Chapter 9
Papunta pa lang ako sa school ay gusto ko na agad umuwi dahil sa kaba. I'm wearing a shirt under my black jacket but I can still feel the cold air seeping through the thick cloth. Naka-leggings na itim lang din ako para komportable ako sa pagtakbo mamaya. My hair is in a ponytail and black cap. Talagang mukha akong magjo-jogging.
Bumaba ako ng tricycle at medyo gininaw. Wala pang alas sinco pero maaga akong pumunta dahil hindi rin ako nakatulog nang maayos.
May mangilan-ngilan nang estudyante sa venue. Sampung kilometro ang tatakbuhin namin kaya nagbaon ako ng pamalit, bimpo at maraming tubig.
"Chin, ang aga mo ah!" sigaw ni Daniel nang makita ako.
Kasama nya ang iba naming kaklase na mukhang handa na ring tumakbo. To my surprise, narito na rin ang mahinhing si Irina. Nasa isang gilid lang habang nakatingin din sa akin.
"Nag-attendance na ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi pa. Ikaw ang inaantay namin."
Naiiling na ngumiti ako bago maglabas ng malinis na bond paper. Inilagay ko ang date ngayon at pinapirmahan iyon sa kanila.
Wala pa sina Mira at Vina dahil paniguradong tamad na tamad kumilos ang dalawa. Hindi ko nga sigurado kung pupunta ang mga yon.
"Sabi pala ni Sir Will, sya raw ang kasama nating instructor pagtakbo kaya antayin natin sya rito."
Tumango ako at nakiupo na sa kanila. I am feeling so nervous today because I feel like Troy is up to something. Iniisip ko na baka asumera lang ako, na baka hindi ako ang tinutukoy nya sa tweet nya noong isang araw.
Inilibot ko ang tingin sa buong lugar. Nasa isang covered court kami habang inaantay ang ibang estudyante na dumating. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang mapagtantong wala talaga sa engineering ang pumunta. Midterm na rin kasi bukas kaya marahil ay abala sila sa pagre-review.
I grunted. Magre-review din naman kami, ah!
Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko nang maramdamang nag-vibrate ito. I saw Vina and Mira's texts kaya lalo akong napasimangot.
Mira:
Hi, mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan, ha? Alam kong hawak mo ang attendance sheet ngayon. Saulo mo rin naman ang signature ko. Wala lang, na-realize ko lang kung gaano ka kahalaga sa akin, Chin.
Rovina:
i-attendance mo ako, di ako aattend
I inwardly groaned. Tangina ng dalawang 'to?! Iniwan ako? Talagang nag-usap pa yata sila na hindi na aattend dahil alam nilang ako ang magmo-monitor!
Me:
Pumasok kayo mamaya pagkatapos nito. Maraming activities.
Inilagay ko ang cellphone sa bag at kinuha mula kay Daniel ang attendance. Sinabi ko sa kanyang ako na ang mag-aabot non kay Sir at mabuti naman ay hindi na sya nagtanong. Pasimple kong ipinirma sa attendance ang dalawa bago ko itinago iyon sa bag ko.
Nakatalikod ako sa mga kaklase ko nang marinig si Sir Will na nagsasalita na. Binilisan ko ang pag-aayos ng gamit para makasama na sa pila.
"Guys, may ampon ako ngayon dahil gusto nya raw sumama pero wala sa mga kaklase nya ang pupunta."
I faced them and to my freaking shock, everyone's looking at me! Why?! Alam nyo bang in-attendance ko ang dalawa kong kaibigan?!
Nakapalibot ang mga kaklase ko sa akin na parang may meeting kami. Nanunukso ang mga mata nila kaya kumunot ang noo ko. Mukhang hindi naman ito tungkol sa pagfo-forge ko ng pirma.
Tiningnan ko si Sir at doon tuluyang nalaglag ang puso ko nang makitang si Troy ang sinasabi nyang ampon nya ngayon.
Sir Will grinned at me. Oh, God, this doesn't look good.
"Sa dami ng proctor na pwedeng samahan nitong si Troy, sa akin talaga sya lumapit. Sa tingin mo, Chin, bakit kaya?"
Nag-init ang mukha ko sa tanong ni Sir. He's playing cupid! Nakita kong bahagya itong siniko ni Troy kaya lalo syang natawa.
I pursed my lips. "I-I don't know, Sir."
Nag-iwas ako ng tingin nang bumulong si Troy sa kanya. I'm sure my cheeks are flushed! Ni hindi na ako makatingin sa mga kaklase ko!
I was kind of grateful that Vina and Mira weren't here. Hindi ko alam ang mangyayari kung nandito sila! Mabuti na ring wala sa mga kaklase ko ang nag-iinitiate ng pang-aasar!
"Alright, alright..." Sir Will chuckled. "Mag-aalas sinco na, magsimula na tayo, class."
I stood properly and fixed myself. Medyo may kabigatan ang bag ko kaya gusto kong iwan at magdala na lang ng wallet, tubig, bimpo at cellphone pero wala namang lugar kung saan ko pwedeng iwan ang gamit ko.
"By pair na."
Kumunot ang noo ko. "Bakit po, Sir? Hindi ba pwedeng isang section na lang kami?"
"Safety purposes, Chin. Pati dadaan tayo sa highway, hindi naman magandang tingnan na isang kumpol kayo, diba?"
I slowly nodded, getting his point. Tumingin ako sa mga kaklase ko para maghanap ng partner dahil wala si Mira at Vina. Nakita ko si Irina sa gilid at nakatingin lang din sa mga kaklase ko na matapos sa pamimili ng partners.
Wag naman sanang sya ang maging ka-partner ko. Matutuyuan ako ng laway at baka mag-attitude na naman yan!
Ngunit wala ata talaga akong choice. Nakita kong ito na lang ang natira sa mga kaklase ko at lintek, wala manlang talagang pumili sa akin!
I sighed. I have no choice, I guess.
"Hoy, Chin! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Mich sa akin nang palapit na ako sa pwesto ni Irina.
Before I could even answer her, I saw Troy walking towards me. Sigurado ang hakbang nya habang madiin ang pagtingin sa akin na parang malaki ang kasalanan ko. Nang tumapat sya sa akin ay narinig ko ang mahinang tilian at bulungan sa paligid.
Nagdoble ang lamig na nararamdaman ko dahil sa kaba. Nakatingin lang ito sa akin samantalang ako ay hindi na alam kung saan pa babaling. I probably look like a scaredy cat! Ito ang nanlalandi pero parang ako ang natatakot na ma-reject!
"Chin."
Wala akong nagawa kung hindi ang tapatan ang tingin nya. Hindi kami matatapos kung mag-iinarte ako!
"What are you doing, Troy?" may katarayan kong tanong.
He tilted his head a bit and flashed a seductive smile.
Really, Chin, seductive?!
"Ako ang ka-partner mo," he said with full conviction.
My forehead knotted. "You wish."
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina nyang pagtawa. Ni hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang ulo ko sa kanya! Bakit ba confident na confident sya?! Hindi ko naman sya gusto!
Inirapan ko sya at nilampasan para pumunta sa pwesto ni Irina pero wala na roon ang babae. Tumigil ako bahagya sa paglalakad at nakitang kasama na ito ni Sir Will, nagsisimula na sa pagtakbo.
"Bye, Chin! Kita na lang tayo sa finish line!" sigaw ng ilan sa mga kaklase ko bago tuluyang tumakbo.
Kumaway pa ang mga ito sa akin habang malaki ang ngiti. I get it now. Napag-tripan na naman ako!
Nakabusangot akong lumingon kay Troy. Gaya ng mga kaklase ko, nakangiti rin sya sa akin. Lumapit sya sa pwesto ko at bahagyang inayos ang tshirt nya.
"Mukhang mabigat ang bag mo, ah? Gusto mo bang iwan dito?"
Nakasimangot pa rin ako pero ngayong napagtanto ko na kaming dalawa na talaga ang magka-partner, nangibabaw ang kaba sa dibdib ko.
"Pwede naman akong mag-isa na lang, Troy. Okay lang na hindi mo ako samahan."
He pursed his lips and shook his head. "Ayoko, Chin. Ang aga kong gumising para rito."
"Oh? Makakatakbo ka pa rin naman, ah?" Kumunot ang noo ko.
"Mukha ba akong interesado sa fun run?"
I gulped. Hindi na ako ulit nagtanong dahil kinakabahan ako sa susunod nyang sasabihin. Alas sinco na pero hindi pa rin kami umaalis sa court! Ewan ko nga kung may balak pa akong tumakbo gayong sya ang kasama ko! This isn't the plan I have in my head!
"Ako na ang magbibitbit ng bag mo," he uttered. "Wala naman akong ibang dala."
"Wala kang dala? Paano ang pamalit mo?"
He gave me a smirk. "Hindi naman ako bumabaho, Chin."
I snorted. Yabang! Magkaubo ka sana!
"Pero may dala ako... nasa office ni Mama," bawi nya. "Ayoko namang pawisan akong haharap sayo."
"Ang arte mo, Troy. Tara na nga!"
Ibinaba ko ang bag ko at kinuha ang wallet, tubig, cellphone at bimpo ko. Narinig ko ang pagtawa nya habang inaantay akong matapos sa ginagawa.
We started walking. Ganon din naman kasi ang ginagawa ng iba. May nakasabit na puting towel sa balikat ni Troy kaya ganoon din ang ginawa ko sa bimpo ko. Maliit na nga ako, lalo pa akong naging maliit sa tabi nya! Hindi pa nakatulong na maraming nakatingin sa amin na parang nahihiwagaan sila.
"Chin," tawag nya.
Kanina pa kami walang pansinan kaya nagulat ako sa bigla nyang pagsasalita.
"Bakit?" tanong ko, hindi humaharap sa kanya.
Diretso lang ang lakad ko dahil gusto ko nang matapos 'to. Sana pala talaga ay si Irina na lang ang partner ko! Edi sana ay hindi ako ganito ka-ilang at katahimik.
"Ako ba 'yung nasa tweet mo?"
Napatigil ako sa paglalakad kaya lumampas ang ibang estudyante sa akin. Nakita kong huminto rin si Troy at tinapatan ako.
I looked at him. "Ano naman ngayon?"
His brows met. "Totoo? Ako yon?"
Hinayaan ko ang iba na lumampas sa amin hanggang sa kami na ang nasa dulo ng pila.
"If the shoe fits..." I said, fighting the urge to roll my eyes.
Lalong kumunot ang noo nya. His lips are also in a grim line, parang nagpipigil ng inis. Ang buong katawan nya ay nakaharap na ngayon sa akin kaya alam kong nakuha ko ang buong atensyon nya.
Aalis na sana ako para iwasan sya nang hawakan nya ang braso ko.
I immediately flinch at the sudden touch. Mukhang ganoon din ang nangyari sa kanya dahil mabilis nya akong binitawan.
He let out a sigh. "Usap tayo..." seryosong saad nya.
I swallowed hard to clear my throat. "Look, Troy, I know I owe you a date but please, kung anong binabalak mo, itigil mo na."
Pinigilan ko ang sarili ko na magsisi nang dumaan ang lungkot sa mukha nya. Lumamlam ang mata nya habang nakatingin sa akin.
"Owe," he said before biting his lower lip. "You... don't owe me anything, Chin. Pwede kang tumanggi kung ayaw mo. I don't want to force you."
I don't know why that saddened me. No, I owe you a date!
"Ayos lang. Isang beses lang naman."
His gaze lingers at me longer than it should. "Do you really think my feelings for you are fake?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nya kahit na gusto kong um-oo. Simula kasi noong malaman kong gusto nya ako, palitaw-litaw lang sya. He's inconsistent and it's bothering. Ginugulo nya lang ang isip ko.
Muli nyang kinagat ang pang-ibabang labi at bahagyang yumuko. Tuluyan nang nakalayo ang ibang estudyante sa amin dahil sa ginawa naming pagtigil.
"You can question everything about me... but not this," he uttered before shaking his head.
"Bahala ka, Troy... sinabi ko lang kung anong nararamdaman ko. I can sense that you don't like me in that way." I bravely stated.
"Will you give me the right to prove it to you, then?"
"What?" I asked, confused with what he said.
He gulped. "Papayagan mo ba akong patunayan sayo... na gusto kita?"
He's indirectly asking if he can court me! Should I answer honestly?! Should I give it a try?! My insides were literally shivering and I'm sure it's not because of the cold breeze!
"O..kay," I replied, unsure.
He smirked. "Brace yourself, Chin."
After that talk, bumalik ang sigla ni Troy. Wala na kami halos kasabay sa paglalakad dahil nagtagal kami sa pag-uusap. Sigurado akong tapos na ang iba dahil tumakbo talaga sila. Samantalang kami, naglakad na nga, tumigil pa!
"Hindi ka pa ba pagod?" tanong nya matapos ang mahaba naming paglalakad.
"Hindi pa." I answered.
"Ako, pagod na."
Napalingon ako sa kanya na bahagyang nakanguso. May namumuong pawis sa noo nya at ang buhok nya ay wala na sa ayos. I can't believe he still looks fresh!
"Totoo? Gusto mo bang magpahinga muna?"
I want to slap myself for the tone of my voice. God, I sounded so worried!
He smiled. "Akala ko naman pupunasan mo ang pawis ko."
Sinamaan ko sya ng tingin nang mapagtantong hindi naman pala sya seryoso.
"May sarili kang towel, ang arte mo!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod din naman agad sya. His steps were little... parang sinasabayan talaga ako. I appreciate it. Sa totoo lang ay pwede na syang mauna dahil mahaba naman ang biyas nya at mabilis nyang matatapos ang lakarin namin pero talagang inaantay nya ako.
"Chin, paano mo pala nasabi na hindi kita gusto?"
Oh, here we go again.
I sighed but I continued walking. "Ni hindi mo nga ako mai-chat." I snorted.
At pinagsisihan ko agad na sinabi ko yon. Tumigil sya ulit sa paglalakad at nakita ko ang gulat sa mukha nya. He looks shocked and amused at the same time.
Mukha yatang nagde-demand ako na i-message nya ako! Chin, why are you so careless?!
A smirk crept up to his lips. "I see that you like messages... I'll take note of that, Chin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro