo siya sa tabi ko sa may handoff area.
"Tahimik na ulit ngayon dito," sabi niya.
"Yeah... tapos na kasi ang buy one get one drink."
Napailing na lang siya, "mga Pinoy talaga ang hilig sa libre at mga discounts."
I just shrug.
Inilapag na nung barista sa tray yung mug ng coffee na order ko.
"Wait mo na 'ko. Sabay na tayo umakyat," sabi niya sa akin.
So I waited for her. Nung makuha niya ang kape niya, umakyat na kami sa second floor ng café.
I was about to occupy the table against the wall—my usual spot—pero dire-diretso siya naglakad sa table sa may tabi ng bintana. Napahinto ako and I'm not sure if I'm supposed to sit with her? I mean, yes, may ilang araw na nag share kami ng table pero ngayon na wala na ulit halos tao dito, dapat bang mag share ulit kami?
Nilingon niya ako and she raises her eyebrow at me. "Ba't ka nakatayo diyan? Ayaw mo umupo? Nagpapatangkad ka ba?"
Forget Drowning Star. From now on, I'm going to call her Miss Sarcastic.
Naglakad ako papalapit kay Miss Sarcastic then I occupy the seat in front of her.
"So..?" I asked.
"So what?" she asked.
I'm speechless. Natawa naman siya.
"Oh! Yung about sa chocolate cake? Wait," sabi niya at may inilabas siya sa paperbag na dala niya. "Yung chocolate cake nila dito, okay lang naman ang lasa pero medyo dry at medyo matamis. Pero yung chocolate cake na gawa ko? The best 'to! Balance lahat. Yung sweetness, yung moist, yung texture. I swear."
Inabot niya sa akin yung box ng isang slice ng chocolate cake. I look at the cake, then at her.
"Miss... are you trying to recruit me or something?"
"Recruit?"
"Sorry but I have no plans na pumasok pa sa networking or any kinds of business. You see, I'm busy and—"
"Networking?!" natawa siya. "Gago ka ba? Binibigyan lang kita ng chocolate cake, networking na agad ang pumasok sa isip mo?!"
"Because this is so weird. Why are you giving this to me for free?"
"Anong for free? Pinahiram mo sa akin yung jacket mo, hinayaan mo pa ako umiyak ng ilang araw sa harap mo without judging me---or maybe you are silently judging me but I really appreciate na hindi ka nag sasalita. So...pa-thank you ko na 'yan sa'yo.."
Napatawa ako nang bahagya.
"Wow. Nag smile ka na. So you really are silently judging me," sabi niya.
"No I'm not. Na curious lang ako bakit lagi kang umiiyak."
Napaiwas siya ng tingin at napadungaw sa bintana, "brokenhearted kasi ako kaso hindi ako makaiyak the whole day kasi busy ako kaya ini-sched ko na lang."
Bigla siyang napatawa, "nakipag break siya sa akin." Bigla siyang napatakip ng bibig. "Wow!" she said sounding amuse. "Grabe! Ikaw ang unang taong nakaalam na break na kami. Mga kaibigan at pamilya ko hindi nila alam. Hirap na hirap akong sabihin pero nasabi ko sa'yo na ganung kadali lang. Siguro dahil hindi kita kilala at alam ko naman na hindi ka ma-d-disappoint pag nalaman mong break na kami? Ang dami kasi naming shipper. Akala kami na hanggang sa dulo ng mundo."
That's why. I thought. That's why she's drowning with tears everyday.
For some reason, I feel less miserable. At least I know I'm not the only one who's drowning with misery everyday. Napa-ngiti na lang ako.
"Nginingitian mo lang ako, eh!" sabi niya. "Try mo na nga yung chocolate cake!"
I obeyed. Tinikman ko yung cake na gawa niya then suddenly, I remember something.
Anniversary. Chocolate cake. Her.
"O ba't ganyan ang itsura mo?" tanong niya sa akin. "Hindi masarap? 'Di mo type yung cake?"
"No. That's not it. It's actually really good. May naalala lang ako. May ka-lasa kasi."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at kumunot bigla ang noo niya, "okay wow that's insulting you know? My cake's one of a kind tapos sasabihin mo may kalasa?"
"Sorry..."
"Okay, curious ako. Anong kalasa?"
"Uhmm.. baka imagination ko lang."
"Imagination mo ang kalasa? Natikman mo ang imagination mo?"
Here she goes again.
"What I mean is, baka imagination ko lang na may kalasa. Don't worry about it."
"Hindi pa rin ako matatahimik. Ano nga kalasa?"
Napabuntong hininga na lang ako. She looks like the type of woman who won't let go hangga't hindi mo siya sinasagot.
"I used to buy this really good chocolate cake sa isang online shop. Naalala ko lang bigla nung natikman ko 'to."
"Anong name nung online shop?"
"Something Sweet? Parang ganun."
Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti nang malawak at nag bow, "at your service."
"Woah! It's you?"
"Yep! Ako nga. Okay forgiven ka na! Pero favorite mo ang chocolate cake ha? Talagang umo-order ka pa sa'kin online."
"No, it's actually for my girlfriend..." natigilan ako. "Ex, I mean."
She looked at me with amusement at nagpangalumbaba siya sa harap ko.
"Ohh, biglang bawi na ex. Bakit kaya? Dahil type mo ako and you want to hit on me kahit may jowa ka o dahil kaka-break lang?"
"The latter," I answered honestly. She's right. Mas madaling sabihin sa iba na break na kami kasi hindi naman nila ikaka disappoint yun unlike sa mga taong nakapaligid sa amin.
Mas napangiti siya, "knew it! So sino nakipag break?"
"Ako."
Napatango na lang siya.
"Let's cheers to that. Isang iniwan at isang nangiwan."
Itinaas niya ang coffee mug niya at nakipag cheers sa akin.
"Pero bakit parang ang sama naman ng dating nung term na nangiwan?" sabi ko sa kanya.
"Eh ano ba dapat?" tanong niya.
Napaisip ako, "hindi na nakayanang kumapit kasi masakit na?"
Napangiti siya, "ngayon curious ako sa story mo. Kaya ka ba palaging nasa coffee shop kasi broken ka rin?"
Tumango ako as an answer.
"Kawawa naman tayo. Ito lang ang sanctuary natin."
"Yeah," I said. "I want go somewhere far though."
"Like where?"
"I dunno. Maybe I should visit a country na hindi ko pa napupuntahan. Or I can go back to Japan—that's my happy place. Also, the coffee there is good."
"Alam mo kung saan pa ang lugar na may masarap na kape?" she asked.
"Saan?"
"Sa Baguio."
"Di pa ako nakakapunta ng Baguio."
Nakita ko ang gulat sa mata niya, "what? The way you speak about travelling, parang ang dami mo nang bansa na napuntahan pero hindi ka pa nakakapunta sa Baguio? Yung Baguio andiyan lang?"
"It's 6 hours drive. It's far."
"Four!"
"Six kung may traffic."
"But still! Hindi 'to acceptable!"
Napatawa ako ng bahagya, "okay pag someday nakaakyat ako sa Baguio, sasabihan kita."
Natigilan siya. Napatingin sa bintana. Napabuntong hininga. She really looks upset.
"Gusto kong mag Baguio," she whispered. "Pupunta akong Baguio. Tama ka, baka dapat lumayo muna tayo sa lahat para makapag isip! Pupunta akong Baguio. As in now na."
"Uhmm.. good for you?"
"Sama ka?" yaya niya.
"You're inviting a complete stranger to go with you?" natatawa tawa kong sabi.
"Smile!" sabi niya sabay taas ng phone at biglang tumunog ang camera click.
Nagulat naman ako sa biglang pag kuha niya ng litrato ko, "what was that for?!"
"Send ko sa mga kaibigan ko para alam nila ang pagmumukha ng lalaking kasama ko ngayon," sabi niya habang nag t-type sa phone. Mukhang sinesend na nga niya ang photo ko. "O ayan, alam kong 'di ka gagawa ng masama. Tara Baguio?"
"Pass," I said.
This girl is insane. Nabaliw na ba siya dahil sa kalungkutan?
"Tara na! Bukas ng gabi uuwi rin tayo. Sige na. Sumama ka na please..." nakita kong parang maluluha na naman siya. "Kasi pag ako lang mag isa baka---"
"Fine," mabilis kong sagot and right then and there, I want to kick myself.
Bakit ako pumayag?!
Napangiti ulit siya ng malawak, "Yay! Bilisan mo na kumain diyan! Sakto may dala akong car!"
Dahil sa pangungulit niya, binilisan ko na ubusin yung cake at kape ko. Para akong nabubudol. Hindi ko na maintindihan bakit ba ako pumayag sa kalokohan ng babaeng 'to?
Bumaba kami sa parking lot and I swear I want to back out after I saw her car.
It's a fucking white van!
"Bakit naka puting van ka?!"
"Ay sorry. Nag deliver kasi ako ng cakes kanina kaya ayan dala ko."
I look at her in disbelief.
"Wag kang mag-alala, hindi kita kikidnapin. Okay sige picture-an mo rin ako at isend sa mga kamag anak mo, kapamilya, kaibigan, ex. Dali!"
Nag peace sign siya sa harap ko. Napabuntong hininga na lang ako. I took out my phone and took a photo of her. Mahirap na.
I sent it to my bro.
Nakita ko nag reply.
"Sino yan? Bagong jowa?"
"Gago, pag nawala ako ayan ang hahanapin niyo."
Tinignan ko si Miss Sarcastic. Halatang excited na siyang umalis.
"Tara na nga!"
"Yay!"
Nakakabaliw nga ang kalungkutan.
To be continued...
#TaraKapeWP
#TeamKape
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro