Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tangled Strings

Siguro, kung nanaig lang noon ang nararamdaman ko sa taong tunay kong minahal, baka wala ako sa posisyon na kinalalagyan ko ngayon.

Kung sinunod lang naming dalawa ang puso namin, baka mas magiging maayos pa ang lahat.

Matapos kong ihatid sa kani-kanilang bahay ang mga kasama ko sa sasakyan pauwi, ako na lamang ang naiwang mag-isa dito sa aking minamaneho. Tunay nga talaga yung sinasabi ng ilan na, panandalian lamang ang kasiyahan... Matapos mong ipakita ang ngiti at ligaya mo sa ibang tao, kapag mag-isa ka na lang, lalabas at lalabas pa rin ang tunay mong nararamdaman.

Galing ako sa birthday ng pinsan kong si Deen at dahil sa salu-salong iyon, nakausap at nakumusta ko ang ilan pa naming kamag-anak. Kahit man lang sa pagkakataon na 'yon ay makatakas ako sa realidad na ginagalawan ko dahil aaminin kong napapagod na ako.

Taimtim lang akong nagmamaneho ng sasakyan habang iniisip ko ang kailangan kong gawin once na makauwi ako sa bahay. Hinihintay ko pa rin kasi ang tawag ng asawa ko para makabalita ako kung uuwi ba siya ngayong gabi or mananatili muna siya sa kaniyang opisina.

Hindi nagtagal habang nasa isip ko pa kung tatawag siya ay agad ko namang nakita sa gilid ko ang cellphone na umiilaw at nagriring. Sinagot ko naman ito kaagad.

"Catherine," saad niya at naririnig ko ang pag-uusap ng ilan sa kabilang linya, "Hindi muna ako makakauwi sa bahay... We need to stay here in the office para matapos namin yung ginagawa namin."

As expected, hindi nga siya makakauwi.

"Uhmmm, t-that's okay..." malungkot kong tugon, "By the way, may nakaprepare na kayong dinner diyan? I'll make one for you and idadaan ko diyan," dagdag ko.

Hindi muna siya nakasagot nang ilang segundo kaya tinawag ko muli ang kaniyang pangalan upang kumpirmahin kung nasa linya pa rin siya.

"Hindi na siguro Catherine."

"A-are you sure?" paninigurado ko.

"No, hindi na... We can handle ourselves dito sa office," tugon niya at hindi na ako umimik pa. Ayaw niya kasing pinipilit siya kaya inuunawa ko na lamang siya.

"Okay... Kumain kayo ng marami diyan sa office," habol ko.

Matapos ang palitan namin ng salita ay nagpaalam na siya at ibinaba na niya ang tawag. Napabuntong hininga naman ako't inilaan muli ang atensyon sa pagmamaneho.

Sa katunayan. Parang hindi kami mag-asawa ni Jacob dahil sa pakikitungo namin sa isa't isa. Hindi ko rin naman siya masisi dahil alam kong abala siya sa trabaho at sa maraming bagay... pero kahit ganoon ang set-up naming dalawa, nabibigyan pa rin namin ng oras kahit papaano ang anak namin.

Hindi nagtagal ay nakaabot na ako sa bahay at inayos na ang park nito sa parking area ng compound namin. Dali-dali kong kinuha ang duplicate key ng pinto ng bahay at saka ito binuksan. Bumungad naman sa akin ang madilim na paligid at ang katahimikan. Ganito lagi ang nabubungaran ko sa bahay sa tuwing hindi makakauwi si Jacob dito, nakakapanlumo lang kasi dati, punung-puno ng saya 'tong bahay na 'to pero noong namatay ang mga magulang kong kasama namin sa bahay na 'to dati, nawala na yung sigla.

Lahat ng dala kong gamit ay ipinatong ko sa lamesa malapit sa kusina. Ako lang magisa dito sa bahay ngayon kaya iniiwan kong bukas ang mga main na ilaw para incase na magbago isip ni Jacob ay nakaready na ang mga ilaw.

Matapos kong maayos ang aking gamit ay dumiretso ako sa ikalawang palapag ng bahay at binuksan ang pinto ng kuwarto. Tanging hanging malamig ang sumalubong sa akin nang itungtong ko ang aking paa sa loob nito.

Umupo ako saglit sa isang upuan at humarap sa mga lalagyan ko ng make-up. Sa salamin ako lumihis ng tingin, inalis ang aking hikaw at ang kaunting nakalagay sa mga pisngi't mga mata ko.

Ipapatong ko na sana ang ilan kong hawak nang maaninag ng mga mata ko ang litrato naming dalawa ni Jacob.

Isang nakakabinging katahimikan ang dahilan upang masariwa ko ang lahat ng alaalang bitbit ng litratong iyon. Dumulas sa mga kamay ko ang litrato at maiging itinuon ang aking tingin dito. Nakangiti ako sa picture ngunit si Jacob, nakangiti rin pero bakas ang hindi lubusang saya.

Tandang tanda ko pa noong araw na ikasal kaming dalawa at punung-puno ng mga bisita ang paligid. Masaya ang lahat kahit na rin ang mga magulang naming dalawa pero sila lang ang nakakaramdam ng galak noong mga oras na 'yon.

"Mr. and Mrs. Chua, kuhanan ko lang po kayo ng photo for wedding documentation."

Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na 'yon dahil may malalim na iniisip si Jacob. Pansin ko ang kaniyang pag-aalala at ang kaniyang pagkabahala sa mga nangyayari.

Dahil nakabantay ang magulang naming dalawa, pinilit na lamang namin na gawin ang ipinapakiusap ng photographer.

"Closer pa po..." saad ng kukuha sa amin dahil halos may apat na inch ang pagitan namin, "I'll take the photo na po, ready? One..."

Kumislap ang ilaw galing sa hawak niyang camera at ayun na nga ang nangyari, kahit kami'y nakangiti, pansin at ramdam kong may hindi maganda at hindi siya sang-ayon.

Bigla naman akong nakarinig ng pag-ring ng ringtone ko sa cellphone na nasa kama. Nang kuhanin ko ito ay alarm na pala ito para sa susunod kong gagawin.

Bago ako bumaba para magluto ng pang-dinner ay inayos ko na muna ang damit at ang ilang gagamitin pa ni Sky, anak namin. As I reached some clothes sa drawer and cabinet niya ay saka naman ako nakakita ng isang malaking mukhang libro at may nakalagay na salitang 'Jacob and Catherine'. Wedding Photo album namin.

Naglaan muna ako ng ilang minuto upang buklatin ang mga ito at alalahanin ang kung anong napagdaanan namin ni Jacob noon.

Sa bawat paglipat ko ng pahina ay natatandaan ko noong magkaibigan palang kaming dalawa. Oo, hindi naging madali ang lahat dahil alam namin sa isa't isa na kaibigan lang ang turingan namin noong mga binata't dalaga pa lang kami. Same kami ng pinapasukang paaralan noon at talagang maayos ang relasyon ng pamilya namin.

Noong ay may napupusuang nobya si Jacob at hindi nagtagal ay naging silang dalawa. Alam ko 'yon noon dahil sa akin nakakapagsabi si Jacob tungkol sa mga nagaganap sa kanilang dalawa. Sa katunayan nga, silang dalawa na ang inakala naming magiging mag-asawa.

Ako naman noon, sa sobrang tutok ko sa pag-aaral, nakakalimutan ko na ang mga bagay na iyan hanggang sa dumating si Dennis sa buhay ko. Hindi ko naman inisip noon na magiging kami dahil hindi wala naman siya ng mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki. Ngunit noong malapit na kaming grumaduate ay umamin siya sa akin at simula noon ay pinagbigyan ko siyang patunayan ang sarili niya sa akin.

Naging maayos naman ang takbo ng lahat nang bigla kong malaman na nakaplano na ang kasal nina Jacob at Patricia. Wala kaming ibang masabi sa kanila kaya naman botong boto kami sa kanilang dalawa. Napagusapan na rin namin na dapat nandoon kaming dalawa ni Dennis sa kasal nila at dapat nandoon rin sila sa araw naman namin.

Hanggang nabalitaan namin na nagkaroon ng malalang sakit ang tatay ni Jacob at sa pagkakataon na 'yon ay nahinto ang araw ng kasal. Kahit kami ay nabigla sa mga nangyari kaya inunawa na lang namin ang sitwasyon.

Matapos ang pangyayaring iyon ay ipinakilala ko naman nang pormal si Dennis sa mga magulang ko. Sinubukan na rin naming humingi ng basbas mula sa kanila dahil pinaplano na rin namin ang magiging kasal namin. Wala akong narinig na response galing sa kanila noon kesyo hindi daw ako karapat-dapat sa kaniya at baka raw hindi ako kayang buhayin ni Dennis. Dahil doon, napagdesisyunan na naming dalawa na magpakalayo-layo ngunit tumutol pa rin sila. Ako na rin mismo ang humihiling kay Dennis noon na magkaanak na kaming dalawa kahit hindi pa kami kasal ngunit itinanggi niya ito. Gusto niyang patunayan na siya ang nararapat para sa akin kaya naghintay kami ng ilang buwan para mapapayag ko sina Mama at Papa tungkol sa aming dalawa.

Nangako si Papa sa akin na bibigyan niya ng dalawang buwan si Dennis para gawin ang hiling nila. Dahil wala na kaming ibang mapipiling option, nagusap kaming dalawa na sa paglipas ng dalawang buwan ay itutuloy na namin ang kasal.

Ilang linggo pa ang lumipas ay nakatanggap naman kami ng balita na naglaan ng tulong ang pamilya namin sa tatay ni Jacob upang maipagpagamot siya nang maayos. Sumang-ayon na rin naman sila upang maisalba ang kanilang negosyo at para na rin magkaroon ng koneksyon ang negosyo ni Papa sa kanila. Nagkaroon silang dalawa ng kasunduan at parehas naman silang sumang-ayon sa napagusapan.

Parehas kaming dalawa ni Jacob na nawalan ng pagkakataong ikasal noong mga panahon na 'yon at hindi na kami makapaghintay pa.

Nagdaan ang dalawang buwan at ayon na rin ang isa sa masayang araw na nakatanggap kaming dalawa ni Dennis ng balita. Milagrong pumayag ang mga magulang ko na ikasal kay Dennis kaya naman walang malagyan ang galak namin noon.

"Ngunit sa isang kondisyon..." dinig ko sa tatay ko habang nakikinig kaming dalawa ni Dennis dito sa sofa, "Kami ang mag-aayos ng lahat ng gagamitin at lahat ng kailangan sa kasal."

Noon, hindi namin inalintana ang mga sinabi nila kaya kami'y sumangayon na lamang bilang pagrespeto sa kanila.

Noong araw na rin 'yon ay nalaman namin na parehas kami ng araw ng kasal ng kaibigan kong si Jacob. Kahit sila ay sobrang saya rin sa nabalitaan nila kaya naman hinintay na namin ang araw na 'yon.

Dumating ang araw ng kasal at nakahanda na ang lahat. Wala akong ideya kung saang simbahan ikakasal si Jacob ngunit isa lang ang sigurado ko noon... Ikakasal na kami ni Dennis. Habang ako'y sinusuutan ng wedding dress ay may nakapagsabi sa akin na nakarating na nang ligtas at maayos ang groom sa simbahan. Hindi nagtagal ay isinakay na nila ako sa sasakyan upang ihatid sa simbahan.

Nakasarado ang pinto ng simbahan at ramdam ko ang mainit na hangin na tumatama sa akin habang ako'y humahakbang papunta sa harapan ng malaking arko.

Humawak sa aking braso ang aking tatay at akin namang sinabing, "Maraming salamat po, Pa."

Binigyan na lamang niya ako ng ngiti at talagang naguumapaw ang galak sa puso ko noong araw na 'yon.

Bumukas ang malaking pinto, sinimulan ang bawat hakbang hanggang sa nakita ko ang ilang nanonood na nagiging masaya sa nagiging galaw ng paligid. Sa bawat paghakbang namin ay bigla ko namang naramdaman ang mahigpit na hawak sa akin ni Papa.

Nakangiti ang lahat ngunit unti-unti kong naramdaman na parang may mali. Humahabol ang aking paghinga at mabilisang dumadaloy ang dugo sa puso ko habang inihahakbang naming dalawa ni Papa ang mga paa namin. Ramdam ko na rin ang pawis sa aking noo at mukha dahil sa sobrang kaba ko.

Nang kami'y makarating na sa gitna ay tila gusto nang huminto ng mga paa ko.

"P-Pa..." naluluha kong saad.

Mabilisang binalot ng takot at kilabot ang buong katawan ko nang makita kong hindi si Dennis ang naghihintay sa akin sa altar. Si Jacob.

Tumama ang paningin naming dalawa ni Jacob at ramdam ko rin na pinipigilan siyang umalis ng mga nakapalibot sa kaniya.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at ngayon ay lumalabo ang aking paningin dahil sa pagluha kong hindi ko mahinto.

Nang humarap ako sa kinatatayuan ni Jacob ay napailing na lamang ako. Nakita ko rin ang ngiti sa mga nanonood ngunit hindi iyon ang tumutugma sa nararamdaman namin dito sa unahan. Isinara na rin nila ang pinto ng simbahan at ngayon ay wala ng balikan.

Gusto kong tumakbo... Noong mga oras na 'yon ay gusto ko na ring sumigaw at magmura sa harap ng maraming tao ngunit hindi ko magawa.

Simula noon... hindi na namin nakita pang muli sina Patricia at Dennis. Isa sa naisip naming dahilan kung bakit hindi sila nakarating sa kasal ay binayaran sila ng mga magulang namin upang lumayo na at mamuhay nang malayo sa amin. Isa rin sa tinitingnan kong dahilan ay ang kasunduang napagusapan noong napagdesisyunan ni Papa na tumulong sa kanila para mapagamot ang tatay ni Jacob.

Hindi naging maganda ang resulta ng arranged marriage namin dahil labag ito sa kalooban at puso naming dalawa. Hindi rin doon natapos ang pagiging malupit nina Mama at Papa sa amin at hiniling at pinilit nila dapat bago pumanaw ang tatay ni Jacob ay magkaroon na kami ng anak.

Hanggang ngayon, wala na kaming nabalitaan tungkol sa kanila. At ito... ito ang naging resulta ng pagpupumilit nilang kami ang ikasal ni Jacob.

Nagulat naman ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Isinara ko ang photo album na hawak ko at pinunasan ang aking luha bago sagutin ang tawag.

"Mommy, pupunta ka po ba dito ngayon?" saad ng aking anak. Si Sky.

"Y-yes, baby... malapit na si Mommy diyan ha," saad ko, "Wait mo lang maluto ni Mommy ang favorite mong food ha... Behave ka muna diyan."

Tumayo na ako kaagad at inimis ang aking dadalhin. Habang naguusap kami ni Sky ay bumababa na rin ako para magprepare ng dinner namin.

"Si Daddy po?"

Napahinto naman ako at nagipon ng maiisip na isasagot.

"H-hindi siya makakapunta ngayon baby eh... baka bukas," tugon ko kahit walang kasiguraduhan, "Sakto Valentines! Baka may cake na dala si Daddy mo tomorrow."

"Sige po Mommy! Hintayin po kita dito... I have something to show po sa'yo."

"Ano 'yon Sky?"

"Yung bucketlist ko po!"

After the call. I fixed everything na para makarating ako kay Sky on time.

He is the only thing na dahilan para maghold on pa rin kaming dalawa ni Jacob. He's our gift and he's our precious little one. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro