Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6




Gossip


Tanghali na ng makatangap ako ng mensahi sa phone galing kay Clyde.

Message:
Meet me at 12, sa baba.
Clyde.

Paano na niya nakuha ang numero ko? Huh, bago pa ba ito? E, kahit nga ang mama niya ay kakaiba. Mag-ina nga sila!

Inayos kong madalian ang sarili. Mayroon akong dalawang t-shirt at dalawang jeans na dala. Hindi ko inakala na tatagal ako ng isang linggo rito. Naka t-shirt lang ako na may hugis puso sa gitna at faded skinny jeans. Sinuklang ko lang din ang mahabang buhok ko habang nakatitig sa salamin.

Hindi ako katangkaran, 5'3" at katamtaman na pangangatawan. I'm a typical normal girl like any other. Walang espesyal sa akin. Pero gaya nga nang sabi ni mama lahat tayo ay kakaiba, at kahit na ako ay iba rin raw at may ukit na ganda. Iba nga naman si mama. Napangiti na tuloy ako sa sarili.

Nang handa na ay bumaba na ako patungo sa karamihan. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Malakas ang pintig ng puso ko. Nang bumukas ang elevator. Sa ground floor agad ako nagtungo, sa information area. Magtatanong pa sana ako pero siya agad ang unang nahagip ng mga mata ko.

He's sitting relax and comfortable with a woman. She seems like a model. Well, she's probably a model who knows? Or an actress? Pamilyar kasi ang mukha niya. Pero hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita.

Malawak ang ngiti ni Clyde sa kwentuhan nilang dalawa. I never thought that he can smile like that? Gumaan ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan siyang nakangiti. Imbes na lapitan siya ay mas pinili ko na lang na umupo sa may katabing mesa. Hindi naman niya napansin ang pag-upo ko dahil nakatalikod siya sa akin.

"We should better catch up, Clyde. I miss our hang outs and whereabouts," rinig kong sabi ng kausap niya.

"Soon, Nicole. Just give me time. I just have to settle everything first and after this, I will get back to you," saad niya sa masiglang boses.

Hindi naman sa nakikinig ako sa pinaguusapan nila. Pero sadyang naririnig ko talaga. Dahil katabi lang naman ako. Nag kunwari akong nagbasa ng magazine na nasa lamesa. Pero ang totoo, nakikinig ako sa pag uusap nila.

"When are you going back to Mazaro del Vallo, Clyde?"

"I'm on a mission for three months. Kailangan ko munang tutukan. Tapos babalik din ako pagkatapos sa Mazaro."

"Ba't ka pala nandito sa hotel? Usually, nagpapaalam ka naman pag pumunta ka rito? Nagtaka nga ako nang sabihin ni daddy na nandito ka."

"Just checking the business and also I'm doing a certain project. Sort of like that."

"Are you gonna fly back to Paris tonigh?" boses ni Clyde

"Oo. I have to finish my work. Alam mo na," tugon ng babae.

"I really miss you, Clyde...Matagal tagal na din na hindi tayo nagkita. You're still single right? Hindi ka pa ba mag aasawa?" pagpapatuloy niya.

Rinig ko agad ang bahagyang tawa ni Clyde sa kausap, at lumikha nang inggay ang upuan niya.

"I'm not gonna settle down, Nicole. Not unless, if I'm crazy enough to settle."

"Baliw! You're the same as before, Clyde."

"I'm sure. Magwawala si tita nito. I still remember three years ago. She was determined to get me to marry you. Sana nga pala pumayag ako."

"Kasalanan mo. Kaya hanggang ngayon single pa ako."

Narinig ko na ang pagsapak ni Nicole kay Cylde sa balikat niya.

"Too bad. I'm taken, Clyde," si Nicole sa kanya.

"Yeah, I know... "

"Pero hindi mo rin naman ako type noon. For all I know patay na patay ka kay--"

"Don't mention her anymore."

Pinutol agad ni Clyde ang sasabihin sanang pangalan ni Nicole. Umigting na ang tainga ko at uminit ito. Bakit kaya? Hmp! Kaya pala bitter kasi broken hearted! Ng baliw lang din.

"Anyway, Clyde. I have to go. I only drop by to say hello to you. It's nice to see you and hopefully next time na magkita tayo ay may ipapakilala ka na sa akin na mrs mo."

Rinig ko na ang bahagyang tawa ni Clyde. Mas tinakpan ko na ang mukha nang marinig ang pag-galaw ng upuan nila. Why am I doing this anyway? This guilt feeling. Ganito talaga ano kapag nakikinig ka sa chismis ng iba. Ang baliw ko na talaga.

For goodness me Serenity, chismosa ka na!

Nang wala na akong marinig na inggay sa kabila ay dahan-dahan ko nang binaba ang magazine na nakatakip sa mukha ko. And to my surprise, ang mukha niya lang naman ang bumugad sa harapan ko.

He slightly glared at me. Galit na ang leon, at nagalit ko 'ata. Nakatitig siyang husto sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. I swallowed hard while we stare. His deep beautiful brown eyes are melting me. Imbes na matakot ako dahil nahuli niya ako na nakikinig sa kanila ni Nicole. E, para akong natatawa sa sarili ko ngayon.

"Hi," ala fake smile ko.

"Follow me," sa baritonong boses niya.

Tumalikod na agad siya at tumayo na ako para makasunod sa kanya. Para akong asong ulol na nakasunod sa amo niya. Halos tinakbo ko na ang distansya naming dalawa, dahil sa bilis niyang maglakad. At nang makarating na siya sa elevator ay muntik pa tuloy akong masarhan. But then he suddenly put his hand on the side to stop it from closing.

"Salamat," saad ko sa mahinang boses.

Hiningal pa tuloy ako. Best exercise 'ata ito! At talagang sanay na ako. Hinahabol-habol ko nga ang boss kong Judge na matanda na. Na kong maglakad ay parang may dalang scooter. E, ito pa kaya? Sisiw!

Napasandal ako sa dingding na habol ang hininga ko. Palihim ko siyang tinitigan at napalunok lang din ako dahil nakatitig din naman pala siya sa akin ng husto. Pakiramdam ko lumiit ako ngayon sa harapan niya.

Shocks! May nagawa ba akong masama? Sa tingin ko alam ko na. Ba't pa kasi ako nakikinig sa kanila?

Naging tahimik kaming dalawa sa loob at pinikit ko na ang mga mata ko. Pinigilan ko pa ang paghinga ko. Kasalanan ko naman ito. Ang tanga lang din Serenity! Gaga! Ba't pa kasi nakikinig ako sa kanila kanina. Kahit naman siguro kahit sino ay maiinis talaga.

Umayos ako nang konti at nilingon siya. Nakatingala siyang nakatitig sa numero sa itaas at napa-tiim bagang pa. Both of his hands are on his pockets. Sa matipunong brao niya napako ang mga mata ko. Panalunok pa ako at kinabahan na. Ba't ba kasi kung ano-an na ang tinitigan ko ngayon sa kanya.

Tumikhim ako at pa-simpling sinuklang ang buhok ko gamit ang kamay. Tumingala na rin ako para makita ang numerong pag-aakyatan namin. Ba't ba kasi ang tagal ng elevator na ito! Parang isang oras na kami rito!

I stare at him again without thinking. He's got the most alluring face of a man. Gwapo at gwapo na lang lahat sa kanya. Isama mo pa ang boses niya. Maliban nga lang sa ugali na weird talaga. Tumikhim siya at nahinto ako sa titig. I looked away and I didn't notice that there's a mirror wall in front of us. Umakyat ang pintig ng puso ko nang makita na nakatitig siya sa akin ng husto.

My goodness me! Nahuli na naman niya ako! Ang sarap magunaw ng mundo. Dios ko!



-❤️❤️❤️--
salamat sa pagbasa 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro