Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Lumipas ang dalawang linggo na naging tumpok ako ng asaran. Kahit ang ibang department ay kilala na ako hindi lang dahil napapayag ko si Troy na manood ng try-outs kung hindi dahil sa ginawa nitong commotion sa twitter! He changed his bio on twitter and obviously, people immediately get it!

troy
@tjdelapaz

19| future civil engineer| God gives the Laurel; the crown of victory.

112 following - 7, 092 followers

And guess what? The last sentence means Elora! My first name! Alam na tuloy ng lahat na gusto nya ako!

Too much for wanting to be lowkey, Chin.

Nag-isang libo na rin ang followers ko sa twitter at alam kong dahil iyon sa kanya. Natatakot nga ako na baka makita nila ang private account ko kahit na nasa akin naman kung i-aaccept ko ang request nila o hindi.

I don't know if he really meant what he said dahil hindi ko naman na sya nakita ulit matapos ang insidente sa locker room. It seems like he's busy for the upcoming midterm and battery exam. Ako naman ay abala rin sa research namin at sa pagpipigil ng inis kay Irina araw-araw.

Sa Lunes na ang fun run sa school. Alas sinco nang umaga ang call time at may ibinigay sa aming tshirt na dapat suotin.

Mula sa kwarto ay bumaba ako para magpaalam kay Papa na pupunta ako sa Poblacion dahil sa training namin. Wala na si Ate Heather sa bahay kaya ramdam na ramdam ko ang lungkot ni Mama.

"Pa, sa red cross lang po ako."

Kasama nya sa sala si Mama na nagbabasa ng bible. Sabay silang tumingin sa akin at nakita ko pang pinasadahan ni Mama ang suot ko. Isang simpleng shirt at pantalon lang naman iyon kaya wala syang nasabi.

"Baka mamaya ay sa boyfriend ang punta mo, Chin, ha? Isang buwan ka na halos sa red cross na yan."

Binasa ko ang pang-ibabang labi. "Wala akong boyfriend, Pa."

"Siguraduhin mo lang at ayokong tumatakas ka para lang makipagkita sa kung sino."

Tumango lang ako sa kanya. Wala silang gawain sa simbahan dahil Sabado pa lang naman ngayon. Baka mamaya siguro, pupunta si Papa roon para tingnan ang mga tutugtog para bukas.

"Bakit ba kasi sumali ka pa ron? Wala namang silbi yan," saad ni Mama. "Pag pupunta sa simbahan, ang dami mong rason pero kapag mga ganyan, gawang-gawa mo ang asal mo."

Pinigilan ko ang pagsagot dahil baka hindi pa nya ako payagang umalis. Mas mahirap yon!

Nang wala na silang ibang sinabi ay mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay ng tricycle papunta sa Poblacion. May kalayuan 'yon sa amin kaya medyo mahal ang bayad ko sa driver.

"Vina!" tawag ko sa babae nang makitang naglalakad sya papasok ng hall kung saan gaganapin ang training namin.

Inantay nya akong makalapit sa kanya bago kami nagpatuloy sa pagpasok. Nasa 20+ ang tao rito, labinglima kaming trainess tapos the rest, facilitators na. Nagt-training kami ni Vina para maging phlebotomist kaya sinabihan kaming baka isa hanggang dalawang taon ang abutin ng training namin. We'll have on-the-job and clinical trainings at kahit noong una ay hindi ako interesado, nagustuhan ko na rin lalo at nakita ko kung gaano kaganda ang aral.

"Ang gwapo nung kasama ni Doc." Vina whispered to me.

Tiningnan ko ang minamata nya at nakumpirmang may itsura nga ito. Malinis ang mukha at may salamin sa mata.

"Registered nurse daw yan," bulong nya ulit.

"Saan mo naman nalaman?"

She smiled. "Kanina pa pinag-uusapan ng mga kasama nating trainee. Sana bukas ay narito ulit sya."

Inilingan ko na lang sya at muling nakinig sa nagsasalita sa unahan. Siguro sa ilang buwan ay tuturuan na kami kung paano kumuha ng blood pressure at may alam naman ako tungkol doon. And of course, ang pinakamasayang part, tuturuan kaming kumuha ng dugo dahil parte iyon ng pagiging phlebotomist.

Dalawang oras din ang training at workshop pero walang dull moments dahil entertaining magturo si doc. Isa pa, medyo ka-close ko naman na ang ibang trainees kahit na iilang beses pa lang kaming nagkikita.

"Chin, Vina, lunch tayo!" yaya sa amin ni Kuya Jester, isa sa co-trainees namin.

Siniko ako ni Vina. "Pautang."

Tinawanan ko sya pero pumayag pa rin ako. Napag-usapan kasi naming diretso uwi na kami kaya hindi sya nagdala ng pera. Sumama kami sa kanila sa isang karinderya na labis kong ipinagpasalamat. Mabuti at hindi kami nagfastfood!

"Second year na kayo, diba?" tanong ni Ellaine.

Tumango ako at bahagyang nginitian sya. Umorder ako ng dalawang ulam at kanin para sa amin ni Vina tapos ay dumiretso na sa mesa nina Kuya Jester at ng iba pa naming kasama.

"Iisa tayo ng school pero hindi ko kayo nakikita," ani ulit ni Ellaine nang makaupo.

Nagsisimula na kaming kumain pero tumigil muna ako para sagutin sya.

"Ano bang course mo?"

"Computer Science."

I nodded. "Psychology student kami. Medyo malayo ang department nyo sa amin."

Tumango rin sya at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagkukwentuhan ang ibang nasa mesa namin. Paminsan-minsan ay sumasagot kami ni Vina sa kanila. They're entertaining to talk to but I'm not really fond of them. Siguro ay dahil kakikilala ko lang sa kanila. Isa pa, kami rin ang pinakabatang trainee kahit na sina Ellaine, Juriz at Melanie ay college students lang din. Graduating ang mga ito sa kaparehas naming university.

"A-attend ba kayong fun run?" tanong ni Juriz.

Vina nodded. "Required. Pati si Chin ang president sa room namin, walang lusot dito."

I chuckled. "Ako ang mayayari kay Dean kapag hindi complete attendance."

Nangingiting umiling si Juriz at Ellaine sa amin.

"Ang babait nyo."

Vina snorted. "Di ka sure, te."

Muli akong tumawa sa sinabi nya. Tapos na kaming kumain pero hindi pa kami tumatayo dahil may kumakain pa na kasamahan namin. Nag-uusap sila tungkol sa trabaho kaya kadalasan ay hindi kami maka-relate. Tuloy, kaming mga college students ang nagkakasundo.

"May irereto ako sa inyo... may mga boyfriend ba kayo?"

Naalerto si Vina sa sinabi ni Melanie. Tumuon pa ito sa mesa na parang interesadong-interesado.

"Wala ako! Please..."

I laughed at the desperation in her voice.

"Ikaw, Chin?"

Umiling ako. "Wala rin."

Vina glared at me. "Kay Troy ka na! Wag kang magpaligaw sa iba! Isusumbong talaga kita!"

"Troy?" tanong ni Ellaine.

I grunted. "Hindi ko boyfriend 'yon! Ni hindi nga nanliligaw!"

"Ayun, gusto rin," natatawang saad ni Vina.

Inirapan ko lang sya at muling bumaling sa tatlo sa harapan namin. Nakatingin lang sila sa amin ni Vina at siguro'y iniisip nila kung gaano kami ka-mature.

"Sinong Troy?" ulit ni Ellaine sa tanong nya.

"Ahh... schoolmate."

"Ampota!" malakas na sigaw ni Vina. Naagaw namin ang atensyon ng nasa kabilang mesa dahil sa pagmumura nya pero para syang walang pakealam!

"Troy?! Schoolmate?! Girl, you must be kidding!" ekseherada ulit na saad nito.

"Sinong Troy ba?" tanong ni Melanie.

"Dela Paz!"

Kung kanina ay si Vina lang ang napamura, ngayon ay sumunod na silang tatlo. I kind of understand their reaction dahil kilala sa school si Troy pero... they're clearly overreacting!

"Gago, hindi nga?!" gulat na tanong ni Melanie.

My forehead creased. "Hindi kami!"

Vina scoffed. "Hindi pa."

"Ikaw baga 'yung Elora? Sumikat sa school yon ah!"

Hindi na ako nakasagot dahil si Vina ang naging spokesperson ko. She answered all their questions na parang sya talaga ang tinatanong!

Ellaine crossed her arms as she leaned on her chair. "Ingat lang doon, Chin, mabilis magsawa yon."

I nodded. I know that. It's not like we have something serious. Isa pa, kilala naman ito sa school dahil bukod sa pagiging gwapong anak ng campus director, marami rin syang naging girlfriend na! He's literally a heartbreak waiting to happen!

"Hay nako! Last sem pa nya sinisilayan si Chin sa room namin tapos magsasawa? Duda ako!" ganting pahayag ni Vina.

"Just saying." Ellaine uttered. "Ex kasi non yung tropa ko, nakipagbreak daw sa kanya si Troy kasi sawa na."

"Oh... that's a red flag." Juriz said.

Red flag is a symbol for danger... and I think I have to agree that Troy is kind of menacing. Alam na alam nya na ang mga dapat gawin para mahulog sa kanya ang babae. I have to guard my heart... kung hindi ay baka makasama ako sa isa sa mga pagsawaan nya.

"Nagkakausap ba kayo?" tanong ni Juriz.

Umiling ako dahil dalawang linggo na rin naman ang lumipas noong huli ko syang nakita. Puro parinig lang ito sa twitter sa nagdaang mga araw.

Naramdaman ko ang ginawang pagtitig sa akin ni Vina dahil sa pag-iling ko.

"Totoo? Hindi ka ba chinachat? Akala ko hindi ka lang nagkukwento," she whispered to me.

Juriz pouted. "Another red flag."

I smiled. "Hindi nya naman ako kailangang i-message. I don't think it's a red flag."

Ellaine draws her body near the table. "Beb, he literally announced that he likes you... pero walang ginagawa? He doesn't like you enough."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napaisip. Honestly, I think so too. Mukha rin naman itong hindi seryoso sa akin dahil wala naman syang ginagawa. Kapag nakikita nya lang ako, saka lang sya nagpaparamdam.

Unti-unting umahon ang inis sa akin dahil sa mga napagtanto. Oo nga naman, kung gusto nya ako, bakit wala syang ginagawa para makausap o makasama ako? He's all words.

"Naku, walang red flag red flag! Colorblind tayo, Chin!" biro ni Vina ngunit hindi na ako nakatawa.

Natapos ang lunch namin nang iniisip ko iyon. Mukhang hindi talaga maganda ang imahe nya sa iba, ah? Hindi ko lang napapansin kasi ang lagi kong naririnig ay ang mga positibong bagay sa kanya.

Nang makauwi ako ay dumiretso ako sa kwarto. Walang ibang tao sa bahay at ipinagpasalamat ko yon. Alam kong nasa simbahan si Papa pero si Mama, marahil ay nasa barangay hall.

Hindi ko napigilang buksan ang twitter account ko at mag-tweet.

Achi @elorachin_
Your feelings sound fake but... whatever.

Wala pang ilang minuto kong naitu-tweet yon ay may reply na agad sina Vina at Mira. May mangilan-ngilan din agad na likes kaya nanibago ako. I'm not used to getting attention!

Vina #JunkTerrorLaw @rawvina
nako auto pass pa yata

Mira @almiramoreno
hoy ano yan?!?

Vina #JunkTerrorLaw @rawvina
Replying to @almiramoreno
dm mo ako, chika ko sayo

Kumunot ang noo ko nang sunod-sunod ang nagreply kay Vina na hindi ko na mga kakilala.

luisa @lowkeymarie
Replying to @rawvina
pa-dm din po

#streamfolklore @hannavishi
Replying to @rawvina
omg tungkol ba kay troy 'to?

Jopay @kumustakana
Replying to @rawvina
hala what's poppin'

Marami pang replies na ganoon pero halos mabato ko ang cellphone ko nang makitang nagreply si Troy sa nagtanong kung sya ba yon!

troy @tjdelapaz
Replying to @hannavishi
hi, hindi naman siguro ako yan kasi hindi naman peke ang nararamdaman ko para kay chin

Sa taranta ko ay muntik kong maibato ang cellphone ko. Mabilis na dumami ang replies at like noon pero hindi ko na nagawang magbasa o magreact dahil napatigil ako sa sinabi ni Troy.

I breathe heavily. Chin, he isn't good for you! Wag kang kiligin! He knows what words to say dahil sanay na sanay itong makipaglandian!

Muli akong napahinga nang malalim nang makitang may bago itong tweet. I followed him back almost a week ago dahil wala talaga akong balita sa kanya! Pagkatapos nya akong landiin sa locker room, bigla na lang syang hindi nagparamdam.

troy @tjdelapaz
sa lunes ka sakin

I gulped hard. He isn't pertaining to me, right?

Itinabi ko ang cellphone at pumikit. Sana ay hindi na lang ako nagparinig! Kinakabahan tuloy ako ngayon! Hindi required umattend ang mga engineering bukas sa fun run dahil naghahanda sila para sa exam kaya sana... wala roon si Troy.

Lord, please, let Monday be good to me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro