Chapter 41
I woke up in Troy's arms. Nakabalot ako sa kanya na parang anumang oras ay mawawala ako. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita kong pikit pa ang dalawa niyang mata ngunit malalim na ang kunot ng noo.
Mahaba, makapal, at itim na itim ang pilik mata niya, bagay na matagal ko nang kina-iinggitan noon sa kanya. The bridge of his nose was standing proudly and his lips were reddish.
Kumawala ako sa pagkakayakap niya at bumangon na. My eyes were heavy because of too much crying last night. Hirap din akong huminga dahil sa sipon. I glanced at him for the last time before going outside my room. Pumunta ako sa kusina at naghanda ng umagahan namin.
This used to be my life years ago. Gigising ako ng kasama siya, sabay kaming kakain ng umagahan, at sabay ding papasok sa trabaho. It used to be so simple, but I was contented back then.
Dahil heavy eater ang lalaki, nagluto ako ng fried rice, tapa, at hotdog na naka-stock sa ref ko.
Gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin ngunit mayroong parte sa puso ko na sinasabing parang may hindi tama sa nangyari. We kissed, we confessed our love, but something in my system feels empty.
"Chin!" Narinig kong sigaw niya.
Tumingin ako sa kanya na mabilis ang paghinga at nabasa ko sa mukha niya ang labis na takot. Nang makita ako sa kusina ay saka lang siya nakahinga nang malalim. Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto ko habang inaayos ko ang pagkain namin.
"G-good morning," kabadong saad niya.
I glanced at him and slightly nodded. I don't have the energy to talk to him. Everything just happened so fast.
Inayos ko ang pinggan at nilagyan siya ng pagkain. He's just watching and observing me closely. Matapos ang ginagawa ay umupo ako sa harap niya at sinimulan ang pagkain nang hindi siya tinitingnan.
I can feel his heavy and intense stares but I didn't give him even a single peek. There's a lot going on inside my head and I'm trying to formulate the words I should say to him.
Naging mabilis din ang pagkain namin. He volunteered to wash the plates so I just went back to my room and take a shower. Nagbihis na rin ako roon ng isang simpleng t-shirt at cotton shorts.
Paglabas ko ay nakaupo na siya sa kama na parang aligaga. Dumiretso ako sa tapat ng salamin at sinuklay ang hanggang bewang na buhok. My hair is black and shiny, bagay na nakuha ko kay Mama.
I scoffed and continued brushing my hair. Maybe I should get my hair done. I will cut it short and I will have it dyed. The dark circles under my eyes were prominent and I noticed how my skin gets dry. I looked at my reflection clearly. My eyes were lifeless, blue, and forlorn.
"Chin..." Troy called me.
Mula sa salamin ay tiningnan ko siya na mukhang nag-aalala sa akin.
"A-are you okay?" he asked. "Talk to me," he added, desperately.
I heaved a deep sigh and gave him a faint smile. "Ayos lang ako, Troy. Mabuti pa, umuwi ka na muna para makapag-ayos ka rin."
Umiling siya. "Hindi ako aalis dito."
Tinigil ko ang pagsusuklay at hinarap siya. He straightened his back and gave me his full attention.
"Hindi ako magpapakamatay, Troy. I'm no one's responsibility. Ayokong makaabala," I told him.
"Hindi ka naman abala sa akin, Chin. Gusto ko lang talaga na kasama kita," he explained.
I gulped. "Do you want me to be honest?"
Yumuko siya bago tumango.
"I don't want a relationship with you."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at kitang-kita ko kung paano dumaan ang sakit sa mata niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at bahagyang tumingala. His breathing also hitched, na para bang may sinabi ako na nakasakit sa kanya.
I looked away. "Nung sinabi kong pagod ako, Troy, pagod talaga ako. A lot of things happened and... you see, hindi ako ganoon kalakas, Troy."
Hindi siya sumagot ngunit nakita ko ang panunubig na naman ng mata niya.
I'm exhausting, right?
I chuckled. Yes. I chuckled.
"Alam mo ba kung anong gusto kong gawin ngayon?" I asked him.
Tiningnan niya ako gamit ang seryosong mata ngunit hindi siya nagsalita.
I gave him the most sincere smile. "I want to love myself. I want to be proud of myself." I looked at my wounded wrist and touched it. "Hahanapin ko ang sarili ko na nawala nung minahal ko kayong lahat..."
"S-sasamahan kita, Chin... you're not alone," he said, trying to convince me.
"No." Umiling ako. "I've realized how much I yearn for people's love, warmth, and attention. I've realized that I lived my life for you all... not for myself. N-ngayon, gusto ko ako muna. I want to take care of myself, Troy."
I voice it out with the hopes that he'll understand. I kept on saying that I love myself but I failed to cherish all my vulnerabilities and weaknesses. I'm not the same Elora Chin who gained the highest-rank in our department before. I'm not the same Elora Chin who graduated with flying colors. I'm not the same Elora Chin whose self-confidence and esteem were established.
And I will regain her. I will regain myself. Without the help of anyone.
I looked at him with determination and he equaled my gaze with the same vehemence.
I sighed in relief. "This time, ako muna."
Nakakaintindi siyang tumango bago lumapit sa pwesto ko. His eyes were gleaming because of tears. Humigit siya ng isang upuan at itinapat 'yon sa akin. He then held my shoulders carefully and gave me an unfeigned smile.
Umangat ang isang kamay niya para haplusin ang pisngi ko.
"I'm proud of you," his voice crackled. "So proud... of you."
I bit my lower lip to repress my tears. Those were the words of affirmation I wanted so bad to hear. I was speechless. Napatulala lang ako sa kanya nang bahagya niya akong hilahin palapit sa kanya at yakapin.
"I will wait for you... no matter how long it takes. Kahit walang kasiguruhan kung babalik ka... aantayin kita," he said, sealing a promise.
That day ended with us, casually saying goodbye to each other.
Noong mga sumunod na araw, sinubukan ko ulit mag-apply. I tried applying to a bus company but got rejected. I also tried my luck in an airline but also got deserted.
Marami pa akong pinag-applyan ngunit walang tumawag sa akin pabalik dahil sa history ko sa mental hospital at dahil na rin sa ilang taong pagkakatengga.
But this time, I didn't stop.
I joined a group of psychometricians online and I acquired over a hundred customers, asking me to device and revise their tests! I also got an invitation to a psychometric testing company because of my credentials!
That's when I realized that I was searching in a wrong place and fitting in the society's definition of success. I've realized that I am significant in my own chosen field, that I can stand out with all my wounds and skills.
Nagtrabaho ako roon kasama ang ilang psychometricians. We were the ones who create personality, ability, intelligence, and a lot more tests for companies and universities. My working environment was healthy. No one mocked my condition. Instead, they looked at me as an inspiration to strive harder.
Troy Jefferson Dela Paz: I saw your achievements. Congrats, Chin! You're valid and important according to your unique purpose. Would love to see you grow more, my future psychologist!♥
Napangiti ako sa nabasa kong message ni Troy. Sa loob ng limang buwan, hindi niya nakakalimutang mag-chat sa akin araw-araw at kahit isang beses, hindi ako nag-reply.
Muling lumipas ang mga araw. Ang hanggang bewang kong buhok ay pinaputulan ko hanggang balikat. Pinakulayan ko rin ito ng ash blonde at maraming nagsabi sa akin na lalo raw akong gumanda.
I felt happy, too.
Troy Jefferson Dela Paz: I saw you running earlier. Late ka na ba?
Troy Jefferson Dela Paz: Anyway, ganda mo sa bago mong buhok, paamoy naman, miss hahahaha
Troy Jefferson Dela Paz: Ingat ka. I love you.
My face heated.
"Madame Chin, pa-check naman nung sinend ko sayo sa e-mail mo. Baka kasi hindi ma-approve ni boss. Nakakahiya," natatawang saad sa akin ni Coleen, isa sa mga katrabaho ko.
I glared at her. "Trabaho mo 'to, ah?"
"Ililibre kita ng lunch for three days! Promise!"
I laughed and gave her a thumbs up. Tiningnan ko ang isinend niya at inalis ang mga hindi naman importanteng tanong. I also corrected the categories before sending it back to her.
"Ibang klase talaga ang editor natin! Limang buwan pa lang dito pero pwede nang paltan ang CEO!" Narinig kong sigaw niya na sinang-ayunan ng iba naming kasamahan.
"Anong editor?! Hindi kasama sa sweldo ko 'yan, ah!" I said jokingly.
"Girl, wala kang ginagastos lagi pag lunch at merienda, ang lakas lakas mong kumain, hindi pa ba sweldo 'yon?"
Malakas kong tinawanan si Coleen bago muling bumalik sa pagtatrabaho. I checked all my customers' requests. Kadalasan ay mga estudyanteng nagthe-thesis o kaya naman ay mga HR managers na nagpapagawa dahil sa job application.
Magaan ang trabaho ko para sa akin dahil ito talaga ang gusto ko. Isa pa, I've mastered it before, kaya lalong napadali. One good thing about this company, wala akong pasok kapag weekends kaya naman ginugugol ko ang oras sa pag-aaral.
"Continue doing your papers, Ms. Valencia, it could qualify the best thesis award."
I was beyond euphoric! Tili ako nang tili sa unit ko dahil sa narinig sa professor ko. My thesis was about the influences of parenting styles on the psychological development of individuals who were diagnosed with depression. Yes, I conducted it because I wanted to know the result.
I worked and studied hard but at the same time, I didn't pressure myself. May mga oras pa rin na hindi masaya dahil napapagod ang katawan ko pero tuwing gigising ako sa umaga, napagtanto kong ang sarap palang bumangon para sa sarili mo.
Troy Jefferson Dela Paz: I received a major project today! Isang congrats naman dyan, pero okay lang kung hindi, maganda ka naman.
I chuckled. Magkatapat lang halos ang company na pinagtatrabahuhan namin kaya madalas kaming magkita. Pero kahit isang beses, matapos ang siyam na buwan, hindi kami nag-usap. Ngingitian niya lang ako pag nakikita niya ako at minsan naman ay nag-iiwan siya ng pagkain at bulaklak sa pintuan ng unit ko.
Noong mag-birthday ako, napuno ng kantahan ang office. My colleagues and bosses celebrated my birthday.
"Happy birthday to Cubiks' new and best psychometrician!" sigaw ng boss ko bago paputukin ang party popper.
Coleen snorted. "Ngayon lang 'yan at birthday mo, bukas, ako na ulit!"
"Sus, wag kang magpapa-edit ng papers, ha?" sigaw ni Gordon, isa rin sa kasamahan namin, kaya napanguso si Coleen.
It was overall a fantastic day. Binigyan pa ako ng birthday gift ng mga katrabaho ko at inabutan naman ako ng pera ng boss ko!
Bitbit ang mga regalo, sumakay ako sa bus pauwi sa unit ko. I was smiling widely after receiving texts from my highschool and college friends. Kahit sina Ate Myrna at Kuya Marwin ay binati ako. Alam nila ang trabaho ko at masayang-masaya sila para sa akin.
"Chin, mahal, happy birthday!" tili ni Vina sa screen. Nasa bus na ako pauwi at nakasuot ng earphones dahil nakita kong tumatawag siya.
"Happy birthday lang? Anong regalo mo sa'kin?" pambabara ko.
"Sabi na nga ba, e! Kinakaibigan mo lang ako dahil mayaman ako!" nakangusong saad niya.
I laughed. "Kumusta ka d'yan? May kano ka na ba?"
She started squealing like a baby. Detelyado niyang ikinuwento sa akin ang napupusuan niyang gwapong doctor na hanggang ngayon daw ay single pa. Tawa lang ako nang tawa sa kwento niya dahil ilang beses na raw niyang inakit ito ngunit talagang matibay ang prinsipyo na layuan siya.
Hanggang sa makababa ako ng bus ay kausap ko siya.
"Girl, pag-uwi ko talaga d'yan, pakiramdam ko, buntis ako! Magpapalahi lang ako rito!"
"Sa Pinoy ka lang yata mabenta, Vina. Baka mauna pa akong ikasal sa'yo."
I heard her giggles. "Jusko! Baka tatlo na ang anak ko, dalaga ka pa rin!"
Binuksan ko ang unit habang nakatingin pa rin sa cellphone ko. Daldal pa rin nang daldal si Vina at nang buksan ko ang ilaw ay napatalon ako nang makita ang mga kaibigan ko sa unit.
Mich, Anne, Daniel, Joaquin, Ate Myrna, Kuya Marwin, Ate Flora, Harper, and Gilbert were here!
"Happy birthday!" sigaw ni Vina sa tawag at agad kong napagtanto na siya ang may pakana nito.
My eyes teared up when they started singing.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" sabay-sabay na kanta nila.
I froze on my feet. Isa-isa silang lumapit sa akin.
"Happy birthday, Kwin, I heard what happened to Luke, gusto ko siyang putulan ng ari pero sure akong parang putol na 'yon dahil maliit," bulong sa akin ni Anne bago ako yakapin.
Hindi pa ako nakakamove-on sa sinabi niya ay binitawan na niya ako. Sumunod na yumakap sa akin si Mich at ganoon din halos ang sinabi niya. Nang pakawalan niya ako ay si Daniel naman ang yumakap sa akin.
"Happy birthday sa first love ko," he chuckled. "Manhid na manhid lang."
Nagulat ako sa sinabi niya ngunit ginulo niya lang ang buhok ko.
"Wala akong intensyon ngayon, ha? Ikakasal na kaya ako!"
Mabilis ang naging transition hanggang si Joaquin na ang yumakap sa akin. He hugged me tightly and he slightly swayed our bodies.
"Happy birthday, Achi, thank you for making me a better person... kahit hindi mo alam. You became my inspiration when we were in highschool and college."
Nag-init ang puso ko sa kanya. Niyakap din ako ni Ate Flora at habang napagtatanto ang nangyayari ay hindi maiwasang sumibol ang saya sa puso ko. Kuya Marwin also apologized to me. Inamin niya sa akin na napag-isipan niya ako nang masama ngunit sa totoo lang ay naiintindihan ko siya.
Nang si Ate Myrna na ang lumapit sa akin, naging tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko kahit hindi pa siya nagsasalita.
"Happy birthday, anak, mahal na mahal ka ni Mama mo... mahal na mahal kita..."
Noong akala ko ay wala nang ikasisiya ang puso ko ay nakita ko si Troy sa isang gilid, may hawak na cake habang nakangiti sa akin. Naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ni Ate Myrna ngunit napako ang tingin ko kay Troy.
Kahit madalas naming matanaw ang isa't isa, iba pa rin pala talaga kapag ganito siya kalapit. Inantay ko siyang makarating sa akin at nang nasa harapan ko na siya ay tinitigan lang niya ako.
His eyes were serious but there's a faint of smile on his lips.
"Happy birthday..." he said softly.
My cheeks flushed. "S-salamat."
He looked away. "Ang ganda mo... ayaw mo ba talaga sa akin?"
Doon ako tuluyang natawa. Bumalik ang tingin niya sa akin habang natatawa ako kaya napatigil ako.
"You look beautiful when you're happy."
Magrereact na sana ako nang putulin niya ang sasabihin ko.
"You make me want to love you even harder when you're sad," he added. "Chin, kahit may muta o panis na laway ka sa umaga, pinakamaganda ka pa rin sa mata ko."
Ikinunot ko ang noo para itago ang nararamdaman.
"Happy birthday, Elora Chin Valencia... sana next year, Dela Paz ka na."
"Troy!" hindi napigilang saad ko.
He smiled. "I found out a lot while reviewing your case... but I don't want to stress you out. Ako na ang bahala roon. Ang kailangan mo lang gawin ay abutin ang pangarap mo... at mahalin lalo ang sarili mo."
That was the happiest birthday I had in my life. Hindi ko inasahan na marami pa lang nagmamahal sa akin, na maraming may pakealam sa akin.
Doon natulog si Ate Myrna, Kuya Marwin at Ate Flora dahil hindi na sila makakauwi sa Laguna. Nahuli pa si Troy sa pag-alis sa unit dahil siya ang naglinis ng mga kalat namin.
I slept peacefully knowing that I was getting better each day. And at 28, I finally became successful.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro