Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"Displacement is a type of defense mechanism worded and coined by the first psychologist on the psychodynamic approach-Sigmund Freud-that redirects the expression of our negative feeling to a weaker or less-threatening object."

Nakita ko ang paghikab ni Mira, kaklase at kaibigan ko, kaya bahagya akong napangiti.

"Naintindihan n'yo ba?" tanong ni Sir sa amin. Kinamot n'ya ang kan'yang kalbong ulo habang nakatingin sa mga kaklase kong halatang inaantok.

He then looked at Almira. "Mira, can you give me a situation where people use this kind of defense mechanism?"

Kita ko ang paglunok ng babae at dahan-dahang pagtayo. Binasa n'ya ang nasa powerpoint presentation bago kagatin ang pang-ibabang labi.

"A-ahh... Sir..." nauutal-utal na saad n'ya.

"Hmm?"

"Di ko gets po, hehe."

Mahina akong natawa dahil nakita ko ang kaba sa mukha nya. She looks like she's gonna poop! Maasar nga ito mamaya.

Pinaupo s'ya ni Sir bago muling tumingin sa amin. Inisa-isa n'ya kami kaya ang mga natutulog ay pupungas-pungas na umayos ng upo.

"Learn, class!" sigaw n'ya pero hindi naman pagalit.

"Ang makakapagbigay ng sample situation ay exempted sa quiz ngayon."

Doon parang natauhan ang mga kaklase ko. They didn't review for sure! Busy ang lahat dahil birthday ni Daniel kahapon, kaklase rin namin, kaya imbes na makapag-review ay nag-inuman sila.

I saw Vina raising her hand.

"Oh, Vina," tawag ni Sir.

She raised her chin proudly. "Ano, Sir...'yung situation na ibibigay mo sa, ano...less-threatening object."

"Wala, tinatagalog lang!" sigaw ng ilan sa mga kaklase ko kaya naiinis na napaupo si Vina.

Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya nakita ko rin ang pagngiti nya.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Daniel. "Sumagot ka."

Umiling ako. "Sayang review."

"Aw, daang matuwid."

Nakita kong nakatayo na ulit si Almira, parang nabuhayan dahil sa incentives pag nakasagot.

"Ang displacement ay nagagamit sa sitwasyon na pag may negative feelings ka, ibibigay mo na lang sa weaker objects," sagot nya kahit hindi sigurado.

Muling napakamot si Sir sa ulo. "Ano nga ang sitwasyon?"

Maraming sumubok na magbigay ng sagot nila pero dahil lutang ata ang mga kaklase ko, walang nakapagbigay ng example.

"Any other hand?" tanong ni Sir sa amin ngunit walang nagtaas ng kamay.

Iniikot nya ang paningin at nagtama ang mata namin. "Chin, ikaw?"

Narinig ko ang buntong hininga ng mga kaklase ko nang tanungin ako ni Sir. Kung hindi pa OA, narinig ko silang nang-aasar.

"Chin, kaya mo namang iperfect yung quiz, wag ka na lang sumagot!"

"Eguls naman, napakabasic kay Chin."

Tumawa ako sa kanila bago tumayo. "Epal nyo."

Humarap ako kay Sir na nakangiti na sa akin, parang nag-eexpect ng isang maayos na sagot. Naagaw nga lang ng ingay sa labas ang atensyon ko.

Mula sa bintana ng classroom namin, nakita ko ang pagdaan ng mga estudyante. Nakilala ko agad ang mga ito dahil ang dalawa sa kanila ay basketball player ng university namin-Calvin and Calix.

They're with the popular and dangerously handsome son of the campus director, si Troy.

Bahagya silang tumigil sa tapat ng room namin at mukhang may inaantay na lumapit sa kanila. Troy's gaze directed on the window of our room and our eyes met.

Mabilis ang pag-iwas ko ng tingin at pagbaling na lang kay Sir. I heard some of my classmates talking about him but I shrugged it off.

"Class, listen!" sigaw ni Sir na nakapagpatahimik sa kanila.

I sighed. "I think applicable po ang displacement sa ibang parent."

He nodded. "How so?"

I smiled bitterly. "May mga magulang kasi na kapag may kagalit na katrabaho o may tampuhan sa asawa, they tend to vent out to their children because they know that their children are more delicate and softer."

Nakita ko ang pagtango ni Sir sa akin.

"In a simpler manner, kapag may galit ka o sama ng loob sa isang bagay o tao, instead of facing the enemy itself, naghahanap ka ng pwedeng sisihin, 'yung pwedeng pagbuntungan ng inis."

He smiled before looking at the class again.

"Brief and simple... You may sit now, Chin. Exempted ka na sa quiz."

Umupo ako sa silya ko at muling sumulyap sa bintana ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin dahil nakita kong nakatingin pa rin sa akin ang lalaki.

He's making me anxious!

"Iba talaga ang isang Chin!" sigaw ni Daniel kaya mahina ko s'yang hinampas sa braso.

"Pahinging grade, Achi!"

Tinawanan ko lang sila at inilingan. Hindi ako makasagot dahil sa likod ng mga bintana ay may nakatingin sa akin at naiilang ako!

Sumulyap akong muli sa bintana dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko. It was just a side glance, though.

Nakita kong lumapit sa pwesto nila ang hindi ko kilalang lalaki at umalis na sila sa tapat ng room namin. Sa paglalakad nila, kapansin-pansin ang tangkad ni Troy. His shoulders are broad and his arms were toned. Halatang batak sa paggi-gym. His hair is as dark as the night. Ni wala itong wax ngunit ang ganda ganda tingnan sa kan'ya.

He's a year ahead of us. First year college pa lang kami samantalang sila nina Calix at Calvin ay second year Civil Engineering students.

"One seat apart." Sir Wil uttered.

Nakangusong naglayo-layo ang mga kaklase ko dahil sa pagsisimula ng quiz. I smiled as I watched them scan their reviewers and books.

One thing about psychology majors, you have to make reading a habit. Especially psychology books! Hindi kung ano mang romance novels. First year pa lang at kasalukuyang nasa ikalawang semester pero ipinaranas na agad ng profs namin na hindi ka makapapasa sa program na ito kung hindi ka magbabasa.

And I thank heavens I love books.

Tumayo ako at kinuha ang gamit ko dahil hindi naman na ako magqquiz. Nakita ko pa ang pangmamata sa akin ni Almira dahil nangako ako sa kan'yang pakokopyahin ko s'ya.

Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas ng room. Sayang ang inaral ko kagabi pero mas maganda nang exempted kasi at least, alam kong perfect na agad ang score ko.

Dahil wala akong makakasama ay pumunta na lang ako sa canteen para mauna nang mag-lunch. May quiz pa kami mamaya sa general psychology at hindi pa ako confident sa ni-review ko.

Wala pa naman masyadong tao sa canteen dahil hindi pa oras ng lunch break. Puro mga walang klase lang kalimitan ang narito. Namataan ko si Sol, ang Ms. Engineering last year, na hinarang na naman nina Roswell at Bela, school bullies.

Naiiling na lang akong pumila at bumili ng pagkain. Pagkatapos dito ay pupunta ako sa library. Hindi ko naman mayayaya si Almira roon dahil baka mapagalitan kami ng librarian sa ingay n'ya.

Habang kumakain ay naalala ko ang lalaki kanina. Hindi naman sila madalas magawi sa department namin kaya sigurado akong may dinayo sila roon.

Troy Jefferson is actually a notorious flirt. Kadalasan sa mga nababalitang nilalandi n'ya ay nursing students at ang mga babae sa tourism. Doon kasi madalas may maganda. Pero kahit ganoon, marami pa rin akong kaklase na patay na patay sa kan'ya. Paano'y lagi raw itong nakangiti at palabati kaya mukhang mabait. I don't agree with them, though. Kahit lagi itong nakatawa ay mukha pa rin s'yang masungit para sa akin.

I, on the other hand, don't think of him. May mga oras na nakakasalubong ko s'ya sa campus pero wala naman kaming pakealam sa isa't isa.

He's drop dead gorgeous but he isn't my type. I prefer a quiet and lowkey guy who loves studying. In that case, I'll be spending more time with him in the library.

I ate in silence. Next school year ay naka-all white uniform na kami kaya excited na ako! Ngayong first year kasi, magkakapareho ang uniform ng lahat ng courses kaya walang distinction.

Nakarinig ako ng ingay kaya bahagya akong nag-angat ng tingin. Yumuko rin naman ako nang mapansing sina Troy, Calvin, at Calix ulit iyon. Wala ba silang klase? Bakit sila pagala-gala lang?

I shook my head and gathered my things. Tapos na rin akong kumain kaya mabuti pa ay sa library na lang ako magpalipas ng oras. Dahil nasa entrance pa rin pala sila ng canteen ay gumilid ako para makadaan. I didn't look at them. Diretso lang ang tingin ko sa labas.

Nang tuluyang makalabas ay napahinga ako nang malalim. Dumarami na ang tao sa canteen at medyo maingay na.

"Achi!"

Nakita ko si Mira na nakangiti habang tumatakbo patungo sa akin.

"Laki ng ngiti mo, ah? Pasado?" nangingiting tanong ko.

She nodded. "15/30!"

"Congrats," I chuckled. "Sa lib ako. Sama ka?"

She gave me a disgusted look. "Tanghaling tapat?! Ayokong gawing lunch ang libro!"

Iniwan n'ya ako roon nang makita ang ilan pa naming kaklase sa canteen. Tumawa lang ako habang pinapanood s'ya papasok doon.

Tumagos ang tingin ko sa likod ni Mira nang makita si Troy na nakatingin pa rin sa direksyon ko. Hindi ako sigurado kung sa akin s'ya nakatingin pero ang ulo n'ya ay nakabaling sa pwesto ko.

I breathe heavily and walked away.

Ever since that day, madalas ko nang makita ang lalaki sa department namin. Madalas ay dumadaan s'ya sa room namin kaya ang mga babaeng kaklase ko ay laging napapagalitan. Nawawala kasi ang mga ito sa focus.

Ako naman ay pinipigilan ang sarili kong mapairap dahil ang layo ng engineering department sa arts and sciences pero lagi syang nandito. Sigurado akong may namamata itong lalandiin sa department namin. Ang mga ka-department ko naman ay hindi na nahihiyang magpakita ng motibo sa kanya.

"Sino kayang sinisilayan ni Troy dito?" si Almira.

Bahagya n'yang ibinaba ang reviewer n'ya at tumingin sa lalaking nakikipagtawanan sa mga tropa nito sa BS Biology. Nasa mesa kami sa labas ng room namin kaya tanaw namin ito.

I tsked. "Hayaan mo s'ya. Mag-aral ka na lang, Mira."

"Corny mo."

I chuckled and focused on my paper. Paulit-ulit ko itong binasa at inintindi dahil sigurado akong paglalaruan na naman ng prof namin ang mga tanong sa exam.

"Nakatingin dito!" excited na bulong n'ya sa akin.

Umiling lang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Maging ang ibang kasama namin sa table ay naalintana sa pagrereview kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa kanila. They are all so into him!

"Feeling ko talaga psych major ang target nan!" ani Vina.

"Oo, tapos feeling ko ako," sagot ni Mira sa kan'ya.

Nagtawanan ang nasa table namin pero hindi ko sila pinansin. Nagsasaulo pa kasi ako ng terms at hindi rin naman ako interesado sa lalaki.

Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Vina at kunin ang reviewer ko. Lumayo pa s'ya sa akin habang nakatitig sa papel ko.

"Di pa ako tapos!" natatawang ani ko sa kanya. Tumayo na rin ako at lumapit sa babae.

"Perfect mo na 'yan! Pahiram lang at mas gets ko ang notes mo, may example, e!" Lumalayo s'ya sa akin habang sinasabi iyon.

Kinakabahan ako sa bawat hakbang n'ya patalikod dahil malapit na kami sa pwesto nina Troy at ng mga biology major. Nasa gitna pa naman sila ng daan at kung magtutuloy sa paglalakad si Vina, dadaan kami sa gitna nila!

"Vina!" reklamo ko. "Di ko pa saulo 'yung lesson 13! Picturan mo na lang."

Napanguso s'ya at napatingin sa akin. "Pakopyahin mo na lang ako, Chin."

Tumawa ako sa kan'ya kaya lalo s'yang napanguso. Halos limang metro ang layo ko sa kan'ya habang s'ya naman ay nakatalikod sa pwesto nina Troy. Medyo malapit lang s'ya sa mga ito kaya hindi ako makalakad patungo sa direksyon n'ya.

Itinaas n'ya ang reviewer ko at sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla n'ya itong nabitawan. Lumipad ito hanggang sa gitna ng mga lalaki.

I gulped as I saw Troy picking up my paper. Nakita kong pinasadahan nya ito ng tingin bago lumapit kay Vina at iniabot iyon. Kita ko kung paano natigilan ang babae sa nangyari.

Troy tilted his head and his gaze directed to me. Nanlaki ang mga mata ko bago tumalikod at naglakad na lang papunta sa mesa namin.

"Pasado na si Vina!" pang-aasar ng mga kaklase ko nang makabalik ito sa table namin.

Ako naman ay kinuha na lang ang papel ko. Hindi na ulit ako tumingin sa direksyon ng lalaki at kinalma na lang sarili dahil dinadaga ang dibdib ko... hindi ko alam kung dahil ba iyon sa natural na kaba o sa inis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro