Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sirang Aguhon

SAAN ka na naman nagpunta, Cornelia?!” pasigaw na tanong ni Ambrosio sa kaniyang asawa na kararating lamang. Umupo naman si Cornelia sa upuan na gawa sa kawayan na tila walang nangyayaring alitan.

“Wala kang pakialam kung saan ako nagpunta,” tugon ng kaniyang asawa kaya mas nag-init ang kaniyang ulo. Namula pa ang mukha ni Ambrosio dahil sag alit.

“Alam ko, nakipaglaro ka nanaman ng mahjong sa mga kaibigan mo!” bulyaw niya at sabay turo pa kay Cornelia.

“Eh ikaw? Pumunta ka na naman sa bahay ng kabit mo, 'di ba?” sumbat naman ni Cornelia at tinaasan ng kilay ang asawa.

“Laging mahjong na lang ang inaatupag mo! Wala ka ng oras para sa mga anak mo!” galit na galit na wika ni Ambrosio. Umalingawngaw pa sa bawat sulok ng bahay nila ang kaniyang boses.

“Huwag kang magsalita na parang may oras ka para sa mga anak mo dahil lagi kang nasa kabit mo!” inis na sabi ni Cornelia at napatayo.

“Tumigil ka, Cornelia!”

“Ni hindi mo nga alam na hindi na pumapasok si Valeria sa eskuwelahan! Oo nga pala, nakatanggap ako ng sulat mula sa assistant principal. Gusto niya tayong makausap tungkol kay Valeria,” wika naman ni Cornelia at padabog na ibinigay ang sulat kay Ambrosio na agad niya namang kinusot. Nalaglag sa sahig ang kusot na papel na natapakan pa niya.

“Kasalanan mo ito. Tanggapin mo na lang ang katotohanang wala kang kwentang ina!” litanya ni Ambrosio. Ang malalakas na sigawan nilang dalawa ay dinig na dinig na ng mga kapitbahay nila. Tila hindi pa sila nahihiya sa ginagawa nila.

“Kasalanan ko, Ambrosio? Ginagawa mo ba ang responsibilidad mo bilang ama? Naging mabuting ama ka ba sa mga anak natin?” sunud-sunod na tanong ni Cornelia.

“Ako ang nagtatrabaho kaya responsibilidad mong alagaan ang mga anak natin!”

“Ang sabihin mo, iresponsableng ama ka!” sigaw ni Cornelia. Nagpanting ang mga tenga ni Ambrosio kaya akma niyang sasampalin ang asawa ngunit inawat sila ng panganay na anak na si Mariette.

“Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili niyo? Naririning ng mga kapitbahay ang pagtatalo—”

Hindi na naituloy ni Mariette ang kaniyang litanya sa mga magulang nang dumapo nang malakas sa kaniyang pisngi ang palad ng kaniyang ina.

“Ayusin mo ang pagsasalita mo! Anak ka lang namin!” galit na sabi ng ina niya sa kaniya kaya nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata.

“Bakit hindi na lang kayo magpatayan?” inis na sabi ni Mariette at akmang aalis ngunit marahas na hinigit ng kaniyang ina ang kaniyang braso.

“Pabayaan mo na siya, Cornelia!” panunuway ni Ambrosio kaya tuluyang nakaalis si Mariette.

Dahil dito, mas nagalit si Cornelia. Araw-araw ay gano’n ang pangyayari sa bahay ng mga Ocampo. Palaging nagbabangayan ang mag-asaw kaya ang tatlong anak nila ang naiipit. Lalo na ang panganay na si Mariette.

---

ANONG nangyari sa’yo, Mariette?” tanong ni Anselmo sa kaniyang kaibigan nang makita niya itong umiiyak sa park.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Palagi na lang nag-aaway ang mga magulang ko. Ang gusto ko lang naman ay kumpleto at masayang pamilya! Nalalapit nanamang magtapos ang taon pero hanggang ngayon gano’n pa rin ang sitwasyon sa bahay!” umiiyak na tugon ni Mariette kaya hinaplos ni Anselmo ang kaniyang buhok.

“Tahan na, Mariette. Ipagdasal mo na lamang na maging ayos na ang pamilya mo,” tugon ni Anselmo sa kaniya at sinubukan siyang patahanin.

“Hanggang kailan? Pagod na pagod na ako sa sitwasyon namin! Unti-unti akong pinapatay ng mga masasakit nilang mga salita! Pagod na akong palaging umiiyak.”

“Huwag kang susuko, Mariette. Maging matatag ka lamang.”

“Nanghihina na ako. Hindi ko na kaya, Anselmo. Gusto ko na lang tapusin ang buhay ko,” sagot niya kaya naalarma si Anselmo. Pinayuhan siya na hindi pagpapakamatay ang solusyon sa kaniyang mga problema.

“Salamat sa iyo, Anselmo. Susubukan kong huwag isipin ang pagtapos sa buhay ko,” wika ni Mariette at pilit na ngumiti kaya maging ang kaibigan ay napangiti na rin.

“Lagi mong tatandaan na ang buhay mo ay mas mahalaga pa sa ginto at pilak. Kung sa pakiramdam mo ay wala kang halaga sa mga magulang mo, tandaan mo, namatay Siya sa krus para sa iyo dahil mahalaga ka sa Kaniya,” payo pa ni Anselmo sa kaniya.

“Salamat, Anselmo, dahil nandito ka palagi para sa akin. Sige, mauuna na ako baka pagalitan ako ng nanay ko kapag hindi ako kaagad uuwi,” pagpapaalam ni Mariette sa kaibigan at niyakap ito.

“Basta tandaan mo ang sinabi ko sa iyo kanina, Mariette.”

Pagkatapos no’n ay umuwi na nga sa kanilang bahay si Mariette. Nadatnan niya ang kaniyang ina na nakupo sa sofa kaya akma siyang magmamano ngunit tinabig ni Cornelia ang kaniyang kamay.

“Nakuha ko na ang report card mo sa school,” may diing sabi ni Cornelia.

“G-Gano’n po ba?” kinakabahang wika ni Mariette. Maging ang kaniyang mga kamay ay nanginginig dahil sa takot.

“Hindi ko inasahan ang mga nakuha mong grades! Tignan mo, ang baba ng average mo! Anong ginawa mo, Mariette? Binigo mo ako!” bulyaw sa kaniya ni Cornelia at ibinato ang report card.

“Nag-aaral po ako mabuti at ginagawa ang makakaya ko ngunit hindi ko lang maabot ang mataas na ekspektasiyon ninyo!”

“Bakit hindi mo gayahin ang anak ni Loreng? Napakatalino niya, hindi katulad mo!” sigaw pa ng ina kaya sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang boses ni Mariette.

“Bakit niyo ba ako palaging ikinukumpara sa iba? Itigil niyo na iyan! Oo, mas magaling siya saakin pero hindi ibig sabihin na bobo ako. May sarili akong pagkakakilanlan kaya huwag niyo akong ikukumpara.”

Pagkasabi niya no’n ay malakas na sampal ang ibinigay ni Cornelia sa kaniya.

“Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!”

“Hindi ko ba maaaring ipaliwanag ang sarili ko kahit na ako ang tama?” umiiyak na tanong ni Mariette.

“Oo, Mariette! Ni hindi mo nga kayang tumayo sa sarili mong mga paa!” litaniya ni Cornelia sabay duro pa sa mga paa ni Mariette.

“Alam ko, dapat hindi ako nagkakaganito pero gusto ko lang naman na intindihin niyo ako!” tugon naman ni Mariette.

“Intindihin? Kanino mo ba natutunan ang ganiyang ugali? Kay Anselmo ba?”

“Hindi! Naging ganito ako dahil sa inyo!” sagot ni Mariette at halos mapaluhod pa dahil sa sama ng kaniyang loob.

“Simula ngayon, hindi ka na maaaring makipagkita sa kaniya! Kung susuwayin mo ako, lumayas ka na lang sa pamamahay na ito!” bulyaw sa kaniya ng ina at tuluyan siyang iniwan ng ina habang umiiyak.

Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang mga kapatid at sinalubong ng yakap.

“Palagi ko namang ginagawa ang lahat higit pa sa iniisip ng mga magulang natin,” humihikbing wika ni Mariette.

“Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, Ate. Imbes na sila ang magdala sa atin sa tamang landas, tila sila pa ang nagdadala sa atin sa mali. Ang tatay natin ay may kabit samantalang ang nanay natin ay adik sa mahjong,” saad naman ni Valeria na nakapamewang pa.

“Wala tayong magagawa dahil magulang pa rin natin sila,” sumbat ng bunsong si Leandra.

“Pagod na ako, gusto ko ng magpahinga,” pagpapaalam ni Mariette nang umikot ang kaniyang paningin. Pagkapasok niya sa kaniyang kuwarto ay doon niya ibinuhos lahat ng mga luha niyang kinikimkim.

“Gusto ko lang namang mamuhay sa mundong ito na hindi umiiyak dahil sa sakit! Ang mga boses nila ay pinapatay ako habang lumilipas ang panahon. Ang mga masasakit nilang salita ang rason ng aking paghihinagpis! Lagi kong nadidinig ang mga bulung-bulungan nila sa akin at sinubukan kong huwag na lang itong pansinin kahit sobrang sakit na!” puno ng hinagpis na wika niya at napaluohod sa tabi ng kaniyang kama.

“Sobrang sakit na! Gusto ko lang namang maging masaya sa bisig nila. Hindi ko ba maaaring maramdaman ang pagmamahal ng mga magulang ko? Minahal ko sila ng sobra ngunit pagpapahirap ang ibinigay nila saakin! Gusto ko ng mamatay dahil kahit na mawala ako, hindi naman sila iiyak.”

Patuloy lamang si Mariette sa pag-iyak kahit pa nakahiga na siya sa kaniyang kama. Pagkatapos ilabas ni Mariette ang sama ng loob ay nakatulog siya. Nagising na lamang siya dahil sa malalakas na tapik sa kaniya ng nanay niya.

“Ano ito, Mariette?! Sabihin mo sa akin kung anong ibig sabihin nito!” galit na tanong ni Cornelia sa kaniya.

Napatingin siya sa pregnancy test na hawak ni Cornelia. Napaiwas siya ng tingin dahil alam niyang sa kaniya iyon.

“Buntis ka?!”

“Patawarin niyo po ako!” umiiyak na sabi ni Mariette. Mas lalo siyang napaiyak ng hilain ni Cornelia ang kaniyang buhok at itinulak siya sa sahig.

“Lumayas ka sa pamamahay na ito! Isa kang kahihiyan sa pamilya natin!” sigaw ni sa kaniya ni Cornelia. Wala siyang magawa kundi humingi ng kapatawaran at umiyak.

“Tumigil ka, Cornelia! Huwag mong sasaktan si Mariette!” bulyaw naman ni Ambrosio kay Cornelia at dali-daling umawat pagkapasok niya sa kuwarto ni Mariette.

“Bakit hindi mo tanungin kung sino ang ama ng dinadala ng anak mo?” sigaw naman ni Cornelia at muling hinila ang buhok ni Mariette.

“Sabing tama na!”

Bigla namang pumasok si Valeria para awatin sila. “Anong kaguluhan ito? Ang aga niyo para mag-away!”

“Bakit hindi mo tanungin ang ate mo?” galit na tanong ni Cornelia na agad namang ginawa ni Valeria.

“B-Buntis ako!” tugon ni Mariette atsaka humagulgol. Hindi nakaimik si Valeria at tila natuod dahil sa kaniyang nalaman.

“Sabihin mo sa akin kung sino ang ama ng dinadala mo?” pagpupumilit ni Cornelia at muling sinampal si Mariette.

“Gusto niyo bang malaman ang totoo?” umiiyak na tanong ni Mariette.

“Itigil niyo na ang pagtatalo! Umalis ka na, rito!” sabi naman ni Ambrosio kaya umiiyak na lumakad papalayo si Mariette kasama si Valeria.

Pilit namang kinukumbinsi ni Leandra ang kaniyang mga magulang na pabalikin ang kaniyang ate at huwag hahayaang umalis ngunit sadiyang matigas ang puso ng kanilang mga magulang.

“Nay, nagmamakaawa po ako sa inyo! Huwag ninyong hahayaang umalis si Ate Mariette! Hayaan niyo namang maging buo at masaya ang pamilya natin!” umiiyak na sabi ni Leandra at lumuhod pa sa harap ng mga magulang habang umiiyak.

Sinabi lamang sa kaniya na bata pa siya kaya’t hindi niya pa naiintindihan ang kanilang sitwasiyon ngunit alam ni Leandra sa kaniyang sarili na alam na niya ang bawat nangyayari. Nasasaktan din siya sa kanilang sitwasyon.

Nagtungo naman sa park sila Valeria at Mariette at maging si Anselmo ay naroon din. Pilit nilang pinapakalma si Mariette. Makalipas ang ilang minuto ay ipinagtapat na ni Mariette ang katotohanan.

Walong buwan na siyang ginagahasan ng kaniyang ama at nagbunga ang panggagahasa ng kaniyang ama sa kaniya. Hindi niya magawang sabihin iyon kay Cornelia dahil alam niyang hindi siya paniniwalaan. Wala rin kabit ang kanilang ama dahil siya mismo ang parausan ng ama.

Pitong buwan na siyang buntis ngunit itinatago niya lang ang umbok ng kaniyang tiyan sa pamamagitan ng pagsusuot ng maluluwang na damit mabuti na lamang ay hindi gano’n kalaki ang kaniyang tiyan.

“Hindi ko matanggap na ginagahasa ka ng sarili nating ama, Ate Mariette! Hinding-hindi ko siya mapapatawad!” galit na galit na sabi ni Valeria habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Tila ba handa siyang pumatay para maipaghiganti si Mariette.

“Ano na ang gagawin natin?” tanong ni Anselmo.

“Ayoko ng umuwi sa bahay! Natatakot na ako!” takot na takot na sabi ni Mariette at umiling nang umiling.

Napagpasiyahan nilang dalhin na lamang si Mariette sa bahay ng kanilang tiyahin na sa Helga. Doon ay alam nilang ligtas siya at poprotektahan siya ni Helga.

HABANG namamahinga sina Cornelia at Ambrosio sa kanilang sala ay dumating si Helga na hingal na hingal at halos hindi makapagsalit at umiiyak.

“Hindi ko alam kung p-paano ko ito sasabihin,” nauutal na saad ni Helga.

“Ano ba iyon, Helga? Sabihin mo na,” hindi makapaghintay na sabi ni Ambrosio.

“Si Mariette ay…”

“Ano, Helga? Ano naman ang tungkol sa walang kwentang babaeng iyon?” tanong naman ni Cornelia.

“P-Patay na si Mariette!” sigaw ni Helga at tuluyang humagulgol. Natigilan si Cornelia sa narinig niya at hindi makapaniwala. Ilang segunod siyang hindi nakaimik hanggang sa unti-unting tumulo ang kaniyang mga luha.

“Hindi! Hindi pa patay si Mariette!” paulit-ulit na giit naman ni Cornelia.

Palagi niyang sinasaktan ang kaniyang anak ngunit tila hindi niya kakayanin kung mawala na ito sa buhay niya.

“Patay na nga si Mariette! Sana nga hindi pa siya patay! Nakita ko ang nagkalat na bubog mula sa picture frame ng family picture niyo! Naglaslas si Mariette! Patay na siya!” sigaw naman ni Helga. Napailing muli si Cornelia at ayaw maniwala kay Helga.

“Hindi! Itigil mo ang sinasabi mo. Hindi pa siya patay, nararamdaman kong hindi pa siya patay!” umiiyak na wika ni Cornelia habang si Ambrosio naman ay nasa gilid at sinagi nang malakas ang flower vase.

“Cornelia, patay na siya!”

“Hindi! Hindi! K-Kasalanan ko lahat ito! Hindi siya magpapakamatay kung hindi dahil sa akin.” Tuluyang napaluhod si Cornelia at humagulgol.

“Hindi mo ito kasalanan, Cornelia. Ako ang dapat sisihin dito,” sabi naman ni Ambrosio.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Cornelia.

“Nahanap ko rin pala ang suicide letter ni Mariette,” ani Helga at iniabot ang papel kay Cornelia na siyang binasa niya.

Siguradong patay na ako kapag nabasa niyo ito. Nagpakamatay ako dahil hindi ko na kaya ang sitwasyon natin. Hindi ko naman pinagsisisihan ang pagpapakamatay ko.

Pagod na ako sa sitwasyong meron tayo. Wala pang paskong naging masaya tayo. Lagi akong umiiyak tuwing gabi ng hindi niyo alam dahil ayaw kong makita niyo ang kahinaan ko. Anong klaseng effort pa ba ang kailangan kong gawin para hindi niyo na ako ikumpara sa iba? Patawarin niyo ako kung hindi ko naabot ang ekspektasyon niyo. Huwag kayong mag-alala, wala na ako. Wala ng bibigo sa inyo.

Pagod na ako sa palaging pag-aaway ninyo. Nagmamakaawa ako, itigil niyo na iyan. Ayokong matulad saakin si Valeria at Leandra.

Valeria, alagaan mo ang sarili mo at huwag mo na sanang pababayaan ang pag-aaral mo.

Leandra, mag-aral kang mabuti at abutin mo lahat ng mga pangarap mo.

Anselmo, salamat sa pagiging mabuting kaibigan mo saakin noong nabubuhay pa ako. Patawad kung hindi ko sinunod ang sinabi mong huwag akong magpakamatay. Sana may mapatawad mo ako.

Nay, imbes na paglalaro ng mahjong ang inaatupag niyo, alagaan niyo ang mga kapatid ko. Maging responsable sana kayong ina.

Tay, alam kong ang ginawa niyo saakin ay malaking pagkakamali. Ginahasa mo ako na para bang hindi mo ako anak, pero pinapatawad na kita.

Alagaan niyo sana ang anak ko.

Hinding-hindi ko kayo makakalimutan.

Mariette

Pagkatapos mabasa ni Cornelia ang sulat ay naikuyom niya ang kaniyang mga kamao at matalim ang tingin na ipinukol niya kay Ambrosio.

“Bakit mo ginahasa ang anak natin?! Hinding-hindi kita mapapatawad! Demonyo ka, Ambrosio! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” sigaw ni Cornelia habang umiiyak at sinampal nang malakas si Ambrosio.

“Kailangan niyong makapag-usap ng wala ako,” wika naman ni Helga saka lumakad papalayo.

“Mabubulok ka sa kulungan!” galit na galit na wika ni Cornelia at pauli-ulit na sinasampal ang asawa. Hindi naman umiwas si Ambrosio at sinalo lamang ang mga sampal ni Cornelia.

“Hayaan mong pagbayaran ko ang ginawa ko, Cornelia,” umiiyak na ani Ambrosio.

“Mabubulok ka talaga sa kulungan!”

---

NAROON ang buong pamilya ni Mariette sa kaniyang lamay. Maging si Anselmo ay naroon din. Luksang-luksa sila sa nangyari kay Mariette. Labis naman na pinagsisihan ni Cornelia at Ambrosio ang kanilang mga nagawa.

“Patawarin mo sana kami kung naging iresponsable kaming mga mgaulang sa iyo. Kung sana hanging responsable kaming mga magulang sa iyo, sana hindi ka humantong sa ganito,” lumuluhang sabi ni Cornelia habang hinahaplos ang kabaong ng anak.

“Pangako na aalagaan namin ang anak mo. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa iyo, anak,” wika naman ni Ambrosio. Puno man ng pagihinagpis ngunit huli na ang lahat.

“Patawarin mo sana ako kung ikinumpara kita sa anak ni Loreng. Napagtanto ko na ang ginawa ko ay isang malaking pagkakamali. Patawarin mo kami kung binigyan ka naming ng kabigatan diyan sa puso mo. Alam kong huli na ang mga sinasabi kong ito. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita,” saad naman ni Corneila at niyakap ang kabaong ng anak.

“Nagmamakaawa ako, gumising ka na, Mariette. Haayan mong ipakita namin sa iyo ang pagmamahal na hindi namin naibigay,” sabi pa niya. Ang mga nakikilamay ay naluha na rin habang pinapanood si Cornelia. Halos maglupasay na siya sa tabi ng kabaong ni Mariette.

“Ang mga magulang ay tila isang compass na gumagabay sa kanilang mga anak sa buhay. Ngunit kung ang compass ay sira, maliligaw ng landas ang mga anak. Cornelia, Ambrosio, kayo ang aguhon ng mga anak ninyo, kaya kung hahayan niyong masira kayo, masisira rin ang magandang buhay ng anak ninyo gaya ng nangyari kay Mariette. Kaya sana ay mag-ayos kayo para sa kapakanan ng mga anak ninyo,” payo ni Helga sa dalawa.

“Salamat sa mga payo mo, Helga. Magiging mabuting magulang kami para sa mga anak namin,” wika ni Cornelia nang kumalma na siya. May-maya pa ay may dumating na dalawang pulis.

“Narito na ang mga pulis,” bulong ni Valeria sa kaniyang ina.

“Sino si Ambrosio Ocampo?” tanong ng isang pulis kaya humarap si Ambrosio.

“May warrant arrest kami sayo dahil sa panggagahasa mo kay Mariette Ocampo,” dagdag pa ng pulis.

“May karapatan ka para manahimik at kumuha ng abogado. Sumama ka sa amin sa presinto,” wika ng isa pang pulis at nilagyan ng posas ang magkabilang kamay ni Ambrosio.

“Mabubulok ka na sa kulungan, Ambrosio!” galit na wika ni Cornelia hanggang sa tuluyang makaalis ang mga pulis kasama ang kaniyang asawa.

MAKALIPAS ang ilang mga linggo ay binisita nila ang puntod ni Mariette. Naroon sina Cornelia, Valeria, Leandra, Helga, at Anselmo, maging ang sanggol na anak ni Mariette. Si Ambrosio naman ay nakulong upang pagbayaran ang kaniyang mga nagawang kasalanan.

Isinunod ang pangalan ng anak ni Mariette sa kaniyang pangalan. Eksaktong ang araw na iyon ay ang bagong taon. Doon na sila naghanda sa puntod ni Mariette. Nasurpresa ang mag-anak nang dumating si Ambrosio kasama ang tatlong pulis. Pansamantala siyang nakalabas sa kulungan para bisitahin ang puntod ng anak at para maipagdiwang ang bagong taon kasama ang pamilya.

Buo na silang magpapamilya upang ipagdiwang ang kapaskuhan. Napatawad na rin ni Cornelia ang kaniyang asawa at unti-unting tinanggap ang katotohanan. Ang buhay at sakripisyo ni Mariette ang naging susi sa pag-aayos ng pamilya gaya ng sakripisyong ginawa ni Hesus.

Gaya ng hiling ni Mariette, tumigil na sa paglalaro ng mahjong si Cornelia. Naging responsable na siyang ina at inalagaang mabuti ang kaniyang mga anak at ang anak ni Mariette. Bumalik sa pag-aaral si Valeria at palaging nangunguna sa klase. Nag-aral namang mabuti si Leandra at laging sumasama sa patimpalak sa eskuwelahan.

Naging matiwasay ang buhay nila kahit hindi na sila buo gaya ng dati…



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro