Kabanata 38
Away
Nang makababa ako sinalubong ako ni Nanay Pia. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Alam niya siguro kung anong eksena ang meron kanina, dahil halata ito sa mukha niya.
"Serenity..." sa lungkot na boses niya.
Hindi ko tuloy maitago ang iyak ko sa kanya. Kaya niyakap ko na siya nang mahigpit. Pumatak lang din ang walang kwenta kong luha! Hindi ko nga nakuhang pigilang ang luha ko noon kay Vincent, ngayon pa kaya na si Clyde na ito! Ang tanga ko lang din ah...
"Serenity, kilala ko si Clyde. Alam kong naging malaking bahagi ng buhay niya si Suzane, anak. Pero nakaraan na iyon hija. Ang mahalaga ay ikaw ang ngayon niya."
Ngumiti siyang pinahiran ang luha ko. Pero hindi pa rin ito nakakapagaan sa nararamdaman ko ngayon. Dahil mabigat pa rin ang loob ko. Naghalo ang inis, at galit ko ngayon sa kanya... Kung sinagot niya lang sana ang tawag ko kanina...
Pinunasan ko na ang luha ko at napahawak na si Nanay sa palapulsuhan ko. Nakatitig siya nang husto sa akin at nakatitig din ako sa kanya. Walang tigil naman ang luha ko kahit na pilit niya akong pinapakalma.
"Serenity..." Sabay haplos niya sa kamay ko at pisil nito.
Kumunot lang din ang noo niya nang mapako ng husto ang paningin niya sa palapulsuhan ko. Nagtataka tuloy ako kung ano ang nakikita niya? E, ,ay lahing maghuhula pa naman ito si Nanay Pia. Nahuhulaan na niya siguro na wala na kaming pag-asa ni Clyde dahil sa baliw na ina niya!
"B-Buntis ka ba, hija?"
Namilog na ang mga mata at kumunot pa ang noo ko ngayon.
"Ho?"
Nalito na tuloy ko at panay lang din ang titig ko sa kamay ko. Nakahawak pa rin siya sa bandang palapulsuhan ko. Mas napahagulgul na akong lalo. Buntis? Huh, ang baliw lang din Serenity! Sigaw ng isip ko.
Hindi ko nga alam sa sarili ko na buntis ako? E, si Nanay pa kaya? Bahagya na akong natawa at pahid sa luha ko habang tinititigan si Nanay ngayon. Kinabahan na ako at alam kong pinapakalma lang din ni Nanay ang nararamdaman ko.
"Nanay naman! Nagpapatawa ho kay e!" sa pilit na ngimit ko sa kabila ng sakit.
"Serenity... Mag-ingat ka, hija."
"H-Ho?" sa kurap ko kay Nanay. Naging seryoso ang mukha niya at sa tingin ko hindi siya nagbibiro ngayon. Natahimik na ako at mas umiyak na akong lalo...
My goodness me, baka nga naman buntis nga ako! Sigaw ng isip ko iyak ko pa rin. Para na akong baliw nito!
"Nanay, pwede ba huwag mo na lang muna sabihin kay Clyde. Kasi hindi pa naman sigurado at wala pa naman akong nararamdaman ngayon," Sabay pahid nang luha ko.
Tumango na si Nanay sa akin at niyakap na ako nang mahigpit. Para tuloy akong bata ngayon at hindi mahinto ang iyak sa sarili.
"Tahan na, Serenity... Hindi maganda sa bata ang pag-iyak mo. Lakasan mo ang loob mo, hija... Huwag kang mag-alala alam kong hindi ka pababayan ni Clyde... Kilala ko ang batang iyon at alam kong ikaw ang mahal niya. Kahit pa kalabanin niya ang ina niya, alam kong sa huli ay ikaw ang pipiliin niya," sa ngiti ni Nanay at tumango na ako.
Natahimik na ako at pilit na inayos ang sarili ko. Kahit papaano ay naliwanagan ang utak ko ngayon sa sinabi ni Nanay.
Nagpaalam na rin ako sa kanya at naging kalmado na ulit ako sa satili ko. Nang makalabas ako ay ang dalawang gwardiya ni lolo agad ang sumalubong sa akin.
"Sorry, Maam. Lumabas muna kami nang subdibisyon at nag merienda," paumanhin nila at tumango lang din ako.
"Okay lang... Ihatid niyo na ako sa bahay," saad ko habang inaayos ang malaking sunshades na suot ko, at pumasok na ako sa loob ng kotse.
I'm still crying crazily right now because it hurts like hell. Bwesit na talaga to! Panay ang tingin ko sa labas ng bintana at punas sa luha. Makailang ulit pa ang mura ng isip ko at hindi ko maalis ang eksena nilang dalawa ni Suzane kanina.
The image of them in holding hands while Suzane is holding onto him tightly is crushing me. It pain me so much and I felt so betrayed because he didn't even answered my calls. Mahirapa ba iyon? Ba't hindi niya masagot ang tawag ko? Bwesit talaga oh!
For the second time I want to give myself a chance and I want to hear his side. Gusto kong pakingan man lang kung may gusto ba siyang sasabihin sa akin. So I re-dial his number again. It rang a few times and then he answer it.
"Hi, sweetheart," si Clyde sa kabilang linya.
My heart jolted and I swallowed hard. I clear my throat before talking. Ayaw kong mahalati niya ang nararamdaman ko sa boses ko ngayon.
"Hi, sweetheart. Where are you?" sa kunwaring sigla ng boses ko. Ang totoo ay sasabog na ang loob ko ngayon, at pilit na pinigilan ang luha ko.
"I'm doing something important, sweetheart... I don't think I can see you tonight but I will try tomorrow okay," he deeply sighed.
What a lame excuse Clyde! Sigaw ng isip ko habang pinapakingan siya. Ang sakit, at parang dinagdagan niya lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pinikit ko ang mga mata ko at nagbuga ako nang konting hinga. Isa nalang, isang tanong na lang at huli na 'to.
"Sinong kasama mo? And what keeps you busy?"
Shit naman talaga, Serenity! Sa lahat ng itatanong ko ito pa talaga? Kinagat ko na ang hintuturong daliri ko para hindi ako maiyak masyado. And then, I can hear him sighing heavily again.
"It's just business... Sorry, sweetheart but I have to go. I'll talk to you again later okay, hmm," sabay patay niya sa tawag at natulala na ako.
"Shit you, Clyde! Ang ganda ng pangangatwiran mo! Ang tanga lang din!" tugon ko habang pinagmamasdan ang cellphone na hawak ko. Napatingin pa tuloy ang dalawang tauhon ni lolo rito.
That's it. This is really happening right? Freak! I'm freaking lost it!
NAKARATING ako sa bahay na medyo kalmado na ng konti. Si Mama agad ang sumalubong sa akin. Agad niyang napansin ang pag iyak ko. Kahit kailan talaga ang hirap kontrolin ng emosyon ko.
I cannot really control myself and I cannot fake my feelings at all. My tears is my mirror to my soul. The pain is prickling inside me and it killing me.
"Serenity, hija?" si Mama at niyakap niya ako nang husto. Mas napahagulgul lang din akong lalo.
I stood crying on her shoulder for more than minutes. Hindi na nagsalita si Mama at tanging haplos at yakap lang niya ay sapat na sa akin ngayon. Naging kalmado na ako at natapos na din ang iyak ko. Naupo na ako sa lamesa at pinagtaimpla ako ni Mama ng kape. Tinitigan ko lang it at naalala ko ang sinabi sa akin ni Nanay Pia.
Am I really pregnant? If so, bawal ang kape...
"Ma, ayaw ko ng kape. Pwede gatas na lang," sa pilit na ngiti ko.
Ngumiti lang din siya at tumayo na. Pinagtimpla niya ulit ako at gatas na ito. Siya na mismo ang uminom ng kape na gawa kanina.
"Hija, may problema ba kayo ni Clyde?" sa seryosong tugon niya.
Hindi na muna ako nagsalita at ininom lang ang gatas. Nakatitig ako sa tasa at hindi ko alam kong paano ko sisimulan ito sa ina ko. Mariin na niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil-pisil ito.
"Si Cynthia ba?"
Nag-angat agad ako ng tingin sa ina ko at nagtitigan kaming dalawa. Simpli ang ngiti ni Mama at maaliwas ang mukha niya. I stare at her eyes and I can see that she knew everything... After all she's the wife...
Alam rin niya siguro ang lahat ng tungol sa Mama ni Clyde at kay Papa noon. Mas nanlumo ang puso ko para sa ina ko. Hindi ko alam ang buong kwento nila. Pero alam kong minahal ni Papa si Mama ng sobra...
"Hija, your dad loves us so much. Kung ano man ang nangyari sa nakaraan ay nakaraan na... Tapos na iyon at wala na. Ano bang problema ni Cynthia?" sa kunot-noo niya.
"Ma... Pabayaan mo na," sa mahinang tugon ko.
"Hija, anak kita at wala akong nakikitang mali sa inyo ni Clyde. It's your life with Clyde and it's not about us adults to interfere. What happened between your Dad and Cynthia are the past. It's all over..." sa babang boses ni Mama.
Tinitigan ko lang siya. Nagtatanong ang titig ko sa kanya. Naging tanga rin kaya ang ina ko? O wala na siyang pakialam dito? Pero kung iisipin ko nga naman tapos na sila bago pa dumating si Mama sa buhay ni Papa. And I know that she's happy with Papa.
"I will talk to his mother," sa titig ni Mama sa akin.
"No. Ma. Hindi na kailangan... Ayaw kong madamay ka, Ma," sabay yuko ko.
My Mom is my inspiration. She's very tough and brave. She's a demure and a domesticated wife. She loves us unconditionally and I don't want her to see the past. Ayaw kong maungkat lang ang lahat ng nakaraan... Wala na si Papa at wala ng silbi ito.
"Susuko ka na lang ba, Serenity?" sa kunot-noo niya at titig ko.
"Ma, Clyde will decide not me."
Padabog akong tumayo at nagtungo sa kusina. Sabay pahid nang luha ko sa mata. Bwesit naman 'to! Hindi ba matatapos ang patak nito? Nakakainis na! Isip ko.
"Ma, sasama ako kay lolo mamaya. I will go to Cebu. Nag-usap na kami ni Lolo kanina sa sementeryo," panimula ko at hinarap siya.
Bumuntong hininga na siyang tinitigan ako at bakas sa mga mata ni Mama ang pag-aalala sa akin.
"Alam ko. Tumawag ang Lolo mo kanina." Sabay punas niya sa luha ko sa pisngi.
"Nasasaktan ako para sa 'yo anak. You don't deserve any of this pain, hija." Sabay yakap niya sa akin.
Ang totoo, kung ina lang ni Clyde ay wala akong problema. Sisiw lang iyon dahil kaya ko namang makipag plastikan sa ina niya. Pero ang kay Suzane? Hindi ko kaya. Kaya mas mabuti na pagbibigyan ko si Clyde, at ng makapag-isip siya.
He deserve to be punished! Nakakainis lang din dahil simpli lang naman ang gusto ko galing sa kanya. Iyong ay ang magsabi siya nang totoo sa akin. But the heck! Parang sampal sa mukha ko ang ginawa niya kanina.
His lame excuses and lies are making me more angry. Ba't kailangan pa niyang gawin iyon kay Suzane? Shit that woman! Mura ng isip ko.
"How about, Clyde? Nag-usap na ba kayo?"
Umiling-iling lang ako. Hindi na ako makapagsalita. Mabangit lang ang pangalan niya ay parang waterfalls na naman ang luha ko. Bwesit talaga oh! Ang baliw ko na ngayon, dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko.
MALIIT lang na bagahe ang dala ko. Kinuha na ito nang body guard ni Lolo. Niligpit ko na ang iilang gamit na meron ako sa kwarto at kinuha ang kailangan ko lang dalhin.
Nagpaalam na ako kay Benny bunso. Abala siya sa online lesson niya. Ang laki na nga ng pinagbago niya. He's a book reader and he shows his interest in management plan. Very clever yet, so timid. Inihatid na ako ni Mama sa labas at panay ang pag-aalala niya sa akin.
"Mag-ingat ka, hija. Call me if you need anything," sa mapait na ngiti niya.
"Ma, iniwan ko ang cellphone ko sa kwarto. Tatawagan na lang kita pagkadating ko ng Cebu. Gagamitin ko na lang ang cellphone ni lolo."
Tumango na siya at bahagyang ngumiti. Inayos pa niya ang suot na jacket ko at niyakap lang din ako nang mahigpit. Pumatak na naman ang luha ko at mabilis kong pinunasan ito. Naisip ko kasi si Clyde, at sa tuwing naiisip ko siya ay hindi ko mapigilan ang sariling luha ko.
I think going away for a while will help him think about this.
"That's enough, hija... Tt's not good for you," sa pilit na ngiti niya.
"I'll be okay tomorrow, Ma. Trust me," ngiti kong pabalik sa kanya.
-❤️❤️❤️--
always vote for support thanks 😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro