Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40


I wanted to kill myself. Pero kailan ba ako pinaburan ng mundo?

Handa na akong itulak gamit ang paa ko ang upuan nang may nag-doorbell sa unit ko. I should ignore it, yes, but the loud rings were irrirating the hell out of me.

Bumaba ako sa upuan nang magkasalubong ang kilay. Muntik pa akong matalapid dahil sa pagmamadali. Ayun na, e!

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang matandang babae na halos kuba na. Nang makita niya ako ay ngumiti siya.

"Magandang gabi, hija. Bago mo akong kapitbahay. D'yan lang ako sa 305, bumisita ka roon minsan, ha?" she uttered. "Ito, nagluto ako ng sabaw. Medyo malamig kasi."

Pumungay ang mata ko at dahan-dahang inabot ang tupperware na dala niya.

"Salamat po, Nay," mahinang saad ko.

Lalo siyang napangiti. "Ang ganda ganda mo, hija. May lakad ka ba kaya ka bihis na bihis? Mag-iingat ka, ha? Dadalhan ulit kita ng pagkain bukas."

"W-wala po akong... lakad."

"Oh, siya, sige na at baka naaabala na kita."

I pursed my lips. "Salamat po ulit..."

Nang isarado ko ang pinto ay dumiretso ako sa sala at malungkot na tiningnan ang sabaw ng bulalo na isinalin ko sa mangkok. Maybe, I should eat first? I don't want to waste the efforts of my new kind neighbor. Kumuha ako ng kutsara at sa unang subo ko pa lang ng sabaw ay tumulo na ang luha ko. It warmed my piercing cold heart.

Alas otso pa lang naman nang gabi. Siguro, manonood muna ako ng movie? O magbabasa ng libro bago ituloy ang plano. The courage I had earlier somehow retreated. I shook my head a lot of times to remember everything. No, I have decided. I should proceed with it.

But a certain part of me wanted to hold on to that little piece of hope.

Napabuntong-hininga na lang ako at inubos ang pagkain. I looked for a good movie to watch and settled myself in my couch. Niyakap ko ang isang unan habang nanonood at dahil sa mga bida ay napapangiti ako. I wish my life is like that.

I tilted my head on the side. The movie ended with a note, 'the world is beautiful with you in it' and I feel like I was slapped twice. I'm contemplating my decision when the freaking doorbell rings again.

Inayos ko muna ang magulo kong buhok bago lumapit sa pinto. My eyes were getting droopy and the wounds in my wrist were now hurting. Binuksan ko ang pinto. And to my fucking horror!

Troy is standing outside my unit!

His face was pale and his hair and clothes were all messy but of course, my heart still recognized its damn owner and reacts rapidly against my chest! Pansin ko ang mabilis na paghinga niya na para siyang tumakbo mula sa kung saan patungo sa akin.

Tinitigan niya ako nang sobrang tagal bago ako mahigpit na niyakap.

"Troy..." I called him but his loud sobs drowned my words. He's embracing me tightly I could barely breathe! I tried pushing him but he just pulled me even closer.

"C-Chin... take me back... please... take me back..." he pleaded.

I can feel his tears on my neck. His sobs were strangling my heart and even if my mind told me not to do it, still, I hugged him back. This is my last wish, right?

"Lasing ka ba?" mahinang tanong ko habang nakakapit siya sa akin.

Naramdaman ko ang pag-iling niya. Matindi pa rin ang paghikbi niya kaya pinapasok ko siya sa loob. I made him sit on a couch and I settled myself beside him. Pagkaupo ko pa lang ay gumilid agad ang katawan niya para yakapin ulit ako.

"Troy, stop it," I said. "Magpahinga ka lang saglit at umuwi ka na pagkatapos."

He breathe heavily. "D-dito lang ako."

I hissed. "Bitaw na. Mabuti nga at hinayaan pa kita rito, e. Ano na lang iisipin ng iba? Mag-aalburoto na naman ang girlfriend mo."

Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak niya kaya kinuha ko ang mukha niya at tinitigan siya. His lips were shaking and his face was wet with tears. Pulang-pula ang kanyang mata dahil sa pagtangis.

I brushed his tears away with my fingers and smiled sweetly at him. Hindi ito ang memoryang gusto kong baunin. Yes, I want him inside my arms, but I'm not a second option. I will not desire something I cannot have. Kapupunas ko lang ng luha niya ay sunod-sunod na naglaglagan na naman ito.

"Hush," I uttered softly.

He closed his eyes and held my hand that's been caressing his face for a minute. He kissed it gently before opening his eyes again.

"I-I know everything now..." he stated like a scaredy cat. "Putangina, a-alam ko na lahat, lahat..."

Dinaga ang puso ko sa rebelasyong sinabi niya. Mabilis kong binawi sa kanya ang kamay bago siya titigan. He covered his face with his hands while his shoulders were moving aggressively.

"Umalis ka na, Troy," I commanded. "Don't ever come back."

Tumayo ako at handa nang umalis sa harap niya nang hawakan niya ang braso ko. I can feel his hand trembling, na para bang isang malakas na bawi ko lang ay maalis na ito.

"H-hurt me, Chin. Sampalin mo ako. Pagsalitaan mo ako. Sumbatan mo ako. Murahin mo ako... I can take it all in," saad niya sa nanginginig na boses. "I-I'm ready to take your rage... I'll punish them for you. I'll punish myself for you, too."

I gritted my teeth. "Para saan pa? It's all done."

"I sent a petition to reopen the case because I want to plead death penalty! His sentence is not enough!" he replied. "P-please, p-please... I will do everything, Chin."

Nabigla ako nang bitawan niya ako. Akala ko ay ayaw na niya ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at niyakap ang binti ko na parang doon nakasalalay ang buhay niya.

"I'm sorry! I'm sorry... it's all my fault! I didn't listen to you... I'm sorry! Our child died and y-you faced it all by y-yourself. I can only imagine your p-pain... parang awa mo na, tell me what to do... C-Chin..." tuloy-tuloy na saad niya.

I failed to stop my tears from falling. "U-umalis ka na lang, please..."

Umiling siya. "T-tell me w-what happened."

"Ngayon pa, Troy? Ngayon pa na ayaw ko na? Ngayon ka pa makikinig kung kailan sukong-suko na ako?" my voice cracked. "Nagmakaawa rin ako sayo na makinig ka pero tinalikuran mo lang ako! Oo! I was sexually harassed! I had a miscarriage! I had mental disorders! Pero alam mo ba kung anong pinakamasakit?!" sigaw ko.

Hikbi lang ang tanging naisagot niya.

"'Yung taong mahal na mahal ko, hindi nakinig sa'kin! 'Yung taong akala ko sasamahan ako, iniwan lang ako! You! Of all people!" I shouted with so much anger. "Ikaw dapat 'yung kasama kong nagluksa pero sa pag-alis mo, pinagluksaan din kita..."

His hands gave up. Tuluyan siyang napaupo sa sahig sa sobrang panghihina. His face was filled with regret and remorse. His sorrowful eyes made me want to forget my anger.

"N-nagtaka pa ako... paano mo nagawang kalimutan lahat, Troy?" I managed to ask. "Mula paggising hanggang pagtulog, m-magkasama tayo... paano? Paano mo natalikuran lahat yon samantalang durog na durog ako?"

"I did not forget you, C-Chin. Inaalala kita araw-araw at kahit kailan, hindi ko sinubukang m-magmahal ulit..." hikbi niya.

"Sinungaling! Ikakasal ka na!" I roared, hatred was dripping from my voice.

"Hindi sa akin galing 'yon! She's faking it!" depensa niya. "H-how can I marry someone I don't love?"

I swallowed the huge lump in my throat. "Hindi ko na alam. U-umalis ka na lang. T-tapos na lahat... ang tanging naging kasalanan mo lang, hindi mo ako p-pinagkatiwalaan... pero wala na tayong magagawa ro'n. I'm taking all the blame," hinang-hinang wika ko.

He cried harder but I walked out. Nasa labas na ako ng pintuan ng kwarto nang mabilis niya akong yakapin mula sa likod. His chest was vibrating because of too much crying.

"W-wag naman g-ganito... mas kaya kong saktan mo 'ko. S-share me all your pain. H-hindi mo na kailangang dalhin lahat nang mag-isa... kasi h-hinding hindi na kita iiwan."

"Words," I scoffed while my tears were wandering around my face. "You're all words, Troy."

"P-punish me, please..." he pleaded.

"Nung nalaman mo lahat, saka mo lang ako binalikan, 'no? K-kung hindi ka pa nagtanong-tanong, hindi ka naman magkukumahog pabalik sa akin." The bitterness in my voice failed to be subtle.

"No! No!" tanggi niya. "P-pumunta ako sa Laguna para sa'yo... para tingnan ka! Para malaman ang lagay mo! Dahil kahit ilang beses kong itanggi, miss na miss na kita! G-gusto ko nang b-balikan ka p-pero ayaw mo na..."

"I was all alone, Troy," sumbat ko. "K-kahit na nandyan si Vina at Ate Myrna, tangina, h-hinahanap ka ng puso ko araw-araw... pero laging bumabalik sa akin na iniwan mo lang ako! N-nung gabing 'yon, t-tumakbo ako sa kakahuyan k-kahit pinapatay ako ng sakit ng katawan at utak ko kasi alam ko, pag-uwi ko, okay lang! K-kasi nand'yan ka naman," dire-diretsong saad ko.

"S-sorry, I'm sorry... I'm sorry..."

"Pero wala! D-dalawang buwan ako sa hospital, T-Troy, pero kahit isang beses, hindi ko nakita ang anino mo!" paos na sigaw ko. "T-tapos pagbalik ko, mula sa trauma, mula sa p-pagkamatay ng anak ko, u-umalis ka rin. 'Yung dahilan kung bakit pinilit kong mabuhay, s-sinumbatan lang ako, n-nilayasan lang ako..."

Humarap ako sa kanya. Parehas na basa ng luha ang mga mata namin.

"P-pero hindi kita magawang sisihin, hindi ko magawang m-magalit... k-kasi mahal kita. M-mahal na mahal kita, T-Troy. Sa g-gitna ng pagsuko ko, i-ikaw ang pag-asa ko."

He looked at me and with the glistening tears, he rested his forehead on me.

"M-mahal na mahal kita, Chin. U-umalis ako. dahil nasa isip ko na b-baka mas masaya ka s-sa kanya. N-na baka masyado kitang kinukulong..." he cried. "N-natakot ako na baka sa tindi ng pagmamahal ko sayo, nasasakal na kita..."

I closed my eyes and feel our closeness. Mabigat ang paghinga naming dalawa pero dahil sa nailabas kong sama ng loob, para akong bagong tao ngayon. The weights I've been carrying for years have been lifted up.

"All I need that time was you. Kasi anak natin 'yon... kasi girlfriend mo 'ko... bakit mo inabot ang lahat nang hindi ako k-kasama?" bulong ko.

"K-kasama kita, Chin. Sa lahat. D-dinala kita sa puso ko. Ikaw ang rason kung b-bakit ako nandito ngayon... at ikaw ang rason kung bakit ako magpapatuloy."

He held the back of my head and pressed it on his chest. It was a magical moment. Kulang pero alam kong sapat na. Parang may nahilom na sugat sa puso ko.

"Mag-usap tayo ulit bukas. G-gabi na. M-magpahinga ka na," he said softly before opening the door of my bedroom.

Naramdaman ko ang paninigas niya ngunit lalo ko lang idiniin ang mukha ko sa dibdib niya. I feel so safe in his arms.

"C-Chin..." nangatal ang boses niya.

"Hmm?"

Nagulat ako nang bigla na naman siyang umiyak. Tumingin ako sa tinitingnan niya at nakita ang lubid at upuan doon. He tried to stifle his cries but it was too intense and loud. Napayuko lang ako, biglang tinamaan ng hiya sa mga naiisip.

Yes, Troy. I planned to kill myself. Do you see how broken I am?

"H-hindi pwede, a-ayoko... wag ganito..." paulit-ulit na wika niya. "A-ako dapat ang parusahan mo, C-Chin... hindi ikaw..."

Hinawakan niya ang slit ng dress ko at napasinghap ako nang mabilis niyang punitin iyon. Natanggal ang dress sa katawan ko ngunit hindi siya nakuntento at sinira pa 'to nang tuluyan.

"Troy! S-stop!" sigaw ko.

"No! Hindi ka aalis! Hindi ka magpapakamatay, Chin! Igaganti kita sa lahat ng nanakit sa'yo! Kahit sa sarili ko! Basta wag kang aalis!" baritonong sigaw niya. "H-hindi ka pwedeng umalis! H-hindi! A-ayoko! H-hindi pwede!"

Matapos 'yon ay nagtungo siya sa upuan at walang habas na sinira 'yon. He's like a huge wave penetrating the tiny sea animals. Hinigit niya nang sobrang lakas ang lubid hanggang ang pinaka-pinagkakabitan no'n ay natanggal din.

Pinanood ko lang siya habang niyayakap ang sarili na wala nang ibang suot kung hindi ang underwear ko. Mabigat ang bawat paghinga niya habang pulang-pula ang mata sa galit.

Pumungay lang ang mga ito nang matapos siya sa ginagawa at binalingan ako. He picked up the blanket and walked towards me. Iniikot niya 'yon sa akin habang nangangatal ang mga kamay.

"T-Troy..."

His jaw moved aggressively. "G-galit ako, Chin." Huminga siya nang malalim ngunit isang luha na naman ang tumulo sa pisngi niya. "Galit na galit ako sa sarili k-ko... na nasaktan kita nang ganito."

Matagal niya akong tinitigan.

Napatili ako nang binuhat niya ako ngunit mabilis lang naman 'yon dahil inilapag niya rin ako agad sa kama. Pumunta siya sa cabinet ko at kumuha roon ng sweater at pajama.

"B-bibihisan kita. Hindi ka p-pwedeng magsuot no'n." Nahimigan ko ang takot sa boses niya kaya sumunod na lang ako sa gusto niyang mangyari.

"H-hindi naman... natuloy," anas ko na parang magpapagaan 'yon ng loob niya.

Para siyang bulkan na biglang sumabog. "Kahit pa! Paano kung hindi ako pumunta ngayon?! Anong nangyari?!"

"Kasi ayoko na, Troy! Sukong-suko na ako! Kaya bakit pa?!" ganti ko na rin. "Matapos lahat ng nangyari sa akin, tingin mo ba, ganoon ako katibay, ha?! G-gusto ko nang mamatay, Troy! G-gusto ko nang samahan ang anak natin do'n! Dahil, putangina, pagod na pagod na talaga ako..."

Hinawakan niya ang baba ko at siniil ako ng mariing halik. Mabilis na napakapit ako sa bedsheet dahil sa lakas ng impact noon. Nakaupo ako sa dulo ng kama habang siya ay nakayuko sa akin. I responded to his kisses with the same level of intensity until I felt his tongue seeking for the entrance of my mouth. I freely gave him the full access to it and I felt him suckling my lower lip before letting me go, chest heaving.

"Don't even say that again," he said, panting. "W-we'll visit your psychiatrist... hinding hindi kita iiwan..."

My lips parted as I nodded.

"We should rest, I know your head is hurting," he whispered before fixing me in the bed. Binihisan niya ako at ibinalot ang kumot sa akin. "But... d-do you want me to call KFC? Do you want to eat something, hmm?" malambing na saad niya kahit halata sa boses niya ang papalapit na naman na pag-iyak.

I shook my head.

"H-hindi ako aalis. P-pwede ba? Kahit sa couch lang ako..."

Bumuntong-hininga siya nang tumango ako. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay ko at muling tumulo ang luha niya nang makita ang laslas ko. Akala ko ay may sasabihin siya ngunit pinatakan niya lang ng halik ang noo ko.

"I don't know what it felt like... but I don't want you to die. I feel terrible that you're hurting like this. P-please, talk to me, hmm? P-pag masakit o p-pag hindi mo na kaya, I'm here... I'm sorry for being gone for years... but I promise to never leave you again. I'm sorry for everything you've been through... without me."

Bumibigat na ang talukap ng mata ko dahil sa pag-iyak kanina ngunit nilalabanan ko ang antok dahil baka paggising ko, panaginip lang pala lahat ng 'to.

"T-Troy..." I called him.

He gazed at me with longing and a faint of love.

"T-thank you... for saving me again."

Umiling siya. "No, thank you for staying alive." Muli niyang hinalikan ang noo ko. "Sleep now, baby. I will not leave you."

I closed my eyes. I love him so much but I don't think I'm ready to fully commit to him again. Still, I let myself sleep and have the rest that I deserve.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro