Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

My heart is pounding violently against my chest. I'm not sure if it's because of their stares or because of what this guy has said!

I slightly tilted my head, a bit uncomfortable with what's happening.

"Para saan?" tanong ko nang kalmado.

One good thing about me, I can be the calmest under pressure.

He shifted his weight. Ibinaba nya rin ang cup na hawak dahil hindi ko naman iyon tinanggap. I appreciate his effort but there's no need for him to do that!

Para syang nag-isip pero nang walang mairason ay bumuntong-hininga sya.

"Gusto ko lang ibigay, Chin."

"Hindi naman... kailangan. At saka, hindi naman ako nauuhaw." I reasoned out. "Pero, thank you!" dagdag ko rin agad.

He nodded. Ngumiti pa ito sa akin na parang walang problema. Ang nakasukbit na itim na bag sa balikat nya ay inayos nya bago tumingin sa dalawang kasama ko.

"Sige... umuwi ka na, Chin." Ngumiti ulit sya nang ibaling ang tingin sa akin. "Ingat ka."

Tumango ako sa kanya at tumalikod. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang pag-init ng leeg at mukha ko. We're getting attention so I breathe heavily to bring my heart to its normal pace.

Nang makalabas kami ng school ay saka lang nang-asar ang dalawa. They told me that I crashed Troy's effort in a snap.

"Kanina pa yata yon nag-aantay!"

Hanggang makauwi ay iniisip ko ang nangyari. Pakiramdam ko ay tama ang ginawa ko pero nakokonsensya ako! If I don't like him, I shouldn't lead him on, right? Baka sa dulo ay masabihan pa ako ng paasa!

Pumasok ako sa bahay at akmang babati na kay Mama na nasa sala nang bigyan nya ako ng isang matalim na tingin. Bukas na ang alis ni Ate Heather, medyo napaaga at ihahatid nila ito ni Papa sa airport. May klase ako kaya hindi rin ako makakasama.

Inignora ko ang tingin nya at umakyat na lang sa kwarto. Baka kapag nagsalita pa ako ay lalong magalit ito. Wala pa nga akong ginagawa, ang sama na agad ng tingin.

I opened my room and to my fucking surprise, magulo ang mga gamit ko na parang nadaanan ng magnanakaw!

"Ma!" I shouted. "Anong nangyari sa kwarto ko?!"

Narinig ko ang pag-akyat ni Mama ngunit sa kalat ay uminit ang ulo ko. Ang ayos-ayos nito nang iwan ko tapos ganito ang madadatnan ko?!

She grabbed my arms and dragged me inside my room. Ang mas nakakagulat, kung galit ako, mas galit sya!

I inwardly groaned. Tangina, ano na namang ginawa ko?!

"Ang ingay mo! Baka marinig ka ng mga kapitbahay!"

I fought the urge to stomp my feet like a kid. "Bakit ba kasi ang kalat?" mahina ngunit pagalit ko ulit na tanong.

She crossed her arms and squinted her eyes on me. "Saan mo itinago ang ninakaw mo sa akin, ha?!"

Kumunot ang noo ko sa tanong nya. I don't remember stealing her money! May sarili akong ipon at allowance lang ang hinihingi ko sa kanya monthly!

"Wala akong ninanakaw sayo, Ma," naiinis na pahayag ko. "Kaya ba ginulo mo ang gamit ko ay dahil lang d'yan?"

Her eyes were like a laser piercing through me but I couldn't care less! Pagod ako galing school tapos lahat ng damit ko ay nasa sahig?! Ang mga stationary at libro ko ay nakakalat din! Kulang na lang, pati kama ko, baligtarin nya.

She snorted. "Lang, Chin, lang?!" pigil na pigil ang boses na saad nya. "Singkwenta mil ang ninakaw mo sa akin at may gana ka pang mag-gaganyan?!"

"Ma! Sabi ngang hindi ako!" I said frustratedly. Saan ko naman dadalhin ang perang 'yon?!

"Oh?! Sino? Ate mo? Papa mo?!"

I groaned. Tangina, malay ko?! Hindi ba pwedeng suspect ang dalawa at talagang ako ang pinagbibintangan nya?!

"Oh? Sino? Ako?!" I shouted back. "Pagod ako galing school, Ma, tapos ito ang madadatnan ko? Hindi naman pwedeng mambintang ka na lang bigla!"

She's breathing heavily, ang mga mata ay nananatiling madiin ang tingin sa akin.

"Ikaw lang ang pwedeng magnakaw sa bahay na 'to, Chin! Kampon ka talaga ni Satanas!"

Hindi ko napigilan ang pag-irap ko at alam kong nakita nya iyon. Come on, that's her logic?! Muli akong napatingin sa gamit ko at nakitang ang picture naming tatlo nina Vina at Mira ay nasa sahig, basag ang frame.

I looked back at her and equaled her mad glare.

"Bakit hindi mo hanapin sa kwarto ng anak mo, Ma?! Nakalkal mo naman na ang kwarto ko at wala kang nakita!" galit na ani ko.

Tuluyang naputol ang pisi nya at malakas na sinampal ako. I held back a shrill cry because of the impact. Napabaling ang mukha ko sa kaliwa at ramdam na ramdam ko ang pangingilo ng kanang pisngi ko.

Breathe in. Breathe out.

"Ma, anong nangyayari dyan?!" sigaw ni Ate Heather mula sa labas ng kwarto.

Bumukas ang pinto at narinig ko na lang ang singhap nya. Hindi ko alam kung dahil sa kalat ng kwarto ko o dahil sa nakita nyang itsura namin ni Mama.

Mabigat ang mga paa nyang lumapit sa amin at inilayo si Mama sa akin na mabilis pa rin ang paghinga.

"Heather, yang kapatid mo, magnanakaw!" galit na galit na sigaw nya, wala nang pakealam sa makakarinig na kapitbahay. "Nawawalan ako ng singkwenta mil at ayaw pang umamin na sya ang kumuha non!"

Nag-angat ako ng tingin sa kanila at nakita ko ang nahahabag na tingin sa akin ni Ate. I sported my calm expression, not minding my pulsing swollen cheek.

"Ma... ako ang kumuha non... hindi ko pa lang nasasabi dahil nagmamadali ako kanina..." narinig kong saad ni Ate kay Mama.

Dumaan ang gulat sa mukha nya nang bumaling kay Ate Heather. Lumambot ang ekspresyon nya at pinisil ang kamay ng anak. Nang humarap itong muli sa akin ay bumalik ang mabangis nyang mukha.

"Bastos ka! Wala kang galang!" tanging nasabi nya bago lumabas ng kwarto. Sumunod din agad sa kanya si Ate kaya naiwan akong mag-isa sa marumi kong kwarto.

Wow, Chin, why did you even expect an apology?

Umupo ako sa kama ko at naramdaman ang pagtulo ng luha sa mata ko.

Fuck this life.

I spent three hours cleaning my room while crying. I'm physically and mentally hurt. Naalala ko pang kailangan kong mag-send kay Sir Will ng list of partners kaya kahit mabigat na mabigat ang loob ay ginawa ko 'yon.

Tulo nang tulo ang luha ko. Why is it easy for her to judge me? She didn't even apologize. Sa dulo, para sa kanya, ako pa rin ang masama.

It was past midnight when I went out of my room. My eyes and right cheek were swollen. Madilim na ang bahay nang lumabas ako, marahil ay masarap na ang tulog nila. Ni hindi nga ako tinawag para maghapunan.

I mentally laughed. My family clearly doesn't care about me. Parang boarder lang ako sa sarili naming bahay.

Bumalik ako sa kwarto para kunin ang jacket at wallet ko. I'm hungry. May malapit naman na convenience store dito sa amin na bukas 24/7 kaya kakain na lang ako roon.

Lumabas ako ng bahay namin. Dahil wala namang tricycle na nang ganitong oras, naglakad na lang ako. Ni wala na akong pakealam kung biglang may humigit sa akin dito.

I let the cold breeze of night embrace me. Kahit sa lamig ay dama ko ang paghehele nito sa akin. I look at the sky and see the bright full moon... my perfect company.

Thankfully, naging mabilis naman ang pagdating ko roon. Walang kung anong nangyari sa akin. Kahit may mga tambay pa, hindi naman nila ako ginalaw o pinagtripan. Ang kanang pisngi ko ay hindi na rin namumula. Masakit pero hindi na pansin.

I ordered a big cup noodles and a cup of hot milk. Umupo ako sa katapat ng bintana kaya kita ko ang ilaw ng plaza. May lalaki sa kabilang dulo ng upuan na nakasuot ng hoodie. Hindi ko na sana sya papansinin nang makita kong iisa ang inorder namin. I can't see his face well so I just looked away.

Ilang buwan na lang ay pasko na. Ngayon ang unang beses na hindi nila makakasama si Ate Heather kaya sigurado akong malulungkot si Mama. Maraming gawain sa simbahan kapag ganoon ang okasyon at sa buong buhay ko ay bilang na bilang pa lang kung ilang beses akong nakadalo roon.

I sighed. Kinuha ko ang cup noodles at tiningnan kung pwede na itong kainin. Napasulyap ako at bahagyang napangiti nang makitang ganoon din ang ginagawa ng lalaki. He removed the plastic that covers the cup and get his fork.

"Aw!" malakas kong nasabi nang malaglag ang noodles na nasa tinidor ko sa kamay ko.

Mabilis ko itong pinunasan ng tissue at mahinang hinipan. Kita ko agad ang pamumula nito kaya napanguso ako.

Nang makaayos ng upo ay muli akong bumaling sa lalaki na ngayon ay nakatingin din sa akin. His mouth is a bit open, hindi ko alam kung dahil sa gulat na nagkita kami roon o dahil sa kakainin nya na ang noodles.

Kahit ako man ay nagulat. Kanina ko pa sya tinitingnan pero hindi ko manlang sya nakilala! Saka sa dinami-rami ng convenience store, sa lahat ng oras, nagkita pa talaga kami.

Mabilis nyang isinara ang bibig nya at umayos ng upo. The gloomy aura he has earlier was immediately gone.

Humarap na lang ulit ako sa bintana at tiningnan ang plaza. This is a better view than Troy, I guess. I mean, it should be. I silently pray that he won't notice my puffy eyes because that would be embarrassing! Baka akalain nya ay nagdadrama ako... kahit totoo naman.

I unconsciously waited for him to talk to me but he did not. Ilang minuto ang lumipas pero hindi sya nagsalita. Palihim akong sumulyap sa kanya at nakitang nakatanaw din sya sa plaza. His deep eyes are on their melancholic state. Parang kung titingnan ay mabigat ang talukap ng mata nya.

For a moment, a psychology major student in me kicks in.

"Okay ka lang?" parang tangang tanong ko.

Sabi pa naman ni Sir Wil ay wag naming itatanong yon kapag halata naman ang sagot! Isa pa, wala rin namang aamin na hindi sila okay. They might admit it to themselves but it's hard for them to say it to other people.

Nang tumingin sya sa akin ay para syang natigilan. Binasa nya ang pang-ibabang labi at maliit na ngumiti.

"Ikaw? Okay ka lang?"

His soft voice sent comforting lullabies to my heart and right then, I have realized that what I needed now is someone who can accompany me. I don't know if he's the right person for that but we both need diversion to clear our heads.

Tumango ako sa kanya bago muling humarap sa bintana. Mangilan-ngilan lang na private vehicles ang dumadaan kaya hindi gaanong maingay. Sa loob naman ng convenience store, nagpplay ang isang malamyos na kanta.

"With a smile..."

Nagkatinginan kaming ulit ni Troy nang sabay naming sabihin yon at parehas na natawa.

"The song is comforting us..." he said. Ngumiti ito ulit sa akin bago nag-iwas ng tingin.

"Agree." I said. Ginaya ko ang ginawa nya at humarap na lang ulit sa plaza.

'You'll get along with a little prayer and a song... lift your head, baby, don't be scared of the things that could go wrong along the way... you'll get by with a smile, now, it's time to kiss away those tears goodbye...'

Indeed, when the song ended, I smiled.

"May klase ka ba mamaya?" tanong ni Troy.

Hindi ko sya binalingan ng tingin. Pinanatili ko ang mata sa harap.

Tumango ako kahit hindi ko sigurado kung kita nya. "Araw-araw ang pasok ko kapag weekdays, maghapon..."

He chuckled. "Nakakapagod, ah?"

"Sobra." I answered while grinning.

"Kaya pa?"

Napalingon ako sa kanya dahil sa tanong nya pero dahil hindi naman sya nakatingin sa akin ay nag-iwas na lang ulit ako ng tingin.

"Kaya pa." I said truthfully. "Ikaw?"

Okay, I don't know why I asked that but I just felt like there's a need to!

"Kaya rin. Kakayanin."

After saying that, muli syang nagpakawala ng mahinang pagtawa. His chuckles were low and kind of hoarse. The ones you will look forward to after saying a nonsense joke.

We're talking casually as if nothing happened at school. I'm confused that he didn't say anything about it. Parang tanggap nya talaga na hindi ko kinuha ang ibinibigay nya kanina.

Should I ask him?

I gulped. "Uh..." I trailed off. Lumingon ako sa kanya at bahagyang kinabahan nang makitang nakatingin din ito sa akin.

"Pasensya na, ha? Hindi ko tinanggap 'yung iniaabot mo... marami kasing nakatingin at ayokong... may isipin sila." I said.

He gave me a warm smile and its warmth reached my heart.

"Hindi mo naman kailangang ihingi ng tawad 'yon..." he uttered. "Pinlano kong ibigay 'yon sayo nang walang inaasahang kahit ano... kaya ayos lang kahit ano pang naging reaksyon mo."

I bit my lower lip to suppress a smile.

"But really... thank you."

Tuluyan akong nahawa sa ngiti nya kaya para kaming tangang nakangiti sa isa't isa kahit wala namang sinasabi. He's like a different Troy from school. Parang hindi ito playboy at maloko. Ngayon, para lang syang si Troy... 'yung lalaking may magandang ngiti at malamlam na mga mata. Tapos ako lang si Chin, 'yung humahanga kasi nakilala ko ang parteng 'yon sa kanya.

"Time check, 1:30 in the morning..." saad ng kung sino sa speakers kaya naputol ang tinginan namin ni Troy.

Para kaming natauhan pareho sa nangyari at nag-iwas ng tingin sa isa't isa. Maliwanag ang ilaw sa store kaya alam kong kung may titingin sa akin ay para akong kamatis sa pula!

Troy cleared his throat a countless of times but I just don't have the courage to look at him... not when I'm crimson red!

"Saan ka umuuwi?" mahinang tanong nya.

Palihim akong lumunok bago sumagot at humarap sa kanya. "Uh... sa Cordon."

He scratched the back of his head. "Can I walk you home?"

"Ha?"

He pursed his lips, as if amazed with me. "Kasi... wala nang tricycle o pwede kang masakyan..."

I don't know what's with this hour but I gave him a nod. Ayoko pa sanang umuwi pero may klase pa ako bukas at... ihahatid nya ako.

We went out of the convenience store and started walking. I feel so small beside him! Hanggang dibdib nya lang ako at kayang-kaya nya akong durugin gamit ang katawan nya.

Pumwesto sya sa gilid kung saan dumadaan ang mangilan-ngilang sasakyan, parang hinaharangan ako. Bawat hakbang at bagtas namin sa daan ay lumalakas din ang tibok ng puso ko.

How did this happen quickly?

Pero kahit na kinakabahan ako, hindi ko maipagkakaila ang pagsulyap ng maliit na tuwa sa puso ko. Para akong nakalutang sa ere.

We didn't talk until I saw the gate of our house. Dalawang bahay pa ang layo namin mula roon pero tumigil na ako sa paglalakad kaya napahinto rin sya.

He looked down to me. "Dito ka na?" he asked softly.

I chuckled. "Doon pa." Itinuro ko sa kanya ang bahay namin at tinanaw nya iyon.

Nang bumalik ang tingin nya sa akin ay bahagya syang ngumuso.

"Tara pa," parang batang saad nya.

"Bakit? Okay na rito," nangingiting saad ko.

He pursed his lips more. "Nabitin ako."

Doon ako tuluyang napatawa nang mahina. Tumingala ako sa kanya at nakita ko ang pagkislap ng mata nya habang pinapanood ako. It's like stars have dwelt on his eyes.

I collected all my might and stood properly. Maybe, this is the right moment to ask him this. I just hope he answers with honesty.

"Bakit mo ako gusto, Troy?" seryosong tanong ko.

Parang binigyan ako ng tapang ng buwan para sabihin iyon. I mean, I'm not as popular as him. Kahit pa sabihing may pera ang pamilya ko, hindi pa rin kami kasing yaman nila. Isa pa, maraming nagkakagusto sa kanya! He can court women easily.

Seryoso rin ang titig nya sa akin, parang nilulunod ako sa alon ng pagtingin nya.

He helplessly sighed afterwards. Nag-iwas ito ng tingin at ibinaling na lang ang atensyon sa bahay namin kaya mula sa kinatitingalaan ko ay kita ko ang hubog ng panga nya.

Using his controlled voice, he said, "Baka kapag ibinigay ko sayo ang mata ko, mahulog ka rin sa sarili mo..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro