Kabanata 40
The Secret Key
Nang makarating ay sinalubong kaagad kami ni Lolo. It's late afternoon already and I feel a bit hungry again. Ano ba 'to. Puro pagkain na lang 'ata ang laman ng utak ko ngayon!
I let my eyes survey the area. Ang laki na ng pinagbago rito. May mga bagay pa rin naman na hindi kailanman nawala... I miss the mansion so much. The last time I was here was 17-years-ago, and still almost nothing has change. Everything is still on it's own place.
Iniwan ko muna sina Lolo at Clyde na nag uusap oa. Mabilis akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay patungo sa kwarto ko noon. And as expected, everything is still the same in this room. I smile when I smell the same scent as before. Kulay pink ang wall at halos pink nga naman ang lahat. Ang malambot na carpet, ang mga furniture at ang iilang bagay pa. Maliban nga lang sa kama na naging queen size na.
I smile when I saw my pink barbe lola.
"What do you think, hija? Wala akong binago at pinalitan ko lang ang kama," si Lolo na ngayon ay nasa likod ko na.
I smile at him widely and hug him again. Ang pamilyar na amoy at anyo ng lahat ay nagbibigay saya sa puso ko. Ang alaala at pakiramdam na buhay pa ang ama ko ay nararamdaman ko ngayon sa piling ng lolo ko.
"Walang nagbago. lolo. You preserved this place so well," ngiti ko.
Tumango siya at ngumiti sa akin.
"Every time I missed you and Enrico. This room became my secret hideout, hija... This is the room of my reflection and grief. Alam ko balang araw ay babalik kayo rito. Pinilit kong magbago at hinanap kayo ng Ama mo. Pero ang galing magtago. Nahirapan ako..." sa buntong hininga niya.
"I have regretted it so much, Serenity... Pero kung nagkatuluyan sila ng Papa mo at ina ni Clyde, ay wala siguro akong magandang apo," sa ngiti niya sa akin at haplos sa buhok ko.
"Alam kong marami akong pagkakamali kay Enrico, at pilit kong inaayos ang lahat sa pamamagitan sa'yo, hija... I know it's too late for my son, but I know with you I still have my hope... I hope you can forgive me, hija.."
Namuo ang luha sa mga mata niya at niyakap ko na siya.
"Alam mo, lo. Bago nawala si Papa ay may isang bagay siyang sinabi sa akin," sa titig ko sa kanya. "He told me to forgive and forget those people who will hurt me... Sabi ni Papa, ang pusong puno ng sakim at galit ay walang saya sa puso kahit pa nakaupo siya sa ginto," sa patak ng luha ko.
"Learn to forgive and to forget, Serenity. Let your heart live in love and happiness and make GOD as the center of your life. HE will guide you to the right person and HE will give you your heart desire..."
Ito palagi ang naririnig ko sa ama ko noon, noong buhay pa siya. Kaya kahit gaano man nasaktan ang puso ko kay Vincent ay pinatawad ko siya... Kaya pumayag din ako sa alok ni Clyde noon, dahil naawa ako sa kanya.
"I'm sorry, hija..." Sa mahigpit na yakap niya. "Enrico raised you so well with faith and love and I am so proud of him."
Ramdam ko agad ang pagpunas ni lolo ng luha sa mga mata niya. Nahabag lang din ang puso ko.
"I'm sorry, lo. Pasensya na at naging malungot ang mga panahong iyon para sa 'yo," sa titig ko sa mga mata niya.
"I deserved those punishment from Enrico, hija. Naging malupit ako sa kanya..." nangingilid ang luha sa mga mata niya at agad niyang pinunasan ito. Niyakap ko siya nang husto at mas mahigpit pa.
"I'm too old for all these things and I'm ready to meet them afterlife, Serenity," sa nababasag na boses niya.
"No, I won't let you, lolo. Not yet," sa pigil hininga ko. "Someone will be eager to meet you and wanted to play with you," ngiti ko sa kanya at ngumiti na rin siya.
"Do you want me to show you a secret?" sa kinang nang mga mata niya.
"Ho? A secret? Ano 'yan, lo?" bahagyang tawa ko.
Para kasi akong bata na excited sa magiging regalo ko na galing sa kanya. Ganito rin kasi si lolo sa akin noon. Ganitong-ganito siya. At this moment I forgot to think about Clyde at mas naging interesado ako sa sekretong gustong ipaalam ni lolo sa akin.
"Shall we?" ngiti niya at iginiya akong naglakad na kasama siya.
Bumaba kami sa unang palapag ng mansion. Maaliwas na at walang tao sa bahaging ito. Hindi ko na nakita si Clyde nang dumaan kami sa labasng harden. E, kanina nandito pa siya, pero ngayon wala na... Ewan ko kung saan siya nagpunta. Pilit ko pang tiningnan ang buong paligid sa labas, nagbabasakali na makita siya nang mga mata ko, pero wala talaaga siya sa bahaging ito. Nakadama agad ako ng lungkot sa puso.
Pumasok kami ni Lolo sa isang sekretong silid. Ang buong akala ko ay ordinaryong silid lang ito, dahil wala naman nakakapagtaka rito. Pero mali na naman ako, dahil ang simpling silid na iyon ay may sekretong lagusan patungo sa underground ng bahay.
Just like Clyde, lolo is very secretive too. May pagkakapareho nga silang dalawa. Hay naku! Ang mga lalaki nga naman talaga! Napailing ako ng lihim sa sarili. Everything has finger print sensor here, and it's the same with Clyde. I even looked around and most likely it's the same. May lahing secret agent ba 'tong lolo ko? Hindi naman siguro ano.
"Come here, hija," tugon at lapit niya sa akin.
Nakatapat ako ngayon sa isang silver na cabinet na kasing taas ko. It has a print sensor too and I'm sure it doesn't belong to Grandpa. I stood in front of it, staring on it like a puzzle. Nakakalito? Nalilito ako?
"Look at that print." Sa turo nang kamay niya rito at tinitigan ko agad ito. In an instant it scanned my left eye! Nabigla ako at napaatras nang bahagya. Rinig ko pa ang pagtikhim ni Lolo sa likurang bahagi ko, at bumukas ito.
Now I know. All along he waited for me. He waited for this... His hidden secret can't be open without me. Lumapit siya at may kinuha sa loob. Iilang documento ang meron dito, at para sa akin mukhang importanteng mga dokumento ito.
May kinuha siyang isa pa at binuksan ito. It is the Will and Testaments of my Grandma and the other is the Will and Testaments of Papa. Binigay ni lolo ito sa akin at binasa ko na.
"That's the original of the will and testament, hija. The lawyers only hold the duplicate and the bank secured the same copy too. Read it," saad niya.
My name is written all over the joint of both Will and Testaments of Papa. Kasama din si Benny at Mama, pero mas iniwan niya lahat ng shares sa companya sa pangalan ko. When I read Grandma's will. She also submitted it all to Papa's name (Enrico). Ngayon malinaw na sa akin ang lahat at naiintindihan ko na.
"There's one more, hija," ngiti niya.
"Bend down and open that drawer for me please," turo niya.
I bend down and my eyes meet on the other one too. Same with the top, bumukas din ito gamit ang aking mata. Same eye sensor indeed. What surprise me is the inside of it... It's gold bars!
Tumayo kaagad ako at nabigla pa. Tinitigan ko si lolo sa mga mata. I can't believe it! He holds so much possession? Is this even legal? Serenity ano ba! Nag-iisip kasi ako at nalilito na ako ngayon. Hindi lang din ako makapaniwala talaga.
"This is all yours, hija. You can use them in anyway you like. Kay Enrico ko naipamana ang lahat ng ito. But he's not here with us anymore and so it's all for you and Benny," buntong hininga niya.
"Lo, are these legal? I-I mean, is this--" sa nalilitong tanong ko. Hindi ko tuloy matapos ang salitang binitawan ko. Bahagya lang din siyang natawa.
"Of course, hija. But it's top secret okay."
Napailing na ako at mas ngumiti pa.
"Ngayong alam mo na ang lahat. Maybe you can help me manage the business branches? But not now, not yet. I want you to enjoy your motherhood journey with Clyde," ngiti niya. Niyakap na niya ako nang mahigpit ngayon.
Speaking of Clyde? Nasaan na ba ang taong iyon? He owe me a lot of explanation!
"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo? Napapansin ko simula kaninang umaga hindi mo pa siya pinapansin, hija?"
Napangiwi ako at bumuntong hininga na.
"May kasalanan kasi siya, lo. Kata magdusa muna siya!" ismid ko.
"Did you know how messy he was when he arrived last night?"
Napataas ang kilay ko habang nakatitig ulit sa lolo ko. Lumakas na ang tibok sa dibdib ko ngayon. Mabuti nga sa kanya! Isip ko.
"He arrived here and in so much mess. He looked so lost, hija... And then one of my bodyguard called saying you collapsed. So I instructed them to take you to the hospital."
Nangingilid ang luha ko sa mga mata ko sa sinabi ni Lolo ngayon. Mahal ko si Clyde ng sobra, pero ang daming katanungan sa isip ko na gusto kong sagutin niya. Pero wala akong lakas ng loob na magtanong sa kanya, dahil pakiramdam ko unang bibigay ang mga mata ko kaysa sa bibig ko. Kaya minsan mas gusto kong tumahimik na lang muna.
"Mahal ka ni Clyde, Serenity. I can see that. You are his top priority." Sabay pahid niya sa luha ko sa pisngi.
Hindi ko na kasi namalayan ang pagpatak nito, dahil nasasaktan pa din ako at naiinis pa ako sa kanya.
-❤️❤️❤️-
Salamat sa supporta 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro