Chapter 5
Needless to say, that lunch break was hilariously awkward for me. Ilang na ilang ako sa nangyari! Troy didn't say another word and so do I. Ang mga kaibigan ko ay nang-aasar tungkol pa rin sa jeep incident pero wala na akong ibang nasabi dahil sa hiya.
"Hoy! Bakit ni-like ni Troy ang tweet mo?!" malakas na sinigaw iyon ni Mira sa canteen. Sigurado akong maraming napabaling sa pwesto namin dahil sa sinabi nya.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos ang nangyari sa fastfood pero kapag binabalikan ko ay parang kahapon lang.
Vina gasped. "Totoo? Nasaan?"
Ipinakita ito ni Mira. Nakapila kami para bumili ng merienda ngayon at kita ko ang mata ng iba sa akin. Pinanatili ko ang normal na ekspresyon kahit na kinakabahan ako dahil hindi ko pa nakikita kung ano sa mga tweets ko ang ni-like ng lalaki.
He just confirmed he likes me... at imbes na ito ang mahiya ay parang ako ang naiilang!
Inignora ko ang dalawa at nagpatuloy na lang sa pagbili na parang walang pakealam kahit ang totoo ay nangangati ang palad kong magbukas ng twitter.
"Shit! May ni-like din syang tweet ko!" sigaw ulit ni Mira.
Napatingin ako sa kanya. Malaki ang mata nya habang may pinipindot sa screen ng cellphone. Sila na dapat ni Vina ang kukuha ng pagkain pero nadedelay dahil kung ano-anong inuuna.
"Walangya, 'yung picture namin ni Chin last year. Myghad, he's stalking my account!"
Naglakad na ako patungo sa mesa namin. I can't keep up with their noise. Isa pa, baka gyerahin ako ng fangirls ni Troy! Parang kasalanan ko naman na ni-like nya ang tweet ko kung makatingin ang mga babae!
Habang inaantay sila ay tiningnan ko kung anong nangyari sa twitter account ko.
Nag-init ang pisngi ko nang makitang halos lahat pala ng tweets ko ay ni-like nya. Wala pang dalawampu ang tweets ko dahil bagong gawa ko lang naman ang public account na 'yon.
I open my profile and gasped loudly.
What the fuck?!
Mula sa 100+ na followers, naging 580 'yon!
Gulat pa rin ang itsura ko nang makarating ang dalawa sa mesa.
Without any word, I show them my profile. Gaya ko ay napanganga rin ang dalawa at inagaw ang cellphone ko sa akin. May mga pinindot sila roon para siguro tingnan ang notifications o ang mga nag-follow sa akin habang ako ay nabato na ata sa kinauupuan ko.
Troy is literally broadcasting his crush! And it's me! Me!
"Kinikilig ako, pota!" tili ni Mira habang niyuyugyog ang braso ni Vina.
Malaki rin ang ngiti nito at nang mag-angat silang dalawa ng tingin sa akin ay halata ko sa mukha nila na gusto nila akong sugurin.
We spent our vacant time talking about it. Hindi ko ikinuwento sa kanila ang nangyaring usapan namin ni Troy sa KFC dahil ayokong lalo nila akong asarin. Matapos kasi iyon, balik sa dating gawi si Troy sa pagtambay sa department namin at alam kong pansin nya ang pag-iwas ko.
Kahit madalas namin syang makasalubong lalo kapag P.E., diretso lang ang tingin ko kahit pa ramdam ko ang nananaksak nyang tingin sa akin.
I don't like him! He's just too much. His looks, fame, energy... lahat! We're clearly not compatible! Hindi pa nakatulong na madalas akong mailang sa kanya. He's just too... intense.
I tried to get him off my mind but the thoughts of him always leave me with a lingering feeling. Parang kahit anong iwas ko sa sarili na huwag syang isipin, may sariling desisyon ang utak ko at pinatatambay pa roon ang lalaki.
"Alalayan sa pag-akyat ng hagdan ang reyna," pang-aasar sa akin ni Vina kaya pabiro ko itong hinampas sa braso.
She smiled but her eyes were still teasing me. "Isang pribilehiyo ang mahampas ng isang Chin."
"Tangina mo." I laughed.
She sighed dreamingly. "Wow, I've been blessed."
Sabay kaming natawa ni Mira sa kalokohan ni Vina. Nang makarating sa room ay i-chinismis agad ng dalawa ang paglilike ni Troy sa tweets ko. My classmates made a shrill cry as if they're pigs. Dumiretso lang ako sa upuan ko. Dahil si Sir Will ang last subject teacher namin, si Daniel ang katabi ko. Sa kanya lang kasi kami may seating arrangement.
"Kahit naman pag naging lalaki ako, si Chin din liligawan ko!" sigaw ni Anne, isa sa mga kaklase kong babae.
"Ikaw pala ang binibisita ni Troy, ha?! Talandi ka, pres!"
Nginusuan ko lang sila. Sanay akong asarin ng mga kaklase ko pero hindi sa ganitong bagay! Troy really made his way to add spice to my life, huh? Hindi naman ako interesado!
"Nagchachat sayo?" tanong ni Daniel.
I shook my head and lean more on my chair.
"Pag nagchat, magre-reply ka?" tanong nya ulit.
Well, I haven't thought of that. Hindi naabot yan ng utak ko. I don't want to assume.
I cleared my throat. "Siguro... kung importante."
He nodded. Hindi na sya ulit nakapagtanong nang dumating si Sir Will. Dumiretso na rin ako ng upo para maghanda sa pakikinig.
"Nabalitaan nyo na bang may battery exam ang engineering?" bungad nya sa amin.
Sabay-sabay kaming umiling. The engineering students must be nervous right now. Sasalain ng battery exam ang qualified para sa susunod na year. Kapag bumagsak sila, they have to shift courses.
"Wala naman tayong ganon no, Sir?" Vina asked.
Sir Will grinned. "Gusto nyo ba?"
My classmates groaned kaya bahagya akong natawa. Sino bang may gusto ng exam na yan? Imbes na makagraduate ka nang payapa, makukwestyon pa ang kredibilidad mo.
Our discussion began. Tatlong oras ang klase namin sa kanya dahil major subject namin ang experimental psychology. Ngayon ko lang din naalala na wala pa pala akong ka-partner para sa research namin.
"After ng fun run nyo ipapa-check sa akin ang chapter 1 at rrl. Medyo matagal pa kaya may panahon pa kayo," ani Sir sa amin.
I pursed my lips. Next month pa naman gaganapin ang fun run pero naii-stress na ako dahil halos kasabayan iyon ng midterm. Nung isang linggo lang din ay nagparehistro na kami ni Vina sa red cross.
Great, I'm up to my neck.
"May kapartner na ba lahat? Next week ang research title, ha?"
I inwardly groaned.
"Sinong kapartner mo?" tanong sa akin ni Daniel.
Bahagyang nakakunot ang noo ko nang humarap sa kanya. Ang daming gagawin! Napapagod na agad ako!
"Wala pa, baka si Vina o Mira... bahala na." I answered.
Nang umalis si Sir ay nagtungo ako sa dalawa. Uwian na rin naman kami pero lahat kaming magkakaklase ay nasa loob pa ng room, busy sa paghahanap ng partner at pag-iisip ng title. Panigurado kasing ipe-present pa namin iyon.
"Bunutan na lang tayo kung sinong magkapartner tapos 'yung matitira, ihanap na lang natin ng iba." Vina suggested.
Tumango kami ni Mira. Gumawa pa sila ng palabunutan na naglalaman ng pangalan naming tatlo. I picked on a paper and I bit my lower lip when I read my name.
"Ako ang maghahanap ng kapartner." I said.
"Ah ah naman! Bakit naman si Vina ang kapartner ko? Baka pumokpok lang kami nito!" reklamo ni Mira.
Vina chuckled, subtly agreeing with her. Wala kaming choice kung hindi antayin ang mga kaklase na matapos sa pamimili ng partner para kung sino ang matira ay ipapares sa akin.
Napaupo kaming lahat nang maayos nang bumalik si Sir sa room.
"Buti at nandito pa kayo, may nakalimutan akong sabihin," he uttered.
Nakinig lang kaming lahat sa kanya. He's our class adviser kaya siguro ay announcement lang.
"About your research..." he trailed off. "Ang respondents nyo dapat ay within the school vicinity lang."
He looked at me kaya naalerto ako.
"Chin, gumawa ka ng list ng partners tapos i-aassign ko kayo kung saang department kayo maghahanap ng participants."
"Yes, Sir."
Tumango sya sa amin bago tuluyang lumabas ng room. Ipinagpatuloy namin ang ginagawa hanggang sa ang natirang kaklase ko na walang ka-partner ay si Irina, ang pinakatahimik sa amin.
She's an introvert and she prefers to be alone. Kapag vacant, makikita mo syang nagbabasa sa isang sulok. Inexpect ko na rin na ito ang matitira dahil kahit na isang taon na kaming nagsasama sa loob ng isang room, bihira lang namin sya makausap. Pero kahit na ganoon, mukha syang mabait at mahiyain. Isa pa, matalino ito kaya hindi ako mamomroblema.
Tumingin sya sa akin kaya lumapit ako sa pwesto nya.
"Is it okay with you?" tanong ko sa kanya.
Tumango sya sa akin at maliit na ngumiti. Matapos iyon, yumuko sya at kinapitan nang mahigpit ang strap ng bag. Kahit na 5'3" lang ang height ko, mas maliit sya sa akin. Mas maikli rin ang buhok nya at may manipis na full bangs.
I cleared my throat. "Sige... ime-message na lang kita sa messenger pag nagkataon, ha?"
Muli syang tumango kaya nagpaalam na ako sa kanya. Bumalik ako sa pwesto nina Vina at Mira na ngayon ay nagtatawanan na akala mo ay masayang-masaya sila na sila ang partners.
"Tulungan mo kami, Chin, ha? Magtatanong-tanong kami sayo... at alam mo namang si Mira ang ka-partner ko. Wala akong maaasahan dito kung hindi chismis!"
I laughed at Vina's statement. Nag-ayos lang sila sandali ng mga sarili sa room bago kami lumabas para umuwi na. Maraming estudyante ang nasa labas dahil alas sais naman talaga kadalasan ang tapos ng mga klase. Alas sinco sana kami ngayon pero dahil sa research ay medyo nahuli kami.
Ang mga kaklase ko ay ngayon lang din maglalabasan kaya inantay ko na sila para isara ang room. Matapos iyon ay naglakad na rin kami pababa ng building.
Ramdam ko ang tingin ng ibang estudyante sa direksyon ko... kadalasan ay babae. Nakita ko rin si Iris sa tapat ng room nila na pinapanood din ang galaw ko. May nakasalubong pa kaming nagsikuhan nang makita ako.
I bit my lower lip. Hindi talaga marunong magpakitang-tao ang nasa department namin. Required ba na ipahalata sa akin na pinag-uusapan nila ako?
"Instant celebrity ang friend natin, di ko kaya..." natatawang saad ni Mira na sinabayan din naman ng isa.
"Aba, ikaw ba naman maging crush ng anak ng campus director na soon ay magiging university president, ewan ko na lang."
Umiling ako sa kanila. "May confirmation ba na ako, ha?!" ganti ko kahit alam ko sa sarili kong... mayroon na.
"Anong confirmation pa ang hanap mo?!"
Muli lang akong umiling sa kanila at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nawala rin naman doon ang usapan nila dahil sa research.
Ipinaalala rin sa akin ni Vina ang official start ng training namin sa red cross sa darating na Sabado at Linggo. It somehow made me smile dahil hindi ako mananatili sa bahay. I don't need to hear more shitty stories of my family!
My mind was clouded with our training in Poblacion when I saw Troy outside our building.
Nakita kong ang mga babae sa unahan namin na naglalakad ay napatigil din dahil nakita ang lalaki. Nasa gilid lang ito ng pathway na parang may inaantay habang may hawak na naman na paper cup mula sa Starbucks.
"I see the face of God, Vina..."
Vina chuckled. "Hoy! Don't use God's name in vain!"
Sabay kaming napatingin sa kanya ni Mira. She's agnostic! She doesn't believe in Him!
Ngumiti ito nang nakakaloko. "Char lang!" she chuckled. "Ang gwapo nga naman ni Troy tapos may crush sa friend nating hindi naman kagalingang sumayaw," dagdag pa nito.
Pabiro ko syang hinampas sa braso. Ang yabang, ha!
Habang papalapit kami sa pwesto ng lalaki ay dinadaga ang dibdib ko dahil sa mga matang nanonood sa amin. He's wearing his usual uniform. Magulo ang itim na itim na buhok at sa tindig nya ay para syang tinatamad.
"Troy!" tawag sa kanya ng tumatakbong si Calix.
Napatuwid ito ng tayo. Siguro'y nasa anim na metro na lang ang layo namin sa kanila.
"Bakit?"
"Practice game, sali ka?" medyo hinihingal pa ring tanong ni Calix.
Nakatalikod sa amin si Troy kaya hindi ko alam kung anong reaksyon nya. Palapit kami nang palapit sa pwesto nya at lumukso ang puso ko nang tumusok ang tingin sa akin ng kausap nya. Matapos iyon ay tinapik sya nito sa balikat at umalis na.
Okay, that's weird.
Nang humarap sa amin si Troy ay nakita ko ang paglapat ng gulat sa mukha nya. He swallowed hard and fixed his posture. Ang dalawang babae sa gilid ko ay panay na ang panunukso sa akin pero hindi ko sila pinapansin.
Dumiretso ang tingin ko sa nilalakaran at hindi pinansin ang lalaki. Isa pa ay maraming mata ang sumusunod sa galaw namin! Nakakahiya! Uwian pa naman.
"Chin..." he called me.
I swear to god, I heard gasps! Bakit ba nauuna silang magkaroon ng reaksyon sa akin?!
Nakalampas na kami nang ilang metro mula sa kanya. I gathered all my courage and looked back at him.
He pursed his lips before handing me the paper cup... gaya ng pag-aabot nya sa akin noon.
I swallowed hard to clear my throat.
"Uwian na namin... hindi ko na maiaabot kay Sir Will 'yan."
He shook his head, still pursing his lips. Sa bawat galaw ng ulo nya ay kinakabahan ako. Naaalerto ako sa mga estudyante sa paligid namin pero sya ay parang walang pakealam.
He scratched the back of his head, parang nahihiya. "This one's for you..." he softly said.
Hindi pa ako tuluyang nakakapag-react ay muli itong nagsalita.
"Don't worry... this isn't coffee. Ayos lang ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro