Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20




Mazaro


MALAKAS ang hangin sa labas nang lumingon ako sa bintana. Kitang kita ko si Manang Cora sa baba na naglalako ng banana que na paninda.

"Manang Cora! Sa akin dalawa please," sigaw ko mula sa bintana ng opisina ni Judge.

"Ano ba, Serenity. Wala tayo sa probinsya, hija," saad ni Judge na ngayon ay nasa likod ko na.

"Sorry, Judge. Wait lang baba muna ako. Gusto niyo po ba ng banana que?" Mabilis kong kinuha ang wallet sa loob ng bag ko.

"Libre mo?" biro niya.

"Ang bunos, Judge. Huwag mong kalimutan. Ililibre kita ngayon," pagbibiro ko. Natawa na agad siya at mabilis na akong bumaba.

Nasa ikalawang palapag ang opisina ni Judge. Hagdanan lang din ang meron sa old vintage na building na ito. Naghintay si Manang Cora sa akin sa paanan ng hagdanan na nakangiti pa.

"Ang ganda natin, Ma'am Serenity!"

"Tatlo po." Sabay bigay ko ng pera sa kanya.

"Ang ganda po ng singsing ninyo, Ma'am Serenity."

Ngayon ko lang naalala na mag dadalawang linggo na pala na wala akong balita kay Clyde. Nakaramdam na ako ng matinding kirot sa puso. Kaya napatitig lang din ako ng husto sa banana cue. Binigay na agad ni Manang sng sukli ko.

"Salamat po." At mabilis akong umakyat pabalik sa opisina sa itaas.

Binigyan ko si Judge ng saging at kape saka bumalik sa lamesa ko. Wala akong ka arte-arte pagdating sa pagkain. I devoured my food the way I like it and enjoyed it so much. Ewan ko ba, pero mas masarap ang banana cue kapag hindi ako ang gumawa.

"Does it taste good?" on his husky deep voice.

Biglang umigting ang tainga ko sa narinig na boses na galing sa kanya. I would be lying if I say I don't miss him because I miss him so much.

"Clyde!" my heart skip a beat while staring at him.

Namilog pa ang mga mata ko at natigil ako sa pag-nguya. Again, my heart is fluttering so much in happiness when I saw his face.

"Hi... We have a plane to catch," sa kalmadong tugon niya at titig sa labi ko.

Napaawang akong nakatitig sa kanya na parang hindi makapaniwala na nandito siya. Parang hindi ko narinig ang sinabi niya. Dahil hindi ko maalis ang titig ko sa mga mata niya. His eyes looks tired and weary, na para bang may pinagdadaanan siya. I couldn't help but wonder what really it is?

"Serenity? Are you listening, sweetheart?" sa kunot-noo at titig niya.

Sweetheart? Tama ba ang rining ko? Sweetheart na naman ang tawag niya sa akin ngayon. Kumalabog na naman ang traydor kong puso. Heto na naman tayo. Umayos ka nga Serenity! Sigaw ng isip ko.

"H-ha?" sa kurap mata ko.

"I said, we have a plane to catch."

"Oh? To where?"

Suddenly I remember the plan. We have to go to Mazaro and to proceed everything. Umayos siya nang tayo at tuwid na habang nakatitig sa akin. Napako na tuloy ang paningin ko sa hawak kong banana cue at hindi ko alam kong uubusin ko ba ito. Hanggang sa naisip ko si Mama.

"Hindi pa ako nakapagpaalam kay Mama, Clyde."

"It's okay. I just did today... She packed all your clothes and stuff in your luggage and it's ready," kalmadong tugon niya.

"Ha? P-Pero..."

"I only told her we are going on a vacation overseas. Call your mom if you don't believe it. Hihintayin kita sa kotse sa baba."

Mabilis din siyang tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko siyang naglakad palayo at sadyang may kakaiba sa kinikilos niya. Hindi ko na pinansin ito at mabilis na kinuha ang cellphone ko para tawagan si Mama.

"Hello, Ma?"

"Anak, hija. It's okay... You need it, anak. Just have fun and tell Clyde salamat sa pinadala niyang bagong therapist para kay Benny."

Ha? Nangunot na ang noo ko at naguguluhan na ako habang nakikinig kay Mama ngayon. At ba't niya naman gagawin it? Ano bang pumasok sa utak niya ngayon. Mabilis na natapos ang pag-uusap namin ni Mama at pumasok agad ako sa opisina ni Judge. And as always, he knows what's I'm up to.

"Are you ready to fly to Mazaro?" tugon niya sa seryosong tuno.

May alam din pala siya. Nagtataka tuloy ako kung gaano kalalim ang nalalaman niya sa amin ni Clyde.

"Serenity hija, just bare with it this time. I know it's hard. Pero hindi naman mahirap mahalin si Clyde. Mabait siya na bata," panimula niya.

Huh, hindi nga? Hulog na hulog na nga ako sa kanya Judge. Ang tanga ko lang din talaga! Kabaliktaran 'ata ito sa kagustuhan ko, at dehado na naman ako nito!

"Judge pakitingnan po sina Mama habang wala ako rito."

Tumango na siya habang nakatayo at nahaharap sa labas ng bintana.

"I will take care of them, hija. Dont worry. Ikaw ang inaalala ko."

"Judge naman matanda na ako," ngiwi ko.

"I know. You are so much better than Katherine. She's giving me a hard time."

"Huwag niyo kasing higpitan masyado si Katherine Judge. Alam niyo naman po iyon."

"Na hala go-on, hija. Clyde is waiting," casual na tugon niya.

"Salamat po, Judge. And I'll see you when I get back," ngiti ko.

Mabilis ko nang kinuha ang mga natitira kong gamit na dala. Clyde has my passport and other belongings. Kamuntik na tuloy akong matapilok nang bumaba ako sa hagdanan dahil sa pagmamadali ko. Para akong teeneger na excited makita ang crush ko. Dios ko Serenity, umayos ka nga!

Standing like a pro. Likod pa lang niya ay kinilabutan na ako. Iba talaga ang kamandag ni Clyde sa akin. Nakapanindig balahibo at nanghihina ang tuhod ko. And when our eyes meet my heart skip a beat.

Shit! Serenity get a grip! E, sa gwapo nga siya 'di ba? Ano pa nga ba!

Kumunot lang sin ang noo niya at nag-iba ang expression ng mukha. Ang leon na mga mata ay gising na gising na.

"Get in," in his cold tone.

Pumasok na ako ng walang pag alinlangan. Mariin ko pa siyang tinitigan habang nakapako ang mga mata niya sa manubela. He then started the ignition. As usual ano pa ba ang bago sa kanya? As always ganito naman talaga siya. Tahimik at snob lang din ah!

Napag isipan ko kung anong nangyari sa araw na iyon. Noong araw na umuwi ako na hindi nagpaalam sa kanya. Siguro nagalit siya dahil wala na ako nang bumalik siya? Hay naku, Serenity. Minsan assuming ka na! isip ko.

Nang tinitigan kong muli ang kanyang mukha naglanding ang titig ko sa mga labi niya. I shook my head as I blink my eyes a few times. I forgot myself for a moment and all I can imagine was his kissed. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko gamit ng dalawa kong kamay. Tumikhim din agad siya.

PARA akong aso na nakasunod sa kanya. Hanggang sa makapasok kami sa immigration sa airport. Hinintay rin niya ako at sabay kaming pumasok sa loob ng business class area.

We're sitting in the Business Class and it's my first time. Kapag kasama ko si Clyde lahat first time. Kaloka! As usual umaandar na naman ang pagka-ignorante ko. Pero hindi ko naman pinapahalata ito.

Paano ba 'to? Pindot dito, pindot dun. Dios ko Serenity! Hindi ko na maintindihan kong ano pang mga ano-ano sa harapan ko. Basta ang alam ko lang ang bongga 'te! Ngiti ko habang nag-iisip sa sarili. Ang taas din ng biyahe, pero nakatulog naman ako. Pagkalanding ng eroplano at labas sa immigration ay sumakay na naman kami ulit ng isa pang eroplano! Ano ba 'yan? Ang tagal makarating sa Mazaro!

Walang imik si Clyde sa akin na para bang hindi ako kilala. I don't care kung hindi man niya ako pansinin ngayon. Okay lang... Sa 'yo ang ngayon at akin ang bukas Clyde! Baka ikaw na ang magmakaawa na pansinin ko lang. Hmp, tingnan natin! Isip ko.

"There's one more and we're home."

Parang dinuyan ang puso ko nang narining ang boses niya. Boung biyahe hindi siya nagsalita, at sa konti niyang tugon ay parang nawala ang inis ko sa kanya. Napaawang lang din and labi ko nang makita ang isang private na eroplano, na naghihintay sa runway. Napahinto ako at nag-isip habang nauna na siyang naglakad.

"Sir Clyde! Welcome aboard," bati sa kanya ng iilan na naghihintay sa paanan.

Pero imbes na dumiretso siya papasok ay nahinto siya at nilingon ako. I couldn't move any step closer towards him. Natatakot kasi ako. What's the difference between this small plane and the helicopter? E, mas mabuti nga ito dahil malakilaki 'di ba? Serenity! Pinikit ko na ang mga mata ko at bumuntong hininga.

"Are you okay?" kalmadong tugon niya.

I open my eyes and I saw his face. Tsk, this feeling is driving me insane. Every time he looked at me this way my whole system collapsed. Nakakapanghina ng tuhod ang mga titig niya.

"Takot ka pa rin ba?" may bahid na pag alala sa boses niya.

"It's bigger than Delta (his helicopter). That's why I asked them to take Eagle with us," pagpapatuloy niya.

"E-Eagle?" nalitong tugon ko.

He then slowly slid his hand into my waist and pulled me closer towards him.

"You'll be fine. Come on, they're waiting and it's getting dark."

Tumaas na lahat ang balahibo ko sa katawan sa ginawa niya. Shit! I can feel my heart pounding so much and my entire system is on fire. Ano ba kasing nangyayari sa akin ngayon? Bwesit ka talaga Clyde! Talagang nahulog na ako sa 'yo nang sobra.

Iginaya na niya ako sa upuan nang makapasok na kami sa loob. Everyone greeted him so lively and then I realised that Clyde is not an ordinary person like any other. Masyado akong naging kampanti sa kanya at nakalimutan ko kung sino nga ba siya talaga. Now, I fully understand why his mom was so keen to sign me the prenuptial agreement. Tama nga naman siya.

It was a perfect sunset when we landed. Inalalayan pa niya ako. We are in a separate Island of Mazaro. Nakakamangha ang ganda rito. Bumugad sa akin ang mansion villa type na may sariling runway at helipad. Tanaw na tanaw ko rin ang kabuuan ng dagat at ang paglubog ng araw.

"Welcome to my world..." ngumiti siya habang nakatitig sa akin ng husto.

This Clyde in front of me is different now. Iba ang titig ng mga mata niya at umiwas agad ako. From this moment there's too many questions in my mind that I want to ask but I hesitated. Alam ko naman na hindi rin niya ako sasagutin ng tama.

Mariin kong tinitigan ang paglubog ng araw at bumuntong hininga na ako. Umalis na din si Clyde sa tabi ko at pinagmasdan ko lang din siya mula rito. Naglakad siyang nauna kasunod ang iilang bantay niya. Naiwan ang tatlong security sa tabi ko.

I looked around the whole Island. This place is so private and full of heavy security at hindi ka basta-basta makakatakas dito.



-❤️❤️❤️--
always vote for support thanks 😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro