Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12



Better than Bitter


"What was that!?" Inis kong tugon habang tinatapos ang iilang papeles na meron ako sa mesa.

"Theresa, I need a break. Ikaw muna rito."

Tumango na siya. Kailangan kong lumabas dahil kung hindi ay baka lalabas ang tunay kong ugali sa ina ni Clyde. Hindi ako experto sa pakikipag plastikan. Malapit na!

"Your Mom and you are psychopath!" titig ko sa singsing na nasa kamay ko.

Why can't I have peace? This is my hometown for Christ sake! What I have now is purely anger. Oo galit ako, galit na galit ako sa sarili ko. Iniwan ako ni Vincent ng wala man lang closure at nagpakasal sa iba. Nakilala ko naman ang taong ito na walang puso. Offering a stupid proposal at sumang-ayon naman ako. Hindi ako nag isip kasi nga tanga! At broken hearted ako gaga!


ISINANDAL ko ang ulo sa counter table rito. Tumunog ito at naku agad ang atensyon ni Tita Imelda. She owns this Café shop.

"What's wrong, Serenity?"

Tita Imelda is on her 50's, para ko na siyang ina. I've known her for all my life. At dito ako palagi nakatambay sa Café Shop niya. Matalik na kaibigan siya ni Mama.

"Wala. I'm just totally drained 'yon lang!"

"Gusto mo ba straight black, hija?" sa malambing na tugon niya.

"Yes please, Tita. I want it really really bitter!" pabagsak kong tugon. Natawa na agad siya.

"Who's giving you a hard time, hija?"

"Si Clyde!"

Without even thinking I uttered his name. Huh, ang tanga lang din talaga!

"Who's, Clyde?" napahinto siya sa ginagawa.

"Oh, sorry, Tita. Some psycho that I meet few days ago," saad ko ng wala sa sarili.

Tita Imelda is my secret keeper. Dahil wala rin kasi siyang anak kaya naging anak-anakan na ang turing niya sa akin. Mabait siya at naiintindihan niya agad ako sa lahat ng bagay. Naging karamay ko rin siya sa lahat ng problema ko.

"I see. Siya ba ang dahilan niyan?" Turo ng bibig niya sa kamay ko.

The engagement ring! My goodness! Nakita na rin niya. Tinitigan ko na ito ng wala sa sarili at napailing pa.

"It's very beautiful and it suits you," ngiti ni Tita Imelda.

"Huh? Really, Tita? " ismid ko.

"It's not a real proposal, Tiya."

"You two will get there."

Get there? Si Tita talaga parang fortune teller kung makapagsalita. Napailing na lang ulit ako.

"We're not getting there, Tita. We'll divorce after six months once we get married."

Napahinto na siya sa ginagawa at maingat na nilapag ang kape sa harapan ko.

"Here, hija. Inomin mo muna."

"Salamat, Tita." Ininom ko agad ito.

"Ang tamis! Di ba sabi ko dapat mapait"

Natawa na siya. "Serenity, you need that. You're stress, hija. And having a sweet one will make you feel better than bitter," ngiti niya.

"Ewan ko sa 'yo, Tita. Kahit kailan patawa ka talaga."

I didn't complain anymore. I just drink it and it's not bad after all. I do feel better.

"Tita huwag mong sabihin kay Mama ha. I mean, about all of this. Wala kasi siyang alam, at ayaw ko siyang mag alala."

"I know... Don't worry, Serenity," saad niya. "How's Vincent?" pagpapatuloy niya.

At talagang tinanong pa ako? Isa pa iyong paasang mangloloko!

"Wala na kami, Tita," I let a deep breath in and out. "I saw him at El Nido. Getting married to someone and-" Hundi ko matapos ang dapat sanang sabihin. Mas pinili ko na lang na huwag magsalita.

"I'm sorry, hija. I shouldn't asked."

Bakas agad sa mukha ni Tita ang lungkot nito. Kilala niya si Vincent at saksi siya sa pag-iibigan namin noon.

"We're not meant to be, Tita."

Inubos ko na ang matamis na kape. Anyway, so much for the dramas! Kailangan ko ng bumalik sa office.

"Tita I have to go. Baka hinanap na ako ni Judge." Tumayo na ako at tumalikod na.

"Serenity."

Napahinto ako at nilingon siya. Hindi pa naman ako kalayuan sa kanya. Dalawang metro lang naman.

"Yes, Tita?"

"Ano nga pala ang boung pangalan ni, Clyde?"

Kumunot na ang noo ko sa tanong niya. "Ah, siya? Ano, Clyde Heart Blumer. "

Aksidente namang nahagip nang kamay niya ang baso sa gilid at nahulog ito sa counter. Nagkalat tuloy ang bubog sa sahig.

"Goodness!" saad niya na may pagkabigla.

"Tita, are you okay?"

Lumapit ako para sana tulungan siyang linisin ito.

"No, no, hija. I'm fine. Umalis ka na marami kapang gagawin. Ako na ang bahala rito. Maliit lang naman at hindi naman ako nasaktan."

"Naku, Tita ayaw ko!"

Kinuha ko na ang pang linis sa kusina. Naroon na ang iilang staff niya sa gilid, na busy sa pag-asekaso sa ibang customer. Tinulungan ko siyang linisin ito.

"Paano kayo nagkakilala ni Clyde?" tanong ulit niya.

"Sa EL Nido, Tita. It was an accident. Mahabang kwento."

"Okay na, ako na bahala rito. Go back to your work," ngiti niya.

"Okay, Tita. Babalik na lang ako mamaya o bukas okay," ngiti ko sa kanya.


BUMALIK ako sa office matapos ang lunch break. Kape lang din ang ginawa kong lunch break. Hindi kasi ako gutom. Ang dami ko kasing iniisip at isama mo pa ang ina ni Clyde. Nakakaloka!

"Serenity pumunta ka muna kay Judge hinanap ka kasi," si Theresa.

Tumango na ako at dumiretso sa opisina niya. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.

"Judge?"

"Here, hija."

May inabot siya sa akin. Kinuha ko ito at binasa. It's the copy of the prenuptial agreement that I've signed before.

"I want you to secure a copy for that for yourself. Alam kong hindi magiging madali ito sa 'yo, hija. But I want you to take things seriously."

"Judge, don't worry. Sa simula pa lang hindi ko ho habol ang ano mang meron sila, at wala akong pakialam sa pera," sagot ko.

"I know Serenity kilala kita. You're innocent and brave. Enrico raised you so well hija and I am very proud of you. Kung may anak lang akong lalaki ipinakasal ko na sana sa 'yo," ngiti niya. "Kilala ko ang mga Blumer noon pa. Cynthia is very protective to Clyde, at mabait siya na bata," pagpaptuloy niya.

"Kilala niyo po si Clyde Judge?" nagtaka ako.

Tumango na siya. "But I haven't seen him for three years, hija. Mabait na bata. Very tough on the outside but very fragile inside."

Talaga? The heartless jerk is also fragile? Nagpapatawa ka ba Judge? Saad ng isip ko.

"Huwag kang paapekto sa Mama niya. That's my only piece of advice, hija."

"Don't worry, Judge. Alam ko po 'yon," ngiti ko sa kanya.

"By the way. Do you wish to continue working here as my secretary still?" pormal niyang tugon.

"Of course, Judge! Saan ba ako pupulutin kung hindi ako magtatrabaho," bahagyang tawa ko.

Nagkibit balikat na siya at tumalikod na palapit sa mesa niya.

"Remember you have your trust fund from your dad, hija. Ayaw mo bang gamitin iyon sa negosyo?" saad niya.

Yes, we have a huge amount of money that set aside as trust fund. And we're living on the interest out of it. Si judge ang namamahala rito pansamantala.

"Saka na, Judge. Kapag may naisip na akong maganda, pero sa ngayon wala pa."

"Nagtataka kasi ang ibang share holders at gustong malaman kung sino ang tagapagmana. Enrico never shows his cards to anyone except me."

Humakbang na ulit siya papalapit sa bintana at tinitigan ang labas.

"Alam mo naman siguro, hija. 33% of the shares own by your dad. Iyan din ang dahilan kaya itinago niya kayo. It was very tough for your dad to hide you all. After all those years Don Ramon is still looking for you," sa bumuntong hininga siya.

Yes! you've heard it right. It was tough for us when Dad hides us privately. Pero naiintindihan ko na siya ngayon. We used to live in Cebu. And all I know we're living a luxurious life there. Pero binago ni daddy ang lahat at hindi ko alam kung bakit.

"Since ikakasal ka na kay Clyde at hindi ko alam kung hangang saan ang alam ng pamilya niya sa secreto mo. But I'm sure they didn't know it. Not yet, dahil pinapirma ka naman ng prenuptial agreement ng Mama niya."

"Judge, kung hindi niyo mamasamain. Do you perhaps know what Clyde's family do?" tanong ko.

Nag-iba agad ang expression ng mukha niya. "I think you should better ask Clyde about it, hija. I'm not the right person to tell you about it," saad niya.

"It's okay Judge. I'm just getting curious 'yon lang."

"And curiosity kills the cat, Serenity."

Tama! Pag sobrang curious ka na sa isang bagay ay hindi na maganda. Mas mabuti na pabayaan na lang at hayaan na mailahad ang sekreto sa tamang panahon. 'Yan ang palaging paalala sa akin ni daddy noon pa.

I let another breath in and out. It burdens me so much. Ayaw kong makialam pero nagiging curious talaga ako.

"Bear that in your mind, hija. Protect what's yours," seryoso niyang tugon.

"If they hire a secret agent. Wala silang makukuhang clue. Enrico erased all the traces that track you," pagpapatuloy niya at tumango na ako.

"Okay. I'll be heading early today. Kayo na muna ang bahala rito."

"Sige, Judge. Ingat po kayo and say hello to Katherine for me. I've heard she's back from Australia."

Katherine Del Puerto, ang kaisa-isang babaeng anak ni Judge Del Puerto. To think Del Puerto ang kabuuan nilang apelyedo, but for some reason Puerto lang ang pinakilala nila sa publiko.

Dad and Judge are on the same business shoe sa pagkakaalam ko. Namulat akong kilala na si Judge noon pa. Anyway, so much for that. Tumunog na ang cellphone ko.

"Hello, Serenity speaking."

"Hey, Sweetheart. Nagkita ba kayo ni Mommy today?" on his baritone voice.

"Clyde?"

I wrinkled my forehead and what's with the Sweetheart? Baliw ka na nga Clyde! Isip ko.

"Yes, she was here this morning, why?" ismid ko kahit wala siya sa harap ko.

"What did she do to you? Did she do something stupid?"

Stupid alright? Ang weird ng ina mo Clyde, sobra! Gusto ko sanang sabihin iyon pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"Yeah, sort off. I signed the prenup agreement. Why?"

Wala akong paki sa pera nyo! Isip ko.

"What!?" pabagsak na sabi niya.

"Yes, you've heard it right. It's okay and there's nothing wrong with that."

"Serenity!" sa buong boses niya.

Heto na naman tayo. Galit na naman ang leon!

"Ba't ka galit? To think may point naman ang mommy mo?"

Natahimik ang linya ng iilang segundo. Na imagine ko na ang mukha niya na hindi maipinta sa galit, at napatawa ako. Ewan ko ba kung bakit pero kinikiliti akong inimagine ang pagkainis niya. Ang sarap niyang asarin!

"Um, Clyde?" saad ko. Pakiramdam ko kasi wala na siya sa kabilang linya. Hanggang sa marining ko na ang buntong hininga niya.

"Serenity, why did you do that?" kalmado niyang tugon.

"About what? You mean why do I signed it?"

"Ahm."

Ang sarap pala pakinggan ng kalmadong boses ni Clyde. Ew Serenity! Muntik na akong makalimot sa sarili.

"Clyde? Ano ba tayo?" at nag-isip pa talaga ako ha? Ano ba tayo ang lumabas agad sa bibig ko? Shocks gaga! "We're not real, we're fake, Clyde. Para tayong mga aliens nito," sa bahagyang tawa ko.

"Fuck! Serenity," nagmura na siya at pagkatapos ay pinatay na ang linya.

"Hello, Clyde? Hoy!"

"Galit ka? Baliw ka ba Clyde? Hindi ako tanga! Pera lang galit ka na? How many times I've told you. Hindi ko kailangan ang pera mo! Gosh mabubuhay naman ako Clyde kahit tuyo ang ulam ko araw-araw. Kaya ko naman bwesit ka talaga!" salita ko sa cellphone kahit nakapatay na.

Uminit na ang dugo ko. Swerte siya dahil wala siya ngayon sa harap ko!



--❤️❤️❤️--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro