Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Cinco: "Postcards"


Chapter Cinco: "Postcards"

HER

I woke up with a loud knock on my door.

Nung una, sobrang groggy ko, akala ko yung nanay ko ang kumakatok kaya napabalikwas ako nang bangon. Then I realize, nasa Baguio nga pala ako.

Napatingin ako sa oras. It's still 6:30 AM. Kinusot kusot ko ang mata ko at bumangon para pagbuksan ng pinto at sapakin kung sino man ang nangiistorbo sa tulog ko.

Pagkakita ko, si Kuya Pogi. Ganda ng ngiti. Bagong paligo pa.

"Good morning! Kakagising mo lang?" masaya niyang tanong sa'kin.

Kinunutan ko siya ng noo. "Obviously!" yamot kong sagot. "Istorbo ka, eh. Ang aga aga pa!"

"It's already 6:30AM," he said. "Breakfast buffet starts at 7am."

"Bakit mauubusan ba tayo ng pagkain doon?!"

"Mag ayos ka na para marami tayong mapuntahan," sabi niya. "Dali na, sayang ang oras."

Napakamot ako ng ulo, "oo na sige na. Gusto ko ng kape."

"Magkakape tayo sa baba. Bilisan mo ha?"

"Fine."

Nag shower ako at nagpalit ng damit. Buti na lang talaga at hindi ko pa inaalis ang extra clothes sa loob ng kotse ko. Kaladkarin kasi akong tao. Ang hilig ng mga kaibigan ko magyaya ng mga biglaang out of town kaya naman ready na ako palagi.

Pagbaba ko, nakita ko na siya na nag aantay sa akin sa isang table. Ngayon ko lang napansin na suot suot na niya ang sweater na binili namin sa night market. Napataas ang kilay ko.

"Alam mo bang ilang araw nang naka-display sa kalsada ang damit na yan bago mo binili?" tanong ko sa kanya. "Buti hindi ka nangangati at suot suot mo na agad."

"Miss, you can do your laundry downstairs. May dryer na rin na kasama. Of course I washed it first."

Napailing na lang ako habang nakangiti.

Kumuha na kami ng food at mabilis na kumain. Then nag check out na kami.

Tinanong ko siya kung saan niya gustong pumunta. Sabi niya sa Burnham Park daw kasi sabi raw ng mga kaibigan niya na nakapunta sa Baguio, maganda raw doon. Natawa na lang ako. Very typical turista. Pero sige pagbigyan since first time naman niya sa Baguio.

"Oh, I've seen this place a lot sa mga photos ng friends ko," sabi niya sa akin.

"Sakto nga wala pang masyadong tao kasi maaga pa. Naiwasan mo yung mga kapwa mo turista," asar ko sa kanya.

Napatawa naman siya, "sorry na. I just really want to see this place."

"Dami pa tayo pwedeng libutan. Sayang lang uuwi na tayo mamaya.

"Don't worry, I can always come back."

Napatingin ako sa kanya at nginitian siya, "wow, nagpaplano na agad bumalik ha? Totoo ba yan?"

Napatawa rin siya, "mas malapit 'to at mas mura as compared sa Japan."

"I know right! High five tayo diyan!" at nakipag apir ako sa kanya.

Napadaan kaming dalawa doon sa mga nag b-boating sa man-made lake. Tinawag naman kami ng isang bangkero doon.

"Sir, ma'am boating po," sabi ni kuya bangkero sa amin. "Dito na lang po kayo mag date."

Natawa kami pareho.

"Di kami nag d-date kuya," sabi ko. "Ni hindi ko nga alam ang pangalan neto eh."

"Teka," he said, "oo nga, hindi natin nasabi names ng isa't isa kagabi."

Napaisip ako, "Pero kasi hindi pa tayo tapos mag kuwentuhan. Marami pa tayong dapat pag usapan."

"Tulad ng ano?"

Naupo ako sa may bench katapat nung man-made lake. Naupo rin siya pero hindi sa tabi ko kundi doon sa bench na nasa tapat ko.

"Nandidiri ka ba sa'kin? Ayaw mo 'kong tabihan?"

"Ang ganda kasi ng view," sabi niya.

"Yung view talaga? Hindi ako?"

"Wait lang. Diyan ka lang."

Inopen niya yung bag niya at inilabas niya ang tablet niya.

"Pipicture-an mo 'ko? Ano ka jowa?"

"Hindi. I'll draw you," sabi niya.

"Ay bet! Go!" um-aura aura naman ako doon at nag pose pose.

Natawa siya, "wag ka magulo. Just act natural."

"Natural ko 'to."

Napailing na lang siya.

"Wait," he said habang dino-drawing niya ako."You didn't answer my question. Ano pang paguusapan natin?"

"Marami," sagot ko. "Like... curious ako. Sabi mo kasi laging ikaw yung nag-a-adjust sa ex mo. Kung anong gusto niya, doon kayo. Never ba... as in not even once, tinanong ka niya kung anong gusto mo?"

"Nagtatanong naman siya, pero syempre pipiliin ko pa rin kung ano yung gusto niya," sagot naman niya. "Kesa pagsimulan pa namin ng away."

"Eh ayun," sabi ko. Napahinto siya sa pag d-drawing at tinignan ako.

"Anong eh ayun?"

"Nagtatanong naman pala siya kung anong gusto mo. Ikaw lang nag assume na pag mumulan niyo ng away yun."

"Eh baka kasi hindi siya interesado sa gusto ko."

"Again, nag assume ka na naman. Kaya nga nag tanong kasi gusto niya malaman kung anong gusto mo. Hindi mo lang siya binigyan ng chance."

Nakita kong natigilan siya at napaisip sa sinabi ko.

"Pero kasi syempre gusto ko masaya siya."

"Yan kasi ang mali," sabi ko naman. "Bigay ka nang bigay, wala nang natira para sa'yo. Minsan pag nag mahal ka, mag tira ka rin para sa sarili mo. Importante yun. 80/20 remember?"

Napangiti siya at tumayo then lumapit siya sa akin.

"You're right. Maybe I spoiled her too much. Maybe I didn't give her a chance na magbigay sa akin. Ang laki rin pala ng pagkakamali ko sa relasyon namin."

Umupo siya sa tabi ko. I pat his back, "at least marunong umamin ng pagkakamali."

Napangiti ulit siya at inabot niya sa akin yung tablet niya, "you made me realize that. Thank you, sensei."

Tinignan ko yung dinrawing niya sa tablet niya. Quick line art of me. Napataas ang kilay ko.

"Bakit ang taba ng pisngi nito?" tanong ko sa kanya.

"Huh?" sabi niya sabay tingin sa akin. "Magkamukha naman."

Hinampas ko siya sa braso, "bwisit ka eh 'no?"

Napatawa siya ng malakas.

"So where are we going next?" he asked.

Napaisip ako. Saan pa ba pwede.

Ah, alam ko na.

"Bet mo pumunta sa bookstore?"

~*~

"Marami ba talagang hidden gems dito sa Baguio?" he asked me habang nag-i-ikot siya sa loob ng Mt. Cloud Bookshop. "These are really rare books!"

Napangiti na lang ako and I think I deserve a pat on the back. Good judge of character talaga ako. Sabi na, this guy looks like someone na mahilig sa libro. And true enough, tatlo na agad ang libro na bitbit niya.

Maliit lang ang Mt. Cloud. Usually puro second hand books ang mabibili dito. Mas maraming mga Filipino novels na mahirap nang hanapin sa mga sikat na bookstores. Rare finds nga talaga ang mga nandito.

"Simula nang umakyat tayo, puro bili ang nagawa mo rito 'no?" natatawa tawa kong sabi sa kanya.

Napatigil siya at napaisip, "oo nga 'no? I think I need to buy a bigger bag for everything that I hoard."

Nagpunta kami sa cashier area para bayaran yung mga books na napili niya. Sa gilid nun, may mga naka display na mga postcards. Photos of different places from the Philippines. Pero ang ganda kasi sa bawat postcard, may nakasulat na iba't ibang salita na naka-baybayin.

"We send postcards din po ma'am," sabi nung bookstore keeper sa amin. "You can leave us the address tapos kami na magpapadala via snailmail."

"Wow. Ayos ah? Very oldschool. 'Di pa ako ever nakapagpadala or nakareceive ng postcard sa kahit kanino. Ano kaya feeling?"

Lumapit sa akin si Kuya Pogi, "gusto mo padalhan kita?"

"Sige! Tapos papadalhan din kita!"

Napatawa na lang kami sa kalokohan namin.

"Uy pero game ako kung game ka," sabi niya. "Pwede natin doon i-reveal ang names natin."

"So malalaman natin ang pangalan ng isa't-isa pag dating na ng mga postcards?"

"Oo. Not unless gusto mo nang magpakilala ngayon?"

"Ayoko baka i-search mo 'ko sa Facebook eh."

Napatawa siya.

"Pero good idea," sabi ko. "Magpadala tayo ng postcards at doon natin ireveal mga names natin dahil masyado tayong maraming kaartehan!"

Napatawa siya nang malakas at nakipili rin ng postcard doon.

"Ano kayang bagay na salita sa'yo?" tanong niya sa akin.

"Maganda. Hanap ka diyan yung may nakasulat na 'maganda.'"

"Ah alam ko na!" sabi niya at may binunot siya na postcard nang hindi pinapansin ang sinabi ko. Lakas din mang-asar eh.

"Ano yan? Maganda?" paguulit ko.

"Secret," at lumayo siya sa akin para sulatan yung postcard.

Secret secret pang nalalaman. Hanap kaya ako dito na may nakasulat na 'tanga' tapos ayun ang ipadala ko sa kanya? Sasapakin kaya niya 'ko?

Nakakita ako ng postcard doon na may isang salita na mukhang bagay sa kanya. Kinuha ko 'to at sinulatan ng maikling mensahe ang likod.

After namin ihulog yung postcard para sa isa't-isa, umalis na kami ng bookshop.

Inilibot ko pa si Kuya Pogi sa mag 'tourist spot' na nung una eh ayaw pa niyang puntahan dahil maraming tao, samantalang ngayon siya pa mismo ang nagsasabi ng lugar na gusto niyang puntahan. Tuwa pa siya na yung kinainan namin overlooking.

Nung medyo pahapon na, naisipan namin tumambay dalawa sa isang coffee shop. Dinala ko siya doon sa coffee shop na madalas kong tambayan pag nandito ko.

Rewind Café, just a few minutes away from Mines View Park.

"I like it here," sabi niya habang nililibot niya ang paningin niya sa loob ng coffee shop. May mini gallery kasi ito na may naka display na mga old trinkets like Walkman, vhs tape, diskette, old camera, ect...

"Me too. Na discover ko lang 'to by chance nung medyo naligaw ako sa part na 'to. Tago. Hindi puntahin ng turista," paliwanag ko. "Tsaka parang tinawag ako nung mga lumang gamit. Feeling ko kasi old soul ako kaya na-attach ako sa lugar na ito."

Pumwesto kaming dalawa sa table sa may veranda para nakikita namin yung view.

"So he doesn't like travelling?" he asked me out of nowhere. "Your ex, I mean."

Napatango ako, "sad nga, eh. Kaya never niya akong nasamahan dito everytime na tinotopak akong umakyat. Pinag aawayan talaga namin yan. May times din naman na sinasamahan niya ako sa ibang travels ko like sa Boracay, pero bago mangyari yun, pag aawayan muna namin ng malala. Alam mo yung sinasabi ko kanina sa'yo? Yung tatanungin namin kayo kung ano ang gusto niyo pero pipiliin niyo yung gusto namin kahit ayaw niyo? Nararamdaman naming girls yun na napipilitan lang kayo. Kaya sa part namin, hindi na rin masaya. Kaya nauuwi sa away."

"Point taken," he told me. "Pero sabi mo kagabi, wala kang time sa kanya. Nag demand din ba siya ever ng time from you?"

Umiling ako, "hindi. Kaya akala ko okay lang. Akala ko naiintindihan niya. Hanggang sa hindi na pala. Hanggang sa napuno na siya. Hanggang sa umabot na sa ganito. Nasaktan lang ako kasi kung sana sinabi niya ng maaga, ginawan ko rin ng paraan. Hindi sana nangyari 'to. Bakit kasi kayo ganyan, nagsasabi na lang kayo pag too late na."

"Actually... pag sisisi ko rin yun. After talking to you, I also realized my shortcomings. Sa kakaiwas ko na mag away kaming dalawa, napuno na rin ako. Nasabi ko na lang lahat nung too late na."

Napabuntong hininga ako, "kaya nga oo na, kahit gaano cliché pakinggan, tama na sila, communication is the key talaga."

"Let's cheer to that."

Itinaas ko ang mug ng kape ko, "cheers!"

HIM

"If I'm going to summarize this trip, I would say, it was calming. Okay rin naman palang i-break ang nakasanayan nang routine paminsan minsan," I told her habang naglalakad kami sa kahabaan ng Session Road. "And yes you're right, maybe I need a little crazy in my life."

"Thank God you met me!" sabi naman niya habang tumatawa.

Napangiti ako. The night breeze was cold, but not too cold. Medyo maraming tao dito sa session road. Mas busy as compared sa ibang parte ng Baguio na napuntahan namin. But still, nandoon pa rin yung sense of calmness na naramdaman ko simula ng tumapak ako sa lugar na 'to.

Who would have thought na this stranger in front of me would help me clear my mind and see things a different perspective? Kahit papaano, gumaan ang mga bagay na dala-dala ko nitong mga nakaraang araw.

Nakahinga ako.

"Oo na, hindi ko na kukuhanin yan sa'yo. Thankful naman talaga ko. In some ways, na clear yung utak ko."

"Buti naman 'no!" she playfully punched my arm. "Di bale ako rin naman. Kaya hindi ko na masyado guguluhin yung ex ko. Narealize ko rin, gagamitin ko na rin 'tong opportunity na 'to to be better."

Lumapit ako sa kanya at ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng ulo niya. I just met her and I don't even know her name, yet, I already feel so proud of her.

"You deserve to be better."

She smiled back at me and then tinignan niya ang watch niya.

"So... it's almost 8PM. Balik na ba tayo sa Manila?" tanong niya.

"Actually... I think... okay lang ba if... okay lang ba kung magpapaiwan ako?"

"Wow na-enjoy mo talaga dito ha?"

Napatango ako, "hindi pa ako ready bumalik. Kalmado pa ako rito, eh. Ayoko munang ibreak yung peaceful state ng utak ko."

"Okay lang naman. Hindi mo naman kailangan hingin ang approval ko."

"Pero kasi babalik ka mag-isa..."

"So?" tanong niya. "I'm a strong independent woman, remember?"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Okay lang ba talaga?"

"Oo nga! Ang kulit ng lahi mo!"

"So... what's your plan?" I asked.

"Edi maging okay. May iba pa ba akong choice?"

Napatango ako. "You'll do good," I reassure her.

"Ikaw rin. I know you'll do good too. Kausapin mo siya ha pag balik mo."

"I promise!" sabi ko while doing the cross my heart sign.

"Good. O siya, kailangan ko nang umalis. I think this is good bye?"

"Mag iingat ka ha?"

"Ikaw rin! Wag kang masyadong mag-enjoy dito. Kailangan mo pa rin bumaba."

Natawa ako sa sinabi niya." I know," I took a step forward at tinignan ko siya ng diretso sa mata. "Hey.... Let's be friends."

Napangiti rin siya, "oo naman. Ayusin natin mga sarili natin then let's meet again."

~*~

HER

Nagpa-press conference ako sa bahay namin paguwi ko galing Baguio. Sa harap ng mommy ko, daddy ko, lola ko, at bunsong kapatid, in-announce ko sa kanila na break na kami ni Chard.

Syempre violent reaction sila. Umiyak pa si mommy. Feeling daw niya nawalan siya ng anak. Pero napahagulgol ako nang iyak nung tinanong niya kung okay lang ako. Hindi ko masagot. Syempre hindi ako okay. Syempre masakit pa rin. Syempre mahirap pa rin.

Pero at least ngayon, malinaw na. Wala nang mga bakit na tanong.

Salamat Kuya Pogi. Para akong nabunutan ng tinik.

Lalo na nung niyakap ako ni mommy. Nung in-assure niya na nandiyan lang sila para sa akin, for the first time since we broke up, I feel less alone.

One week akong hindi nakadaan sa coffee shop dahil sa dami ng orders na kailangan kong asikasuhin. Di man natuloy yung kasal ni big client, tuloy tuloy pa rin naman ang blessings.

Isa pa, hindi ko na kailangan timer-an ang sarili ko para umiyak. Kaya ko na mag breakdown sa kwarto ko, o minsan sa harap ni mommy. Pag nalulungkot ako, tatabi ako sa kanya, yayakap at iiyak. Without asking anything, niyayakap niya ako at hinahayaan umiyak.

This one is better than crying alone in the coffee shop.

The next week, nagkaroon ako ng time dumaan sa coffee shop. Kaso wala siya. Hindi ko alam kung nakababa na ba siya ng Baguio o tinigilan na rin niya ang pag punta sa coffee shop. Pero kahit ano man, I hope he's doing better.

After two weeks, dumating na yung postcard na pinadala niya sa akin. Napangiti ako sa pinili niyang salita.

Padayon (moving onward)

Binasa ko ang nakasulat sa likod ng postcard.

"Hey brave soul, I want to let you know that I'm proud of you. You're already doing great. Always remember that the only way is to move forward. Okay lang madapa basta babangon ulit. Darating ka rin sa point na magiging masaya ka na ulit. Hold on to that.

- Kaden."

Kaden.

He looks like a "Kaden" indeed.

Huminga ako nang malalim at napangit habang nakatingin sa postcard na pinadala niya.

Padayon.

Oras na para maging okay.

~*~

HIM

"GUNITA."

Ayun ang pinili niyang salita sa postcard na ipadala sa akin.

Halos dalawang linggo ako sa Baguio simula nang iwan niya ako doon. Nakapag isip ako ng maigi. Na-contemplate ko ang mga desisyon na ginawa ko. Nakahinga ako. And the best thing that happened to me is ang dami kong art na nagawa. Overflowing ideas. Na break ang artist block ko.

Nung bumaba na ako sa Manila, alam kong ready na ulit akong harapin si Issa.

Tinignan ko yung postcard na naabutan ko sa mailbox namin.

Gunita (memory, recollection)

I read her message.

"Kuya Panget, salamat sa pagsama kahit biglaan. Magkita man tayo ulit o hindi, I just want to let you know na never kong makakalimutan ang memory na 'to with you. Bukod sa ang dami mong nakain na street food at pinamili na damit sa night market, hindi ko makakalimutan ang gabing sinampal mo ako sa katotohanan. Sana nasampal din kita sa katotohanan para fair. Para pareho na tayong gising. Galingan mo sa pag dedesisyon. Breathe.

- Peach"

Napangiti ako sa message niya, lalo na sa pangalan niya.

Peach.

She doesn't look like a Peach. She's too savage to be a Peach. Pero infairness din naman,

ang encouraging ng message niya.

I hope she's doing well.

Napahinga ako nang malalim then I took out my phone. Tinawagan ko si Issa.

Two rings, then she answered the call.

"Kaden?" I heard her from the other side of the line.

"Issa... can we talk?"

- End of Chapter Cinco -

AN:

BITIN!!!

Inunahan ko na kayo sa pag co-comment. Originally, I intended to end it like this. Open-ended. But since nag enjoy ako with your comments, I will post an epilogue anytime next week. :)

Pero ngayon pa lang, salamat po sa pagbabasa.

I know a lot of you expected a plot twist. Sorry kung wala. I just want to tell a simple story na pareho nating makikita ang side ng iniwan at nangiwan. I hope na in someways, naliwanagan din tayo sa both sides.

Again, salamat po sa pagbabasa! It's been awhile since nakatapos ako ng story. Haha. I feel accomplished lol

Happy Valentines Day y'all!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #alyloony