Epilogue
"Bro, kunin daw 'yong bola sa CAS sabi ni Coach," anas ni Calvin habang busy ako sa pagbabasa ng reviewer ni Duke na sapilitan ko pang kinuha kay Sol.
My forehead knotted. "Kayo na lang, nakakatamad."
"Gago," he laughed. "Sumama ka na. Diretso tayo sa practice game."
Ibinaba ko ang hawak na papel at napilitang tumango. Hindi naman ako player pero kung pilitin nila akong maglaro, parang ako ang varsity.
"Tawagin mo si Owa," utos ko na sinunod naman niya.
Nang nasa arts and sciences department na kami, mabilis ang naging kilos namin para kunin ang bola. Inihatid namin 'yon sa court gaya ng napag-usapan pero ang depungal na Owa, nalimutang isara ang pintuan ng stock room! Badtrip pa na nasa office ni Mama ang susi kaya sumama ako. Bumuntot din agad sa akin sina Calvin at Calix.
Tumigil kami sa tapat ng isang room habang inaantay si Owa na matapos. Bukas ang mga bintana no'n at napansin ko agad na room ng freshmen 'yon dahil sa uniform nila.
The students were laughing when a petite woman stood up. Her long black hair swiftly followed her movement. Nang mag-angat ng mukha ay nakita ko ang side profile nito kaya marahan akong napamura.
"Bakit?"
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Calix. I stared at the woman and my heart literally stopped beating when she threw me a cold glance. Her beauty was ephemeral. It was so innocent and pure. Mahinhin ang mga mata at maliit ang matangos na ilong. I gulped when I saw how pinkish her lips were. And her cheeks! I would like to pinch it!
Pinanood ko kung paano siya sumagot at palakpakan ng mga kaklase niya. Even Sir Will looked at her amusingly.
"Troy, tara!"
Hindi pa rin ako gumalaw. Mahinhin siyang umupo at nang ngumiti siya sa pang-aasar ng mga kaklase niya ay para akong na-engkanto.
Naiwan ako sa isang tanong.
Sino siya?
Nang mga sumunod na linggo, naging madalas ang pagtambay ko sa CAS. Minsan nga ay nagvo-volunteer pa ako na kumuha at mag-ayos ng bola sa stock room para may maidahilan lang.
"Sir, sige na. Ano ngang pangalan?" pangungulit ko kay Sir Will.
Tumawa muna ito bago pasadahan ng kamay ang kalbo nitong ulo.
"Wag ka ro'n! Hindi ka papasa at maraming nagkakagusto!" aliw na aliw na saad niya.
"Itatanong ko lang naman ang pangalan. Wala naman akong balak."
He sighed before giving me a half-hearted smile. "Si Chin. Top student ko 'yon, kaya wag kang loloko-loko."
I observed her for months. Nagtataka na nga ang iba kong kaibigan kung bakit hindi ako nagkakaroon ulit ng girlfriend o fling. And of course, I told them that I like someone. Panay ang parinig ko ba naman sa twitter, malamang magdududa na ang mga 'yon.
"Sino ba d'yan?" tanong ni Calvin habang nakatambay na naman kami sa CAS.
"Nakaipit," I answered briefly.
She's reading her notes while her friends were busy talking about something. Minsan ay nakikitawa siya pero mas madalas talagang may sarili siyang mundo, at parang walang pwedeng makapasok doon.
It scared me. Day by day, my feelings for her were becoming strange. Sa dami ng nakalandian ko, ngayon lang ako natorpe! I can't even go near her! Ilang beses kong sinubukan pero mapapatingin pa lang siya sa akin ay mag-iiba na agad ako ng daan.
Nakakainis pa itong si Iris na pinalalabas na siya ang dahilan kung bakit ako nagpupunta sa CAS. Parang tanga. Hindi naman siya si Chin.
"T-Troy," tawag sa akin ng isang babae na nakasuot ng makapal na salamin.
Sa tagal ng panonood ko kay Chin mula sa malayo, alam ko na agad na isa ito sa mga kaklase niya.
"Yes?" I asked.
"Uh... my name's Irina."
Tumango lang ako at pasimpleng nilampasan siya. Hindi naman kasi ako interesado.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan si Chin pero nang kausapin niya ako, napag-sinungalingan ko siya! The frappe was for her but damn, I'm too shy!
I was lowkey flirting with her pero wala talaga, olats! Hindi ko alam kung manhid ba talaga siya o pumupurol na talaga ako. Badtrip pa na dinecline ang follow request ko sa private twitter account niya.
Araw ng clean-up drive nang harap-harapan ko na siyang nilandi. Hindi tumatalab ang pagpaparinig ko sa twitter kaya mabuti pa, paspasin ko na!
"Duke, Sol, wala na atang upuan dyan! Sa susunod na jeep na lang tayo!" sigaw ko nang makita ang dalawa na umakyat ng jeep na halos puno na.
Narinig ko ang nakakairitang sigaw ni Sol kaya sumilip ako sa loob ng jeep. Medyo maluwag pa naman pero nakakatamad talaga dahil marami nang estudyante.
"Chin, may barya ka sa 500?!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na babae.
I quickly fixed myself when Chin glared at her friend but her eyes directed to me. Walang pagdadalawang isip akong sumakay doon. Buong byahe ay sa kanya lang ako nakatingin pero walangya talaga, ang mahal ng atensyon niya! Ni hindi manlang ako tiningnan!
Kaya kinausap ko na.
"You're Chin, right?" Parang tanga ang puso ko sa kaba nang balingan niya ako. Hindi ko lang ipinahalata dahil ayokong malaman niya na may ganoon siyang epekto sa akin!
"Why?"
Heaven. Her voice sounded heavenly.
I pursed my lips before smiling a bit.
"May kakilala kasi ako na... may gusto sayo... ipinapatanong nya kung pwede ka bang i-follow sa twitter at i-add sa facebook?"
Her eyes widened a fraction, pero mabilis ding nakabawi.
"S-sige... uhh... pero baka... hindi ako interesado."
I was amused by her. Kahit ano atang gawin niya, matutuwa ako.
"Ayos lang, Chin. I-aadd ka na niya ngayon, ha?" I smiled. "Sige, oorder muna ako."
Mula sa linya ay pinanood ko ang reaksyon niya. Her cheeks flushed and she stared at her phone, as if she's thinking deeply.
That started everything. I proudly liked her tweets, pictures, and posts. Kilala na rin siya bilang babaeng gusto ko kaya kahit papaano, alam ko, nababakuran ko siya, lalo at ang daming gustong manligaw! Tangina, rinig na rinig ko ang ilang ka-department niya na gusto pang sumubok.
"Bumalik ka na lang sa nanay mo, tangina! Hindi naman kita ka-ano ano!" sigaw ni Mama sa akin. "Sana ay hindi ka na lang isinilang!"
It scarred me but I understand her. I'm the reminder of my father's mistake. Kapag ganito ang nangyayari, pumupunta lang ako sa convenience store malapit sa amin pero sarado kaya napalayo ako.
It was the best night of my life. Doon din, pakiramdam ko... napalapit ako nang kaunti kay Chin. She comforted me, without her, knowing it.
Days passed briefly and one thing I noticed about her is that she doesn't trust me. Naiintindihan ko naman dahil hindi rin naman maganda ang history ko pagdating sa mga relasyon. Kung alam ko lang naman kasi na mababaliw ako nang ganito sa kanya, sana hindi ko na lang sinubukang lumandi.
I assured her that I like her. Halos magmakaawa na nga ako kina Duke at Calvin na turuan ako kung paano ko pa liligawan ang babae dahil nahihirapan talaga ako lalo at halata sa kanya na hindi niya ako gusto.
"Just be yourself, man," tawa ni Duke.
"Why are you laughing at my misery? Demonyo ka ba?"
Lalo siyang natawa kaya napailing na lang ako. Wala pa naman nagiging girlfriend 'yon. Bakit ba ako sa kanya nagtatanong? Walang ka-ide-ideya sina Mitzie at Sol na nanliligaw na ako kaya grabe sila mang-asar, lalo ang Solene na 'yon!
I helped Chin in her thesis. Habang nag-eexplain siya sa mga nakuha kong participants ay kinuhanan ko siya ng video.
I love her smile. Nakakahawa. Nakakatunaw.
It was going smoothly when Iris, the most annoying woman, called me, late at night! Patulog na ako, e! Hindi ko na sana sasagutin pero may pagbabanta pa siya sa text niya.
Panget:
Ipagkakalat ko na anak ka sa labas kapag hindi ka pumunta rito.
Napilitan akong bumyahe papunta sa Booze. Ni hindi ko na naitext si Chin para magpaalam dahil nababadtrip talaga ako kay Iris. Ang gago pa, pagbaba ko pa lang, kumapit na sa akin at kailangan ko na namang magpanggap na interesado ako sa kanya kahit sukang-suka ako.
Magpinsan tayo, animal ka!
"Manong, sasakay pa ho si Chin!"
Nanlamig ako nang makita si Chin kasama ang dalawa niyang kaibigan na nag-aantay ng jeep. She smiled at me sarcastically, dahilan kung bakit lalo akong natakot.
"Badtrip naman kasi sa'yo, tangina, pag nagalit sa akin si Chin, walang babae babae, ha?!" galit na sigaw ko kay Iris kahit sa harap ng mga kaibigan niya.
Chin really did turn colder. Lagi niya akong iniiwasan at itago ko man, nasaktan ako sa pag-ilag niya sa akin. Kahit noong nasa simbahan, ni hindi manlang ako tiningnan.
Nang makita ko siyang halos paiyak na dahil hindi makakapag-defend ng thesis ay hinanap ko talaga sa files ni Mama kung saan nakatira 'yung Irina. Mali 'to, alam ko, pero wala na akong pakealam. Not when Chin is sad!
Naabutan ko si Irina sa hospital. Akala pa nito ay binisita ko siya roon pero dahil sa lagay niya, binalita ko na lang kay Chin ang nangyari.
I also told her my family's secret. Damn, I'm too scared to lose her... kahit na hindi naman siya sa akin.
It went okay not until I saw her talking to that dumb looking man who called her Achi. Ampota, bakit may call sign sila tapos kami, wala? Ano 'to, favoritism?!
Nainggit ako kaya lumapit ako sa kanila. Tinawag pa akong bro, nakakaasar. Feeling close.
I pouted in front of her, try lang baka mapogian siya sa akin. "Gusto ko ng... c-call sign."
Napasimangot ako nang namula ang pisngi niya dahil sa pagpipigil ng tawa.
"Anong gusto mo? Yhats? Fudgee bar ko? Whatta tops? Choco lahat?" tawang-tawang tanong niya.
"Wag mo akong tawanan, bilog."
"What did you just say?!"
I shrugged. "I spit spicy words, Chin."
"Sample nga," mataray na tanong niya.
I stared at her only for me to fall harder.
"Ganda mo."
After the unending series of me, trying to flirt with her, she introduced me to her parents. Hindi ko ipinahalata ang kaba ko kahit ang totoo, nasa terrace pa lang nila, gusto ko nang mag-back out.
I don't like how her mother treated her. Harap-harapan niyang binabastos si Chin at kahit na gusto kong patahimikin ang babae, inisip ko pa ring nanay siya ng babaeng gusto ko.
That day, I found out that Chin has suicidal ideation, but it didn't bother me a bit. Sa totoo lang, mas lalo ko siyang ginustong alagaan.
Malungkot ang naging pasko ko no'n dahil hindi kami nagkita. There's something in her voice that made me want to run to her to check if she's okay.
Sa Batangas kami nag-bagong taon kaya lalo akong nawalan ng pag-asa na makausap pa siya. Ang hirap, hindi rin kasi siya nagre-reply. Ramdam na ramdam ko tuloy na hindi niya ako gusto.
"Bakit malungkot ang TJ?" tanong ni Getrude, pinsan ko.
Umiling lang ako habang nakatingin sa dagat. Nasa malayo ako pero ang iniisip ko, si Chin pa rin.
Pinanood ko ang hampas ng alon at hindi ko maintindihan kung bakit naalala ko siya roon. Inabala ko ang sarili ko sa pakikipaglaro ro'n kaysa mabaliw kaiisip sa kanya.
"Hindi ako nirereplyan!" lasing na iyak ko kaya naghiyawan ang mga pinsan ko. "Mahal ko 'yon, e! Wala naman akong ginawa..."
Naging tumpok ako ng asaran nung araw na 'yon kaya lalo akong nabadtrip. Pero syempre, mabilis na napawi ang pagkainis ko nang sumagot si Chin ng tawag at binati rin ako! God, it's just a simple greeting but I felt like she already made my year.
Valentine's Day. My birthday. I don't like this day because my Mama hates this day. Kahit na tumatawa at nakikisabay siya sa biro ko sa school, alam kong pag-uwi ko, kailangan kong harapin na naman ang matatalas niyang salita.
"Hoy, gumalaw-galaw ka d'yan. Ang daming nanliligaw sa bebe mo," balita sa akin ni Owa kaya lalong pumangit ang araw ko.
My baby deserves it, I know, but, I'm a jealous man! Hindi pa man sa akin, gusto ko nang angkinin!
I planned it in my head. Picnic date by the seashore. It was perfect. Pero noong nakita ko uli ang dagat, nalungkot na naman ako. Parang ayaw kong umuwi kasi alam ko ang sasalubong sa akin.
Chin noticed it... and what she did next melt me.
"Boy, I'll stay... through the bad times... even if I have to fetch you everyday. We'll get by with a smile. You can never be too happy in this life..."
Maganda ang boses niya. Hindi pangbanda dahil mahinhin pero napakasarap pakinggan. I stared at her while she's singing and something tugged my heart. She's beyond beautiful... even more beautiful than the ocean I'm most fascinated with.
Nag-umapaw ang puso ko sa saya no'n.
Noong araw na 'yon, napagtanto kong hulog na hulog na ako at wala na akong magagawa dahil hindi rin naman ako makakaahon.
Nagsumikap akong ipasa ang battery exam lalo at nabalitaan ko kay Sir Will na top student ng buong CAS si Chin. I feel like I don't deserve her... paano pa kaya kung ibabagsak ko ang exam, hindi ba?
Nang makita kong suot niya ang kwintas na sinabi kong isusuot niya lang kapag sasagutin na niya ako ay labis akong nanghina. Is this it? Mahal na ba niya ako?
"I love you, Troy."
My sanity left me right away. I kissed her in that place without thinking. I was too drawn... too happy... too in love.
Mahal na mahal ko si Chin. Handa akong isugal lahat sa kanya. Kahit ang buhay sa Switzerland kasama ang tunay kong ina.
"Just live here with me, Troy, alam kong hindi maganda ang trato ni Victoria sa'yo riyan!" saad niya nang tawagan ako. We never lost contact.
I sighed. "Nagkaayos na kami, Ma, nag-sorry na siya sa akin," I replied. That's a fact... but the real reason was that I cannot leave my baby here. Not when she's living alone in an apartment.
I heard her gasp. "I let you live with them for 20 years. Anak naman, tumatanda na rin ako. Gusto ko ring makasama ka."
Nagdalawang isip ako dahil sa boses at pagmamakaawa niya. Isa pa, kailanman ay hindi ako itinrato nang masama ni Mama Hyacinth. At... mahal ko rin siya kahit na malayo siya sa akin.
"Ma... may girlfriend ako," I confessed. "S-sorry pero hindi ko kayang iwan si Chin. H-hindi ko rin kaya na LDR kami kasi baka umiyak lang ako d'yan habang nag-aalala sa kan'ya."
I remembered the first time I saw her cutting her own wrist. Ni hindi ko na naitago ang luha ko dahil sa labis na pag-aalala. Buti at bumalik ako noong nasa kanto pa lang ako dahil nalimutan ko siyang halikan tapos tangina, bumungad sa akin ang magulo niyang buhok at duguang pulso.
I watched her sleep that night while I cried and begged God to heal my Chin. Wala na akong makapitan. I searched online on how to deal with someone who was having a mental breakdown. I enrolled the both of us in positive psychology and online webinars... and it helped. Hindi lang sa kan'ya kung hindi para sa akin din.
"Edi isama mo!" sagot ni Mama.
Naging palaisipan 'yon sa akin. Kahit noong OJT namin, napagtanto ko talaga na hindi ko kayang malayo kay Chin. Pakiramdam ko nga ay naiinis na siya sa akin kahit na malambing pa rin naman siya sa mga tawag at text.
"Troy, may dalang pagkain si Irina! Kain ka muna!" Narinig kong sigaw ni Calvin.
Kumunot ang noo ko sa pamilyar na pangalan at bahagya akong nagulat nang makita ang kaklase ni Chin. Akala ko ba ay sa Mandaluyong sila?
Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon.
Marami akong nakilala rito pero ang pinakamadikit talaga sa amin ay si Felice, ang manok namin, dahil sa pula niyang buhok. Mabait naman 'yon pero minsan, pansin ko talagang malagkit makatingin.
Noong mag-first anniversary kami ni Chin, para akong nanalo sa lotto hindi lang dahil sa first time may nangyari sa amin kung hindi dahil miss na miss ko na siya! Ang sarap sarap asarin at panggigilan.
Naging busy ako ng mga sumunod na araw kaya hiyang-hiya ako kay Chin kapag hindi ko nasasagot ang tawag niya. Lagi kasi akong napapag-initan sa site.
"Sino 'tong Dela Paz? Extend ka hanggang alas dose!" sigaw ni Engineer.
"Bakit ho?"
"Wag nang madakdak!"
Laging ganoon. Kami ni Duke ang madalas na umaabot ng hatingggabi sa paggagawa ng potfolio. Hindi pa nakatulong na malaki ang galit ko sa kan'ya sa ginawa niya kay Sol.
Napapagod na ako sa araw-araw na ginagawa. Parang hindi ko na lang gustong maging engineer kung ganito pala ang trabaho.
Binigay sa akin ni Felice ang cellphone ko isang gabi, hindi, halos madaling araw na.
"Bakit nasa 'yo, 'to?" tanong ko habang nag-aayos ng report.
"Wala lang, naglaro lang ako. I'm bored."
Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ganitong oras ay nasa dorm pa namin siya. Nang matapos ako sa ginagawa ay napatulala ako.
Miss na miss ko na si Elora.
Nang matapos ang OJT namin at siya ang sumalubong sa akin, gusto ko na lang ikulong siya sa yakap ko buong araw... kaso naka-sweater siya... at alam kong kapag ganito ang suot niya, may itinatago siyang sugat.
Ayokong sabihin 'yon sa kanya. Nagkukwento naman kasi siya kapag gusto niyang ikwento at ayokong pilitin siya... pero syempre, hindi ko maiwasang masaktan na sinusugatan niya ang sarili niya samantalang kulang na lang ay sambahin ko siya.
We celebrated a lot of things together. Alam mo 'yon? Parang buhay na buhay ako kapag kasama ko siya. Walang lungkot, e. Kasi kapag nag-aaway kami, lagi naman kaming nagkaka-ayos agad.
I have decided.
I will marry her.
Ayun na, e. Bumili na ako ng singsing. Sinabi ko na rin kay Mama Hyacinth na pupunta ako sa Switzerland kasama si Chin pag naikasal kami.
Pero, tangina, e. Inayos ko na lahat. Nagpa-book ako sa isang restaurant at five-star hotel para sa amin pero hindi siya umuwi.
I was damn worried. Buong gabi, umiiyak ako sa apartment niya sa sobrang pag-aalala. At halos madurog ang puso ko nang isang lalaki ang sumagot sa tawag ko sa kanya.
"Nasaan si Chin?!" sigaw ko ngunit narinig ko lang ang nakaiirita niyang tawa.
"Why do you keep looking for my girlfriend?"
Gusto ko siyang sapakin pero wala akong magawa kung hindi ang sabunutan ang sarili. He immediately dropped the call and send me videos of Chin... almost naked... on a bed.
Baby:
She's with me. Wag mo nang hanapin at masaya naman kami sa ginagawa namin dito.
I was so broken. Halos magwala ako pero nasa apartment ako ni Chin... at nahirapan siya bago mabili ang mga gamit dito kaya ayokong ipagtatapon 'yon. Still, I waited. I will not falter just because of his words.
Mahal ako ni Chin. Hindi niya 'yon magagawa sa akin.
Pero dalawang buwan.
Dalawang buwan siyang hindi umuwi. Tawag ako nang tawag dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin.
Hindi ko sinasagot kapag hindi si Chin ang tumatawag sa akin dahil natatakot ako. Parang nawala ako sa katinuan. Everything didn't matter to me. Kahit ang text messages at phone calls na galing kina Mama ay hindi ko pinapansin. Si Chin lang.
"Ano na naman ba?" sigaw uli ng lalaki at pinigilan ko ang iyak ko nang makumpirmang magkasama pa rin sila.
"P-pakausap kay Chin," halos pagmamakaawa ko na.
Please, isang usap lang. Kahit aminin niya na... ginago niya ako... basta bumalik siya sa akin, kaya kong tanggapin lahat. Maiintindihan ko.
"Tangina naman! Nasasakal na sa'yo si Chin, hindi mo pa rin tinitigilan? Bading ka ba? Hindi mo napapansin na ayaw na sa'yo nung tao?! Ang higpit mo masyado, kumawala tuloy lalo!"
That ruined me. Chin... was getting tired of me. I knew it. I am tiring. Siguro ay tama ngang hindi na siya masaya sa akin... at mas masakit 'yon kaysa sa may iba siya. Kasi, mahal ko 'yon, e. Ayoko namang kulungin siya sa akin kung hindi siya masaya.
"T-Troy," tawag ni Irina sa akin, talagang binisita pa ako sa trabaho.
Wala na sana akong pakealam pero bigla siyang nag-abot sa akin ng brown envelope. Nang buksan ko 'yon ay hindi napigilan ng mata ko ang lumuha, sa tapat ng babaeng hindi ko kilala, sa labas ng pinagtatrabahuhan ko.
The pictures were gross but most importantly... they were painful.
Nasa Mandaluyong pa lang pala ay may relasyon na ang dalawa. At... hindi ko kaya. Hindi ko kayang tingnan siyang hinahalikan ng iba. It was too much.
For the past two months, Irina was there for me, but I felt nothing. I went numb.
Nang handa na akong talikuran lahat, nakita ko na naman si Chin sa loob ng apartment. Tangina, mukha na namang malungkot. Gusto ko na naman siyang yakapin pero pinaalala ko sa sarili ko kung anong ginawa niya.
"S-saan tayo p-pupunta?"
Pinigilan ko ang mapahikbi sa tanong niya. Miss na miss ko siya pero hindi ko talaga kayang tanggapin ang nagawa niya sa akin. I was too hurt! Naitulak ko pa siya nang hindi ko sinasadya.
I said harsh words to her. Kahit nang lumuhod siya sa harapan ko, halos magmakaawa ako sa Diyos na bigyan ako ng lakas ng loob na talikuran siya. She acted like she didn't do something to hurt me.
Nakita ko kung paano siya parang nawalan ng boses pero galit ako. Galit na galit ako! She hurt me! I love her so much but she cheated on me with another guy! I love her so much but she wasn't happy with me! Hindi na siya masaya sa akin samantalang kahit kailan ay hindi ko naisip na pakawalan siya.
Nang nasa eroplano ako papuntang Switzerland, gusto kong bumalik, kasi hindi ito 'yung plano ko. Sabi ko, ikakasal kami at doon panandaliang titira... pero tangina, bakit naman ganito? Bakit mag-isa ako, kasama ang singsing na para sa kan'ya?
"M-Ma, mahal na mahal ko si Chin," walang pag-asang saad ko kay Mama, nakainom na naman. "P-patulong naman... p-paano ko siya makakalimutan? A-apat na taon 'yon. K-kasama ko siya sa lahat, e, tapos b-biglang ayaw niya na..."
Gabi-gabi 'yon. Lagi lang akong niyayakap ni Mama kapag sinasabi ko 'yon. Buti nga at hindi siya nauumay sa akin.
Hindi ako nakibalita. Ayoko. Ayokong malamang okay siya kasama ang lalaki niya.
Madalas ang pagtawag sa akin ni Irina. Minsan sinasagot ko pero madalas ay hindi. Ewan ko ba, nawalan na lang ako ng interes sa kahit na sinong babae.
"Susunod din agad ako sa'yo pag-uwi mo. Mga ilang buwan lang dahil baka doon na ako mag-settle down," wika ni Mama habang inaayos ang necktie ko.
For the past four years, hindi niya ako iniwan. Lagi siyang nakaantabay lang sa akin.
"Alam ko kung bakit ka uuwi," mahinahong saad niya. "Nabalitaan mong... wala na sa Isabela si Elora at walang boyfriend... babalikan mo ba?"
My jaw tightened. "Hindi, Ma."
She chuckled. "Ipina-tattoo mo ang pangalan niya, nag-franchise ka ng anim na branch ng KFC, ipinagpalit mo ang offer mo rito sa remodeling ng tulay para tanggapin ang offer sa Laguna... oo nga, hindi mo nga siya babalikan."
"Sinaktan ako no'n, Ma. Niloko niya ako. Hindi na dapat binabalikan ang gano'n," desididong saad ko.
"She doesn't deserve my son, yes, but... she's the one who makes you happy. 'Yun lang naman ang hiling ko... kaya kahit hindi ko pa siya nakikilala, gusto kong magpasalamat sa kan'ya kasi sumaya at naging successful ka dahil sa nangyari."
Malawak pala ang Laguna dahil ilang linggo na ako roon pero kahit isang beses ay hindi ko siya nakita.
"Chief, may bloodletting sa malapit, tara, papalinis ng dugo."
Tumango ako sa lalaki at sumama. Nasa malayo pa lang kami ay narinig ko na ang kwentuhan nina Hugo tungkol sa magandang babae, kaya lang ay pipi. Napailing na lang ako sa kalokohan nila. Mga manyak kasi ang mga 'yon at kung may pagkakataon lang ay ipapalipat ko sila ng team.
I stopped walking when I saw Elora Chin. Nagsi-sign language siya sa kausap na lalaki kaya may kung ano sa puso ko ang nasaktan.
Is she mute? Bakit?
Our encounters in Laguna were too much for me. Hirap na hirap siyang magsalita kaya ayoko na lang siyang kausapin dahil nadudurog ako. She used to sing me to sleep, at ngayong nauutal siya ay nanghihina ako.
I did some background research about her. She's living with Mr. and Mrs. Garcia. Hindi ko alam kung paano niya nakilala ang dalawa. Wala rin siyang naging permanenteng trabaho sa nakalipas na mga taon.
I want to be mad. I didn't leave her for this. I want her to be happy. I want her to be better.
"Diagnosed with Post Traumatic Stress Disorder and Major Depressive Disorder..." Halos lukutin ko ang papel na hawak sa nabasa. No! It can't be!
But she broke down in front of me.
"T-Troy... sa ibang... araw... na lang tayo mag-usap... ha?" mahinang saad niya. Mabilis ang paghinga na akala mo ay may sumasakal sa kanya.
"C-Chin..." Para akong nabuhusan nang malamig na tubig. Sinubukan kong lumapit ngunit umiwas lang siya.
Lalo siyang nanlambot. "S-sa susunod na lang... ha? P-pagod ako ngayon, e..."
It was fucking hard. I took care of her all night long with the realization that I will take her back. I will get back to her. Mahal ko pa rin naman siya kaya bakit ko ba niloloko ang sarili ko?
But when she woke up, she doesn't want us anymore.
Ang hirap. Para na naman akong dumaan sa panibagong sakit. The wounds re-opened and they were bleeding harshly again. Hindi ko pala talaga kaya. Basta si Chin, hindi ko kayang tiisin.
I became friends with Irina. Kahit naman kasi madalas akong mainis sa panlalandi niya, siya pa rin ang tumulong sa akin noon para malaman ang nangyari kay Chin.
"Nako, Troy, hindi ko nagugustuhan na parang gusto mo na namang makipagbalikan d'yan! She fooled you!"
Ganoon lagi ang sinasabi niya. Ipinaalala niya kung gaano ako sinaktan ni Chin.
And it was effective. Masakit pa rin talaga.
Pero tangina, mas masakit kapag nakikita ko siya pero wala siya sa buhay ko. Mas hindi ko yata kaya 'yon. Sa nagdaang mga taon, pinilit kong tumayo at mabuhay... silently hoping that when I returned, we'll go back to everything.
Nang malaman ko ang totoong nangyari, gusto kong patayin ang sarili ko. I remembered all the harsh words I've said to her. Nalaman ko kung gaano siya nagdusa habang wala ako sa tabi niya.
At naalala ko ang huli niyang ngiti sa akin sa DB store.
Mabilis akong nag-drive para humingi ng tawad sa kan'ya. Hindi ko na kayang palampasin pa ang ilang oras na hindi ko siya nakakausap.
It was damn painful to the point that it was unbearable.
"H-hindi pwede, a-ayoko... wag ganito..." paulit-ulit na wika ko nang makita ang lubid at silya. "A-ako dapat ang parusahan mo, C-Chin... hindi ikaw..."
She wanted to kill herself and I cannot blame her... she's gone through everything alone to the extent that death would be too engaging.
But I want to be selfish. Ayoko. Ayokong mamatay si Chin. Hindi ko kaya. Susunod agad ako.
We lost our child. She lost me. I lost her.
But our love, our passion, our dreams... remained.
Pero hindi pa rin pala tapos ang sakit.
"I don't want a relationship with you."
Para akong dinurog at pinatay sa sinabi niya. Of course, of course, my words and actions were not enough!
"Hahanapin ko ang sarili ko na nawala nung minahal ko kayong lahat..."
Lalo akong nasaktan dahil sigurado akong walang makapipigil sa gusto niyang gawin.
"S-sasamahan kita, Chin... you're not alone," I said, trying to convince her.
"No." Umiling siya. "I've realized how much I yearn for people's love, warmth, and attention. I've realized that I lived my life for you all... not for myself. N-ngayon, gusto ko ako muna. I want to take care of myself, Troy."
I was pained but something in my heart was proud of her. I can't believe I love a strong woman who withstand everything alone. Walang kasigurahan kung babalik siya pero wala na akong pakealam. Isinugal ko na ang sarili ko sa kanya sa buhay na 'to kaya hindi na ako aatras. Wala nang mapaglagyan ang pagmamahal ko sa kanya.
She changed in a drastically beautiful way. She glowed. She grew.
And I just watched her.
"That's my baby," I said to myself when I heard the news about her job.
While she was busy loving her self, I avenged for her. Lahat ng nanakit sa kanya ay binalikan ko. Ang nanay at ate niya, si Mira, si Irina, at tarantadong si Luke.
Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Vina noon kaya natulak ako na alamin ang nangyari.
"My friend has gone through a lot, Troy. Pero wala, hindi ka naman marunong makinig kaya wala kang alam. At pasensyahan pero kapag sinaktan mo pa ulit si Chin, hinding hindi mo na siya makikita."
It was a hell of a ride. Heartbreaks after heartbreaks, tears after tears, blood after blood, we finally reached our goal.
"Congratulations, baby," I whispered to her ear when she passed the board exam for psychologist.
The week before our wedding, I visited her parents without her knowledge. Inuna ko si Tita Lucille na ngayon ay mahina na.
"I don't like the way you treated her... but you're her mother and... I want to formally inform you that we'll get married. Hindi ko po kayo iniimbita. Sinasabi ko lang bilang respeto sa taong nagluwal sa babaeng mahal ko."
Her eyes glistened. "I'm a bad mother... an awful mother. Wala ako sa lugar para sabihin 'to pero sana ay alagaan mo ang anak ko... alagaan mo si C-Chin."
It didn't move me. After everything they did, wala na akong amor sa kanila.
Sinunod ko ang tatay niya. Ganoon din ang nangyari. Patay na ang kinakasama nito ngunit nanatili siyang pastor sa Cebu. Nagsilbi sa simbahan pero hindi pinanindigan ang pagiging ama kay Chin.
"Baby, you don't have to worry 'cause there ain't no need to hurry... no one ever said that there's an easy way... when they're closing all their doors, and they don't want you anymore... this sounds funny but I'll say it anyway..."
As soon as she entered the church, a tear fell from my eyes. I gulped the lump in my throat but it didn't go away. Her wedding dress fitted her perfectly. I want to hold her. I want to stand next to her. I want to hug her until my arms get swollen. I want to kiss her all day. I want to live with her. I want her. All of her.
Sa magkabilang braso niya ay si Ate Myrna na umiiyak at Kuya Marwin, na malaki ang ngiti sa akin. Halos masapawan ng hikbi ni Vina ang wedding song namin kaya mas lalo akong naging emosyonal.
I lot of people love my woman.
"Bro, pangit mo umiyak," pang-iinis ni Duke sa tabi ko pero hindi ko na siya tiningnan dahil naglalakad si Chin palapit sa akin... palapit sa Diyos kung saan namin isusumpa ang pangako sa isa't isa.
Nang tuluyang makalapit sa akin ay halos humikbi ako. Kinakalma na nga ako nina Mama Ria, Mama Hyacinth, at Papa pero hindi mapigilan ang hikbi ko.
Tangina, nakakahiya.
"Love her... 'yun lang, Troy... mahalin mo lang siya. Everything will follow," ani Tita Myrna. Wala akong nagawa kung hindi tumango.
The ceremony went on while I am holding her hand. It was so solemn. Kahit may veil ay kita ko rin ang pag-iyak niya. It was so peaceful... so beautiful... so deep.
"You may now kiss the bride."
I slowly lift her veil and brushed her tears away.
I fell in love with her mind... the one that she loathed so much. I love the way she carried herself, and made me feel alive even though she's the person who was almost dead inside.
Her beauty was like the sea. Deep and... blue. The more you get to know her, the harder for you to go back to your track because before you even know it, she already had drowned you.
She made it look like she created a good relationship with the ocean... with the waves. But if you watch her closely, if you listen to her closely, behind her laughs, you will hear her screams and cries, asking for help, because she can't keep her head above the waters.
And I was so happy that I had the chance to be with her. To love her. To tame her.
I leaned closer and in front of our Heavenly Father, family, and friends, I kissed her.
"Mahal kita," she whispered after the kiss.
I couldn't get enough so I kissed her once more with a promise that in the ocean of life, she'll never have to swim alone again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro