Chapter 7
"Elora Chin, anong nangyari, ha?!" sigaw agad ni Mira pagpasok sa room.
Kasabay nya si Vina na mariin din ang tingin sa akin na parang ang laki ng kasalanan ko. Inantay ko silang makarating sa pwesto ko bago magsalita.
"Anong meron?"
Vina crossed her arms. "Ikaw ang anong meron?!"
Pagkatapos sabihin 'yon ay iniabot nya ang cellphone nya sa akin. I blushed when I saw Troy's tweets.
troy @tjdelapaz
probably the best night of my life
troy @tjdelapaz
with a smile
troy @tjdelapaz
how can you comfort me with your laughs
Alam kong pinapanood ng dalawa ang reaksyon ko kaya sineryoso ko ang mukha ko.
"Oh, bakit ako?" tanong ko sa kanila na kunwari ay wala akong alam.
They both squinted their eyes on me.
"Totoo, hindi ikaw 'yon?" nanliliit ang mata pa ring tanong ni Mira.
I just shrugged my shoulders kaya nanlisik ang mata nilang dalawa. Tinawanan ko lang sila at sumandal sa upuan ko, inalala kung anong nangyari kagabi.
"Wala raw klase kay Sir Will. Simulan na lang daw ang research," Daniel said when he entered the room.
Narinig ko ang masayang tilian ng mga kaklase ko dahil tatlong oras kaming bakante. Kanya-kanya sila ng tayo at ayos ng sarili para siguro gumala.
"Chin." Vina called me.
Tumingin ako sa kanya.
She pouted. "Hindi nga ikaw yon?"
Tumawa ako dahil curious na curious talaga sya! Nag-alisan na ang mga kaklase ko at maunti na lang kaming natira sa room. Kahit sina Daniel ay uuwi raw muna. Nakita ko si Irina na nagbabasa ulit sa upuan nya kaya tumayo ako at nilapitan sya.
"Uhm... Irina..."
Nag-angat sya ng tingin sa akin at ibinaba ang hawak nyang libro. Tutal ay kami naman ang partners sa research, mabuti pa sigurong mag-usap na kami.
"May mga nai-research ka bang topics?" tanong ko sa kanya.
"Meron na... ikaw ba?" mahinang saad nya.
Umupo ako sa tabi nya dahil nakatingala sya sa akin.
"Meron na rin. May gagawin ka ba ngayon? Gusto mo bang pumunta tayo sa computer lab?"
Tumango sya. "Sige, para masimulan na rin natin."
Sandali pa kaming nag-usap tungkol sa pwede naming topic bago ako bumalik sa pwesto ko kanina para kunin ang bag ko. Napangiti ako nang makita sina Vina at Mira na nagb-brainstorming na rin.
"Lab lang kami," paalam ko sa kanila.
"May ikukwento ka pa, Chin, ha?!" narinig kong sigaw ni Vina bago kami lumabas ng room ni Irina.
Naiiling na ngumiti na lang ako. Sana ay mapigilan ko mamaya ang pagkukwento dahil uulanin nila ako panigurado ng asar. Nakarating kami sa lab at nagbukas kami ng tig-isang PC. Dahil napag-usapan naman na namin ang tungkol sa topic, nag-save na ako ng journals at research na pwede naming gamitin sa review of related literature. Si Irina naman ay pahapyaw nang sinimulan ang background of the study.
Uminat ako. Tatlumpong minuto pa lang ang nakakalipas ay nakakatamad na. Parang gusto ko na lang yayain sina Vina at Mira na kumain o tumambay sa garden.
Lumingon sa akin si Irina kaya napaayos ako ng upo.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Ngumuso sya at dahan-dahang umiling. Inayos nya ang bilog na salamin sa mata at muling humarap sa computer. Ako naman ay ibinalik ang pagsandal sa upuan para magpahinga saglit.
Malakas ang bawat pagtipa ni Irina sa keyboard at dahil kulong ang kwarto ay rinig na rinig iyon. Sa liit ng kamay nya ay mabigat ang pagpindot nya na parang may galit sya roon.
"Dahan-dahan naman sa pagpindot!" sigaw ng nagmomonitor sa lab.
Napaayos ako ng upo roon dahil alam kong si Irina ang pinariringgan nya. Sumulyap ako sa babae at nakita kong may inis na sa mukha nya.
"Tumulong ka kasi, Chin!" mahina ngunit madiin na saad nya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nagpahinga lang naman ako saglit! Sa akin nga galing ang topic namin!
Hindi ko sya sinagot kahit na labis na kumunot ang noo ko. Sinimulan ko ulit ang paggagawa dahil baka may masabi pa ito!
I want to let out a groan but I didn't. Attitude!
Inis ang mata nya nang bumaling sa akin. "Isinend ko sa gmail mo ang nasimulan ko. Doon ka na lang bumase."
Mabilis ang pagkilos na ginawa ko. Tiningnan ko ang isinend nya at dahil sa inis ay hindi ko napigilan ang sarili na barahin sya.
"Ipu-proofread ko pa 'to, no?"
"Ha? Hindi na. Dyan ka nga titingin para alam mo ang gagawin."
Timingin ako sa kanya na para syang natatanga. Mukha bang hindi ko alam ang gagawin? Baka isumbat ko sayo na best in research ako nung senior high school! Nakakagigil!
"Girl, mali mali ang grammar mo." I told her.
Even beneath her thick glasses, nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha nya. Ngayon pa lang ay medyo nagsisisi na ako na inakala kong mabait sya!
"At least may nagawa," mahinang saad nya pero nakarating naman sa pandinig ko.
I grinned. "Quality over quantity. Send ko sayo ang gawa ko. Ayun ang pag-aralan mo."
She looked offended but I didn't give a flying fuck. Makapagmayabang, akala mo naman talaga ay maayos ang gawa nya. Ie-edit ko pa nga ito!
I sent her my work at wala naman syang nasabi. Tahimik lang kami pareho habang ipinagpapatuloy ang gawa. Inayos ko ang mali-mali nyang grammar dahil paniguradong mapupuna ito ni Sir Will.
I was in the middle of my work when Daniel entered the lab and went near us.
"Tawag ka ni Sir Will. Para yata sa participants..." bulong nya sa akin.
Tumango ako sa kanya at tumayo. Pinatay ko ang pc na gamit ko at isinukbit ang bag sa balikat. Nakita kong minamata ako ni Irina kaya kahit kanina pa ako nanggagalaiti sa kanya ay nagpaalam pa rin ako.
"Kung gusto mo ay wag ka na munang gumawa." I said.
She nodded. "Sasama na lang ako sayo. Tutal ay para naman sa klase yan... pagkatapos ay ituloy natin 'to."
Tumango na lang ako sa kanya at nauna na. Sumabay ako sa paglalakad kay Daniel dahil wala ako sa mood makipagplastikan kay Irina.
"Simangot, ah?" natatawang saad sa akin nito.
Umiling lang ako at ngumiti. I can't let that girl ruin my day. Isa pa, baka masama lang din ang araw nya. Hindi ko na dapat sya pinatulan. Buong semester kaming magsasama para sa research at kailangan namin ng maayos na relasyon.
"Chin, dito!" tawag sa akin ni Sir Will nang makarating ako sa faculty office.
Umalis na si Daniel samantalang naramdaman ko naman ang pagsunod ni Irina kahit hanggang sa loob ng office. Lumapit ako sa table ni Sir para kunin ang papel na ibinibigay nya.
"I-announce mo sa mga kaklase mo 'yan ngayon," utos sa akin ni Sir.
"Okay po."
"Nilagay kita nung una sa business department pero inilipat kita."
"Bakit po?" Kumunot ang noo ko.
Mabilis nyang pinasadahan ng tingin ang nasa harap na papel bago nag-angat ng tingin sa akin. He also took a glance at my back but he immediately returned his gaze to me.
Ngumiti ito nang nakakaloko. "May nag-request na ilagay kita sa engineering, eh."
Lalong kumunot ang noo ko. Napagtripan na naman ako ng mga kaklase ko!
"Sir, sa business na lang po." I pouted.
Mahinang tumawa si Sir at tumingin sa likod ng office na may bookshelves. Sinundan ko ang mata nya at nakita roon si Troy na kumukuha ng libro.
Something tugged in my heart when our eyes met. He gave me a beautiful smile and for a moment, I was mesmerized. I flashed a small smile and bring my eyes to Sir Will.
Kanina pa ba sya ron?
"Sya ang sisihin mo..." ani Sir Will habang mahinang tumatawa. Mapang-asar ang mga mata habang nakatingin sa akin.
I cleared my throat. "Kahit saan, Sir. Basta may respondents." I answered.
"Good. You can ask him for help kung mahihirapan kang kumuha ng respondents." Ngumiti ito nang nakakaloko.
I narrowed my eyes on him. He's literally shipping us!
"Ayos lang po. Katulong ko naman si Irina."
Nagpaalam ako sa kanya bago muling mag-angat ng tingin kay Troy. Agad na nagtama ang mata namin dahil mukhang nanonood sya sa amin ni Sir Will.
Bakit kaya sya nandito? Wala ba silang klase?
Tumango ako sa kanya at lumabas na ng office kasama si Irina. Binasa ko kung anong nakasulat sa papel at nakitang sa college of engineering din maghahanap ng participants sina Mira at Vina.
"Itutuloy ba natin ang research?" tanong ni Irina sa akin.
I looked at my wrist watch before answering. "Isang oras na lang naman halos. Sa susunod na araw na tayo ulit gumawa. May title naman na tayo."
Tumango sya sa akin at naglakad na kami papunta sa room. Agad syang dumiretso sa upuan nya samantalang ako ay pumunta sa unahan para sa announcement. Mabuti nga at narito na ang mga kaklase ko kaya hindi ko na para ulit-ulitin ang sasabihin.
Tuwang-tuwa sina Vina at Mira nang malamang sa engineering department sila. Hindi ko alam kung dahil ba kasama nila ako o dahil maraming lalaki roon.
Nang tumabi ako sa kanila ay hindi ako nakaligtas sa kanina pa nila itinatanong sa akin.
"May nangyari ba kagabi?" tanong ni Vina. "Di ka na ba virgin?"
Malakas ko syang hinampas sa braso at napangiwi sya. Rinig ko naman ang tawa ni Mira habang pinapanood kami.
"Hindi ako magkukwento!" nakangusong saad ko sa kanya.
Lumapit lalo ang dalawa sa akin. Parehong nanliliit ang mga mata nila sa akin dahil sa kumpirmasyong ako nga ang nasa laman ng tweets ni Troy.
"Lumalandi ka na ba, Chin?" bulong ni Mira.
I rolled my eyes. "Girl, I literally have three exes. Ano ako first timer?"
She screamed like a puppy. "OMG! Kayo na ba?!"
"Gago, hindi. Aksidente lang kaming nagkita sa 7/11 kagabi. Ayun, medyo nagkausap."
Tumili ang dalawa sa sinabi ko. Wala akong nagawa kung hindi ikwento sa kanila nang buo ang nangyari. Kahit ang nangyaring sagutan namin ni Mama ay sinabi ko sa kanila kaya pareho silang inis na inis pero nang banggitin ko na ang pagkikita at pag-uusap namin ni Troy ay kilig na kilig sila.
That's what we talked about until it's time for our P.E. Nang nagbibihis kami ay hindi pa rin makaget-over ang dalawa.
"Bakit pink na liptint ang gagamitin mo?!" si Vina habang nananalamin kami.
Kumunot ang noo ko. "Mas bagay sakin 'to."
"Tanga ka, may kalandian ka na! Matuto kang mag-ayos!"
Nagbibihis pa si Mira pero narinig ko na ang tawa nya mula sa cubicle. Inantay kong makalabas ito na malaki ang ngiti.
"Asa ka namang magpaganda 'yan. Lipstick nga lang ayos nan nung prom namin nung junior highschool."
Vina looked at me with disapproval in her eyes. "Hindi mo pa ako kilala non pero ngayon, hindi pwedeng pangit ka, Chin!"
"Gago ka, ah? Ang ganda ko kaya!"
"Sige na, itry mo lang 'tong red na liptint!" pamimilit ni Vina, hindi . "Maputi ka, bagay sayo 'to."
Tinitigan ko ang hawak nyang liptint at nakitang parang kulay dugo iyon. Umiling ako at pinagpatuloy na lang ang pagsusuklay ng buhok.
Mira grabbed my arm and forcefully put the red liptint on my lips. Kumalat pa ito sa pag-iwas ko pero mabilis nyang nilinis iyon.
"Parang tanga!" inis kong pahayag sa kanya pero nginitian nya lang ako.
"Bagay kaya!"
Nakanguso akong humarap ulit sa salamin at ang kaninang may kaputlaan kong mukha ay nagkakulay. Hindi makapal ang inilagay sa akin ni Mira pero hindi ko maiwasang manibago dahil sanay ako sa pink na liptint o lip gloss lang.
I pouted. Medyo bagay nga ito sa akin.
"Ayun, Mira, ayaw daw pero gandang-ganda sa sarili!"
Dahil dance lessons naman ang inaaral namin, hindi kami ni-require ni Coach Jeff na magsuot ng P.E. uniform. Isang itim na leggings at malaking t-shirt lang ang suot ko para kumportable ako sa paggalaw. Ipinusod ko rin ang mahaba kong buhok dahil alam kong pagpapawisan ako mamaya.
Nang makarating kami sa dance studio ay diretso sayaw na agad. We'll perform this dance by the end of the semester. Si Vina rin ang nag-choreograph ng sayaw namin kaya siguradong flat uno na ito sa P.E.
"Irina, lawakan mo ang galaw mo!" sigaw nya.
Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Pinigilan ko ang sarili na makisabay sa kanila dahil mukhang na-offend si Irina. Iniwan kami ni Coach matapos namin makapag-attendance pero nasa court lang naman sya sa labas ng dance studio.
"Si Mich nga ang gayahin nyo! Ah ah! Ang tagal na nating sinasayaw 'to, hindi nyo pa rin saulo ang steps!"
Seryosong-seryoso si Vina habang nagtuturo. Pinanood kong mabuti ang ginagawa nya dahil ayokong mapahiya. Walang kaibigan kaibigan kapag choreographer sya. Si Mira nga ay kanina nya pa pinagagalitan.
Dalawang oras din kami halos nagpractice. Medyo nakuha ko na ang steps dahil paulit-ulit din naman naming sinayaw. Nang nasa banyo kami para magpalit ng damit ay napamura ako nang malakas.
"Bakit?" tanong ni Mira.
"Wala akong dalang extra shirt!" Binaligtad ko ang gamit ko pero mukhang nakalimutan ko yata talaga!
"Meron ako. Wag kang magpanic," singit ni Vina sa usapan namin. "Pero hanging blouse... okay lang ba?"
Inilabas nya ang puting damit at medyo napangiwi ako nang makitang maikli iyon. Syempre, hanging blouse, anong ineexpect ko?
Sasakay pa ako ng jeep, nakakahiya naman kung pawisan ako!
Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Ibinihis ko ang damit at kahit hindi komportable ay hinayaan ko na lang. Mabuti nga at hindi bakat ang mga tinatago kong yaman mula sa leggings!
"Chin, parang hindi ikaw 'yan ah!" natatawang saad ni Mira.
Tumingin ako sa salamin at napailing. Maayos na nakatali ang itim kong buhok pero kahit nakapusod ay umabot ito hanggang bewang ko. Pula pa rin ang labi ko dahil sa liptint at kahit ilang beses kong kagatin iyon ay hindi nawawala ang kulay.
Lumabas kami ng restroom at inasar agad ako ng mga kaklase ko. Dahil uwian na rin naman, hindi ko na masyadoing inisip ang pagkailang. Bumalik kaming lahat sa dance studio para antayin si Coach na i-dismiss kami.
"Sino si Valencia?" tanong ni Coach Jeff sa amin.
I raised my hand. "Bakit po, Coach?"
"Ang sabi sa akin ni Calvin ay isama raw kita sa court."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ano namang gagawin ko ron?!
"Hindi naman po ako maalam mag-basketball," I answered briefly, still confused on what's going on. Saan naman nakuha ni Calvin ang impormasyong yon?
He smiled. "Hindi. Sabi ay pwede mo raw makumbinsi si Troy na sumama sa panonood sa mga magta-try outs? Nililigawan ka ba nya?"
Fuck.
Narinig ko ang tilian ng mga kaklase ko na pinangunahan ng dalawa kong magaling na kaibigan.
"H-hindi po, Sir..." sagot ko sa kanya pero nalunod lang ang boses ko dahil sa ingay nila.
"Naku, Coach! Kung hindi mo naitatanong ay talk of the century ang landian ng dalawang yan!" sigaw ni Vina na akala mo ay hindi badtrip kanina.
Malayo ang pwesto nya sa akin kaya ang tanging nagawa ko ay samaan sya ng tingin. Baka akalain ni Coach ay totoong may namamagitan sa amin!
He laughed along with my classmates while I'm turning into a hot cherry tomato. Wala akong magawa dahil pinagtutulungan talaga nila ako!
"Anyway, Ms. Valencia, sasamahan mo ba ako?" nangingiting tanong nya.
I bit my lower lip. "Coach, hindi ko naman makukumbinsi si T-troy... hindi po kami close."
"Testing lang, Chin! Bilis! Sasamahan ka namin!"
Of course, it's Vina.
Coach Jeff leaned on his chair. "Plus points sa buong section nyo kapag napapayag mo. Tiwala kasi ako sa ability ni Troy sa pag-screen ng new players."
Nagkagulo ulit ang mga kaklase ko sa sinabi ni Coach. Pinilit nila ako hanggang sa wala akong nagawa kung hindi umoo.
Great.
To my dismay, hindi ako sinamahan ng dalawa. Talagang si Coach Jeff lang ang kasama ko nang makarating kami sa court. Maraming players ang naroon at nakangisi silang lahat sa akin na parang alam nila kung ano ang nangyayari.
Sumulyap ako sa dance studio at napailing nang makita ang mga kaklase ko na nakasilip at pinanonood ang gagawin ko.
"Saan si Troy?" tanong ni Coach sa players.
"Locker room, Coach!"
Laking pasalamat ko nang walang ibang sinabi ang mga ito. Kaunting kulbit na lang kasi sa kanila ay mang-aasar na sila. Naglakad kami papunta sa sinasabing locker room habang ang puso ko ay nagwawala na naman sa loob ko.
We entered it and my eyes immediately darted on Troy. He's sitting on a long chair. Nakasuot lang sya ng isang plain black na sando at shorts... and he's looking at me.
"Troy, may gustong kumausap sayo," nang-aasar na saad ni Coach bago kami iwan dalawa sa loob.
Yumuko ako dahil sa hiya. Tangina, kukumbinsihin ko syang manood ng try outs! I don't have the power to do that!
"Chin..." gulat pa rin na sabi nya. "Upo ka..."
Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nya. Nang mag-angat pa ako ng tingin sa kanya ay bahagya syang natigilan, parang nagulat.
"Uh, Troy, sorry, ha?" ani ko. "Kasi... inaasar nila tayo at nautusan akong kumbinsihin kang manood ng try outs..."
Hindi sya umimik. Nakatayo ako sa gilid nya dahil hindi ko kayang lumapit sa kanya gayong exposed na exposed ang makinis nyang braso!
"Magrereview pa ako para sa battery exam namin, eh."
Tumango ako, lalong napagtanto na hindi ako ang tamang tao para kumbinsihin sya. Tama naman na unahin nya ang pag-aaral dahil doon nakasalalay ang pangarap nya. I smiled at him and I saw how he looked away.
I heard him cussed kaya muli akong kinabahan.
"Ayos lang! Hindi mo naman kailangang gawin kung ayaw mo talaga!" natataranta kong saad.
"Wala na, Chin." He said helplessly.
Yumuko ako. "Sorry... tumanggi ka na lang sa kanila."
"Alam na alam nila kung paano ako mapapapayag," he suddenly uttered.
"What do you mean?" I whispered.
He sighed. "Paano naman ako makaka-hindi sayo?"
Parang may bombang sumabog sa loob ko nang sabihin nya iyon. Umawang ang aking bibig at ilang beses na napakurap lalo nang bigyan nya ako ng isang ngisi.
"Papayag ako, Chin."
Hindi na ako nakapag-react nang sabihin nya iyon. My mind can't process his words!
"Pero ayos lang din bang yayain kitang lumabas?"
I'm fucking doomed.
He grinned. "Isang beses lang naman at kung hindi mo magustuhan... you have the right to reject me."
"T-troy..." tanging nasabi ko.
"Next week ko pa sana sasabihin ito pagkatapos ng program sa school pero, Chin..." he trailed off. "Can I date you?"
I'm speechless. Ang pinunta ko lang rito ay try outs pero iba ang nakuha ko! At hindi pa nakatulong na kami lang ang tao rito! Sana ay kasama ko na lang si Vina o Mira para may mag-react dahil hindi ko na alam ang gagawin!
"S-sigurado ka ba?" I blushed at my own question but I don't know what other words to say!
He gave me a warm smile. "Sobra."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro