Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16



Initials


BUMALIK ako pagkatapos ng isang oras na pag-iisip. Pero hindi ako pumasok sa loob at nasa harden lang nakatayo. Ang daming pumapasok sa isip ko.

"Is taming good enough? Will he fall in-love with me? If not, then how would I do it? Oh, god I must be crazy!

I never had this type of feelings before and everything is new. Lahat ng 'to bago. Bahala na nga! Kailangan kong subukan para mahulog siya at makaganti ako. Nakakatawa naman ito! Ang baliw ko na talaga ano?

"Aren't you gonna get inside?" inis niyang boses.

Napatingin agad ako sa kanya. Hindi rin nakatiis at hinanap ako?

"There's no point anyway. We have to go back. I'll take you home," sa pormal niyang tugon.

"Come-on swift is waiting." He then wrap his hand around my waist.

Heto na naman tayo. Kinilig na naman ako. Dios Mio, Serenity! How can I tame him kung palaging ganito? Isip ko.

"Swift? Who's swift?" nalilitng tugon ko.

Babae na naman ba? Bwesit ka talaga Clyde! Araw-araw iba-iba, hmp!

Walang imik na akong sumunod sa kanya. Hangang sa makarating kami sa bakanteng lote na kong nasaan ang private helicopter niya kanina. Napahinto ako. Inisip ko na naman ang takot ko gaya kanina at agad naman niyang napansin ito.

"Are you afraid of heights?"

"No, sa dagat lang."

"You'll be fine. Trust me, sweetheart."

Mas hinigpitan niya ang hawak sa tagiliran ko at iginaya ang buong katawan ko sa paglalakad. At nang makapasok sa loob ay pinaupo na niya ako. Gaya nang kanina mabilis niyang nilagay ang seatbelt at headphone na meron dito.

"Close your eyes."

"Ha? Bakit?" kumunot na ang noo ko.

"Let's put this on and I'll sit beside you."

Napatingin na tuloy ako sa hawaka niya. "Sleeping eye mask?" ngiti ko.

"At least, this will help a little bit. Just close your eyes and think of the good things." At siya pa mismo ang nagsuot nito sa akin.

I took a deep breath. Mas kinakabahan ako lalo nang nagsimula nang umangat sa ere ang helicopter. Kahit hindi ko man iyon nakikita ay naiisip ko pa rin ang dagat sa baba.

Think of the good thing, Serenity Think...

Gusto ko mang mag isip ng magagandang bagay ay wala at sadyang wala talaga. Mas nanlamig ang mga kamay ko. But in an an instant, his very warm huge rough hands hold my mine too. Ang init ng mga palad niya ay nagbibigay kakaibang pakiramdam sa akin ito.

"Clyde... "

Pinisil pisil niya ang nanlalamig kong kamay at hinawakan ito nang mahigpit. I can feel butterflies in my stomach. Like as usual, jumping like crazy lunatics inside me!

Ang init na galing sa kamay niya ay nagbibigay init din sa pakiramdam ko. Hinayaan ko siyang gawin ito. Kahit hindi ko man nakikita ang mukha niya ay kinikilig ako sa ginawa niya, at gumaan agad ang pakiramdam ko.

How can someone not fall on him? How can I not fall on you Clyde? Shit na talaga ito Serenity! Isip ko.

Masyadong mahaba ang isang oras para sa akin. Clyde's warm hands are giving me a warmer feeling inside and I feel more comfortable and sleepy. I let a yawn out and I can hear him chuckled.

Bahala ka Clyde! isip ko.


NANG maglanding na ito sa rooftop ng building mabilis na niyang tinangal ang piring sa mga mata ko. Madilim na ang langit at inalalayan na niya ako pababa. Bumaba na kami at naghihintay na rito ang sasakyan niya. Pumasok na kami at tahimik na siyang nagmaneho.

Seryoso ang mga mata niya habang nakatitig sa daan. Maigi ko siyang pinagmamasdan. Ang maganda niyang anyo. Ang matangos niyang ilong. Ang labi niya. Dito nagtagal ang titig ko . Gosh, sabi ko na nga ba! That kiss will hunt me and it started already.

Tumikhim na siya na seryoso pa rin ang mga mata. Dios Mio. Serenity! Napapansin na niya. I blinked my eyes a few times and tossed it straight away in the road.

"How do you know where I live, Clyde?"

Laking pagtataka ko nang huminto siya sa gate ng mismong subdivision namin at binaba ang kanyang bintana para sa security check. Mabilis din naman kaming pinapasok.

"Clyde ano pa bang alam mo sa akin na hindi ko alam?"

Hindi siya nagsalita at hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Lumabas siya at umikot sa side ko para pagbuksan ako. Lumabas na akong nakakunot ang noo.

"Salamat."

Papasok na sana ako sa gate nang nilingon ko siya. Ang akala ko ay hanggang sa sasakyan lang siya. E, nasa likurang bahagi ko na siya. Naguguluhan tuloy ako sa inasal niya.

"I'm getting in. I will properly introduce myself to your mom."

Did I heard it right? What! Si Mama? Wala pa siyang alam, patay, Serenity!

Sasabihin ko na sana sa kanya ang nilalaman ng isip ko. E, mas nauna pa siyang pumasok sa loob at naiwan ako!

"Hoy, Clyde teka lang!"

Bumukas ang pinto. Pinagbuksan kami ni Mama.

"Serenity, hija?"

"Ma!" Nabigla ako at humalik na sa kanya. May pagtataka na titig niya.

"Ma, si C-Clyde..."

Napatitig si Mama sa kanya na tulala.

"Pasok na muna kayo, hija," ngiti ni Mama sa kanya.

I quickly darted my eyes on him. Lifting my eyebrow and trying to give him my signal. Malugod lang niya akong tinitigan at bahagyang ngumiti pa. Napailing pa siya!

"Bwesit ka talaga, Clyde! Ano ba kasing balak mo?" bulong ko.

"Chill, sweetheart." Sa haplos niya sa likod ko.

"Don't call me, sweetheart! Baka mahalata ni Mama, at tumigil ka kung ayaw mong patayin kita," sa mahinang bulong ko ulit sa kanya.

He smirked and shook his head. He then gave mom a beautiful smile. Lumawak din agad ang ngiti ni Mama. Tsk, makuha ka sa tingin, Ma?

"Clyde Hear Blumer po," lahad nang kamay niya. "Serenity's Fiancé." at talagang dinugtungan pa! Bwesit na!

Parang na statwa si Mama sa harapan namin at nilingon ang banda ko. Napalunok na tuloy ako.

"A-ano kasi, Ma-"

Ano ba't wala akong ma-isip? Mabilis kong nilingon si Clyde sa mga mata na ngayon ay kalmado lang.

"Sorry po kung nabigla ko kayo. I know it's too sudden. Kaya nandito po ako at nagpapakilala sa inyo."

Huh, great Clyde! Bwesit ka talaga! Sinabing huwag muna. Isip ko.

"Ma. Kasi, ano-"

"It's okay, hija. We can talk about it later, okay," ngiti niya. "Tatapusin ko muna ang ginagawa ko sa kusina ng makakain tayo. Clyde hijo, dito ka na maghapunan," pagpapatuloy ni Mama.

"Okay lang po. Hindi na. Nagmamadali rin po kasi ako."

Tumango na si Mama. "Sige maiwan ko muna kayo, Serenity. Kakausapin kita mamaya."

"Oo, Ma," sa bagsak balikat ko.

Inis ko na siyang tinitigan na ngayon ay nakatingin na sa kabuuan ng bahay namin. Sorry Clyde hindi mansion ang bahay namin na gaya ng bahay ninyo! Hmp, ang sarap batukan ng leon na 'to!

"Do you want coffee?" I offer in a rude way.

"Yes, please "

Woah, ang bilis ng 'please' ngayon ko lang ata narinig 'yon. Mas mabuti sigurong mag taray para palaging may 'please'.

"Black? White? With sugar?" taas kilay ko.

"Black no sugar, sweetheart."

"Hmp, black no sugar! Bagay nga sa 'yo. Wicked na bitter pa!" mahinang tugon ko.

"I heard that."

Shit! Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong humakbang patungo sa kusina. Dalawang kutsaritang kape powder talaga ang nilagay ko.

Okay you want Black, I'll give you black! At pagkatapos ay nilagyan ko nang katamtamang init ng tubig.

"Serenity," si Mama at humarap na ako sa kanya.

"I'm not against this, hija. Pero bakit hindi mo sinabi sa akin?"

I took a deep breath while stirring Clyde's coffee. I wish I can tell Mama about the truth. Pero ayaw ko siyang mas mag-alala pa.

"Ma, it just happened and I guess it's mean-to-be?" sa taas kilay ko.

Kamuntik na siyang matawa sa mukha ko. Ewan ko!

"So ibig mong sabihin mahal mo siya, anak?"

Ha? Mahal? Mahal ko nga ba? Ewan! Oo, mas maganda siguro kung mahal niya ako kaysa sa mahal ko siya. Mas magandang pakingan iyon.

"Ay, basta, Ma. Iyon na 'yon!"

Binigyan ko ng ngiti si Mama na ngayon ay medyo okay na. Kinuha ko na ang kape para maibigay na kay Clyde at nang makauwi na siya!

On his muscly back, while staring at the picture frames on the top of our antique piano. He simply rolled up his sleeves and grab our family photo.

Mariin niya iyong tinitigan ito. Mas namangha na ako sa kakisigan ng braso niya. Gosh! Boxer ba siya? O, nagbubuhat ng kung ano-ano? Umiling-iling ako. Ang mga mata mo, Serenity! isip ko.

"Coffee's here," saad ko na siya namang paglingon niya.

Still holding our family picture on his hand. He then put it back on top.

"Thank you." Tinikman niya agad ang kape at naghintay lang din ako.

"Ahm, that's really bitter," sabay kagat sa pang-ibabang labi niya.

"Di ba gusto mo ng black?" Nakangiting tugon ko at nakatitig ako sa labi niya.

Tumango siya ng bahagya, "You put two teaspoons right?"

How did he know? Ba't pati kape alam din niya? Ang weird niya talaga!

"Does it taste like two teaspoons? I thought I only put one," pagsisinungaling ko.

"It's okay I can handle."

Tinitigan na niya ako habang iniinom ito. Hindi ko rin maiwasan ang hindi pagtitig sa mga mata niya. What is he thinking right now? Get a grip Serenity! Huwag kang assuming!

Mabilis niya itong naubos at ibinigay pabalik sa akin. From out of curiosity ay inalok ko siya ng tubig.

"Gusto mo ng tubig?"

"No, I'm fine."

Nilagay ko na sa gilid ng mesa ang tasa at bumalik na hinarap siya. His hands are on his hips while staring at me. There is no smile on his face and just a tight stare. E, medyo matapang na ako ngayon at kaya ko ng makipagtitigan sa kanya ng tudo.

"Your visa will be ready in two weeks. Let's fly to Mazaro after that."

"Ha? My visa? Oh, you mean iyon na?"

Tumango na siya na hindi inialis ang mga titig sa mata ko.

Shit, Clyde! Stop staring at me like this. Pakiramdam ko kasi tunaw na ako at sobra na ang kaba sa puso ko.

"Be ready by then. I'll pick you up before that date if that's okay?"

"Hmm, okay,sige," wala na akong ibang masabi sa kanya dahil na din sa kaba.

"I'll better go. Naghihintay na sila sa akin."

"Wait? Babalik ka sa Isla? Sa oras na ito?"

"Bakit ayaw mo? Gusto mo ako rito?" ngiti niya.

"Yes, um, no! Wait," nalito na ako. "Gabi na kasi hindi ba delikado? Wala ng makikita ang piloto mo sa ere?" pagpapatuloy ko muntik na ako 'dun ha.

Bahagya na siyang natawa at napailing na.

"Serenity they are train to do that and that's their job."

Kumunot na ang noo ko at humalukipkip na.

"Kahit na!"

Tinalikuran ko na siya at kinuha ang tasa para ibalik sa kusina. Ano ba kasing inisip ko kanina at nasambit ko ito sa kanya. Ang puso ko talaga. Ikakapahamak ko pa. Bumalik din agad ako sa sala at nakatayong nakatitig lang din siya.

"Okay. I can stay in town tonight. Tomorrow is our building ceremony. I'll pick you up at two sharp?" pormal na tugon niya at kislap ng mga mata nito.

"Ha? Bukas? May trabaho ako," nguso ko.

"I already asked Judge permission of absence of leave on your behalf."

Nabigla na ako habang titig na titig sa kanya. How can he do things the way he like without asking me first? Nakalimutan ko na ganito nga naman talaga si Clyde.

"You didn't tell me?"

"What for? Kung di' ka man lang papayag? Ba't pa ako magpapaalam sa 'yo?" diretso niyang tugon.

Oh, God! Heto na naman tayo! He always gives me a gut feeling inside! Nakakainis! Clyde is very persistence in everything. Kahit sabihin ko man na mali siya e tama pa rin iyon para sa kanya. I wonder what this man have that I can't say no! Ano bang meron sa kanya at naging baliw na ako! And the heck! His giving me all this damn feelings, na sa buong buhay ko ngayon ko lang din natamo.

"Wear casual. I have to go." Mabilis na siyang humakbang patungo sa pintuan pero nahinto rin ito.

"Where's your mom?"

"Ma! Aalis na si Clyde!" sigaw ko

Lumabas na si Mama na galing kusina. May bitbit pa siyang plato.

"Hindi ka ba rito kakain, hijo?"

"Hindi na, Tita. Salamat po," sa bigay galang niya kay Mama.

"Sige, hijo. Mag-ingat ka."

"Opo." At sinuot na niya ang sapatos na hinubad kanina.

"Hatid ko lang sa labas, Ma."

Tumango na si Mama at bumalik din sa kusina. Naglakad na akong nakasunod kay Clyde ngayon.

"Okay, sweetheart. Goodnight." Humalik na agad siya sa pisngi ko.

Nabigla pa ako. I didn't expect that he will kiss me. E, alam ko naman na peke lang kami. Kumalabog na tuloy ang dibdib ko ng sobra-sobra habang tinititigan siyang pumapasok sa sasakyan niya.

Is this part of his fake show? E, kami lang namang dalawa? Kasama ba iyong halik sa 'in case of emergency niya'? But when he gave me the kiss on my cheek his facial expression is normal. It's the typical Clyde na masungit! At 'di ko alam kung parte pa ba ito ng pagkukunwari namin dahil nandito kami sa bahay.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at tinanaw ko siya hanggang sa makalayo na at saka ako bumalik sa loob ng bahay. Si Mama agad ang sumalubong sa akin sa pintuan.

"Serenity," sa ibang expression ng mukha niya.

"Ma... I'm sorry." Niyakap ko na siya at rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Serenity, I'm not against to anyone, hija. Kung mahal mo naman maiintindihan ko naman. Pero huwag ka lang sanang maglihim."

Niyakap ko na ulit si Mama. I feel much better now, na ngayon na alam na niya. Kahit pa noon hindi naman si Mama nakikialam sa love life ko.

"Patingin nga ulit ng engagement ring mo," ngiti niya at pinakita ko ito.

"Princess cut. Clean diamond 2carats, and it's beautiful, hija. Mahal 'to alam mo ba? Kaya ingatan mo... Ano bang trabaho ni Clyde?"

When it comes to these things she knows it very well. Hindi naman sa pagmamayabang. Pero head manager si Mama noon sa isang sikat na jewelry shop sa Cebu. Kaya sa kalakaran na ito ay nakilala siya ni Papa.

"He's a businessman, Ma."

Ang totoo hindi ko alam. Maybe part of it is true, dahil sa negosyo niya sa El Nido at Puerto Prinsesa. Maliban dito ay wala na akong alam talaga.

"How did you two meet, hija?"

"Mahabang kwento, Ma," ngiti ko.

"Well, as long as you're happy, I'm happy for you too, anak." Humalik na si Mama sa noo ko at niyakap ko lang ulit siya.

"The initial on the ring is so beautiful too, hija,"ngiti niya.

What? May initial ba?

Mabilis kong hinubad sa kamay ko para makita ko talaga ang initial na tinutukoy ni Mama. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang initial sa loob nito.

'SS&CHB' what the hell? Is this real? Mas kinabahan na tuloy ako ng sobra. Imposible naman 'ata!


--❤️❤️❤️--
always vote for support 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro